Ikalabing Isang Kabanata
Ikalabing Isang Kabanata: Nahuli
Pagkasarado niya ng pinto ay ang pagbukas ko naman ng akin. Hindi ako nahirapang makababa at nang nakaapak ang paa sa lupa, hindi ko na nilingon si Isaiah. Naglakad agad ako patungo sa cabin. The cabin is all white and is elevated one or two feet away from the ground. Mahaba ang katawan nito at may dalawang magkatabing pinto na sa tingin ko ay magkaibang kuwarto.
Sa kanang pinto may nakalagay na office sa itaas. Tiningnan ko isa pang kuwarto pero bago iyon ginawa, nilingon ko muna si Isaiah na naglalakad na patungo sa mga nagtatrabaho sa malayo.
The room is empty. I can what's inside the left room because the two sliding windows are open.
Nawala lang ang tingin ko roon nang nasa hagdanan na paakyat ng cabin. Pinihit ko agad ang seradura at pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang isang babaeng gulat ang mukha dahil yata sa pagpasok ko. Nasa likod siya ng kahoy na lamesa. At sa paraan ng kaniyang pagkakatayo, mukhang dahil ito sa pagkakabigla.
"S-sorry!" Agad na sambit niya.
Napansin ko agad ang pagkakapareho namin ng tangkad. Pero hindi kagaya ko, morena ang kutis niya at unat ang buhok. I am the opposite.
"Pasensya na," tugon ko pagkatapos ay tinuro ang pinto. "Nasa labas na raw si Isaiah,"
Balisa ang mga mata niya nang ngumiti sa akin at tumango.
"Mauna muna ako sa iyo..." aniya at lumayo sa pinto.
Mabilis niya akong nilagpasan at agad ding nakalabas. Parang magnet naman na sumunod ako sa pintuan. Nakakapagduda. Umikot ang ulo ko para tingnan ulit ang lamesa sa likod ko. Tanging vase lang at isang naka-pile na mga papeles ang nasa ibabaw nito. Muli kong binalik ang tingin sa papalayong si Edelyn. Nang hindi na mahagilap, tumalikod ako at binalik sa pagkakasarado ang metal na pinto.
"Magnanakaw." Bulong ko sa sarili. Ang mga mata ay nasa lamesa na. Lumapit ako at dumiretso sa likod nang nakalapit.
Her actions were doubtful.
Pero mukhang wala namang may ginalaw dahil maayos naman ang mga drawer.
Dahil sa mga iniisip, dumapo ang dulo ng tatlong daliri ko sa baba ng unang drawer at nang mapagtantong butas nito, walang pag-aalinlangan ko itong hinila. Walang laman nang bumungad sa akin ang loob ng drawer. Tinulak ko ulit ito at sinubukan naman ang isa sa ibaba. Malalim kaya ginamit ko ang isang tuhod para masuportahan ang sarili. Nahulog pa ang ilang hibla ng buhok sa ginawa.
Edelyn is not an acquaintance. Maybe she's from the Fort but stealing something from Isaiah is different. Natigilan ako. Napalingon ako sa kaliwa at nakitang may iilang gamit doon. Maluwag din ang espasyo. Sa tapat ng mahabang couch ay ang maliit na lamesa na may nakalagay na iilang bag at mga papeles din.
Bumukas ang pinto at lumipat ang tingin ko doon.
"Wait-what are you doing there?!" A tall familiar guy lurched to reach me. "Are you stealing something?"
Ragnar's right hand got my upper arm. Umiling ako sa kaniya nang buhatin niya ako roon. Agad lumakas ang tibok ng puso ko.
"Magnanakaw ka!"
Umiling ako, nanlalaki ang mga mata.
"S-si ano—" I tried to utter Edelyn's name but he immediately cut me.
"What the hell?!"
His brows are furrowed. Sinundan ko ang tingin niya na nasa binuksan kong mas malalim na drawer. Hindi kagaya kanina, may laman pala iyong mga envelop.
Marahas akong napa-iling at tiningnan ulit siya.
"Si Edelyn! Narito siya kanina! A-akala ko may kinuha kaya tiningnan ko lang!"
His grip didn't loosen.
Binalik niya ang tingin niya sa akin. Mabilis akong tumango upang ipagdiinan ang sinabi. His eyes are dark almost the same with Isaiah. Guminhawa nang ilang sigundo lang, binitawan niya ako. Ginawa ko iyong pagkakataon upang pumunta sa likod niya.
I was scared to what might happen.
Naalala ko ang mga titig niya noon sa bahay nina Isaiah. Marahil ang nangyari ngayon ay dadagdag upang mas lalong pagdudahan ako. Kahit na wala naman akong ginagawa.
Pinanood ko ang kaniyang ginawa nang tingnan niya ang loob ng drawer. Mukhang wala namang may nawala dahil tumayo siya agad at napatingin sa akin. Naghintay naman ako sa maari niyang sabihin. Pero tumikhim lang siya at nagmatsa palabas.
Binalikan ko sa isip ko ang posisyon ko kanina nang magtagpo kami. Kung hindi niya ako kilala, maaring hindi lang iyon ang inabot ko.
Parang basang sisiwi akong lumayo sa lamesa. Ang sabi ni Isaiah ay tutulong daw ako sa gagawing opisina ng site. Ngunit nang tingnan ko ang paligid ay wala namang kalat na nakita. Tinapon ko lang ang mga nakalukot na papel sa basurahan sa gilid pagkatapos ay lumabas na ng cabin.
Nawala na rin sa isip ko si Edelyn dahil sa nangyari sa amin ni Ragnar. Naka-upo lang ako sa hagdanan habang inabala ang mga mata sa mga backhoeng nagtutulungan sa malayo. The clear water beside them is flowing freely. Ganoon ang ginawa ko hanggang natanaw ko ang katangkaran ni Isaiah na papalapit sa direksyon ko.
We didn't spend the remaining hours in Daguitan. After they returned, few discussions were done inside the office and after that, we headed back into his jeep.
Hindi na rin kami humito sa Fort nang pauwi na. Ang malubak na kalsada ay agad na kinain ng semento nang umapak ang gulong ng jeep sa boundary ng proper ng Hulatan. Ganoon din ang kapunuan na pinalitan ng maliliit kabahayaan na unti-unti ring nagiging congreto.
"Salamat," sabi ko pagkababa nang pumasok kami sa carport nang nasa kanila na.
Hindi niya ako nilingon nang buksan ko ang pintuan. Pagkalabas, saka naman ang pagbukas ng kaniya. Iniwan ko siya para dumiretso na sa portico. Ngunit naramdaman ko rin naman ang pagsunod niya.
Sa loob ng malaking bahay, sinalubong kami ng katahimikan. Napalingon ako sa kaniya nang patungo siya sa hagdanan.
"Hindi pa sila nakaka-uwi." Puna ko, aagawin kung ano man ang gagawin niya.
Nagpatuloy siya sa paghakbang pero nang nakakatatlo, saka siya nagsalita.
"Mamaya pa sila," ang tangin sagot niya.
"Anong gagawin mo sa taas?"
"Magbibihis."
Pinanood ko siyang umakyat at binawi lang ang tingin nang wala na siya sa hagdan. Naisipan ko namang tingnan ang kusina. Habang papunta, hinahanap ko ang mga naiwang kasambahay nila kanina ngunit walang tao hanggang marating ko ito.
"Fritzie?" I asked, hoping someone could hear me.
Naglakad ako patungo sa counter. Pagkaharap ko rito, nag-angat ako ng tingin sa may siwang papuntang dining para abangan ang naririnig na paparating. Bigo ako nang nakita si Isaiah na iba na ang suot pang-itaas. His pants are still the same.
"Mukhang umalis ang mga tao rito,"
"Magluluto ka?" Bumaba ang kaniyang tingin.
Umiling ako. Sa ibabaw kasi ng counter ay may isang pan at iyon yata ang kaniyang nakita.
"Wala ang mga kasambahay ni'yo," I pointed out again.
Binigay niya sa akin ang kaniyang tingin.
"Umalis sila kanina para salubungin si Mama,"
Umawang ang bibig ko sa narinig. "Si Madame Lucille?"
He probed. "Why?"
Pinutol ko ang aming tingin sa pamamagitan ng paglipat ng tingin ko sa lamesang nasa likod niya. Gumalaw naman siya. Naglakad siya palapit na hindi ko agad pinansin dahil pumunta ang isip ko sa ina niyang paparating kaya nasa gilid ko na siya nang bumalik ako sa sarili.
We were in one room earlier when we travelled. Ilang dakot lang ang pagitan namin. Ngunit ngayong lumapit siya sa tabi ko, ang init ng kaniyang katawan ay humahalina kaya umatras ako patagilid. He was well covered earlier unlike now that his T-shirt is revealing the nerves on his arms escalated down to his calloused hands. With that, you'd know how dangerous he is.
Umiling ako nang nakita ang pananatili ng kaniyang tingin.
"Next week is already April kaya uuwi siya ngayon,"
Madame Lucille is the opposite of Isaiah. That's how I know her. But knowing that I am the reason for their name's disruption, guilt is threatening me to burry myself to the ground. Hindi ako sigurado kung alam ba niya ang mali sa ginawa ko. Na dinagdagan ko lang ng kakaibang bersyon noon. Subalit sa pagpayag niyang manirahan ako rito, siguro ang kumalat lang ang alam niya.
"Ano ang lulutuin mo?" tanong ko nang kinuha ni Isaiah ang pan sa harap.
The fiber of his shirt is outlining the muscles of his body when he stopped, pan on his grip, face turned to me, to attend to my question. My eyes crawled up to meet his eyes.
"Only the simplest dish,"
Nalibang ako sa pagtulong sa kaniya. Ang dish na tinatawag niyang simple ay Caldereta. Habang naghihiwa ako ng mga rekados, siya naman ay kumuha ng bigas para isaing. Sabay kaming kumain sa hapag. Nasarapan ako sa luto. We ate silently. Umiinom na ako ng tubig nang magtanong siya.
"Are you scared?"
Tumuwid agad ang tingin ko sa kaniya. Binaba ko ang baso.
"Bakit?" Kahit na alam ko ang tinutukoy niya, nagmaang-maangan pa rin ako.
"Don't worry. Wala naman na talaga iyon sa akin, e. Past is only part of our experiences. You're the only one who's been acting weird simula noong magkita tayo,"
Kumunot ang noo ko dahilan kung bakit umangat ang bawat gilid ng labi niya.
"You're still affected, huh?" Natatawa siya.
"Kung ano man iyang nasa isip mo, hindi 'yan totoo. At oo natatakot ako para kay Madame dahil konsensya ko nang sirain ko ang pangalan niyo rito."
"Reasons."
Dahil siya ang nagluto, ako ang naghugas ng mga pinagkainan. Nagpresinta akong gagawin ko 'to. Sa paghuhugas, sinama ko na rin ang mga ginamit sa pagluto. Mabilis lang akong natapos. Nasa may dining pa rin siya pero may pinagkakaabalahan niya. His eyes are fixated to the screen of his laptop not until he noticed me.
"Sa kuwarto lang ako," wala sa sarili kong paalam.
Hindi ko akalaing makakatulugan ko pala ang paghihintay ng oras.Nagising lang ako ng dapit hapon dahil sa ingay galing sa labas.
"Gedessa huwag na," narinig ko mula sa likod ng pinto. Humahalo ito sa mga mahihinang lagapak ng tumatamang takong ng sapatos sa tiles. Hindi ko muna naalala ang pag-uwi ngayon ni Madame Lucille.
"Nakalimutan kong sabihin sa kaniya na darating ka." Boses iyon ni Manang Dessa.
"Hayaan mo nalang muna. Baka napagod lang kanina."
"Ako na lang po ang gigising kay Ate."
"Huwag na hijo."
Like a lightning, my guilt reminded me what Isaiah told me. Nakaupo na ako sa gilid ng kama nang bumukas ang pinto at pumasok ang kapatid ko. Nakalingon na ako sa pinto kaya nagtama agad ang tingin namin.
"Nariyan sa labas ang Madame Lucille," aniya habang tinatanggal ang damit. "Gising ka na pala. Gusto ka sanang kamustahin niya,"
Tumango ako at bumaba ang tingin nang napansin ang suot niya.
"Kanina pa kayo dumating?"
"Sakto lang no'ng dumating ang sasakyang sumundo sa Madame,"
Bumalik ulit ang tingin ko sa pinto. Nagtanggal naman ng damit ang kapatid ko.
"Huwag mong ipatong 'yan. Ilagay mo lang muna sa gilid," asik ko sa kaniya bago tumayo.
I only checked myself in the mirror. Paglabas ko, nasa may living area na sina Madame kausap ang ina ni Analyn. Pareho silang nakatalikod sa akin. Nilibot ko ang tingin para hanapin si Isaiah pero hindi ko siya nakita. Agad naman akong nakita ng dalawa kaya lumapit ako ng tawagin nila.
Madame Lucille in her travel suit asked me how I am doing. Magilis sa tabi niya si Manang Dessa. Maayos naman akong sumagot pati sa mga dinagdag nito.
Dumating ang hapunan. Sa hapag, kasama namin ang lahat. Kabilang na roon si Isaiah. Lahat ay abala sa pagkain maliban lang sa dalawang ginang na hindi pa tapos sa pagkakamustahan. Both of them are talking about Isaiah's brother who's now abroad based on their stories.
Napatingin ako kay Isaiah na nasa dating inuupuan niya nang banggitin ang kaniyang pangalan. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin ngunit parang guni-guni ko lang iyon dahil lumihis agad ang mata niya sa inang nasa kabisera.
"Hindi pa iyon magpapakasal dahil may hinihintay. Nakakapagod na rin. Mukhang mauunahan yata siya nitong si Isaiah."
"Wala na ba sila noong girlfriend niya?" Tanong ni Manang Dessa.
Muli kong binalik ang tingin kay Isaiah ngunit nasa pagkain na nito ang atensyon.
"Hindi ko na alam. Pero tatanungin ko si Ragnar bukas."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top