Ikalabing Walong Kabanata

Ikalabing Walong Kabanata: Nag-aalala


We went inside the huge building. I stood before Isaiah as he talk to the reception about something.

Nasa isa kaming hotel. Hindi ito gaanong ka enggrande pero para sa maliit at organisadong syudad, maganda na ito kahit papaano. Humarap sa akin si Isaiah at tinuro niya couch para roon kami maghintay sa mga magulang ng ama niya.

"You look nervous..."

Napalingon ako sa kaniya. Ang mga tao sa hotel dito ay napapatingin sa amin. Pero alam kong ang mata nila ay nasa katabi ko.

Isaiah's hand is resting on my leg. His thumb is rubbing the fabric on it lightly.

Umiling ako sa kaniya at ngumiti.

"Nag-iisip lang ako." Sabi ko.

"Nasa itaas pa sina lola. Aalalayan sila ng mga tao rito pababa."

"Tulungan natin sila."

"Let's just wait for them."

Muli kong inikot ang tingin sa paligid. The interior is just simple. The space is also enough to accommodate guests. Hindi naman magtatagal ang mga maghihintay rito dahil mukhang mabilis naman ang mga tao sa pag-aasikaso. Ilang sandali lang, narinig ko na ang boses ng isang matandang nagrereklamo.

Napatayo si Isaiah. Gusto ko sanang tumayo rin kaya lang, pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking balikat. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Diyos mio! Ano ba naman ang mga taong ito!"

Then I saw who are coming.

Palabas mula sa lobby ay ang sopitikadang matandang babae at sa likod naman nito ay ang halos kasing edad lang nitong lalaki. His built reminded me of Isaiah and his age doesn't touch his true age. Ganoon din ang ginang sa harap nito.

Tumigil ang babae sa pagsasalita nang napalingon sa direksyon namin.

"Lola," Isaiah greeted. Lumapit siya sa kanila.

Abot tahip ang kaba ko kaya binaba ko sa sahig ang tingin nang makitang dumiretso ang mata ng matanda sa akin.

"Hijo." A deep baritone voice echoed.

It's like a family gathering. Everyone is looking at them. But they didn't mind them, especially the Don and Doña.

"May inaasikaso sina Kuya at Mama. Papa is still in Manila."

The tension is unbearable. Napatayo ako. Napansin din ni Isaiah ang ginawa ko kaya tumalikod siya. Nanatili naman ang tingin ko sa kaniya nang magtagpo ang tingin namin.

My eyes are asking him what to do. Gusto kong bumati sa kanila para hind imaging bastos lalo na dahil maninirahan muna kami sandali sa iisang puder. One nod from Isaiah, my foot rose to step forward.

"Magandang umaga po," bati ko sa ginang.

Umangat ang isang kilay niya.

"This is Katherine, lola. They're living in the rest house at Hulatan with Manang Dessa. Doon na siya pinatira ni Mama."

"Nice to meet you." Matabang na sabi nito.

Tipid na umangat ang mga gilid ng aking labi. Nag-iwas agad ako ng tingin sa mga mata nito dahil nakikita ko ang sinasabi nito.

"Let's go now."

Takot ang nararamdaman ko para sa sarili habang nasa loob ako ng jeep pauwi namin. Para akong estatuwa sa kinauupuan huwag lang pansinin ng mga magulang ng ama niya. I also locked my hands in between my thighs. Isaiah tried to reach for it but I didn't allow him. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ng dalawang matanda sa likod.

Ang pagkaing binigay ni Manang Dessa kanina ay hindi namin nagalaw. Kaya nang makabalik, ako ang nagsauli nito kay Manang Dessa. Hindi na naman nagtanong ang Manang kung bakit hindi namin ito nagalaw. Ginawa ko rin iyon para hindi na magkaroon ng interaksyon sa mga matatanda.

The house helps helped them. Dumiretso na ako sa loob nang makababa kami ng tuluyan.

The time where I was starting to become comfortable in the house, is when the Don and Doña arrived. Their eyes were as if they knew me already. Every time I'm around them, their observant eyes are always ready.

Hindi pa nakakauwi sina Isaiah nang gabi kaming natapos ni Ate Zydda sa isang show ng kaibigan ni Alfred na kumuha sa akin noon. Paglabas ko ng mini-van ng kaibigan niya, inatake agad ako ng kaba. Bago makaapak sa portico, tinext ko si Isaiah na nakarating na ako. Sinilip ko na rin ang oras.

"The nerve of that woman! I've been telling you this—" natigil ang malakas na pagsasalita ng Doña nang marinig akong papasok. Una siyang lumingon sa akin pagkatakos ay sumunod ang Madame na kausap niya.

"Good evening po," sabi ko.

Kay Madame Lucille ako tumingin. Pero sandali lang iyon dahil nakutuban ko agad na importante ang pinag-uusapan nila. Nagmamadali akong naglakad papuntang dining papasok sa kuwarto. Muli naman silang nagpatuloy sa kanilang pag-uusap pero nakapasok na ako kaya hindi ko na narinig.

It took Isaiah one week to return. Habang wala siya, nag-uusap kami sa cellphone.

"Ano ang ginawa ninyo ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

Ronald is asleep. My voice is not that loud and my whispers are too much.

"May mga inimbestigahan lang na mga dokumento."

"Narinig kong hindi raw muna itutuloy ang pagppagawa sa dam ninyo."

Iyon ang narinig ko sa isa sa mga kasambahay rito. Gusto kong magtanong kung bakit hinayaan ko nalang itong isang palaisipan. Iyon din naman ang dahilan kung bakit umalis si Isaiah kasama ang Kuya niya.

I heard him sighed.

Before he called, he told me they are already in his brother's unit. Kaya ang katahimikan ng kaniyang background ay nagpapaalam na nasa labas siya ng kaniyang kuwarto. Maybe he's in a balcony of it or something.

"It will be postponed."

Tumigil ako sa pagsasalita. Somehow, I have something inside that made me worry for the future of their construction... for his vision. Nagpatuloy ang usapan namin. Tuwing napuputol ay naipagpapatuloty naman sa susunod na araw at habang nagkukuwento siya, may isang kaganapan akong naalala.

Wala ako sa kanilang bahay pagdating ng araw ng kaniyang pagbalik. Magkasama kami ni Ate Zydda para sa isang formal event.

"Mr. Dimakiling wasn't joking when he said that the young girl is powerful!"

"Mukhang hindi na mahirap ayusan 'to."

"Don't tell me you'll appoint her for something?"

"We'll give her a try."

Nakababa na ako sa entablado para masamahan si Ate Zydda sa aming mesa. Mukhang hindi napansin ng mga nag-uusap sa tabi namin na nakabalik na ako sa rito. Hindi naman nagsasalita si Ate Zydda at may kaaway yata sa cellphone niya.

The event I am in called me to perform twice. Tatawagin na lang ulit ako dahil may programang sinusunod kaya habang nasa mesa pa, nakatanggap ako ng text mula kay Isaiah.

Isaiah:

What time will you be done?

Ako:

Kakanta pa ako. Hindi pa ako sigurado.

Isaiah:

May kasama ka?

Ako:

Nandito si Ate Zydda. Kasama namin ang kaibigan niya mamaya.

Isaiah:

Maghihintay ako. O baka pupunta ako riyan

May kung anong nabuhay sa puso ko. Mabilis ulit akong nagtipa.

Ako:

Huwag na. Itetext nalang kita kung pauwi na kami mamaya.

Hindi na siya nagkapagreply kaya naibalik ko ang sarili sa panonood sa mga nagpapatawa sa entablado. Hanggang tawagin ako ng host at natapos na sa pagpeperform, nang balingan ko ang cellphone, hindi na siya nagreply.

May sinasabi si Ate Zydda nang magtext ako sa kaniya.

Ako:

Tapos na kami. Aayain ko na si Ate na umuwi

Pagkatapos ay inangat ang tingin kay Ate para ibigay naman sa kaniya ang atensyon. My brows were raised when she realized that I was not listening.

"May nag-imbita sa atin. Sa 'yo. Isang kilalang radio station."

"Kailan daw?"

"Binigay ko number ko. Nagmamadali kasi tayo. Sasabihin ko nalang sa 'yo."

Paglabas namin sa People Center kung saan dinalo ang event, nakita ko agad sa ilalim ng lamppost ang isang pamilyar na jeep. Hindi na bumitaw ang tingin ko roon habang si Ate Zydda naman ay iniikot ang tingin sa paligid para hanapin ang mini-van na dapat ay sasakyan namin.

Isaiah, who, I knew, is inside, started its engine. Kaya napalingon doon si Ate Zydda nang biglang umilaw parking area dahil sa headlight ng sasakyan niya.

"Nasaan na ang pesteng lalaking iyon?!" Bulong niya, hindi na napigilang ang irita. "Kilala mo 'yan? Mukhang papunta sa atin."

"Si Isaiah ang nasa loob diyan."

"Si Isaiah?"

Bago pa ako makasagit, nasa harap na namin ang jeep.

Bumaba ang bintana nito pagkataps ay binuksan ni Isaiah ang ilaw sa loob.

"Nandito ka..." sabi ko pagkatapos ay lumipat ang tingin kay Ate na nakatingin na akin. May mga sinasabi ang kaniyang mata pero hindi ko ito pinansin. "A-ate, si Isaiah pala." Balik ko ng tingin kay Isaiah.

Napatingin sa ito sa kaniya.

"Hello! Nice to meet you pala!" si Ate Zydda.

"Isaiah... uh, si Ate Zydda naman."

Tumango siya.

"Palagi kang kinukuwento sa akin ni Katherine!" Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Ate.

Lumaki ang mata ko pagkatapos ay umiling para bawiin iyon. Ngunit mukhang ayaw yatang tanggapin iyon ni Isaiah dahil nakita ko na ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

"Ano ang mga sinasabi niya sa 'yo tungkol sa akin?"

"Naku! Marami!"

"Isaiah, wala talaga." Dispensa ko. Hinila ko si Ate paatras sa jeep.

"Kung alam mo lang! Itong alaga ko... naku!"

Walang katotohanan ang mga sinasabi ni Ate Zydda. Wala nga akong may naaalalang nabanggit ko sa kaniya ang pangalan nito. Siguro noong nahagip lang namin siya noong nasa isang food court kami. Iyon lang. Pero kahit ano yata ang gawin ko, mukhang hindi na iyon mababawi kay Isaiah. Lalo na ngayon dahil kita ko ang paglapad ng labi niya.

"Isaiah, hihintayin muna namin na dumating ang kaibigan ni Ate. Ang mini-van ang susundo sa kaniya."

"Sabay na lang siya sa atin?" Aniya pero may ngisi na ngayon sa kaniyang labi.

Umiling ako.

"Kino-contact na ni Ate ang... kaibigan niya."

Tumango siya sa loob at pinaandar ang sasakyan. Ipapark niya siguro kaya sinundan ko ng tingin ang jeep habang mahina itong umaabante papunta sa may mga halaman. Lumiwanag ang pilaw ilaw nito sa likod. Nag-iwas ako ng tingin para tingnan naman ngayon ang paparating na mini-van.

"Nambababae!" Bulalas ni Ate. Sabay kaming napakaway rito. Bumusina rin agad ito.

"Hihintayin ko nalang kayong makaalis, Ate." Sabi ko nang makita ang pagbaba ni Isaiah sa jeep niya.

Napalingon si Ate sa akin. Lumapad agad ang kaniyang ngisi. "Ikaw, ha. Kuwentuhan mo ako tungkol diyan, ha!"

Hindi na ako sumagot dahil tumapat agad sa amin ang mini-van. Binuksan agad iyon ng kaibigan niya sa loob.

"Pasensya na." Nairinig pa ang sinabi nito bago tuluyang makapasok si Ate.

Bumaba ang bintana sa pintuan ni Ate nang maisarado niya ito. Tumango-tango ako nang kumaway siya bago sila tuluyang lumayo.

"Ingat kayo!" sigaw ko pa kahit na nakalabas na sila.

That's when a familiar scent attached my nose. Isaiah's arms snaked behind my waist. Binaba ko agad ang kamay ko para maharap sa kaniya. The light from the lamppost is too far to illuminate us. But the smile on my lips changed when I saw what's on his face. Dumapo agad ang palad ko roon.

"Anong nangyari sa 'yo?" Hinawakan ko ang pasa sa kaniyang kaliwang pisngi. Marahan ko itong dinampian.

It doesn't look new. But the mark is telling that he got it around when they were in their supposed meeting for the Daguitan dam.

Hindi niya inintindi ang aking sinabi. Hinawi niya ang kamay ko at ngumiti. Pero hindi nito napawi ang pag-aalalang nararamdaman ko.

"Don't mind this." Aniya, natatawa.

Hinawi ko ang kamay niya sa baiwang ko. Tumingkayad ako para makita ang mukha niya ng maayos.

"Pumasok na tayo sa loob." Natawa pa siya.

Sumingkit ang mata ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mukha. Nakakadumi ito sa kaniyang mukha! The mark on his face made him look more stern. His dark eyes are softened because of the careful smile curved on his lips. Natatabunan ang kalahati ng kaniyang mukha dahil sa ilaw sa malayo.

"Where did you get this?"

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa kaniyang pisngi. Nagpaubaya ako.

"Sa loob na tayo. You'll get sick with your..." bumaba ang tingin niya sa suot ko. "Dress."

Hinaayan ko siya ng hilahin niya ako sa palapulsuhan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan ako sa damit kong makapal dahil sa mesh fabric na binalot ni Ate Zydda sa ilalim para maka-akyat ng maayos. Siay na rin ang nagsara ng pinto.

Sinundan ko siya ng tingin habang paikot siya sa harap papunta sa driver's. Umakyat siya agad nang mabuksan niya ito.

"What happened to your face?" seryoso ko nang sinabi.

Pinihit niya muna ang susi sa ilalim ng manibela para buhayin ang makina bago bumaling sa akin.

He smirked. "Kuya and I just had a small disagreement about something, that's why this thing happened."

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya.

"Don't worry. Ayos na kami ngayon."

"Bakit? Tungkol saan ang hindi niyo pagkakaintindihan?"

His laugh burst. This time, he made it more resound to make me worry less about their situation. Then he leaned closer to snatch a kiss from me. I was stunned of his stunt.

"That's better."

Tahimik kaming umuwi. Hindi na ako nagsalita pero bakas pa rin sa aking mukha ang pag-aalala. Palapit na kami sa bayan ng Hulatan nang muling may kuwestyong namutawi sa utak. Bumangon ako sa pagkakahilig sa backrest para maharap siya.

"Alam nina Madame na sinundo mo ako?"

Inside the car is darkness. The only light that's allowing me to see him again are the streetlights along the road and his jeep's headlight. He took a turn to look at my direction. His brows are up, questioning again from what I've said. I echoed my question.

"Alam ni Manang Dessa na susunduin kita."

"Hindi ka nagpaalam?"

"Why?"

Bumisita sa isip ko ang mukha ng Doña.

"P-puwede mo naman akong huwag nang sunduin! Baka mapagalitan ka ng iyong mama... at... ng Doña!"

He took another look. "Hindi iyon magagalit."

Ayokong isipin nilang mayroong namamagitan sa atin. Iyon ang gusto kong sabihin sa kaniya ngunit hindi ko ginawa. Hindi nalang ako nagsalita at naghintay na lang na marating namin ang kanilang bahay.

Takot ako sa maaaring sabihin sa akin ng Doña. Kahit na halata sa mukha niya ang disgusto sa akin, kahit papano ay hindi ko maihahanda ang sarili ko sa maaring sabihin niya. Lalo na kapag ipapamukha niya ang pagmamalasakit sa amin ng kaniyang pamilya. Ni Madame Lucille. At nasuklian ko lamang iyon sa mga kasinungalingan para lang hiyain ang apelyido nila.

Hinintay kong patayin ni Isaiah ang makina pagpasok namin sa garahe ng kanilang bahay. Pagbukas niya ng pinto, saka naman ang pagbukas ko ng akin.

Nahirapan pa akong makalakad dahil sumabit ang isang tukod ng heels ko sa may butas ng apakan. Pero natanggal ko agad iyon bago pa man mapansin ito ni Isaiah.

Isaiah waited for me. I did not look his way when my feet started to move forward. My hands are holding the fabrics to make my walks free.

Lumabas si Manang Dessa sa may portico. Muli siyang tumingin sa loob at ilang sigundo lang, lumabas ang kapatid ko.

"Kanina pa ako nag-aalala sa iyo." Sinalubong ako ni Manang Dessa.

Dumitso ang mata ko sa loob ng bahay para tingnan kung sino ang naroon. Nakahinga ako nang maluwag ng wala nang taong nakita.

"Maraming salamat po Manang sa paghihintay,"

"Kanina pa ako nag-aalala! Mabuti dahil sinabi sa akin ni Isaiah na iniwan ka raw no'ng kasama mo kanina. Naku! Kung alam ko lang talaga!" Nanlalaki ang mata ko nang dumapo ang tingin ko kay Isaiah. He's looking at us diligently. Ako naman ay hindi makapaniwala sa mga isinisiwalat sa akin ni Manang Dessa. "Hindi ka na naman daw makaka-uwi! Dapat nagsasabi ka, hija. Mabuti na lang at pumayag si Lucille na ipasundo ka kay Isaiah."

"A-ano po kasi, Manang."

Isaiah's lips are pursed, halata na nagpipigil ng ngiti.

"Tara na! Pumasok na tayo sa loob! Hindi ka na nahintay nina Lucille. Napagod kasi sila kanina."

Tumuloy kami sa loob. Kaming apat na lang pala ang narito sa living at gising.

Muli akong bumaling kay Isaiah bago tumuloy sa dining area. Ang kapal ng mukha! Inikot niya pa talaga si Manang Dessa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top