Ikalabing Tatlong Kabanata

Ikalabing Tatlong Kabanata: Something Wrong


Agad akong tumawid pagbaba ko ng mini-van. Hindi kaagad sila umalis. Kaya kailangan ko pang lumingon at tumango para ipakitang ayos lang ako rito. Umandar din naman agad ang van nang ginawa ko iyon. Ramdam ko naman na nakatingin sa pag-alis nila si Isaiah kaya nang nawala na sila sa paningin, tumalikod ako para maharap siya.

"Pasensya na sa abala,"

Bumaba ang tingin niya mula sa direksyon na dinaanan nina Ate Zydda. Nagkatitigan muna kami. His eyes were naturally deep that's why he have his dark sharp eyes. Kaya ngayong nasa banda ko ang madilim, mas lumalalim ito.

Nag-iwas ako ng tingin sa pamamagitan ng pag-baba ng akin patungo sa may dibdib niya. My thoughts didn't roam that much. What I only wanted to do right now is to go inside their house.

"Who are they?" He asked. I felt his voice being distant.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. His eyes are still on me. And the way they are observing me is waking up the electrodes I didn't I have inside.

"A-ano, sina Ate Zydda." Tumingin pa ako sa ruta nila para ituro ito sa kaniya.

"Iyon ang mga kaibigan mo?"

"Isaiah, hijo? Is that Katherine already?"

Bago pa man makasagot, sabay kaming napalingon sa direksyon ng pinanggagalingan ng boses. The way they are dictated properly, alam ko kaagad na si Madame Lucille iyon. Nakita ko naman siyang palapit nang umatras si Isaiah para haraping ang ginang. Nakatingin na pala ito sa akin at malapad pa ang ngiti.

"Nandito na siya."

"Hija! Mabuti nakarating ka na?"

"Good evening po, Madame."

"Tara na sa loob!"

Pumagitna sa amin ni Isaiah ang Madame para kunin ang braso ko. Agad naman akong sumama sa kaniya nang hilahin niya ako papunta sa bahay. Her silk night gown is attracting the lights to dance in. Ibang iba sa suot kong asymmetrical dress na sumasayaw lang ang mesh sa paglalakad namin. Nakasunod naman sa likod si Isaiah.

Sinalubong kami ng magandang ilaw ng chandelier sa portico bago tuluyang nakapasok ng bahay. Saka lang binitawan ni Madame ang braso ko nang nasa living na kami.

"You were on a party?" nanlalaki ang mga matang tanong nito.

Napatingin muna ako kay Isaiah bago umiling sa kaniya. "May pinuntahan po akong gig sa Tacloban. Kaya inayusan ako ngayon,"

"Really? I mean... sorry I really forgot what you said earlier bago ka umalis." Lumiko naman ang tingin niya sa anak niya.

"Ayos lang po, Madame,"

"Hindi ko pala nasasabi sa iyo ang tungkol bukas."

Bago tuluyang dumiretso sa kani-kanilang kuwarto, naghabilin siya tungkol sa magaganap na kasiyahan bukas. Akala ko ay gagawin iyon sa Fort Bonifacio ngunit lumagpas ang sinasakyan namin roon nang papunta kami ala-una ng hapon kinabukasan. Kung hindi ko lang makikita ang pangalan ng Costiniano sa arko pagbaba namin, aakalain kong isa ito sa kanilang ari-arian sa bayan.

Sumama kami ni Ronald sa mesa nina Manang Dessa. The mansion surrounded with tables and chairs is incomparable to what the Maderal have in the proper. Siguro kaya mas malaki at malawak ang mansion ito dahil dito nanirahan at lumaki ang pamilya ng kapatid ng Madame Lucille.

May mini-stage sa gilid. May tarp ito sa itaas. The words in the tarp is giving thanks to the success of their business. Nakalagay rin sa gilid ng print ang itsura ng dam sa Daguitan kung sakaling matapos itong gawin.

Maraming mga tao ang dumating. When the program started, the Maderal and Constiniano family aligned on stage. Hindi kumpleto dahil ang Madame at si Isaiah lang ang naroon para sa kabilang pamilya. I was getting around to the speech of Senyor Aurelius when my eyes fell to Isaiah.

Beside him are his two cousins. All of them are in their casual. But my eyes couldn't get through from Isaiah. Like a supreme commander controlling an armed force, his dead serious eyes are looking to the people surrounding them, searching for a soldier who failed his task.

Biglang bumaba ang tingin niya nang humarap sa lamesa namin ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mata ko dahil nagkatitigan kami. Like a thief, I sheered my face to the opposite direction. Muli iyong nangyari.

Matapos ang kainan, may mga taong umalis ngunit mayroon ding mga naiwan. May babaeng maputi na sa lamesa nina Isaiah. Everyone's attention was at the pale girl. Hindi ko sinasadyang mahagip ng mata si Isaiah.

Days passed and everything went back to my normal days in the Maderal premise. Ang tanging pinagkaiba lang siguro ay ang mga maiingat na pag-aalala ng Madame sa akin.

"Katherine? Halika na mag-almusal kana."

Nasa dining ang Madame nagkakape. Kakagising ko lang at balak ko sanang mag-ayos muna sa common bath ngunit naabutan niya ako.

An expensive mug is in front her. Iniikot ng isang kamay niya ang teaspoon upang mahalo ang iniinom ng maayos sa mainit na tubig.

Umiling ako. "Mag-aayos lang po ako,"

"Ganoon ba? Sige, hija. You can join me after."

Matapos kong mag-ayos, sinunod ko ang kagustuhan niya. Ayaw ko man, kaso nakakahiya kung tatanggihan ko siya. I am living under her premise. Insulto iyon kung ako'y tatanggi. Mabuti na lang ay agad ding dumating sina Manang para sumabay.

Mabait ang Madame. Kaya tuwing may maganda siyang ginagawa sa amin ng kapatid ko, para naman akong tinutusok dahil nagpapaalala iyon sa mga kasalanan ko sa kanila. Guilt is always pushing me back from the line.

Huwebes bago magtanghalian, nasa hardin ako inaabala ang mga mata sa mga bagong dating na halaman nang makatanggap ako ng tawag galing sa hindi kilalang numero. Sinagot ko agad ito.

"Hello?"

"Uhh... hi? Si Katherine ba ito?"

Hindi ako nakasagot dahil napa-isip ako kung kaninong boses ito. Hindi ako pamilyar kaya nagtanong ako.

"Sino po sila?"

"Naku! Pasensya na! Si Alfred 'to. Hiningi ko kay Zydda ang numero mo. Akala ko sinabi niya sa 'yo."

"Sir Alfred? Hello po! Pasensya na!"

Narinig ko ang kaniyang pigil na halakhak sa kabilang linya. "Ano ka ba? Ako nga dapat magpaumanhin sa 'yo."

"Ayos lang po, sir."

Hindi na humaba ang usapan namin dahil nagtatanong lang siya kung ayos lang ba ako sa bar niya bukas. Pumayag ako dahil pagkakataon na iyon. Subalit hindi lang makakasama si Ate Zydda dahil nang tawagin ko siya, may gagawin din pala siya.

"Ate, sasama lang muna ako kina Kuya Lito sa pamamasada."

"At ano naman ang nag-udyok sa iyong gawin iyan?"

Kakatapos lang ng hapunan. Kakapasok ko lang din sa loob ng kuwarto namin.

Nakatayo si Ronald sa tukador na pinaayos ni Isaiah noon. Doon siya naghintay sa akin bago niya ito sabihin.

"Umiipon na ako ng pera. Kaya kong paaralin ka. Hindi ka pa naman magco-college, ah?"

"Mas makakadagdag ito kung sakaling tutulong ako."

My left brow shut up. Ang nakaawang niyang labi ay natigilan sa kaniyang sinasabi.

"May gig ako bukas kaya kailangan kong matulog ngayon."

Kinabukasan ay muling tumawag sa akin si Alfred para ipaalam na may live band akong makakasama. Kung maaari ay puwede akong pumunta ng mas maaga. Nang pumayag ay sinabi niya agad kung anong oras. Ala-una pa naman.

Sa almusal ako ako nagpaalam sa Madame.

"Gagabihin ka ulit ba?"

Napatingin ako kay Isaiah na nakatingin sa kaniyang ina. Tumingin lang siya sa akin dahil sa pagbaling ko. Muli kong binalik ang tingin sa ginang gabang nagsasalita.

"Baka ulit gabihin ako," sagot ko.

Tumango ang Madame. Ganoon din si manang Dessa sa tabi niya. Bumalik ako sa kuwarto para mag-ayos. Maaga akong naligo. Mag-isa lang ako sa loob dahil nasa labas si Ronald para sa mga maari niyang gawin.

Naghahanda ako nang susuoting nang may kumatok sa pintuan namin.

"Katherine?"

Lumapit agad ako para pagbuksan ang pinto nang makilalang si Janet iyon, isa sa mga kasambahay rito. Unang bumungad sa akin ang kaniyang mukha.

"Pinapasabi pala ng Madame Lucille na sumabay ka na raw mamaya kay Isaiah."

Siguro napansin ni Janet ang pagtataka sa mga mata kaya muli siyang nagsalita.

"Narinig ko kasi kaninang may pupuntahan siya sa syudad kaya pinapasama ka nalang ng Madame sa kaniya." Aniya nang nagkakamot sa ulo sa hiya.

Tumango agad ako.

"Maraming salamat,"

Sinabi ni Alfred na may kuwarto naman akong puwedeng mapagpalitan mamaya sa bar niya. Kaya matapos ang tanghalian, natagpuan ko si Isaiah sa carport naghihintay. Nasa dalang bag ko na ang mga isusuot maliban lang sa sapatos na nasa isang kahon ko nilagay.

Simpleng shirt lang ang suot nito. Ibang iba sa mga kadalasang suot niya tuwing may lakad siya.

"Wala kayong trabaho ngayon sa Daguitan?" Tanong ko pagkapasok namin sa kotse.

Bumaling ako sa kaniya. He's buckling his seatbelt. Napasunod tuloy ako.

"May kukunin akong order sa isang branch sa syudad."

Umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha. I was joyed that nothing felt different. Walang naging epekto sa akin.

He swiftly turned the keys. Umingay agad ang makina.

"Could you please stop staring me?"

Nahulog sa labi niya ang atensyon ko nang gumalaw ito para magsalita. Humarap siya sa akin. Saka ko lang napansin na nasa akin na ang kaniyang tingin. Napakurap-kurap ako. My eyes climbed back to his eyes.

"I'm handsome. I know that."

Lumaki ang mata ko kasabay ng pagkahulog ng panga.

I didn't know I was staring at him. Sandali lang naman iyon. Wala namang malisya kung ganoon. Naghanap ako ng idadahilan dahil nanatili ang tingin niya. He's trying to capture my reaction.

"H-hindi, Ah! Nakatingin lang ako sa binatana!" Depensa ko.

Sides of his lips rose. Bumaba roon ang tingin ko. The way they are curved is telling me that they believe nothing from what I've said.

"Really?" Sarkastiko niyang tanong.

Lumaban ako sa pamamagitan ng pag-angat ng kilay. But his eyes became sensual. As if a predator who already captured a target but making sure he'd play along with it. Kung kanina wala akong naramdamang kung ano, ngayon, tumatambol ang puso ko. At dahil iyon sa kaba. Oo, kaba lang.

Binalik niya ang kaniyang tingin sa harap. Pero ang mga ngiti sa mga labi ay naiwan.

"Nakatingin lang sa binatana, a?" He added.

Umirap ako dahil iyon naman ang totoo.

Tahimik kami sa biyahe. Sa kaliwang binatana ako nakatingin dahil ayokong may kung ano na naman siyang iisipin sa akin. Sa may Tabon kung nasaan ang shortcut paputang Tacloban kami dumaan. Hindi na ako nagulat na alam niya ang rutang iyon dahil marahil ay dito siya dumadaan tuwing may kukuning kung ano para sa proyekto nila.

Kaya halos hindi pa mag-iisang oras ay narating na namin ang bunganga ng syudad.

Pinandigan kong huwag tumingin sa direksyon niya kaya kahit na nasa binatana ang mukha, naramdaman ko parin na tumingin sa akin si Isaiah.

"Saan kita ibababa? I'll be in Salazar Street."

Bumaling ako sa kaniya. Hindi ko alam kung saang street ang tinutukoy niya pero inalala ko kung ano ang mga establishementong nakita noon na kasama ko si Ate Zydda bago kami pumasok.

"Malapit lang ako sa may SM. Puwedeng do'n mo nalang ako ibaba. Malapit lang sa may SM ako."

"Wait. SM?"

Napabalik tanaw ako.

"Oo. Sa SM," yata.

Dumami na ang mga sasakyan sa paligid namin. Kinuha ko ang cellphone para itext si Alfred na malapit na ako. I typed in my message. After sending it, I saw Isaiah looking down on my phone's screen but he can't put his full attention there because we're still moving.

Tumunog naman kaagad ang cellphone ko. Napatingin pa ako kay Isaiah bago ko ito sinagot.

"Hello?"

"Patapos pa lang magset-up ang banda."

"Ano kasi... nakalimutan ko kung nasaan ang papunta r'yan,"

"'Yon ba?"

I nodded. Nanatili ta tainga ko ang cellphone habang nagpapaliwanag siya. Ibinaba ko agad ang tawag para kay Isaiah ko naman ipaliwanag. Tama ngang may SM iyon pero may kalayuan pa iyon doon.

"Puwedeng sa Royal Kitchen mo nalang ako ibaba." Sabi ko sa dulo ng pagpaliwanag.

Isaiah remained silent. Ikinataka ko iyon dahil parang may kung ano sa kaniyang biglang nag-iba. Madali niyang nahanap ang establishemento. Ako naman ay nagtatalo ang isip kung tama ba ang lugar na ito dahil biglang nawala sa alaala ko ang itsura ng mga gusaling katabi.

"Thank you," paalam ko sa kaniya nang pumarada na kami sa tapat mismo ng Royal Kitchen. Maliit lang ang boses ko sa paninimbang.

The door clicked when I pulled the handle to open it. Pero hindi ko ito tinuloy sa pagbubukas. Nanatili ako sandali para hintayin ang kaniyang reaksyon. But remained nodding. Telling me that I can go out already.

"Bababa na ako," ngunit hindi pa rin siya lumilingon.

Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan hanggang sa nakababa na ako ng tuluyan. Hinintay kong umalis ang kaniyang sasakyan pagkasarado ko sa pintuan nito ngunit nanatili ito hanggang sa marinig ko ang tawag ni Alfred galing sa loob ng Royal Kitchen para anyayahang pumasok.

Did I do something wrong? This beast! Pero wala naman akong naaalalang may mali akong nasabi sa kaniya kanina.
__________

A/N: Hello! This is Jerald and I hope everyone is doing okay. I've been saving these words for you. This is my first time to have an actual author's note and I am only here to express how my heart is warm for the inevitable support.

Hoping to see you up to the succeeding chapters 'til the very last word of this book. I am still questioning how my writing goes. Rest assured that I'm doing my best to improve for you.

And also, I've noticed how we're slowly growing now. Keeping up for everything.

Stay safe everyone!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top