Ikalabing Pitong Kabanata

Ikalabing Pitong Kabanata: About Me


Matagal akong nakatulog kakaisip sa nangyari sa amin ni Isaiah sa gabing iyon. At habang tumatagal ang titig ko sa metal ng ilalim ng kama ni Ronald, mas lalo kong nakikita ang mga posibilidad na mangyayari sa aming dalawa. The kiss was too shallow. Maybe I wasn't thinking that much when I decided to give in.

Alak. Naisip kong baka nadala lang si Isaiah sa alak na nainom niya. At siguro ay na nadala lang din ako. Nagkahalo-halo na kasi ang mga emosyong nararamdaman ko na halos hindi ko na maintindihan ang gusto ko.

Gusto ko ba ang nangyari sa amin?

I want to fool myself. But whenever I am with Isaiah, it feels like I don't know what's happening anymore.

Dahil sa mga tumatakbo sa isip, tinanghali ako ng gising. Nagulat pa ako nang magising dahil masyado nang maliwanag ang kuwarto dahil sa sikat ng araw na pumapasok sa bintana. Kalaunan, nanatili ako sa pagkakahiga. Nagmuni-muni saglit bago binuksan ang cellphone na palai kong tinatago sa ilalim ng unan.

Nakita ko agad ang pangalan ni Isaiah. Aaminin kong naramdaman ko ang pagtalon ng puso unang kita palang ng pangalan niya.

Isaiah:

Good morning.

Iyon ang unang mensahe niya pagkatapos ay mayroon pang kasunod sa baba.

Isaiah:

Akala ko magigising ka kaagad. I'm heading to the site now.

Pinagmasdan ko muna ang dalawang lobong iyon. Inaral ang paraan ng kaniyang pagtitext.

Ako:

Hi! Kakagising ko lang. Sorry ngayon ko lang nabasa ang message mo. Matagal akong nakatulog kagabi.

I was about to press the send button when I realized that something sounds off. Ini-scroll ko muna pataas ang enter message box para mabasa ang mga tinipa ko. Napakagat ako ng labi. Hindi ko na dapat sabihin ito sa kaniya. Sa huli, dinelete ko ang una at huling pangungusap pagkatapos ay sinend na ito sa kaniya.

Muli akong nakatulog. Nagising lang ako nang may kumatok sa kuwarto.

"Hija? Kumain kana. Magtatanghalian na." Si Manang Dessa iyon.

Lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso agad sa banyo para maligo.

Sa hapon ng araw na iyon, nasa ilalim kami ng puno ng Mabolo ni Analyn nagliligpit ng kalat mula sa pagpapaayos ng ilang parte ng hardin sa mga tauhang pumunta rito. Sa Mabolo nakakasilong ang mga construction workers kaya roon nila ginawa ang mga pagbabalat ng kahoy at ilan pa para sa ginagawa nila.

Kami na ang nagligpit dito.

Walang bakas ang nangyari kagabi sa mukha ni Analyn. Iyon ang pinag-uusapan namin habang hawak ko ang maruming sako para maayos niyang malagay ang mga napupulot na maliliit na tira-tirang kahoy.

"Nag-aalala kami nina Manang Dessa sa 'yo,"

"Ang tagal mo kasing dumating. Wala akong kausap."

Parang sasakyan na dumaan sa utak ko ang nangyari kagabi dahil sa dispensa niya. Umiling ako.

"Nawala ako saglit. Madilim kasi."

Pinanood ko ang kaniyang reaksyon. Hindi niya pinansin ang dahilan ko dahil nasa mga napulot niya ang mata niya. Maingat siya rito para hindi mahulog. Inayos ko ang pagkakabuka ng bunganga ng sako para tanggapin iyon.

"Medyo masakit pa nga ulo ko kanina." Dagdag niya. Her eyes drifted to mine after successfully shooting the residual bamboos to the sack. "Ikaw? Wala ka halos buong umaga kanina."

"Napagod lang."

Natawa siya.

"Ako nga rin, e! Pero ngayon nakabawi na."

Tinuloy namin ang pagliligpit. Dumiretso agad sa loob nang natapos.

Hindi marami ang mga kasambahay ngayon dahil ang ilan sa kanila ay pinasama para tumulong sa Fort Bonifacio kanina. Wala rin sina Manang Dessa at Madame Lucille. Si Manang ay nasa Fort din at ang Madame naman ay bumisita sa mansion ng kapatid niya.

Nagpapahinga ako sa couch ng living area nang marinig kong may dumating na sasakyan sa labas. Inakala ko pa noong una na si Isaiah iyon. Pero nang natanaw siya pagpasok sa portico ay nakilala ko rin agad.

Isaac, in his simple shirt and rough pants, entered the house. His gaze ran towards my direction but it was only for few seconds.

Unang dating ni Isaac noon, hindi ako makatingin sa kaniya. His eyes resembled the power of their family, kapareho ng kapatid niya. They always have that effect to people. And I guess it's natural in their blood line. Dahil naalala kong ganoon din ang mga pinsan niya.

Palubog na ang araw, nakaupo ako sa harap ng mesa sa may hardin. Kausap ko sa text si Ate Zydda nang marinig ko ang tunog makina ng pamilyar na modified jeep. Agad may nabuhay na kaba sa dibdib ko. Narito na si Isaiah.

Ginalaw ko ang mata ko para makita siya sa bukas na bintana ng living. Aabangan ko roon ang pagpasok niya. Parang may kung ano sa akin na gusto siyang makita ngayon.

Matapos ang huli kong text sa kaniya kanina, hindi na ito nasundan. It made me a bit distracted. Bawat tingin ko sa cellphone, may multo sa akin na umaasang nagreply siya. Pero tuwing nakikita kong wala, lumilipad ang isip ko kung ano ang dahilan ba't 'di pa siya nakakapag-reply.

My phone vibrated. I knew immediately that it's Ate Zydda replying from our conversation.

My head didn't move. My attention was caught by someone more interesting. From the window, I saw Isaiah entering the house. His lightly revealed chest grabbed my eyes. Damn those unbuttoned shirt. Muli kong inangat ang tingin at nakitang nakatingin na rin siya sa akin. He caught me looking!

Umangat ang isang gilid ng labi niya. Nahiya ako kaya binalik ko ang tingin sa cellphone.

I can hear the beating of my getting louder.

"Kuya, hindi raw dito maghahapunan si Mama. She's still at Bonifacio. Kina Tito," I heard him talked.

Pilit ko paring kinakalma ang sarili.

Sinubukan kong basahin ang reply ni Ate. Ngunit masyado mahaba ito para tuluyan kong maintindi. Lalo na ngayong balisa ang utak ko.

"Ako na lang ang susundo sa kaniya."

"Ikaw ang bahala."

Pagkatapos noon ay wala na akong narinig.

Umangat muli ang tingin ko at pinatagilid ng kaunti ang direksyon ng ulo para mahagip ang pinutan sa likod. His silhouette is moving. Pero tuluyan akong napabaling nang lumabas siya sa pintuan. Diretso sa akin ang tingin ni Isaiah. Lumaki ang mata ko at bigla akong napatayo.

Halata naman ang gulat sa mata niya.

Kinakabahan akong lumakad sa kabilang direksyon. Patungo iyon sa portico sa harap ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ni Isaiah. Pero hahayaan ko nalang iyon dahil kataka-taka sa mga makakakita na kaming dalawa mag-uusap sa maliit na lamesa.

Bago ako tuluyang nakaalis ng hardin, nahagip ng mata ko si Isaiah. Nakatayo siya at nakasunod sa akin ang tingin.

Tumigil ako sa may gilid ng portico at inangat ang cellphone para matext siya.

Ako:

Magtataka ang mga tauhan ninyo kung makikita nila tayong magkausap na tayong dalawa lang.

I immediately pressed the send button.

Binaba ko agad ang cellphone nang mapansing may taong palapit. Si Ronald. Kakauwi lang galing pamamasada nila.

Hapunan na at nasa hapag kaming lahat. Hindi pa nakakauwi galing sa mga Costiniano ang Madame. Katabi ni Isaiah ang Kuya niya at pareho silang maingat na kumakain. Nakatingin ako kay Manang Dessa, nakikinig sa pag-uusap nila ng isang kasambahay na hindi nalalayo sa edad niya.

"Malapit na pala ang Sta. Cruzan."

"Oo nga pala, Gedessa."

They were talking about the Sta. Cruzan. Ako naman ay pilit na sinasaway sa isip si Isaiah dahil ramdam ko ang titig niya. Hindi lang siguro napapansin dahil nakatuon na ang atensyon ng lahat sa usapan.

Isang beses nilingon ko siya. Ang paglaki ng kaniyang mata ay halata. Alam niyang nahihiya ako kaya hindi niya siguro inaasahang titingin ako sa direksyon niya. Pero ginawa ko lang iyon para pandilatan siya kaya napalitan din agad ang gulat na iyon. From wide eyes to thin and sarcastic one.

Nakahiga na ako sa kama nang magtext siya.

Isaiah:

I thought you'll miss me

Ako:

Nakakahiya sa kanila

Napakagat ako ng labi bago sinend iyon sa kaniya. Dahil lang may halikang naganap sa amin kagabi, magiging ganito siya? Sa isip ko ay nadala lang siya ng alak. Last night is not reasonable to advance everything.

Nakatutok ako sa cellphone habang naghihintay sa reply niya. Hindi naman siya natagalan.

Isaiah:

Mamaya?

Ako:

Puwedeng dito lang muna tayo mag-usap.

Isaiah:

Saan?

Ako:

Dito

Natagalan bago siya nagreply. Tumihaya ako sa pagkakatagilid nang muling tumunog ang cellphone ko. Hinilig ko ito para tingnan ang kaniyang pangalan.

Isaiah:

What do you mean?

Halos mapabangon ako matapos mabasa iyon. Lumabas kasi ang pangalan niya para naman sa isang tawag. Umingay rin ang buong kuwarto dahil doon. Pinatay ko ang tawag niya bago pa man tuluyang maibaba ni Ronald ang ulo para tingnan ako.

"Naghahanap ako ng tunog para sa alarm," sabi ko agad sa kaniya.

His blue grey eyes did not believe me. Pero umalog ang kama nang bumalik siya sa pagkakahiga.

Kagat labi naman akong nagtipa ng ireireply sa kaniya.

Ako:

I mean, dito lang sa text. Puwede naman dito na tayo mag-usap.

Pagkasend ko roon, nagtipa ulit ako ng panibago.

Ako:

Huwag ka lang muna tumawag. Nandito si Ronald.

Humaba pa ang usapan namin. Hanggang sa nakatulugan ko anghuling mensahe niya. Halos naging ganoon ang paraan ng pag-uusap naming dalawa.

May mga sandali ring tumatawag siya. Natuto na rin ako matapos ang huling nangyari. Nakasilent mode ngayon ang cellphone ko at sakto lang dahil tumawag siya.

"Aalis kami ni Kuya ngayong Lunes."

Kanina sa hapag, nag-uusap sina Madame tungkol sa nangyari sa construction ng dam sa Daguitan. She was questioning Isaiah and Isaac about what happened. Na si Isaiah ang sumasagot.

Tumango ako. I can hear that he's now in his room now. Base na rin sa tunog ng aircon sa background niya. Ninamnam ko muna ang kaniyang boses bago nagsalita.

"Ano ang nangyari?" bulong ko.

"We had a meeting this afternoon..."

"Tungkol saan daw?"

"Just don't mind that. It's our problem. Let's not talk about it. Anong ginawa mo kanina?" Biglang sumigla ang boses niya.

Huminga muna ako ng malalim.

Wala pa ring pinagbago simula noong manirahan kami rito. Bukod sa pagtutulong ng kaunti sa mga gawain, nagpapahinga ako sa kuwarto o 'di kaya sa labas kapag may nakikitang puwedeng makasama. Nag-usap lang din kami ni Ate Zydda kanina tungkol sa bagong kaibigan ni Alfred na gustong kumuha sa akin. Iyon lang siguro ang bago bukod sa mga iba pa.

Iyon ang sinabi ko sa kaniya. Tinututok ko ang baba ng cellphone sa bibig habang nagsasalita.

Matapos kong sabihin ang mga mga nangyari, muli kong tinanong ang tungkol sa dam. I only heard him smirked after I stopped for his answer.

"Let's not talk about it. And why are you talking like that? Nasaan ka?"

Halos mapabuga ako ng hinga.

"A-ano... nasa kuwarto lang ako. Baka kasi magising si Ronald... nasa ilalim ako ng kumot ko."

Dumating ang kinabukasan. Hindi ko alam bakit maaga akong nagising at nag-ayos. Tumulong din ako kay Manang Dessa kahit na hindi na kailangan dahil may mga tumutulong naman sa kaniya. Napalingon kaming lahat nang dumating si Isaiah sa kusina.

His dark blue maong pants and ash round neck t-shirt told me that he is going somewhere.

Nagkatitigan kaming dalawa bago niya dineretso ang tingin kay Manang Dessa. Tumalikod ako para hindi mahalata ang kung ano mang namamagitan ngayon sa amin at binalik ang atensyon sa panonood sa paghihiwa ng mga kasambahay sa isda.

"Nasaan si Mama?" Tanong niya.

"Magkasama sila ni Isaac kanina."

"Umalis sila?"

Nilipat ko ang tingin ko kay Manang nang tumigil sa paghihiwa ang dalawang kasambahay para makinig sa usapan nila.

Umaga ng Sabado ngayon. Baka may importanteng pinuntahan ang dalawa.

"Oo," pagkatapos ay bumaba sa aking ang tingin ng ginang. "Katherine, ikaw nalang muna ang sumama kay Isaiah."

"P-po?"

Umikot ako para makita ko si Isaiah. Nasa akin na ang tingin niya.

"Si Katherine nalang muna ang isama mo ngayon, hijo."

Isaiah's eyes remained to me. He's waiting for my approval.

"A-ano, opo, Manang! Maliligo lang po ako."

Isaiah waited for me in the dining. It didn't took me long to finish. Suot ang palaging kong ginagawang panglakad na skinny jeans at puting t-shirt na may print sa gitna, lumabas ako ng kuwarto. Nakita kong may dalang pabaon si Manang Dessa.

"Saan tayo pupunta?"

Nasa loob na kami ng kaniyang jeep. Nakaikot si Isaiah para maayos ang pinadalang pagkain ni Manang Dessa sa likod. At hindi pa kami bumababa sa carport nila.

I watched him fix the packed food. Masyado siyang matangkad kaya abot niya ang upuan sa likod. Umayos siya ng upo nang matapos. Sumunod pa rin ang tingin ko sa kaniya.

"Pupunta tayo kina lolo sa Ormoc."

"Sino ang lolo mo sa Ormoc?"

"Father's father. Galing silang Cebu. Gusto raw bumisita rito."

It took me time to realize who Isaiah is pertaining to. Malayo na kami sa Hulatan. I'm letting Isaiah's big fingers play my left hand. It's his request while he's driving. Pero nang matukoy ang lolo na sinasabi niya ay hinila ko ang kamay ko sa kaniya.

"Bakit?" he glanced at me between his driving.

"Susunduin natin si Don Isaias?" Nanlalaki ang mata kong tanong.

Muli siyang napatigning. "Bakit?"

"A-alam nila ang tungkol sa atin noon!"

"Ano ang problema do'n?"

"Magagalit sila lalo na 'pag nakita nila ako."

Tumawa siya, diretso na ang tingin sa kalsada. Nagtataka ko naman siyang pinanood. At nang napasning inaabot ng isang kamay niya kamay ko kong nasa hita, inilayo ko ito rito. Bigla siyang napabaling at nakita niya ang kunot kong noo.

"They can't do that to you. Now give me your hand."

We stopped first to have our breakfast at a fast food restaurant. Nagtataka nga ako bakit naisipan iyon ni Isaiah gayong may binigay namang pagkain si Manang Dessa. Sa loob kami kumain. Nagpahinga saglit nang natapos bago muling tumulak papuntang Ormoc.

Kabado pa rin dahil sa mga kung anong naiisip tungkol sa Don. Naalala ko ang kuwento noon ni Analyn. Hindi ko tuloy alam kung totoong muntik nang itakwil si Isaiah. Kaya binalingan ko siya habang paakyan na kami sa bukid. Sa bagay, sa pagiging pilyo niya, hindi imposibleng mangyari iyon.

We reached the City of Ormoc. Alam ni Isaiah ang daanan.

"Stop thinking too much,"

Binalingan ko siya.

"Nandito na tayo?"

Muli kong binalik ang tingin sa labas. Hindi pa humihinto ang sasakyan. Nakikita ko naman sa labas ang maaliwalas na plaza pero sa tapat nito ay isang patayog na gusali. Hindi ko nakita ang pangalan nito.

"Just don't mind lolo if you'll hear him saying worse things about me."

Binalik ko ang tingin sa kaniya.

Unti-unti niyang pinapahina ang andar ng jeep para ihanda ito sa pagtigil.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top