Ikapitong Kabanata
Ikapitong Kabanata: Delay
Hindi nakita ni Manang Dessa ang iginawad sa akin ni Isaiah. Gustong umangat ng isang kilay ko sa ginawa niya. Pasalamat siya dahil nakatingin sa amin ang ginang kaya hindi ko ito magawa.
"I'll go upstairs," aniya at binaba ang tingin sa aking pagkain. "And finish that immediately. Maliligo lang ako."
Hindi ko naman kailangan pang magmadali dahil dalawang subo na lang, ubos na ang pagkain ko sa plato. Ronald already left for school. Kaya mag-isa ako sa kuwarto nang matapos kong ligpitin ang pinagkainan. I only dried my hair using the towel wrapped around it then grabbed my bag and stepped out of the room to wait him.
Ilang minuto lang ang hinintay ko dahil nakita ko agad siyang bumababa sa kanilang enggrandeng hagdan na pinakakurba papuntang sala. Agad akong nag-iwas nang tingin nang bumaba rin ang mata niya sa akin.
The sound of his boots dugging hurriedly at the staircase as he strode his legs with an amount of speed spread like wildfire to the whole living room. Kakaiba ang botang suot niya ngayon pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin dahil ayokong may isipin na naman siyang kung ano sa akin.
Napabaling ako sa kaniyan nang tuluyan siyang makababa dahil parang natigilan siya.
I raised an eyebrow when I saw him capping his pockets.
"Shit."
"Susi?" Tanong ko. Sinadya kong kunware nababagot ang tono para mas lalo siyang ng mataranta. I even slouched a little when I realized that it won't be effective if he sees no action.
"Hindi. I forgot my wallet." Nag-angat siya ng tingin. I rolled my eyes. "Sandali lang,"
Agad din naman siyang nakababa. Dumiretso agad kami sa kaniyang SUV. Tumunog muna iyon bago siya tuluyang pumasok sa driver's. Sumunod naman ako at binuksan ang katabi nitong pinto at umupo sa likod na upuan.
Binaba ko agad ang bag sa bakateng upuan. Tumingin-tingin pa ako sa labas ng bintana na para bang nakaginhawa dahil kumportable ang sasakyan niya. Ngunit nang mapansing hindi pa pinapaandar ang makena, humilig ako para makita ang ginagawa niya sa manibela.
Unang napansin ko ay ang kamay niyang namamahinga lang sa ibabaw ng kaniyang hita.
"Ano mo ako? Driver?" He said.
Bigla akong nakaramdam ng takot nang mahimigan ang tono nang magsalita siya. Umangat agad ang tingin ko sa kaniyang mukha. Nakatingin siya sa akin gamit ang harapan na salamin.
"H-hindi. Bakit naman?" I said in a matter of fact.
"Then what are you doing there?"
Kumunot ang noo ko. Napatingin pa ako sa sarili ko dahil sa pagkalito.
"Bakit?"
"I'm not your driver. Dito ka umupo sa tabi ko."
Agad namang lumipat ang tingin ko sa bakanteng upuan sa harap nang napagtanto ang gusto niyang sabihin. Pero umiling kaagad ako at muling binaling ang tingin sa kaniya.
"Dito na lang ako. Mas kumportable rito,"
Marahas na umikot si Isaiah para makita ako ng buo. His eyes are full of danger. I could see that he was insulted to what I said. Gusto ko sanang umangal pero wala na akong nagawa. Binuksan ko ang pintuan nang may pagdadabog at bumaba para umikot sa kabilang pinto sa harap. Iniwan ko na rin ang bag sa pinaglagyan ko nito kanina.
Nakabukas na ang pinto nang maka-ikot ako. Naabutan ko pa siyang bumabalik sa puwesto matapos mapagbuksan ako. Wala na akong pagdadalwang isip na pumasok.
The engine roared immediately. Agad ding kaming nakalabas.
From here, it will take us more or less than fifteen minutes to arrive to our destination. The intensity I am feeling started to heat up when silence devoured the air between us.
Diretso sa harap ang ulo ko nang tingnan ko siya sa pamamagitan ng pagdausdos ng mata ko sa gilid. I can see from his silhouette that he's focused to the road in front. Hindi pa naman kami nakakalayo pero seryoso na siya sa pagdadrive.
"Saan kita ibababa?" Bigla siyang nagsalita.
Napabaling ako sa kaniya. He didn't move. Kaya mas naging klaro ang posisyon niya.
"Sa may ano na lang... tapat ng Community College,"
Pagkasabi ko noon, saka lang siya bumaling sa akin. Muli niyang tiningnan ang unipormeng suot ko. Nag-iwas naman ako ng tingin. Nag-aabang ako ng sasabihin niya ngunit nanatili ang katahimikan sa amin. I tried to remain composed. Pero abot tahip ang kaba ko kaya bawat galaw niya sa manibela, napapatingin ako.
"Afraid?" May halong tuwa sa paraan ng pagtatanong niya. "Don't worry. Kung inaalala mo ang nangyari sa atin noon, alam mo naman kung ano ang totoo ro'n."
Halos mapasinghap ako matapos niyang sabihin iyon.
"Anong inaalala ang nangyari sa atin noon? Nahihibang ka ba?"
He smirked. Hindi ako bumitaw sa pagtitig sa kaniya.
"You're so over protective of yourself. Masyadong mapagduda ang mga tingin mo,"
Saglit na namilog ang mga mata ko. Iniisip niya bang kabado ako sa kaniya dahil sa nakaraan?
"Accusing me of doing something to you, if you forgot." Dagdag niya.
"Hindi iyan ang iniisip ko!"
"Talaga?" Bumitaw siya sa pagtingin sa harap.
Umawang ang bibig ko para sabihin sanang hindi lang ako kumportable. Pero hindi ko tinuloy.
Hindi na lang ako umimik. Bahala siya kung ano ang iisipin niya. Muling nabuhay ang katahimikan. Patuloy lang ang takbo ng sasakyan pero ramdam ko ang pagbalik-balik ng kaniyang tingin. Hindi ko na lang ito pinansin at naging abala rin ako sa tanawin.
Narating naming ang tapat ng community college. Bubuksan ko na sana ang pinto para makababa nang maalala ko ang bag sa likod na upuan. Umikot ako para abotin iyon. Ramam ko ang panonood niya sa akin hanggang sa bumaba na ako ng sasakyan niya.
Kagaya ng inaasahan, hindi marami ang tao sa eskuwelahan. Hindi ko na nilingon ang loob nang pumasok ako sa gate. Kinuha ko rin ang cellphone para ipaalam kay Ate Zydda na nakarating na ako. Hindi naman ako magtatagal dito. At kagaya noong una, hihintayin ko lang ang teacher ng mga subject kong may problema.
"On leave ngayon si Ma'am," sagot noong student assistant noong nasa faculty room na ako.
"Talaga po? Bukas, nandito na po ba siya?"
"Hmm," yumuko ang babae at tiningnan ulit ang papel na nakasabit sa likod ng information desk. "Hanggang Wednesday pa ang leave ni Miss Pedrosa, e."
"Sige po."
Kung ganoon, walang silbi ang pagpunta ko ngayon dito. Hindi rin kasi ako uusad kung may problema pa ako kahit sa isang asignatura. Dahil may pending pa naman akong community service sa subject na nauna kong naasikaso, dumiretso ako sa kabilang department para mapunan iyon. Dalawang oras nalang ang kailangan ko para roon kaya bago dumating ang alas dose, natapos na ako.
Nasa lounge na ako nang kunin ko ang cellphone ko para muling i-text si Ate Zydda.
Ako:
Ate? Saan ka maglulunch? Sasabay na lang ako sa iyo.
Hindi ko agad binaba ang tingin sa cellphone para antayin ang reply niya. Tumunog din agad ito.
Ate Zydda:
Sa may Panny's lang
Ako:
Sige po. Aalis na ako rito
Matapos kong masend iyon, tumayo kaagad ako sa pagkakaupo.
The sun is at its peak. Malayo ang distansya ng Panny's na tinutukoy ni Ate Zydda kaya masyadong mainit kung lalakarin ko lang ito. Sa labas ng gate may naghihintay na tricycle. Sumakay agad ako at naghintay lang saglit ng mga pasahero bago umakyat papuntang proper ng bayan.
Muli akong nagtext sa kaniya nang makababa na ako sa tapat ng café.
Ate Zydda:
Ang aga mo masyado. Sige, sandali lang naman itong ginagawa ko. Pupunta na ako diyan
Walang regular na trabaho si Ate Zydda. Kaya maraming sideline ang mga pinapasukan niya.
Kagaya ng nakagawian, may dala si Ate Zydda na suot para sa akin nang dumating. Partikular na rin sa kaniya kung ano ang mga kailangan ko lalo na dahil isa sa kaniyang mga paborito.
Pagkatapos namin kumain sa Panny's, nagtungo agad kami sa maliit na convention center hindi kalayuan sa Morning Side na paaralan na unang plinano namin kanina. The convention center was still empty from people when we got there. Sinalubong kami ng tingin ng ilang nag-aayos ng dekorasyon pero pinatuloy rin sa likod nang makilalang kasali ako sa mga magtatanghal.
"Dito na lang tayo pumuwesto," sabi ni Ate nang nasa gilid kami malapit lang sa pintuan papuntang stage.
Binaba niya ang dalang bag pagkatapos ay lumapit sa mga naka-pile na upuan sa gilid at kumuha ng para sa amin.
The backstage is not that huge but it's clean. Isang bagay na bihira lang mangyari.
"Mamaya na tayo mag-aayos. Magpahinga ka lang muna,"
Naging bahagi na sa akin ang pagsali ng mga contest nang malaman kong kikita pala ako sa pamamagitan nito. Nagkakilala lang kami ni Ate Zydda noong pahiramin niya ako ng damit dahil sa kapatid niyang hiningan ko ng pabor. Isa rin kasi sa mga naging kaklase ko ang kapatid niya.
Nakikinig ako ng kakantahin ko nang may magtext sa akin na numero.
Unknown Number:
Hija, huwag kang magtagal. Hihintayin ka rito para sa blowout ni Isaiah
Napaayos ako ng upo nang mabasa ko ang mensahe. Kahit na unregistered ang numero, alam kong si Manang Dessa ito.
Ako:
Manang hanggang alas singko lang po ako.
Unknown Number:
Sige hija. Mag-ingat ka.
Alas dos nang dumagsa ang mga tao sa loob ng convention. Dumami na rin kami sa likod ng stage dahil sa pagdating ng mga contestants. Tatlo sa kanila ang nakilala ko agad dahil sa mga pagsali rin nila ng mga contest na ganito.
Nginitian ko ang isa sa kanila nang magkatinginan kami.
Muli akong napayuko nang magtext ulit si Manang Dessa.
Manang Dessa:
Babalik pala si Isaiah diyan mamaya. Nagpaalam na akong daanan ka nalang para sumakay ka nalang sa kaniya pauwi.
Two thirty, tapos na akong ayusan. May pumasok na crew sa pintuan namin. Naka-uniporme siya kagaya ng ibang nakita namin kanina. Natigil ang iba sa kani-kanilang ginagawa para pakinggan ang sasabihin niya.
"Madedelay tayo ng isang oras. Nagkaroon ng technical problem dahil nasunog ang chord ng dalawa nating sound system. Kumukuha pa sila ng bago para roon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top