Ikasampung Kabanata

Ikasampung Kabanata: Rage


Buong akala ko tutuparin namin ang sinabi ni Ate Zydda na hihintayin namin ang paglabas ni Isaiah sa gusaling pinasukan nito sa tabi ng food spot. Ilang minuto lang matapos niyang sabihin iyon ay may tumawag sa kaniya dahilan upang hindi masunod ang plano. Bago siya umalis, sinauli ko sa kaniya ang kaniyang damit na pinahiram kagabi at may binigay rin siya sa akin.

"Ingatan mo iyan ha?" Tukoy niya sa paper bag na nasa tapat ko na ngayon. "Tatawag ulit ako sa iyo tungkol sa contest na iyon."

Nagpaiwan ako sa loob ng food spot.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone at hindi pa nag-aala una.

Hindi ko na tiningnan ang ang laman ng paperbag dahil alam kong isa na naman itong sapatos. Tinabi ko muna ito sa gilid gamit ang braso.

Inikot ko ang ulo ko para tingan ang likod. Nakapark sa kabilang parte ng daan ang kaniyang Toyota. Umakyat ang mata ko sa gusali para tingnan ang pangalan nito. There are S-M-D letters pasted on the upper wall of the building entrance. Halatang luma dahil sa lumalantang kulay dahil sa mga nagdaang panahon.

Should I wait for Isaiah? Pero agad ding nabura ang pinaplano ng isip ko nang tumayo ako para makaalis.

Hindi gaanong dumadaan dito ang mga tricycle kaya naglakad pa ako pagkalabas ng food spot. Mainit ang kalsada dahil tirik na tirik ang araw pero agad din naman akong nakasakay ng tricycle nang may dumaan. Agad din akong nakauwi na may dalang sapatos na bigay ni Ate Zydda. The shoes are high heeled.

Mabilis na dumaan ang mga araw at Sabado na agad pagkagising ko. My days were the same in the Maderal premise. Pumupunta rin ako sa eskuwelahan para asikasuhin ang problema at laking pasasalamat ko na hindi na umabot ng dalawang linggo dahil natapos ko agad ito bago kainin ng dilim ang araw ng Biyernes.

Sa pananatili ko sa mga Maderal, hindi ako nagiging maluwag tuwing naroon si Isaiah. Minsan, tuwing nagpapang-abot kami, naghahanap kaagad ako ng puwede kong gawin para lang hindi niya masabing masyado akong nagpapaka-prinsesa sa bahay nila.

Tinitingnan ko ang ayos ko sa harap ng salim. Hindi kagaya noong una, maaga akong nagising ngayong araw ng Sabado. Ito na rin siguro ang resulta kapag wala kanang kailangang problemahin sa eskuwelahan. Nasasayangan din kasi ako sa pera tuwing umaalis ng wala namang nakukuha.

"Manang? Ano ang niluluto niyo?"

Naabutan ko si Manang Dessa na may ginagawa sa kusina.

Lumapit ako para mag-alok ng tulong.

"Magluluto ako ng ulam natin ngayon," sagot niya sa tanong ko.

Pinanood ko ang kaniyang ginagawa. Kinuha niya ang isang balot ng hindi ordinaryong hotdog at binuksan ito gamit ang isang maliit na kutsilyo. Sa gilid ni Manang ay isang palanggana na may lumulutang pa na dalawa balot ng pareho ring hotdog. Inabot ko doon ang isa. Napatingin sa ginawa ko ang ginang.

"Tutulong ka?"

"Ako nalang ang magpiprito nito," sagot ko.

"Oh, edi, sige. Tulungan nalang kita sa pagbabalot,"

Maayos kong naluto ang ulam. Ganado ako kasi parang matagal na akong hindi nakakapagluto ng ganito. Nasa tabi ko naman si Manang. Napapatingin ako sa kaniya tuwing may sinasabi siya.

"Oo nga pala, Katherine! Sana wala kang gagawin mamaya," biglang sabi niya.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya habang tinutulungan ang kasambahay sa paglalagay ng mga nalutong hotdog na pinatuyo ko kanina sa tissue.

"Bakit po?"

"Tulungan mo kami mamaya. Pupunta tayo sa Fort para maglinis."

Muntik nang kumunot ang noo ko nang hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. Mabuti nalang dinugtungan niya agad ito.

"May mag-aarkila ng lugar ngayong Lunes."

Tumango-tango agad ako.

Marami na ring improvements ang Fort Bonifacio simula noong maipatayo ito. Hindi man ito ganoon kalaking resort, marami pa rin ang pumupunta rito. Sa pagkakatanda ko noon, mistulang isa na itong farm dahil sa mga hayop na naroon. Hindi ko na alam kung ganoon pa ba ngayon pero mas marami na ngayon ang pumupunta. Lalo na ngayong bakasyon.

Matapos ang almusal ay naghanda kaagad ako. Si Ronald ay pinapasama rin kaya halos sabay kami nang lumabas ng kuwarto.

Maagang umalis kanina si Isaiah. Kaya nang ihatid kami ng lumang pick-up truck ng Fort ay ang high-wheeled jeep agad ang unang napansin ko papasok palang ng resort. Hindi ko agad napansin ang maluwag at alagang-alagang lupain.

Nagtulong-tulong kaming bumaba sa lumang pick-up ng gma kasambahay na pinasama pero ang mata ko ay nakatingin sa high-wheeled jeep.

"Ang angas ng gulong 'no?" Napalingon ako nang may magsalita sa tabi ko. Si Janet lang pala. She's eyeing the jeep, too.

Hindi ako sumagot at naglakad na papunta sa activity area. Sumunod naman siya.

The Fort Bonifacio, unlike before, acquired so many improvements to its establishments. Kapansin-pansin galing sa entrada ang mas pinaluwag na swimming pool na ngayon ay mayroon nang mataas at paikot-ikot na slides. Ang sarap subukan no'n ngunit hindi iyon ang aming sadya.

The palm trees and properly knit bushes at the entrance before the vined arc leading to the pool are intricate. Hindi kami pumasok doon at lumiko sa isa bricked na daan papunta sa maluwag na activity area. Bago ang activity area ay isang peaked roof house kung saan nakita kong lumabas si Isaiah. Lumingin siya sa banda namin at dahil si Manang Dessa ang nauuna, huminto ito nang nakalapit sa kaniya.

Diretso lamang ang lakad namin papasok ng activity area.

Hindi naman ganoon karami ang kalat dito. Siguro dahil mayroon namang nangangalaga pero kailangan naming siguraduhin iyon. May iilang lumapit agad sa nagmimistulang stage at may kinuhang telang nakasabit sa gilid. Sumunod naman ang tingin ko kay Janet na naglalakad papunta sa isang counter para siguro iyon ang unahin niya. Susunod na sana ako nang pihitin ng hanging ang aking tingin dahilan upang pamunta ito sa papalapit na si Manang Dessa.

"Hija, may kailangan sa iyo si Isaiah."

Tumalong agad ang tingin ko patungo sa lalaking naka-unipormeng naghihintay sa tapat lang ng bahay.

"Sige po, Manang," sagot ko at parang dahong nadala ng hangin.

"Sumama ka muna sa akin," sigurado sa kaniyang sinabi, agad siyang naglakad.

Nakaipit sa ilalim ng siko niya ang isang hard-hat na hindi ko napansin kanina. Parang alipin akong sumunod sa kaniya. The bricked lane ended and he turned to the way leading to the parking area. Nagtatanong ang isip ko kung saan kami pupunta. Lalo na nang binuksan niya ang kaniyang high-heeled jeep at napalingon siya sa akin.

He jerked his head, saying that I should get in.

"Maglilinis kami sa activity area," giit ko agad.

Humilig ang ulo niya para lumagpas ang tingin patungo sa activity areang tinutukoy ko.

"They're too much already. They can do it without you,"

"Saan tayo pupunta?" Inalis ko ang tingin sa kaniyang mukha para tingnan ang kabilang pinto ng sasakyan.

"Basta sumama ka nalang," aniya at pumasok sa loob. Hindi niya sinarado ang pinto para hintayin akong gumalaw. Kitang-kita ko ang kaniyang maatalim na tingin sa siwang ng pintuan na para bang naiinip siya.

Gumalaw ang binti ko para maglakad. Nakaharap sa akin ang jeep kaya sa harap ako dumaan at kahit na malalim ang salamin, alam kong nakatingin siya sa akin. Pagkatapat ko sa pinto ay binuksan ko agad ito. I had to grab the handle to support myself in climbing the seat. Maayos naman akong nakaupo.

"Saan tayo pupunta?" Binalingan ko siya.

May inabot siyang isang hardhat na akala ko noong una ay sa kaniya pero nakita kong nasa ulo na niya ang kaniya kaya tinanggap ko ito.

"Wear that," aniya nang nasa kamay ko na ito.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi kaagad siya sumagod. Matapos paandarin ang jeep at iliko ito sa kaliwa pagkalabas ng gate, saka naman lang siya nagsalita.

"Isasama kita sa Daguitan,"

My eyes are already fixated at the rocky road of Bonifacio. Hindi na ako sumagot sa kaniya at hinintay nalang na marating namin ang sinasabi niya.

Bonifacio is filled with coconut trees and other wild shrubs and grasses like bamboos, making the place healthy for birds and other animals. And the distance of its houses are noticeable. There are carabaos in each side of the road.

Nasa may isang elementary school na kami nang humina ang pagpapatakbo ni Isaiah. Tumingin ako sa labas bago sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa suot kong shorts. Dahil maglilinis lang dapat kami, nagsuot ako ng kumportableng damit.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Bakit?"

"Ganiyan ba palagi ang sinusuot mo?"

Tiny muscles in my eyebrows twitched because of the question.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin? Ikaw itong may kailangan at ikaw pa itong may problema sa suot ko."

"There will be men in Daguitan! How come you didn't clothed properly to cover yourself up?"

Minaniobra ni Isaiah ang manibela ng sasakyan nang lumiko kami sa panibagong daan. Kapansin-pansin agad na hindi ito ganoon kalubak dahil sa mga buhanging pumapatag dito.

Umikot ang ulo ko para tingnan siya.

"Ikaw itong bigla-biglang nagpapasama? May gana ka pa—"

"Hindi sinabi sa iyo ni Manang Dessa na sasamahan mo si Edelyn sa pag-aayos ng gagawing opisina ng site?"

"Walang may sinabi si Manang Dessa."

He hissed. Wala siyang nagawa nang marating namin ang ilog na may mga iba't ibang uri ng excavating machines. Ito na siguro ang dam sinasabi niya noong una.

Humawak ako sa handle nang dumiretso sa pasulong na daan ang jeep para tuluyan kaming makababa malapit sa ilog. Nakatingin ako sa mga backhoe sa malayo na naghuhukay para siguro sa gagawing pansamantalang ruta ng tubig.

Pinatay ni Isaiah ang makina sa tapat ng puting cabin. Agad niyang binuksan ang pintuan niya pero bago siya tuluyang bumaba, may sinabi siya sa akin.

"Do not go out of the construction office. Stay there. At tawagin mo si Edelyn, sabihin mong nandito na ako." I am looking at his dark eyes that are full of warning and if I disobey, I will be devoured by his rage.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top