Ikalabing Dalawang Kabanata
Ikalabing Dalawang Kabanata: Silhouette
Naalimpungatan ako galing sa malalim na tulog kinabukasan dahil sa mga nag-uusap mula sa dining. Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga para tingan ang pinto. Madilim pa ang buong paligid ng kuwarto kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng unan. Binuksan ko agad ito nang maharakan. Four thirty nine pa lang ayon sa oras ng cellphone ko.
Tumagilid ako sa pagkakahiga matapos kong ibagsak ang cellphone sa tabi ng unan. Pinikit ko ulit ang mata pero nang makilala ko ang boses ng dalawang nag-uusap, muling bumalik sa pagmulat ang aking mata.
It's Manang Dessa and Madame Lucille. Umayos ako ng pagkakahiga para mas mapakinggan ang pag-uusap nila.
"Hindi naman ganoon karami. Puwede ka namang dumiretso sa Costiniano pagkatapos ng samba." Boses ni Manang Dessa.
"Mas mabuting makita nila na kumpleto kaming pamilya." Giit naman ng boses ng Madame.
Tumigil sandali ang pag-uusap. Pero ilang sandali lang, muling nagsalita si Manang.
"Baka mas lalo lang iyong ipagtaka ng mga nagsisimba."
"Hayaan mo na. Nagkasalubong kami kanina ng Mayor kaya alam niyang nandito na ako,"
Nakarinig ako ng mahinang paghinga. Mukhang may panlulumo ang sino mang pinanggalingan noon. Muling tumahimik ang paligid. Akala ko masusundan pa ang kanilang pag-uusap ngunit nag-abang pa ako hanggang sa muli akong dalawin ng antok sa muling pagtahimik ng paligid.
Nagising ako bandang alas siyete ng umaga. Pagsarado ko ng pinto, saktong pagpasok naman ni Isaiah sa likod ng bahay. Agad kaming nagkatinginan pero nag-iwas agad ako. Naglakad agad ako patungong banyo.
The breakfast is already served. Halatang bagong lagay lang ang mga ito dahil ang mga platong naka-imbak sa gilid ay nilalagay pa sa tapat ng mga upuan.
Hindi ko nilingon si Isaiah nang isarado ko ang pinto ng banyo. Nag-ayos lang ako roon. Nang makuntento na, lumabas agad ako. Mabuti nalang hindi na siya mahagilap sa kusina paglabas ko.
"Hihintayin pa natin ang Madame at si Manang," sabi noong isang kasambahay sa isa pang nagtanong rito.
"Anong oras daw sila babalik?"
Sabay silang napalingon sa akin nang bigla akong nagsalita sa likod nila. Agad nagtungo ang mata ng isa sa kaniyang kasama. Tipid akong napangiti dahil halata ang pagiging hindi kumportable ng isa sa akin.
"Narinig ko kasi sila kaninang magsisimba." Dagdag ko.
"Pauwi na yata sila. Isang oras lang naman ang simba kaya pauwi na siguro iyon."
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nasa may dining na ako nang natanaw ko si Isaiah na naka-upo sa pang-isahang couch na naroon sa living. The way his long legs are apart from each other is making the couch seems so little. Nakatukod sa ibabaw ng kaniyang hita ang kaniyang magkabilang siko dahil abala siya sa laptop na nakapatong sa katapat nitong malapad na coffee table.
Biglang gumalaw ang mga mata niya patungo sa direksyong kinatatayuan ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. To make it seems like I am looking at the view outside the window behind him, pinadulas ko agad ang tingin ko roon. Tumango-tango pa ako para mas kapanipaniwalang inoobserbahan ko ang halamang nasa labas ng bintana nila.
It was effective. Dahil nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay nasa laptop na ang atensyon nito.
Naging abala ako ngayong araw dahil sa mga text sa akin ni Ate Zydda.
Ate Zydda:
Basta ikaw na ang pinakilala ko. Diba sabi mong wala kanang pasok next week
Mabilis akong nagtipa sa reply niya. Nasa kuwarto ako nakaupo sa gilid ng kama. May hinahanap kasi kaming puwedeng karetan ngayong summer. Sinuwerte dahil may kakilala pala siyang naghahanap ng entertnainer sa bagong bukas nitong bar sa syudad ng Tacloban.
Nakasabay sa amin kanina nang mag-almusal sina Manang at ang Madame. Hindi kaagad natapos ang almusal dahil may ibinunyag na magaganap na kasiyahan si Madame Lucille kaya pagbalik ko sa kuwarto, nataranta agad ako nang mabasa ang text ni Ate.
Ako:
Basta sasamahan mo ako Ate ha
Ate Zydda:
Oo nga! Alam naman ni Alfred 'yon
Sa darating na Biyernes pa naman ang pagbubukas ng bar. Ngunit dahil na rin sa excitement, hindi ko napigilan ang sariling kolektahin sa cellphone ang mga piyesa ko sa mga sinalihang contest.
Ilang araw matapos ang Linggong iyon, tumawag si Ate Zydda para ipaalala ang tungkol sa Singing Idol. Tumatango ako habang nasa tainga ang cellphone. Sa totoo lang wala naman akong interes na roon pero dahil siguro malayo pa iyon kaya ganoon.
Nasa may hardin kami nina Manang Dessa at iilang pang kasambahay nag-aayos sa pinaplanong pagpapaganda sa bakod ng Madame. Binaba ni Ate Zydda ang tawag. Tinulak ko agad sa loob ng bulsa ang cellphone at pinahid ang pawis sa noo gamit ang likod ng braso dahil sa sikat ng araw. It's past eight but the sun is already that blazing. Paniguradong mamumula na naman ang mukha ko nito.
Protecting my hands from sharp edges of the dried bamboo canes are the clothed gloves I borrowed from Manang Dessa earlier. We are decorating the backyard of the Maderal house now. This dried bamboo will be used to cover the concrete fence of the mansion.
I tried to pull three bamboos. Nakagapos pa ito kaya pahirapan pa ang paghila rito. Hindi ako nagtagumpay kaya pumili ulit ako ng mas maluwag. Nakahanap ako ng isa at agad ko itong hinila.
"What are you doing?"
Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko. I saw Isaiah nearing the Mabolo tree where I am standing. Bumaba ang tingin ko sa mga nakagapos na kawayan para iderekta roon ang tingin niya.
"Ba't hindi mo kinakalas ang tali?"
Bumalika ng tingin ko sa kaniya.
"Matalim kasi," tukoy ko sa taling gawa sa balat ng kawayan. Totoo ang sinasabi kong matalim ito. Kaya bumagsak ang balikat ko nang nakitang yumuko si Isaiah. His eyes are focused to his fingers perceiving the tie used.
I sighed. Pinapanood pa rin ang ginagawa niya.
"Gamitan mo ng kutsilyo," suhistyon ko nang tumigil siya.
Sumunod ako nang umikot siya sa kabilang bahagi. Nahanap niya ang nakabuhol doon.
"It's easy." He said.
Hindi na nawala ang tingin ko sa kamay niyang sinisimulang tanggalin ang pagkakabuhol ng tali. Habang ginagawa niya iyon, nakahanda ang kamay kong tanggalin ang gloves na suot para hindi siya masugatan sa kaniyang ginagawa. Nagmamarunong kasi. But surprisingly, my eyes widen a second because his calloused fingers did it successfully! Agad ko ding binawi nang umikot ang kaniyang ulo para tingnan ako.
"Hindi mo kasi alam." Aniya. Binitawan niya ang tali para tumayo. Sabay sabay namang natumba ang mga nakatayong kawayan.
"Sinubukan ko kanina!"
"Oh, tapos?"
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay. The veins in his forearms are rejoiced as I slid my vision to see his hand. Binalik ko agad ang tingin sa kaniyang mukha. May bahid na ito ng ngiti.
Kumunot ang noo ko.
"Maybe my hands are not that hard enough as you have," tumaas ang kilay ko sa kaniya.
Ito naman ang dahilan upang magpakita ang mga ngipin niya. Umirap ako at yumuko para pumulot ng mga nakalayang kawayan para madala ito sa kinaroroonan nina Manang ngayon.
Kinabukasan ay pag-aayos pa rin ang aming inatupag pero hindi kagaya ng unang ginawa, nag-aayos na lang kami ng mga halaman. The men are doing their job which made the work properly done before sunset.
Katext ko si Ate Zydda nang dumating ang Biyernes ng hapon para tanungin siya kung nakarating na siya ng bayan. Nasa labas ako ng gate ng malaking bahay naghihintay. Nagkasundo kasi kaming susunduin niya ako ngayon gamit ang sasakyan ng kaniyang kaibigan. Hindi siya ang magdadrive dahil siya rin mismo ay nakikisakay lang para rito.
Nakapagpaalam na ako kanina sa Madame at kay Manang. Akala ko magtatanong pa ang Madame tungkol sa gagawin ko ngunit hindi na ito dumagdag ng sasabihin. Abala rin sila sa pagpaplano ng mga gagawin bukas kaya bumalik doon ang usapan nila pagkatapos.
Narinig ko ang hindi pamilyar na tunog ng sasakyan. May lumikong mini-van at nang may kumaway galing sa loob, binalik ko na sa bag ang cellphone.
Suot ko ang black cutout heels na pinahiram sa akin ni Ate Zydda noon. Mataas ito kaya maingat akong bumaba sa drainage ng village nang huminto ito sa tapat ko.
"Ang ganda ng suot natin ngayon, ah?" puna ni Ate Zydda. Natatawa.
Napanginti ako at pinasadahan ng tingin ang suot na red asymmetrical dress.
Tinuro niya ang pintuan sa likod kaya hinila ko ito para bumukas at pumasok. Umandar agad ang sasakyan nang masarado ko ang pinto.
"Alas sais ka pa sasalang kaya aayusan kita mamaya sa buhok mo,"
"Iyon nga Ate, e. Hindi bagay kung nakatali lang."
Umikot siya mula sa harap para makita ang itsura ko. Hinawakan ko naman ang tali sa likod ng buhok para ipakita sa kaniya ang sariling sikap kong gawa.
"Ayos lang naman, a!"
Umiling ako. "Hindi bumabagay,"
Nakatingin ako sa mga mata niya. Galing sa aking buhok, bumaba ito sa bag na pinahiga ko sa katabing upuan. "May dala kang make-up?"
Umiling agad ako. "Kailangan pa ba?"
"Oo, 'no! Madilim ang bar at sayo lang nakatutok ang ilaw. Tingnan mo nga ang bag ko sa likod kung may laman iyon."
Sinunod ko siya. I saw her a duffel bag behind. Sa kaniya iyon kaya kinuha ko ito at binuksan nang mailapag sa ibabaw ng hita. Kinuha ko ang iilang kahon sa loob at pinakita sa kaniya.
"Ito?"
Tumalikod siya ulit. Nagpakawal ng mahabang hinga nang makita ang hawak.
"Hay, salamat!"
"Gagamitin natin?"
"Oo,"
Isang oras at kalahati ang inabot namin bago marating ang syudad. There's a shortcut road but I guess Ate Zydda's friend don't know that yet. Ilang minuto pa bago kami tuluyang tumigil sa tapat ng isang mataas na establishimento. Kinukuha ko ang gamit namin nang bumaba si Ate at dumiretso sa pintuan ko. Sabay kaming pumasok sa loob nang nakababa.
Nasa likod niya lang ako dahil hindi ko alam kung saan banda ang bar ng kaibigan niya. Pagkapasok namin ay puno ng lamesa ang at iba't ibang letra ng banyaga. If I'm not wrong, those letters are Japanese letters.
Akala ko ito nandito na kami ngunit pagtingin ko sa harap ko ay nakita ko si Ate Zyddang paagkyat ng hagdan.
"Sa itaas pa," naramdaman ko ang kamay ng lalaking kaibigan ni Ate Zydda sa likod ko. Tumango ako sa kaniya at tumuloy sa paglalakad.
We stopped in front of a double door, third floor, of the building. May kaunting ingay na akong naririnig mula sa loob.
"Tinatawagan ko pa si Alfred," humarap sa amin si Ate Zydda.
Pinagmasdan ko ang paligid. Unlike the first and second floor, the third floor is not that spacious. Isang hallway lang at kita ang hangganan nito.
Pareho kaming naghihintay ng kaibigan ni Ate sa pagsagot ng tawag ng kaibigan niya kaya nang magsalita ito, pareho kaming nakinig sa kanilang pag-uusap. It didn't take that long. Inihayag niya lang na nandito na kami at ilang sandali, bumukas na ang pinto.
"Alfred!"
"Kanina pa kayo?" Tanong nito. The question is for everyone but his eyes are directed at me.
Tumingin ako kay Ate Zydda nang tumango siya.
"Ito pala si Katherine, ang tinutukoy ko sa 'yo."
Ngumiti ako.
"Hello, Katherine. I'm Alfred," naglahad siya ng kamay. Bumaba ang tingin ko roon pagkatapos ay tinanggap din.
"Hello po."
"Pumasok kayo."
Sabay-sabay kaming pumasok.
Maluwag pala ang kuwarto sa likod ng double door. The room is pitch-dark. Only the stage's lights are beamed on. Wala ring pinalagpas na espasyo ang mga lamesa dahil nagkalat ito sa loob ng kuwarto.
Muli kong binalik ang tingin ko kay Ate Zydda nang may binulong ito sa tainga ni Alfred. Alfred then pointed the door behind the stage Sumunod ang tingin ko roon. Pumunta kaming tatlo roon.
"Ito raw 'yong backstage," sabi ni Ate pagkapasok namin sa likod ng pinto.
Sakto lang ang luwag ng kuwarto. Nakapalibot sa gilid ay bar kaya inilagay namin ang mga dalang gamit doon. May mga upuan din sa gilid kaya kumuha ang lalaki naming kasama para sa aming dalawa.
The bar is empty with people yet. And knowing the time, alam kong dadagsain ito mamaya lalo na dahil sa downtown ito ng syudad.
Wala naman akong iba pang ginawa nang sumalang na sa stage. People were drinking while I'm entertaining them the songs picked by Alfred. Pero nasa mga nagi-enjoy ang tungo ng mata ko para hindi maalang. Marami ring mga free drinks na ibinigay kaya nilulubos iyon ng ilan. My performance continued as I get familiar to the people. Nakakatanggap na rin ako ng song request at habang anng pahirap ang kanta, nagbibigay sila ng pera.
Nakauwi ako mag-aalas nuwebe na ng gabi. Paghinto ng sasakyan, hindi kaagad ako lumabas para matext si Ronald. Hindi ko pa man natatapos ang tinitipa, umangat ang ulo ko para tingnan ang gate nang bumukas ito. Isaiaha's silhouette is hard to not be familiar.
"Lalabas na po ako, Ate." Paalam ko sa kanila nang hindi inaalis ang tingin kay Isaiah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top