Ikasiyam na Kabanata

Ikasiyam na Kabanata: Tinitingnan


Agad kong binitawan ang dalang tropeyong napanalunan kanina matapos kong masarado ang pinto. Hindi ko kanina alintana na dala-dala ko parin pala ang lamig ng hangin ng gabi. Ngayon lang na nasa loob na ako ng kuwarto. I can feel it burying itself to catch the insides of my body.

Ni-lock ko ang pinto matapos kong kumuha ng damit mula sa tukador. Wala pa ang tukador na dala namin kaya medyo may luwag ang kuwarto. Balak ko rin sanang maligo sa labas kaya lang marami ang mga lalaki. Matapos kong magbihis, pinihit ko ulit ang pinto para mawala sa pagkaka-lock pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama.

Bumaling ako sa pinto dahil sa paglalaro ng iniisip.

After their sudden laughter earlier, it subsided immediately. Baka nagbubulungan na sila dahil alam nilang narito na kami? Ako. Hindi ko alam kung pinag-uusapan nila ang nangyari sa amin noon. Bumalik sa isip ko ang tingin nila kanina. Paniguradong tatanungin nila si Isaiah kung bakit ako narito sa kanila.

I remembered Madame Lucille. Her allowing us to stay here, mukhang hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari noon. My doubts remained after waking up the next morning. Kasabay noon ang gutom dahil hindi pala ako nakapaghapunan kagabi.

Hindi kaagad ako bumangon at hinanap lang ang cellphone sa ilalim ng unan. Maliwanag na ang araw. Pumapasok sa bintana ang liwanag nito.

Lumalim ang pagkapa ko sa ilalim ng unan. Tumalon ang puso ko dahil wala akong nakapang cellphone ngunit nang maalalang nasa bag pala ito, agad din itong kumalma. Bumangon ako at huminga ng malalim. Sandali lang ang pinanatili ko bago tumayo para kunin ito sa bag na nasa tabi ng tropeyo kagabi.

Nahanap ko agad ang cellphone. Dead batt na ito nang tingnan ko kaya kumuha ako ng charger. Nasa pagbabasa na ako ng mga texts nang may kumatok sa pinto. Agad ding nagsalita ang nasa likod nito.

"Katherine? Halika na't mag-amusal na. Narito na si Ronald sa mesa," boses iyon ni Manang Dessa.

Dahil sa sinabi ni manang, lumipad ang tingin ko sa bakanteng higaan ng kapatid bago tuluyang sumagot.

"Opo, Manang. Sandali lang po," sabi ko. Hindi ko na binasa ang lahat ng texts at binaba na ang cellphone sa gilid.

Bago lumabas, tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. I fixed my hair and remove some dirt I saw on my face before heading to the door.

I'm wearing my short-shorts under a long white old shirt. Everyone stopped to look at me when they noticed my figure. Agad akong nahiya nang mapansin ang mga bisita. Dalawa nalang sila, si Adonnis at ang katabi nitong may pagkahawig sa kaniya. Lumagpas kay Manang Dessa ang tingin ko nang napalingon sa akin ang lalaking kahawig ni Adonnis.

Napansin din agad ako ni Manang Dessa.

"Halika na!" Kumaway siya.

Naglakad ako palapit. Inisip ko nalang na walang mga bisita rito. Nakalapit naman ako sa kaniya.

"Anong oras ka nakarating kagabi? Hindi na kita naabutan dahil napagod ako masyado,"

Lahat sila ay nakaupo na. Ako at si Manang Dessa na napatayo lang nang nakita ako ang nakatayo. Napansin ko agad ang bilang ng mga panauhin. Bago ko pinansin ang sinabi niya, hinanap ko ang mga kasambahay na hindi kasama sa hapag.

"Mga alas nuebe na yata iyon, Manang." Bumalik ang tingin ko sa kaniya. " Pasensya na rin po dahil hindi ko napansin ang oras ng pag-uwi."

"Mabuti may nasakyan ka pa?"

Tumango ako.

"Mayroon naman pong mga nakaabang sa labas ng convention," sagot ko habang hinihila ang isang upuan. Umupo ako pagkatapos.

Katabi ko si Ronald. Sa tabi niya ay si Adonnis at ang isa pa. Sa harap ko naman ay si Analyn at katabi nito si ay si Isaiah. After that, bakante na ang ibang upuan.

Tinulungan ako ni Manang na maabot ang kanin at ulam. Kumuha naman kaagad ako. Kumukuha na ako ng hotdog nang napansin ang pagsunod ng tingin ni Isaiah. Pinagpatuloy ko ang pagkuha at nang makuntento, dumapo ang tingin ko sa kaniya. Agad naman niyang binaba ang tingin sa pagkain.

"Ay, oo nga pala, heto pala ang mga pinsan ni Isaiah!" Parang mahalagang bisita, tinuro ni Manang Dessa ang dalawang katabi ni Ronald. "Ito si Adon at si Ragnar naman ang nasa tabi nito. Si Ragnar ang nakakatanda sa dalawa," masayang pagpapakilala niya.

Unang tinuro ni Manang si Adonnis at kasunod ay ang lalaking kahawig nito. Mga pinsan pala sila ni Isaiah! Kahit na nagulat, hindi ko iyon pinahalata. Kaya siguro malalim ang tingin noong isang nakaktanda dahil magpinsan pala sila.

"Sila ang mga anak ni Aurelius." Dagdag ni Manang.

Tumango naman ako dahil kilala ko ang tinutukoy niya bilang nakatatandang kapatid ng Madame Lucille.

I smiled to them but it was actually for Adonnis only. Siya lang ang kilala ko talaga dahil sa pagiging schoolmates namin noong high school dito. Wala naman kaming iinteraksyon noon ngunit kilala siya dahil kagaya ng mga Maderal, mayaman ang pamilya nila. I'm not sure if they own half of Bonifacio. Butif I'm wrong, I shouldn't be mistaken that huge part of the land is theirs.

Naging tahimik kaming lahat habang kumakain. Pabalik-balik din ang mga kasambahay sa paglalagay ng tubig sa mga baso. Habang ginagawa nila iyon, nakikita ko ang malaking agwat namin sa pamumuhay nila.

Naparito lang naman ako dahil kay Manang Dessa. Kung hindi dahil sa kaniya, marahil, isa rin ako sa mga serbidora. Ngunit may kung anong umiikot sa puso ko. Alam kong hindi ito dapat. Malayong malayo ako sa kanila. Kaya nang matapos kami, muli akong nagpresintang tutulong sa kanila.

"Kami na lang nito," sabi sa akin ni Janet nang ligpitin ko ang pinagkainan ko. Bumubulong din siya nang sabihin niya ito.

"Ako na lang, Janet," giit ko.

Nasa kinauupan pa rin sina Isaiah at ang dalawang bisita dahilan upang maagaw namin ang atensyon nila.

"Let them do their job, Katherine," baritonong saway ni Isaiah sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Like the usual, his eyes are dark and sharp. May naglalarong pagbabanta rin sa mukha niya.

"Ako na lang nito," yumuko si Janet nang kunin niya sa akin ang plato.

Something boiled in my heart. Is it guilt? Napatingin ako kay Manang na nakatingin sa akin habang ang kaniyang mukha ay nagsasabing ayos lang iyon. Binalik ko ang tingin kay Isaiah na binalik na ang atensyon sa pakikipag-usap sa mga pinsan niya.

"Kukuha lang po ako ng tubig, Manang," I said then stepped out from the dining.

Nauna nang natapos kanina si Analyn dahil may gagawin daw siya.

Hindi na ako pinatulong sa gawain. Hindi na rin ako nagpumilit sa gusto kong gawin. Bumalik ako sa kuwarto pagkatapos ay inabala ang sarili sa cellphone. May bagong text sa akin si Ate Zydda. Binuksan ko iyon at matapos kong mabasa ang sinabi niya, nagkaroon ako ng interes.

Ate Zydda:

Magkita tayo mamaya! May bago na naman akong raket para sayo na kanina ko lang nakita!

Alas nuebe y media nang natapos ako sa pagbibihis. Dahil hindi ako ngayon pupunta sa eskuwela, panglakad na jeans at pulang damit na may print ang sinuot ko matapos kong maligo. Papasok si Manang galing hardin nang maabutan niya akong kalalabas lang ng banyo.

"Aalis ka?" agad na bungad niya.

"May pupuntahan lang po ako sa Burauen," sagot ko sa kaniya.

Napabaling siya sa kaniyang kanan kung nasaan ang dining patungong living.

"Pupunta roon sina Isaiah."

Agad akong umiling.

"Hindi na po! Mag-cocommute na lang ako,"

"Para mas madali nalang sa iyo ang pagpunta mo."

"Ayos lang talaga, Manang. Baka matagalan din kasi ako ngayon,"

"Ganoon ba?"

Umalis ako ng bahay nang hindi sumasakay sa SUV nila. Paglabas ng street ay real kaagad kaya marami ang dumadaang namamasada galing sa kabilang bayan papuntang Burauen. Ilang minuto lang ang inantay ko bago tuluyang nilipad ng hangina ang buhok nang nakasakay na ng tricycle.

Binuksan ko rin ang cellphone para muling matext si Ate Zydda na papunta na ako. Nagreply din agad siya kung saan kami magkikita.

Sa labas ng isang food spot, nakita ko agad ang likod niya. Nakasuot siya ng isang hapit na damit. Balingkinitan ang kaniyang katawan at ang unat na itim na buhok ay natural tingnan sa pagkakalugay nito.

Umakyat kaagad ako sa tatlong hagdan ng food spot pagkababa ko sa trycicle. The food spot is surrounded with bars and its only entrance is situated at the center, making it more like a mini-restaurant even if it is just a food spot.

Umikot ako nang tuluyang makapasok. Sumilay agad ang ngiti ni Ate nang nakita ako.

"Sa 'yo na ito," aniya at tinulak sa akin ang burger na kaniyang binili.

Tinaggap ko iyon nang naupo na ako.

Our age difference is eight years. Pero hindi iyon halata sa pagiging masiyahin niya. Kung tutuosin, nagmumukha nga lang kaming magka-edad na dalawa.

"Nakita ko kanina ang Singing Idol na poster sa tapat ng Municipal Hall,"

Gumalaw ang mata ko para tingnan siya. My attention was diverted to the poster she's referring.

"Hindi pa naman ngayon, pero go ka ba?"

"Oo naman, ate! Hindi naman iyan iba sa mga nasalihan natin, e,"

"Anong hindi? Iba ito! Hindi ito pambaranggayan lang!"

"Hindi nga. Pero parang ganoon na rin iyon."

Ngumiti siya. Isang ngiti na alam mong may kung anong nasa isip.

Humaba pa ang usapan namin sa loob ng food spot. Doon na rin kami kumain at nilibre na ako ni Ate nang binibenta nilang fried rice nang inabot kami ng tanghali. Humaba ang usapan namin dahil dumudugtong-dugtong na ang mga pinaplano niya.

Sinabi niya na ang sa syudad gaganapin ang contest na ito. Pero may proseso raw ang pagsali. Hindi tiyak ni Ate Zydda kung ano ang prosesong iyon kaya nanghula siya ng mga kung anu-ano.

"Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Biglang nag-iba ang tono ni Ate Zydda.

Nasa likod ko ang tingin niya kaya napalingon ako. Behind the bars of the food spot, I saw a familiar car.

"Si Isaiah!" Sabi ko nang nakita siyang papasok sa building sa tabi ng food spot na kinaroroonan namin.

"Siya na 'yan?!"

Hindi ko pinansin ang pagkagulat niya dahil naging abala ang mata ko sa pagsunod sa papasok na si Isaiah. He's wearing his outfit. Kaya agaw pansin iyon.

Naramdaman ko ang pagtama ng daliri ng kaharap ko sa aking braso. Ilang kalabit ang ginawa niya bago ako lumingon sa kaniya.

"Nakatingin kanina rito kaya ako napatanong sa 'yo! Ikaw yata ang tinitingnan,"

Umiling ako. At natawa na rin.

"Hintayin natin siya!" Tuwang-tuwa niyang suhistyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top