Ikatatlumpo't Anim na Kabanata
Ikatatlumpo't Anim na Kabanata: Grandmother
Tulala ako habang nakaupo sa loob ng tub, tinititigana ng bula. Nasa loob na ako ng common bath at pabalik balik sa isipan ko si Isaiah dahil sa huling nakita sa kuwarto. Habang tumatakbo sa isipan ko ang buong nangyari kanina, hindi pa rin ako makapaniwala. Magmula sa simula hanggang ngayon.
Parang sobrang bilis ng nangyari. Sa isang kurap lang, naghahabulan kami sa corridor ng hotel. Nag-uunahan kung sino ang unang makakarating sa tapat ng pintuan.
Napagtanto ko ang nangyari kanina noong papunta kami sa opisina ng airline. Kasama ko si Jeremy. At noong tingnan ko ang cellphone kanina, wala akong mensahe na natanggap mula sa kaniya. Did he know about this? Was he manipulated by Isaiah's hands? I'd like to think that way but I realized that it will be too much for that boastful beast.
Ano na lang ang iisipin ng asawa niya? Pero sa bagay, hambog nga ang lalaking ito. Ano na lang ang silbi ng kaniyang mga nakuha sa buhay kung hindi nga naman niya gagamitin. Nakasalalay ang anak niya. Pero desperado na lang siguro ang gagawa ng ganoong bagay.
Magtatagal pa sana ako sa loob ng banyo kaya lang narinig ko ang pagkalampang ng mga plato sa kusina. Tapos na siguro sa pagluluto si Jenine kaya bumangon na ako nagbanlaw. Sa loob na rin ako nagbihis. Isang simpleng T-shirt lang at shorts ang kinuha. At dahil hindi ko nadala ang blower, pinulupot ko nalang ang twalyang dala.
"Lumabas na ba?" tanong ko agad kay Jenine pagbukas ko ng pinto.
Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga gamit sa round glass table ng suite. Pang-apatan lang iyon, hindi gaano kalaki.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Napatingin pa siya sa living area kung saan naroon ang puntuan ng kuwarto namin bago umiling.
"Hindi pa po, ma'am. Wala naman akong napansin." Sagot niya.
Tumango agad ako at nagdesisyon na tumulong na lang muna sa kaniya. Hindi na muna ako mang-iistorbo sa mag-ama. It's his first time seeing his son. So it's understandable why he's making most of him to be with Paul.
Ano nalang kaya ang iisipin ng asawa ng lalaking ito? Sa naisip kong iyon, napagtanto ko na isa iyons a mga bagay na kailangan naming pag-usapan mamaya. I have an image to protect. Paniguradong kapag malaman ng masa ang tungkol dito, magiging isa itong malaking eskandalo. Knowing he's family. And for sure, Isaiah is known now. Bukod lang sa pagiging Maderal niya.
Natapos kami agad sa paghahanda. Ang mga plato ng suite ang ginamit namin. Hindi na ako nag-abalang mag-isip kung pinalagyan ba ito ni papa ng kumplentong gamit.
Somehow, the familiar plating scenery made me realize that this is our usual set-up whenever my friends come by to my unit. Nagkaroon naman ako ng mga kaibigan sa States sa ilang taong pagbubuo ng sariling pangalan. Some of them are famous performers.
Nakayuko ako at pinapatuyo ang buhok gamit ang twalya nang naisip kong tawagin si Isaiah. Tinapos ko muna ang pagpapatuyo at nang makuntento, naglakad ako papuntang living diretso sa tapat ng pinto ng kuwarto.
Nakahawak na ang kamay ko sa seradura nang nagdalawang isip ako. Pero tinuloy ko parin sa huli at sumilip muna bago tuluyang pumasok sa loob.
I saw Isaiah on his white shirt and cotton cream shorts is lying sideways facing my still sleeping son. Naka-suporta ang kaniyang kaliwang kamay sa ulo at ang isa naman ay nakita kong nakaibabaw sa may braso ng anak. Sandali siyang tumingin sa akin. Nakatayo naman ako at hindi alam ang gagawin. Nang binalik niya ang atensyon sa anak, naglakad ako papasok sa closet.
Nakita ko agad ang kaniyang puting dress shirt na suot niya kanina nang tuluyan na akong nakapasok sa loob. Nasa tabi iyon ng aking mga damit na maayos na nakatupi sa loob ng isang semi cubicle stand ng closet. Magulo ang kaniyang damit at halatang nilagay niya lang talaga ng walang pakealam sa ayos.
Pinasadahan ko tuloy ng tingin ang mga damit ko sa closet. Pumasok pa talaga siya rito para ilagay lang ito? Puwede naman sa may desk na lang.
I sighed and had no idea why I decided to fold his clothes. Bumalik pa ako sa pinto ng closet para maisarado ang pinto dahil naisipang gamiting ang blower. Baka magising ang anak sa ingay.
Natapos ako at muling binuksan ang pinto.
I saw Isaiah's back move. Nakatingin na ako sa kaniya kaya nang tuluyan siyang naka-ikot para siguro ay tingnan ako, diretsong nagtama ang aming mga tingin. Sa gulat ko, medyo nagtagal ang pagtitig ko. At marahil ay ganoon din siya. I had to look down to the floor to finally be able to remember what I have to say.
Medyo umayos siya sa pagkakahiga pagbalik ng tingin ko sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin.
Tinuro ko ang pintuan na sinarado ko pagpasok ko.
"Dito ka na lang magtanghalian," sabi ko pero sa likod ng kalmado kong boses ay ang kaba dahil sa mga titig niya.
Mas nadagdagan pa iyon nang hindi siya sumagot. Nanatili ang tingin niya sa akin. At dahil kabadong kabado, hindi ko man lang naisip na bawiin ang tingin ko. Gusto kong kurutin ang sarili ko. What are you thinking Katherine!
But as my gaze stayed on his, I got the chance to fully stare on his eyes. Discerning how they did not change at all—the same cold-eyes, still, full of intimidation, and the origin of my son's glares.
Siya ang unang tumango nang siguro ay matauhan. Tumango rin ako at nagkaroon ng pagkakataon na mag-iwas ng tingin. Pero muli ay nagkaroon na naman kami ng nakakabinging katahimikan.
Gusto kong lumabas na para maibsan ang nararamdaman. Ngunit parang may humihila sa akin. Parang noon lang, takot pa ako sa kaniya. Iniiwasan ko pa siyang makita. And for the past years, now that we're here, feels like almost the same. And I was looking forward for something foreign between us now.
Binalik ko ang tingin sa kaniya, hinahanapan ng kung ano sa mga mata niya.
I'd like to assume that he's sensing the same thing as I do. Even if it means delusion. Pero wala akong nakita.
Malamang Katherine naninibago lang siya. Sa tagal ba naman ninyong hindi nagkita!
"Lalabas na ako," wala sa sarili kong paalam.
Kinailangan ko pang magmura sa dulo pero ayaw kong may marinig ang anak ko. Mabilis magising ang anak kaya ayaw kong may mag-ingay. Mabuti na itong katahimikan lang ang nangunguna sa amin.
Tinuro ko ang pintuan dahil hiyang-hiya sa mga tumatakbo sa isipan.
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang biglang gumalaw si Isaiah. Bumangon sa pagkakatihaya.
"Susunod ako sa 'yo," he suddenly said with his deep voice.
Wala ako sa sariling pinanood ang kaniyang pagbangon.
Nang tuluyan na siyang nakatayo, his massive built immediately made the whole room tiny. Kinailangan ko pang kurutin ang sarili para ipaalalang lalabas na ako. Pero sumasalungat ang aking mga mata.
Umangat ang kaniyang dalawang kilay nang mapansin ang pagsunod ng tingin ko.
"M-mauna ka na lang muna,"
Binawi ko ang tingin at binagsak sa kama. Nakita kong gumagalaw ang comforter. Hindi niya iyon napansin kaya umatras ako para bigyan siya ng daan. Ramdam ko ang kaniyang pagtataka sa ginawa ko. Nasa may pintaun ako ng walk-in closet nang ituro ko ang anak.
"Mauna kana sa labas. Magpapaalam lang ako kay Paul," sabi ko sa kaniya.
Paul on the bed was already moving. The comforter is now moving visibly.
"Mommy?" si Paul na nagising na nga.
Pareho na kaming nakatingin sa kaniya. Paul looked at me immediately.
Lumapit agad ako at umupo sa tabi ng kaniyang ama. Isaiah remained standing just beside me. Hinawakan ko agad ang pisngi ng anak bago nito mapansin ang lalaki na katabi.
"We'll be having our lunch now. You wanna join us?" bulong ko nang halikan ang pisngi niya.
Naramdam kong bumigat ang comforter sa likod. Agad ko namang naramdam ang init ng katawan ni Isaiah. Pagkatapos ay naramdaman kong tumama ang siko niya sa may gilid ng hita ko dahil sa pagdiin niya para sa suporta. He leaned closer so he could kiss Paul's rosy cheeks, too.
Paul's eyes drew then to him.
"Sama ka?" si Isaiah naman.
"Hindi pa gaanong nagtatagalog si Paul. He might not understand you," puna ko.
"Hmm?" nilingon niya ako, hindi pa nilalayo ang ulo sa anak. Mabilis din siyang tumango at binalik ang atensyon kay Paul. He tried conversing with him again.
Hinayaan ko siya.
Ako naman ay busog na busog ang mga mata lalo na ngayong nasa tabi ko lang siya. And my head is flying because of his legs behind me reaching my back. Parang may hatid itong kakaibang sensasyon ngayon.
"Are you going to eat with us, papa?" natauhan ako nang marinig iyon sa anak ko.
"Papa will stay for a..." I paused when I realized I snatched Isaiah's opportunity. Hindi niya naman ako pinansin at hinayaang ipagpatuloy ang sasabihin. "Papa will be staying for a little while, baby. He's gonna have his lunch with us."
"Really?!" Lumiwanag ang kaniyang mukha.
Nakita ko naman na muling hinalikan ni Isaiah ang kaniyang mukha. Pagkatapos ay tumango at bumangon na sa likod ko
"Gather yourself now," dagdag ko. Tumayo na rin.
Nanatili ako sa puwesto para hintaying ang tuluyan niyang pagbangon. Isaiah's open arms reached to carry him. Ngiting-ngiti pa ako dahil sa pagiging bibo ulit ng anak.
"No, papa! I am a grown up already, papa. I can do this my own." My son insisted.
Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Paul.
Hindi ko napansin na biglang nasa akin na pala ang tingin ni Isaiah.
I only shrugged because I have nothing to argue with.
Siguro ay nakasanayan ko na rin na hindi nagpapabuhat ang anak sa loob ng condo kaya wala akong reklamo. Maybe Paul got used to it while I'm always at work. Pero hindi ko na sinabi sa kaniya ang huling naisip dahil baka ano pa ang isipin ni Isaiah.
Bumalik ang atensyon ko sa pababa na ngayon anak. Pareho na naming pinanood ni Isaiah si Paul habang bumababa. When his toes failed to reach the floor, Isaiah was fast enough to reach his little body and guided him to the tiled floor. Hindi na rin umangal ang anak.
"Paul can be a bit tough sometimes," sabi ko sa kaniya nang dumiretso ang anak palabas ng kuwarto. "Gusto niya rin minsan na nasusunod ang gusto niya kaya hinahayaan ko nalang. We always guide him naman."
Hindi lumingon sa akin si Isaiah pero nakita kong tumatango.
Our lunch was full of ease. Si Paul ay ninanamnam ang kaniyang ama at ganoon naman si Isaiah. He even had his chair beside Paul to easily reach for him. Kahit na hindi naman na iyon kailangan dahil maliit lang naman ang mesa. Kaya sa hapag, ay maingay ang dalawa. Si Jenine naman ay tahimik nakumakain habang pinapanood si Paul na nagpapabilib kay Isaiah.
Nakikinig lang naman ako sa kanila.
"I can do my own bath now, papa! And at night, whenever Mommy's still in her work, I can sleep alone in our room!"
"You're Mommy leaves you for work?"
I can sense Isaiah's shock through his sudden change of tone.
Napatingin ako sa banda niya. Nakayuko siya at tuon na tuon ang atensyon sa anak. At ang anak ko naman ay tumatango at nagpapatuloy lang sa pagkukuwento.
"She always leaves at night. But I understand because that is how she makes money for us."
"Really, huh?" Nag-angat ng tingin sa akin si Isaiah.
Hindi naman ako nakabuo ng sariling depensa nang makita ang talim ng tingin niya. Binalik niya agad ang atensyon sa bata bago pa man ako makapagsalita. At talagang tinatanong nito sa anak ko ang naging buhay namin doon. Na sinasagot naman ng inosente kong anak.
"Did Mommy have many men with her when where you were?"
Halos mabilaukan ako sa tanong ni Isaiah na iyon. Bumaba agad ang tingin ko sa kaniya. Diretso pa rin ang tingin niya sa anak kaya hindi niya napansin ang pagbaling ko. At ang anak ko naman ay tumango pa talaga para kumpirmahin ang tanong nito.
I almost shifted my seat to stop him from talking. I know my son is thinking the other way.
Ano ba itong pinagtatatanong ni Isaiaah sa kaniya?
"Yes, papa. And she still does. Mommy even invites them to our home. They will sing then after that we play together." Tumitingin sa akin si Paul habang sinasabi niya iyon.
"Ang tinutukoy ni Paul ay ang mga composers na nakakatrabaho ko. Don't worry. I did not want him seeing things he shouldn't know yet." Pagtatama ko agad.
Umangat ang tingin ni Isaiah at nakita kong may kung anong kahulugan ang iniisip niya. Sandali lang kaming nagkatinginan dahil nagsalita agad ang anak.
"They also give me so many toys. And many, many books! Mostly, papa, are the coloring ones."
Bago pa man humaba ang kanilang usapan, tumayo na ako at kinuha ko na ang plato ni Paul na may kaunting bakas ng pinagkainan. Tinulungan ko na rin ang kasama sa paglilinis. At mabuti na rin dahil agad nawala ang mag-ama sa kusina. Pero ilang sandali ay nakita ko silang mag-ama na papasok ng common bath. Hinayaan ko na ang dalawa. Alam kong alam naman ni Paul ang mga ginagawa niya. Puwede niya na lang ituro sa ama kung sakaling magpapatulong siya.
Hindi ko na sinilip sila nang matapos ako sa pagliligpit at nagpaalam kay Jenine nang magdesisyong kunin muna ang cellphone sa kuwarto. Ngayon ko lang napagtanto na kailangan kong mag-text kay Jeremy na nandito na ako sa hotel. Baka sakali na mali ang iniisip ko, at least, nakapagpaalam ako.
Kasunod kong binuksan ang mensahe namin ni Ate Zydda nang maalala ang pinaka-sadya ko talaga rito. Hindi kaagad nagreply si Jeremy kaya iyon muna ang ginawa ko. Agad akong nagtipa ng text at pinindot ang send pagkatapos.
Nothing came in after few minutes of waiting. Natapos na lang din si Paul sa pagligo niya ay ganoon pa rin. Kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa social media habang wala pang ginagawa.
Until now, Paul still throws so many questions to Isaiah. Naririnig ko kasi itong may pinapaliwanag ngayon sa bata habang nasa loob sila ng walk-in closet. Doon ko tinuro kay Isaiah nang magpresintang siya na lang ang magdadamit sa anak. Tinigil ko pa ang pags-scroll para marinig lang ng maayos ang sinasabi nito.
"Papa works under a huge company. It's an Empire owned by your lolo, my father. If ever, your—"
"An Empire? Can I go there, too, papa?"
I heard Isaiah laugh heartily. "Of course you can! But first, papa has to let his family know about you. They'll be—"
"Family?"
At muling nagkaroon ng panibagong usapan ang dalawa. At mukhang nagi-enjoy naman ang isa sa pakikipag-usap. But they had to stop after I called Isaiah when his phone started ringing on the bedside table. Inangat ko pa ang katawan para silipin ang pangalan lumalabas sa kaniyang screen. Hindi pamilyar sa akin nang makita ko pangalan. Pang lalaki ang lumalabas doon kaya hindi na ako nang-usisa at agad na tinawag siya.
They were on the living room watching something when that happened. Nakatayo na ako galing sa pagkakahiga.
Pagpasok nito sa kuwarto, nagkatinginan kaming dalawa. Una akong bumawi para ituro ang cellphone niya.
"Thank you," kaswal na sinabi nito.
Hindi na ako sumagot at lumabas na lang muna para bigyan siya ng privacy. Pero bago tuluyang makalabas, narinig ko ang mga una niyang sinabi sa kausap.
"Hey, Henry... I'm in an important situation right now."
Agad naman akong binati ng pamilyar na tunog, nasa hamba pa lang ako, hindi pa tuluyang nakakapasok ng living room. Bumilis agad ang mga hakbang ko at dumireto ang tingin ko sa TV.
Nanlaki ang mata nang makita kung ano ang pinapanood ng mag-ama.
"Mommy, we're watching you on TV!"
"Where did you get them?" lito kong tanong, hindi inaalis ang tingin sa telebisyon.
It's one of my live performances from this year's fashion show. From a starter designer. But the guests were prominent as I can remember them vividly. Mayroon pa ngang cranes na kagaya nitong may mga magaandang high angle na kuha.
"It's youtube, mommy,"
Did Isaiah showed this? Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa buong live performances na ginawa. Bakit ba ganito ang pinapakita niya? Imbes na ilipat, hinayaan ko nalang na iplay iyon. Mukhang gusto rin namang manood ng anak.
Videos of my live performances continued playing. Medyo nalibang na rin ako sa panonood nang biglang lumabas si Isaiah. Binubutones niya ang kaniyang dress shirt gamit ang isang kamay nang magkatinginan kami. Then his gaze flew to our son siiting beside me. Humilig siya para tingnan ang pinapanood namin kaya nakita ko ang cellphone niya sa tainga.
"Okay, I'm going there right now." Narinig kong bulong nito bago tuluyang binaba ang cellphone.
Diretso ang yuko niya sa anak.
"Papa has to go now."
Lumingon ako sa kaniya. Tumama ang braso nito sa tagiliran ko nang bumaba siya para mahalikan si Paul sa pisngi. Iyon naman ang senyales sa akin para tumayo.
Dumiretso ako sa pintuan para maihatid siya kahit papaano. At puwede na ring kausapin ko siya habang pababa kami sa elevator.
Nasa pintuan na ako nang lingunin ko ulit ang mag-ama. Tumatango si Isaiah dahil siguro sa kung anong binubulong sa kaniya ni Paul. Hindi ko na gaanong narinig dahil sa ingay ng TV. Hindi naman iyon nagtagal at tulumayo si Isaiah at nagkaharap kami.
Agad kong binuksan ang pintuan. Hinintay ko muna siyang makalabas bago ako sumunod.
Bumaling pa siya nang nakita akong lumabas din kasunod niya.
"We have to talk regarding our situation." Inunahan ko na.
Nagsimula na kaming maglakad patungong elevator.
"I'll be back later. We can talk about that later."
"Babalik ka pa ba?"
"Why? You seemed shocked."
Bumaling ako para makita ang mukha niya.
"H-how about your family, then?"
"Kuya knows I have a son already. From you," bumaba ang tingin niya para tingnan naman ako.
Nahulog ang panga ko pero nakabawi.
"No, I mean your family. Your w-wife,"
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
"What do you mean 'your wife'?"
"'Di ba nag-asawa ka na?" wala sa sarili kong naitanong.
Napangiti siya. "I don't have one. Don't you worry? Or at least you want me to be your husband if you want me to have one."
Hindi ako nakapagsalita.
Medyo natahimik muna ako habang naghihintay na kami ng elevator. Sasamahan ko siya pababa. May kailangan pa akong itanong sa kaniya ngunit nakawala lang kaya hahagilapin ko muna. Hindi tumagal ay dumating na ang elevator. Una niya akong pinapasok pagkatapos ay sumunod siya. Wala sa sarili ko pang pinindot ang basement nang may maalala ako.
Nag-angat muli ako ng tingin sa kaniya.
He's eyes were already watching me. I caught him before he realized it. Huli na ng bawiin niya ang kaniyang tingin.
"I don't want Paul to be involved in whatever flaws our relationship had before. Kung ano ang mayroon sa pagitan ng iyon pamilya sa akin. And if it will be too much, I'm going to protect him from the rage of your grandmother."
Tumagal ang titigan namin. He's memorizing every line of my face. I concluded that based from how his eyes move in front of me. Pero tumikhim din siya para magsalita.
"One of my assistant called. Nasa building daw sina lolo."
"D-dito?"
Umiling siya.
"They're looking for me. And... for my son."
Unti-unti ang paglaki ng mga mata ko. Kasabay rin ng pagbulusok ng kaba, hindi ko napigilan ang pagkahulog rin ang panga.
"I have to talk to them. That's why I'm going."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top