Ikalawang Kabanata
Ikalawang Kabanata: Ipapasama
Nataranta ang isip ko sa deklarasyon ni Ronald. Lalo na noong pumasok ako sa maliit na banyo, nag-iisip pa rin ako. Pinaplano ko kung alin at ilan sa mga gamit ang mga dadalhin. Biglaan din kasi ang lahat. At sa pagkakataranta, naghahalo-halo na ang lahat ng mga ideya. Nang dumating ako sa kuwarto, hindi ko na maorganisa ang plano.
"Ronald, tawagin mo ako kung nariyan na sila, ha?" Sigaw ko. Hindi siya sumagot pero alam kong narinig niya ang sinabi ko.
Binuksan ko ang tukador at inisa-isa kaagad ang gamit. Mga damit ang uunahin ko. Iyon din kasi ang naisip ko habang nagbibihis nang wala pang pinal na ideya. Inilabas ko ang mga nasa loob ng isa-isa at nilagay sa ibabaw ng papag ang damit na nakukuha. Naamoy ko pa ang tapang ng insect repellant na ginagamit ko noon.
Isa-isa kong pinasok ang mga damit sa kahon. Ang ilan ay hindi na maayos ang pagkakatupi kaya inulit ko ito bago maayos na nilagay sa loob. Tumigil lang ako sa ginagawa nang marinig ko ang boses ni Ronald sa sala. Bumaling ako sa pintuan kung saan ang direksyon niya. May kinakausap siya.
"Nandyan na ba sila?" nilakasan ko ang boses ko.
"Wala pa," sagot niya, pinantayan ako. Hindi kaagad siya nakasagot.
Sandali akong tumahimik para pakinggan ulit ang kaniyang mga sinasabi. Nang hindi nakuntento, tumayo ako para makita kung sino ang kinakausap nito. Hinawi ko ang kurtinang tumatabon sa pintuan ng kuwarto at naabutan kong nakahiga si Ronald sa mahabang upuan. Nakataas ang kaniyang kanang kamay, kinakausap ang hawak na papel. Sinitsitan ko siya nang hindi niya ako nakita.
Gumalaw siya. Nang makita ang ulo kong nakasilip, agad siyang napa-upo.
"Wala pa nga sila sabi, e!" Giit niya.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa papel na tinatago niya na ngayon sa gilid ng kaniyang bulsa. Tinaasan ko siya ng kilay nang mawala na ito sa kamay niya. Hindi siya makatingin sa akin ng deretso.
"Alam ko iyan, ha. Siguraduhin mo lang talaga Ronald." Banta ko bago bumalik sa loob ng kuwarto.
Ilang oras na ang dumaan, wala pa rin sila. Ilang beses na rin akong nagtanong kay Ronald at ganoon pa rin. Hanggang sa natapos na ako sa mga gamit, wala pa rin.
Nagpasya akong itigil muna ang ginagawa.
Lumabas ako ng kuwarto dahil sa pawis ng katawan ko. Sinabayan ko na rin kasi ng paglilinis kaya pinagpawisan na rin ako. Naabutan kong nakapikit si Ronald habang nakahiga sa mahabang upuan. Nakatulugan niya ang paghihintay sa kanila.
Imbes na gisingin siya, dumiretso ako sa salamin. Hindi na ako nagulat nang makitang nagmamapa ang pawis sa repleksyon ko. I look awful. Hinawi ko ang buhok pakanan at pinahid din ang pawis sa mukha. While I was doing that, bigla kong naisip si Isaiah. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Pumupunta pa rin naman ako sa bahay nila pero dahil lang iyon kay Analyn.
I tried to imagine him being bulky as what he physically was before. Aminado naman akong may itsura siya pero dahil yata sa angas niya, iyon siguro ang hindi ko nagustuhan sa kaniya. Bigla ko namang naalala ang atraso ko. Kahit na may kaunting bundol ng kaba, binalewala ko nalang. I tried to cool it down by changing clothes after doing everything I have to do. Sinuot ko ang isang pulang tee shirt na presko sa katawan. Hindi na ako nagpalit ng shorts.
Nasa kusina ako umiinom ng tubig nang marinig ko ang pamilyar na tinig ni Manang Dessa sa labas. Nagmadali kaagad ako para salubungin siya.
"Manang, pumasok po kayo," salubong ko sa kaniya.
Napansin ko kaagad ang taong nasa likod niya. Sa suot nitong asul na kamisadentro, halatang kadarating lang galing lakad. I noticed how it's perfectly tucked in his denim jeans. I tried not to admit it. But he looks dashing. I returned my eyes to his after noticing his tall boots assuming its prowess.
"Isaiah, tara na," anyaya sa kaniya ni Manang Dessa.
Nag-iwas ako ng tingin nang dumiretso ang mata niya sa akin. He was observing the whole house. Tumango ako kay Manang Dessa para sabihing tumuloy sila. Ginising ko rin agad ang kapatid ko.
"Tuloy po kayo manang," sabi ko.
Pinaupo ko sila sa upuang hinigaan ni Ronald. Maayos pa naman ito kahit papaano. Unang umupo ang ginang kaya napaangat ako ng tingin sa kaniyang kasama. Naabutan ko kung paano umikot ang ulo niya. Napaghahalataan tuloy na hindi sanay sa ganitong bahay.
"Isaiah, halika na,"
Umatras ako para makaraan siya. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Para akong hindi mapakali. Naglakad siya para umupo sa tabi ni Manang Dessa at bawat hakbang na ginagawa, umiingay ang bota niya. He grew more height. Matangkad na siya noon pero kakaiba ang pagtangkad niya ngayon. O dahil lang sa pagkakahapit ng dress shirt niya? Damn, he grew more muscles. Bakat na bakat ang katawan niya sa suot.
Tumingin ako kay Manang Dessa nang magsalita siya.
"Sana nasabi sa 'yo ni Ronald na sasama siya rito," pagtukoy niya kay Isaiah.
Tumango kaagad ako para hindi na makuha ang atensyon niya. Pero mukhang iyon yata ang sinadya ni Manang Dessa. Pinalapit niya ako nang tuluyang nakaupo ang kasama niya.
"Kinausap na siya ni Lucille noong nakaraang araw, hija. Dapat sana sasama siya kahapon dito. Kaso biglang may dumating na trabaho,"
Muling kong ginalaw ang mata ko para tingnan si Isaiah ng palihim.
"Pasensya na po hindi ako nakaabot kagabi,"
"Nasabi nga ni Ronald na may sinalihan ka raw na contest,"
Gumalaw ulit ang mata ko para tingnan ang reaksyon ni Isaiah. His eyes are menacing. Nakaramdam ako ng kaba.
"Pero... uhh, ano... naiintindihan ko naman po ang kagustuhan ninyo. Napag-usapan na rin namin ng kapatid ko ang tungkol dito."
"Sasama ba kayo sa amin mamaya?" Bumaling ako nang magsalita si Isaiah.
"Ganoon ang plano namin," napatingin ako sa gilid ko para tingnan ang kapatid. "Ayos lang ba sa inyo?" tanong ko pabalik kay Isaiah. Hindi ako makatingin ng matagal sa kaniya.
"It's fine then. Tatawagan ko na lang si Tito para papuntahin ang tauhan nila sa bahay na 'to,"
"Huwag mong ipagiba ang bahay na 'to!"
Sandali niyang prinoseso ang sinabi ko. His teeth peeked because of his smirk after getting what I said.
"Ipapagiba mo ito?"
Kumunot ang noo ko.
"Ano ang gagawin ng mga tauhan ng Tito mo rito?"
His smirk widen. Nanatili naman ang titig ko sa kaniya para ipakitang hindi ako pumapayag sa kagustuhan niya.
"Kahit na ganito ang bahay na 'to, ayoko namang ipasira ito dahil lang pupunta kami sa bahay ninyo," paliwanag ko. Tumingin pa ako sa kapatid ko para sang-ayunan niya ang sinabi ko.
He chuckled. Himig na himig ko ang insulto roon.
"Anong silbi kung ipapasira ko ang bahay ninyo? Tutulong lang sila sa paglilipat ng gamit ninyo."
"Papaano—" napahinto ako. Inisip ulit ang kaniyang sinabi. At nang maintindi, tumango ako. "M-Mabuti,"
Umiling naman siya at napatayo bago kinuha ang cellphone sa bulsa. Naglakad siya papuntang pintuan.
Napatingin naman ako kay Manang Dessa. Hindi kumportable ang istura niya kaya napakagat ako ng labi.
"P-pasensya na,"
"Hindi pa pala kayo nagkaka-ayos ni Isaiah," mahina ang boses niya.
Tumingin ako sa pintuan at nakitang nakalabas na ito ng tuluyan.
"Ayos lang naman po, Manang. Matagal na naman po iyon at kinalimutan ko na rin iyon,"
"Hindi mo pa ba nasubukang makipag-usap sa kaniya?"
Natawa ako sa tanong niya pero pinigilan ko. Umiling ako para ipakitang ayos na ang lahat. "Hindi na importante iyon. Ayoko na rin namang balikan, Manang. At saka, alam naman ni Isaiah na may kasalanan din siya,"
"Sabagay. Malalaki na naman kayo,"
I smiled.
"They're coming already," sabi ni Isaiah. Nakapasok na siya. "Doon na lang tayo sa bahay para hindi na sila maistorbo sa gagawin nila,"
"Sasamahan ko pa sila," paalam ko.
Bumaba ang tingin niya.
"Ituturo ko pa kasi ang iilang mga gamit na hindi ko na ipapasama," dagdag ko.
"Alright."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top