Ikalabing Limang Kabanata
Ikalabing Limang Kabanata: Burning Sensation
Wala na kaming ibang pinuntahan pagdating namin sa proper ng Hulatan. Nang matanaw ko ang pamilyar na daan papunta sa kanila, alam kong pauwi na kami. Nakapasok kami agad at pag-akyat ng sasakyan sa carport, hindi kami agad bumaba nang tumigil ito sa loob. Hindi rin niya pinatay ang makina.
Sa gilid ng mata ko nakikita kong nakangiti ang mga labi. Para siyang nagtagumpay sa kung ano mang tumatakbo kanina pa sa isipa niya.
Hinila ko ang handle para mabuksan ang jeep. Tumunog ang mahinang click doon hudyat na wala nang nakakaharang sa pagkakasara ng pintuan. Tinulak ko ito at agad na dumausdos pababa.
I was so annoyed the whole day. Nawawala lang tuwing hindi ko siya nakikita at nilalapitan ng Madame.
"Lagyan mo 'yan ng lupa roon sa may sako."
Hawak ang maliit na paso, tumayo ako at naglakad papunta sa ilalim ng Mabolo. Nakita ko agad ang sakong sinasabi ni Manang.
Sumapit ang Linggo at pagtatanim ng mga bagong halamana ng ginawa namin sa hardin. Ito ang plano ng Madame kanina sa hapag. Nasa hapag din si Isaiah pero hindi ako lumilingon sa dako niya. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang ano mang kalokohang tumatakbo sa kaniya.
Gamit ang maliit na pala, sumukwit ako ng lupa at nilagay sa pasong dala. Tatlong beses pa lang ang nagagawa, narinig ko ang pagtawag ng Madame sa anak niya. My attention flew immediately to them. But my head didn't move to look.
"Punta kayo mamaya sa kabilang bayan. I need new pots for my garden, please, hijo."
Bigla akong tumigil at naag-angat ng ulo dahil sa sinabi.
Inutusan ako ni Manang kanina na samahan ang sino mang tauhang uutusan niya mamaya para bumili ng paso sa kabilang bayan. Si Analyn dapat iyon ngunit may gagawin pa siya kaya ako na lang ang umalok.
"I told Gedessa the pots I wanted. Mayroon naman daw sa kabilang bayan ng ganoon."
Hindi ko inalis ang tingin sa kanila.
Tumango si Isaiah.
Isaiah and I never get along that much. Noon, wala talaga akong pakealam sa kanila. Pero naging matalik na kaibigan ko si Analyn noong papalaki kaya hindi talaga maiiwasan na ipagkrus ang landas namin nitong Isaiah. Lalo na noon dahil pumupuslit ako rito sa malaking bahay na palaging kinaroroonan ni Analyn. Maayos ang lahat maliban lang noong umuuwi sa bakasyon ang Maderal sa bayan.
I had no escape when afternoon came and I heard Manang Dessa's knocks at the other side of the door. Pagkatapos ng katok ay tinanong niya kung nakapagbihis na ba ako. Suot na ang ripped maong short-shorts nang buksan ko ang pinto.
Sa tanghalian habang kumakain kanina ay may naglalarong ideyang pumasok sa isip ko. I don't know how I suddenly had the urge to give my revenge to him. But while everyone are attentive to the upcoming forty-ninth birthday celebration of the Madame, my mind raveled to what my head is insinuating.
May nakapulupot na checkered shirt sa baiwang ko kaya hindi ganoon ka-sensual ang suot ko sa baba. O iyon ang nasa isip ko dahil hindi napansin ni Manang?
"Nasa labas na si Isaiah naghihintay sa 'yo." paalam niya.
Napasulyap ako sa main door pagkatapos ay bumaling sa kaniya at tumango.
Hindi ko na kailangang itanong kung anong uri ng paso ang kailangan ng Madame. Sinabi na sa akin ni Manang Dessa ang detalye kanina kaya lumabas ako agad.
The Toyota is waiting for me. Pagpasok ko sa loob ay umalis agad kami.
Wala akong imik. Ang mga mata naman ni Isaiah ay abala sa daan. Mukhang hindi niya pa napapansin ang suot ko. Ayos lang iyon. Pinasadahan ko pa siya ng tingin at napansin kong halatang-halata ang malaking kaibahan ng suot namin. He's wearing his usual shirt and shorts. Kung gaano kainosente ang kaniya, ganoon naman ka-angas ang akin.
Along the road, my mind is busy imagining Isaiah's reaction once he'll notice what is ahead for him. Tatanggalin ko sa pagkakapulupot sa baiwang mamaya ang checkered shirt para isuot ito. At kung kakayanin pa, iaangat ko pa mamaya ang shorts para mas lalo ko siyang mapahiya.
Ilang minuto lang kinailangan namin bago tumigil ang sasakyan sa establishementong kilala bilang bilihan ng mga gamit na hinahanap ko sa kabilang bayan.
Napalingon ako sa kaniya nang maramdaman ko ang kaniyang tingin. I am now inserting my left arm to the armhole of the shirt.
Akala ko magre-react siya.
"Ako na lang ang bababa." Sabi ko pero alam kong sasama siya dahil nasa kaniya pa ang pera.
Hinila ko ang bukasan ng pinto.
"I'll join you," ang narinig ko bago tuluyang naka-apak ang paa sa semento.
Dalawang magkasunod na bagsak ng pintuan ng sasakyan bago ako umakyat sa hagdanan papasok. Isaiah followed behind me.
"Ano ang itsura ng kailangan ni Mama?"
Patalikod akong ang-angat ng tingin sa kaniya. Abala ang kaniyang mga mata sa mga bagay sa loob. Na ikinabahala ko dahil hindi pa rin niya napapansin ang suot ko.
"Paso na kapareho ang disenyo sa marmol ni'yong sahig sa living ni'yo," I said as how I imagine. Basta puti at mukhang gawa sa marmol. Kahit plastic, basta gawa mukhang marmol raw tingnan. Kailangan din na malaki dahil ang halamang paglalagyan nito ay ilalagay sa may portico.
"Let's go there." Turo ni Isaiah sa harapan.
Nagtungo kami roon.
Nawala sa isip ko ang plano dahil naging abala na rin ako sa paghahanap. Mahirap palang makita ang gusto ni Madame Lucille na disenyo. Lumipat kami sa kabilang stall. Lumuhod ako nang mahagip ang isang katulad ng hinahanap ko pero nabigo lang dahil flat at may hook ito, iba sa bilugang hinahanap.
"Magtanong nalang tayo." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na pinapanood pala ako.
"Kunin mo 'yan." Aniya.
Tumango ako at tumayo.
Siya ang unang nakahanap sa counter. Mas matangkad siya kaya malaking tulong na iyon. Pero nagulat ako nang naramdaman ang kamay niyang dumausdos sa baiwang ko. Bumaba ang tingin ko roon bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko.
"Alisin mo nga 'yang kamay mo!"
"Just go. Huwag mo nang isipin 'to."
Kinalas ko ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. Mabuti dahil hindi niya na binalik ulit. Narating namin ang counter at siya na ang nagtanong ng gusto namin. Sumunod kami sa lalaking nag-aassist pero naramdaman ko ulit ang kamay niya sa baiwang ko.
"Ano ba ang ginagawa mo?" Hindi ko napigilan ang irita.
Hinarap ko siya nang pumasok sa maliit na pinto ang lalaki para kumuha ng item na tinutukoy namin.
I saw him looking down to my body before finally settling his eyes to mine. Kunot na ang noo ko nang titigan niya ako.
"Pinapanood ka ng mga tao dahil sa suot mo." May diin ang pagkakasabi niya.
Napansin ko nga na may mga napapatingin sa amin. Akala ko si Isaiah ang tinitingnan nila. I even saw a sales assistant earlier luring after her eyes caught him. Sino ba naman ang hindi magkakandarapa sa itsura at ganda ng hubog ng katawan niya?
His dark eyes sharpened. Bahagya siyang nakayuko para matitigan ako ng ganoon.
Napalunok ako nang maalala na masyado palang hapit ang suot ko.
"Hindi mo naman kailangang hawakan ang baiwang ko!"
"Heto na po, sir!"
Naagaw ang titig niya nang muling bumalik ang assistant para ipakita ang hinahanap namin. Isaiah confirmed it immediately. Nakipagtalo ako dahil iba iyon sa hinahap namin. At hindi man lang inobserbahan kung may sira sa mga pasong nabili. Binigay sa amin ang malaking supot. Siya ang tumanggap nito.
"Magagalit sa akin si Madame!" Bulyaw ko pagkapasok sa sasakyan niya.
Sinarado niya ang pintuan ng kaniya pagkatapos ay nilingon ako.
"Next time, if you're planning to attract someone, please, not in front of me." Bumaba ang tingin niya sa shorts ko. "At talagang ganiyan ang sinusuotin mo?"
I felt disgusting from the way he said that.
"We'll go to the next department. Ako lang ang baba."
Hindi ko siya sinunod. Natalo na ng ulap ang isip ko kaya bumaba rin ako pagbaba niya.
Nasa may plaza na kami. Marami ang nagtitinda sa ligid ng kalsada nito. Hindi naman ganoon ka init dahil may malalaking puno na tumatabon sa araw kahit na nasa karurokan pa rin ito ng kalangitan.
I heard Isaiah's pissed sound from behind.
Agad na akong nakakita sa dulo ang isang pamilyar na paso at halos nagmamadali akong lapitan ito.
Lahat ng nagtitinda sa plaza ay nakalatag lang sa lupa ang mga paninda. May ilang gumagamit ng sapin kagaya ng nilapitan ko sa dulo.
Isaiah is observing me. Pinulot ko ang paso sa mahalay na pamamaraan. Satisfaction is not enough when I felt Isaiah fuming as he got near me. I know I am a woman and acting like this is inappropriate but I have to prove a point to him.
"We'll take all of that." He said with finality.
Binalingan ko siya at matalim na tinitigan. Ganoon niya rin ako sinuklan. Binalewala ko siya at bahagyang yumuko para kausapin ang babaeng natutuwa na.
"Uhh, Ate, pipiliin po muna namin."
"Sige, neng, ayos lang!"
Tumango ako. Muli, sa mahalay na pamamaraan, lumuhod ako para isa-isahin ang mga paso. Nanatili si Isaiah sa pagkakatayo.
"Ang guwapo-guwapo ng boyfriend mo."
Hindi pa tapos sa ginagawa ay natigilan ako dahil sa sinabi niya. Napaangat ako ng tingin at hilaw na napangiti.
"Ahh, hindi po. Kasama ko lang siya!" Umiiling ako.
Halata naman ang gulat sa mukha niya. "Ganoon ba? Hindi ba nanliligaw sa iyo?"
"Naku! Hindi po!"
"Ay 'sus! Mahina pala itong lalaking ito."
I heard the man behind me hissed.
Hilaw na akong napapangiti sa babae ngayon. I was distracted to what she said. Dahil hindi ko na gaanong nausisa ang mga nabili namin hanggang sumuko nalang ako. May inis din ako sa lalaking kasama ko dahil hindi man lang pinabulaan ang mga paratang. But lady stayed silent after that. Nang ibigay niya sa amin ang mga nabili, si Isaiah na ang nagbitbit papuntang sasakyan. Hinayaan ko talaga siyang gawin iyon.
Dumaan ang holy week na halos alam ko na kung ano ang mangyayari sa bawat araw. Palagi na rin kaming nagkakaabot ni Isaiah sa hapag. He would stare at me but I will always look away. Dumaan pa ang kasunod na linggo. Muli ring akong nagtanghal sa bar ni Alfred. Tinanggap ko lang noong muling nag-alok dahil masasamahan ako ni Ate Zydda.
"Hindi raw tuloy ang Idol! Nakakainis talaga! Sayang!"
She's been loud to her disappointment about it. Wala naman akong masabi roon dahil nawalan talaga ako ng interes na sumali. Hindi ko lang sinabi dahil ayaw kong maisip niyang umaayaw na ako sa ganito. Dito lang kami kumimita ng pera.
Ronald and I had a fight for his dispute to help me earn. He wakes up early so I won't know if he'd already gone to Lito. It was stressing but in the end, I learned to accept it. He's having a mind of his own and I have nothing to control his decisions.
Dumating ang birthday ng Madame. Binigyan niya ako ng magandang damit dahil sa alok akong maghahandog na lang ng awit para birthday gift ko sa kaniya. Pumayag siya agad.
"Bueno dahil may hinahanda kaming program para rito," aniya kasama ang isang lalaking kasama sa pag-aayos.
Tatlo sa mga paborito niyang kanta ang aawitin ko. The activity area of the Fort Bonifacio is just enough to accommodate their guests. Tanaw ko silang lahat dito sa kinatatayuan kong stage. Everyone's attention is now on me. Kahit na humahalina sila sa tugtog ng minus one ng awiting kakantahin, nag-aabang silang lahat sa akin.
The song is engraved with emotions. It questions how it feels if your love favors your feelings. Masaya at masakit ang kanta. Bigla akong napatingin kay Isaiah at maging siya ay nagulat nang napatingin ako sa kaniya. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil ayaw kong magkamali.
Hindi ko alam bakit ako kinabahan ng makita ko siya. I was not moved nor influenced by the song, no. Hindi ko lang sinasadyang mapatingin sa kaniya.
Nagpasalamat at bumaba agad ako nang matapos ang kanta. Dahil alam ko kung saan naka-upo si Isaiah, iniwasan ko nang mapalingon sa direksyon niya.
Everyone partied after the program ended. Alas sais ng gabi nagsimula ang program kanina kaya natapos ito hindi pa lumalagpas ang alas otso.
"Uminom tayo! May inilabas na inumin ang Madame!" Anyaya sa akin ni Analyn.
Masaya akong nagpatianod ako sa kaniya at kinalimutan na rin ang iniisip kanina.
Pumunta kami sa isang buffet na may mga shot glass namay laman.
"Masarap?" Tanong ko sa kaniya.
Pinanood ko munang uminom siya bago ko subukan ang kinuhang shot glass. Lahat ng natitira sa venue ay nag-iinuman na rin. Umuwi na rin kasi ang ibang mga tauhan na ayaw magpagod dahil may trabaho pa bukas.
Minulat ni Analyn ang kaniyang mata galing sa pagkakalukot nang inumin ang alak.
"Subukan mo!" Natatawa niyang suhistyon.
Natawa rin ako sa reaksyon niya at tinungga rin agad ang baso. I wasn't expecting for the alcohol to taste good but the burning sensation was too much on my throat!
"Pwe!" Singhal ko matapos malunok ang isang baso ng alak.
"Isa pa?"
Umiling ako sa kaniya. "Teka lang!"
Imbes na sundin, tinungga niya agad ang bagong baso. I was shocked because I didn't know she could do that. Matapos ang isa, panibago kaagad. Kaya dumako ang tingin ko sa mga kalalakihang may sariling mesa rin. They're having their own time now. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang tingin ni Isaiah sa akin.
He is observing me. Binalik ko kay Analyn ang tingin dahil may kung anong kakaibang namumutawi sa loob ko.
"Inumin mo na iyan," aniya na wala sa sarili ko ring sinunod.
The burning sensation crept again but my throat failed to familiarize the passion. Bumuga ulit ako ng malakas na paghinga para mawala ang nararamdamang iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top