Ikalimang Kabanata

Ikalimang Kabanata: Nahihirapan


Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil sa inasta ni Isaiah. Hindi ko inaasahan iyon. Oo alam kong wala kaming masyadong interaksyon sa isa't isa noon pa. Pero alam ko agad noon na may sahol ang ugali niya.

Tuwing nagbabakasyon ang mga Maderal, palaging may handaan sa bahay nila. Sumasabay kasi ang kaarawan ng Madame Lucille kaya nag-iimbita ng mga kakilala. Dahil palagi akong nasasali sa mga tanghalan sa karatig bayan, hind kami nakakadalo nina Mama. Pero sa taong iyon, naimbitahan akong mag-alay ng awitin kaya hindi kami nakatanggi.

Kadalasan, sa malaking bahay lang dinadalo ang selebrasyon ngunit espesyal sa taong iyon. The party was held at their newly established resort. Sa Fort Bonifacio.

Espesyal ang pakikitungo sa amin dahil kasali ako sa programang inihanda.

Habang hindi pa nagsisimula, inabala ko ang mga mata sa mga taong nakikita. Lahat sila ay nakakapanlula. Mukhang kami lang yata ang naiiba sa kanila. All of them are wearing expensive suits and gowns while my family is only in their best outfit they have within their drawers.

Natapos ang programa, nakapila kami para mabati ang Madame. Isang bata ang tinitingnan ko dahil kanina niya pa ako tinititigan. Kami ang naiiba kaya alam ko agad na panghuhusga ang nasa isip niya.

"Kayo na, Lucencia," tawag sa amin ni Manang Dessa.

Agad kaming tumugon at umakyat sa entabladong pinagtanghalan ko kanina. Dumiretso agad ang tingin ko sa bata na nasa tabi ng Madame. His eyes are still fixated towards us.

"Happy birthday po, Madame," bati ni Mama pagkalapit.

Walang kamalay-malay sa nangyayari ang batang si Ronald habang nasa harap siya ng mga binti ni mama. Ako ang nasa tabi nila. Dahil si Mama ang nauuna, nakaharap ko ang lalaking masama ang tingin sa akin. Lumipat na ang atensyon ko kaya hindi ako sigurado kung tinititigan niya parin kami rito.

"Naku, napakagaling kumanta ng anak mo, Lucencia," lumipat sa akin ang tingin ng Madame. Napangiti ako. "Napakagaling nitong bata,"

"Iyon na lang po ang regalo namin sa inyo," nahihiyang deklarasyon ni Mama.

Nanlaki ang mata niya. Pagkatapos ay nasundan ng sunod-sunod na pag-iling. Narinig ko naman ang pagtikhim ng lalaki kaya sandaling dumapo ang tingin ko sa kaniya.

"Ayos lang iyon! Ano ka ba? At may ibibigay rin ako sa inyo mamaya." Natutuwang mungkahi ng Madame.

"Ayos lang iyon, Madame,"

"Ayos lang po iyon," giit ko rin.

The Madame is fair and elegant. Lalo na sa suot niyang pulang dress na umaangat ang ganda sa lahat. Her lips are thin, perfect match to her strong narrow nose. Mabagsik din ang kurba ng kaniyang mga mata ngunit nang kausapin kami nito ay salungat na salungat dito.

"Ma, the line is piling up," biglang paalala ng lalaki sa tabi niya.

Naputol sa ere ang ngiti ko. Lumipat sa lalaki ang tingin ko.

Agad namang humingi ng paumanhin si Mama bago kami bumaba pabalik sa aming lamesa. Tatlo ang lalaking katabi ni Madame Lucille. Isang mukhang kasing edad niya na kilala sa lugar na ito at dalawang mas batang magkapatid na nakatayo sa kabila namang puwesto. Pinakabata iyong masidhi ang tingin sa amin kanina.

It was Analyn who introduced me to him. Kaya agad ko ring nakilala noon si Isaiah.

"Oh, bakit ka na naman tulala diyan?"

Halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Analyn. Masyado yata akong nakain ng iniisip ko kaya hindi ko namalayan ang pagdaan niya sa harap ko. Nasa hardin ako nakasilong sa ilalim ng punong Mabolo. Kanina pa tapos ang tanghalian. Tumulong din ako sa pagkakataong ito.

Mabuti nalang hindi sumabay kanina si Isaiah dahil hiyang-hiya ako sa nangyari kanina.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Tumabi siya sa inuupuan kong concrete na nakapalibot sa puno.

"Nagpapahangin lang ako,"

"Kanina ka pa rito, a?"

"'Di ba aalis kayo mamaya?" Pag-iwas ko sa tanong niya.

Ngumuso si Analyn at binaling ang tingin sa harap namin.

"Sasama ako sa merkado kay nanay." Sagot niya.

"Sasama ako. Nababagot ako rito. Puwede ba?"

"Oo naman! Mas maganda nga iyon para may kasama akong tutulong sa pagbubuhat ng mga bibilhin."

Narinig kong mas maaga pa sa alas kuwarto sila aalis para hindi abutan ng dilim. Ilang sandali lang kaming nanatili ni Analyn sa ilalim ng Mabolo. Afternoon in the Maderal house is so serene. May kaunti rin kaming pag-uusab bago siya hanapin ni Manang Dessa.

Sabay kaming bumalik ni Analyn sa loob. Agad din siyang nagpaalam na sasama ako sa kanila kaya nagbihis agad ako para hindi na makaabala.

Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay. Maglalakad na sana ako diretso ng gate nang tumigil sina Analyn. Napalingon ako sa kanila. Saka ko lang napansin ang sasakyan sa carport na dahan-dahang umaatras pababa.

"Sa likod na kayo," ani Manang Dessa nang tumigil ang sasakyan para hintayin kami.

Sinunod namin iyon. Si Analyn pa ang nagbukas at unang pumasok kaya sumunod ako nang nasa loob na siya. Nakita ko agad si Isaiah sa harap ng manibela. He's wearing his dress-shirt again. Nahagip rin ng mata ko galing sa puwesto ang suot niyang bota.

"Sa merkado lang kami, hijo."

Nakatapat sa akin ang salamin sa harap kaya sumilip ako roon para tingnan ang mukha ni Isaiah. Pero agad ding lumagpas ang tingin ko nang makitang nakaabang pala ang mga mata niya.

Hindi nadugtungan ang sinabi ni Manang Dessa. Nakaalis kaagad kami ng bahay.

Analyn and I are both silent. Our eyes are both watching the houses outside. Hindi naman ganoon kalayo ang merkado kaya inabot lang ng ilang minuto bago kami tuluyang bumaba.

"Anong oras ka babalik?" Tanong ni Manang Dessa.

Nauna nang nakalabas ang katabi ko kaya naabutan ko pa ang pagtatanong ni Manang Dessa.

"Mamayang alas sais pa,"

"Hindi ka ba magtatagal doon?"

"May kukunin lang ako at titingnan din."

Lumabas na ako bago ko pa man marinig ang kanilang usapan. Hawak na ni Analyn ang mga bayong na dinala namin.

Matao ang merkado rito. Iba't ibang klase rin kasi ang mga tinitinda kaya ang ilan ay dumadayo pa para mamili lang. Dagdagan pa ng bagong establishimento na para lang sa mga grocery kaya marami talaga ang pumupunta.

Umalis kaagad ang SUV paglabas ni Manang Dessa. Hindi ko na tiningnan ang sasakyan at pumasok na kami sa loob ng merkado.

"Sa mga karne muna tayo,"

Si Manang Dessa ang pum pumipili ng halos lahat ng aming binibili. Nagtutulang lang kami ni Analyn sa pagbubuhat sa likod niya. Nag ikot-ikot pa kami bago ko napansin ang dami ng supot sa aming magkabilang kamay.

"Ganito lang talaga kayo mamili para sa malaking bahay?" Tanong ko kay Analyn.

Naghihintay kami ngayon kay Manang Dessa dahil pumasok siya sa loob ng tindahan ng mga tupperwares.

Napabaling si Analyn sa tanong ko.

"Para ito bukas..."

Napaisip ako. Kumot ang noo ko ng wala akong maalala kung ano ang mayroon bukas. Hindi pa kasi ngayong buwan ang kaarawan ng Madame Lucille.

"Ano ang mayroon bukas?"

"Hindi ba nasabi sa iyo ng mama mo?"

"Ang alin?"

"Graduation celebration bukas ni Isaiah."

"Bukas ba iyon?" Naguguluhan ko pa ring tanong.

"Oo bukas na!"

Iyon pala ang dahilan! Muntik ko nang makalimutan!

"Sinabi sa akin ni mama ang tungkol doon. Nakalimutan ko lang sa dami ng nangyari."

I can join the celebration. Ito na rin siguro ang paraan para makihalubilo ako sa kanila. Lunes man bukas pero hindi na ganoon kahigpit ang klase dahil tapos na ang exam para ngayong semester. Puwede naman akong mag-half day sa klase para makasali.

Ilang pag-iikot pa ang ginawa namin sa loob. Nadagdagan pa ang mga pinamili namin. Dahil sa dami, wala nang araw nang kami ay natapos. Sakto namang palabas na kami nang tumawag si Isaiah kay Manang Dessa. Nasa labas na raw siya.

Agad din kaming nakauwi. Nakaabang na ang mga katulong sa labas. Dahil si Analyn ulit ang naunang lumabas, naiwan ako sa loob para ibigay sa kanila ang mga supot.

"Ako na nito, ate," sabi ko huling kasambahay nang nakitang puno na ang dalawang kamay niya.

Ang bayong na pinaglagyan namin ng karne na lang ang naiwan. Kaya ko na ito.

Tumango din siya at umalis.

Alam kong nanatili pa sa loob si Isaiah. Hinintay niya kaming natapos. Kaya hindi na ako nagulat nang bumukas ang pintuan sa harap para sa paglabas niya.

Lumabas din ako at hinila ang bayong. Ngunit nangalay na yata ang braso ko sa pagbubuhat kanina kaya hindi sinasadyang nahulog ko ang bayong sa tindi ng bigat nito. Ilang kilo ang bigat nito kaya nagtulungan kami ni Analyn kanina.

Bigla akong napatingin kay Isaiah nang mapalingon siya.

"Sorry! Sorry!"

Agad kong dinampot ang bayong.

"Ako na!" Agap ko agad nang nakitang tutulungan niya ako.

Nakakahiya! Sasabihin pa nitong lampa ako!

"Sigurado ka?" he smirked.

Tumango ako at sinubukan ulit buhatin ang bayong. Ngunit parang napupunit ang mga muscles ko sa braso kaya binagsak ko ulit ito.

"Sigurado ka." Natawa na ngayon si Isaiah.

"Matagal naming binuhat ang ganoon kadaming pinamili." Giit ko naman sa kaniya.

Sinubukan ko ulit hilahin ang bayong ngunit ganoon pa rin. Isaiah watched me teasingly as I do that.

"Ako na nga iyan," aniya at siya na ang pumulot sa bayong ng walang kahirap hirap.

Sumunod ako sa likod niya nang buhatin niya ito papasok ng malaking bahay.

"Nangangalay lang ang kamay ko kaya nahihirapan akong buhatin iyan,"

"Really, huh?" I heard him replied.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top