Ikalabing Apat na Kabanata

Ikalabing Apat na Kabanata: Thank You


Nawala sa isip ko si Isaiah nang magsimula na kaming magpractice ng banda sa loob ng bar. The band is considerate. They would ask my preferred key for every song but I am not knowledgeable to that. Instead, I play along the rhythm they make.

"Ayos na 'yan." Sabi ni kuya Vince sa grupo matapos ang ilang kanta.

The whole bar is empty from peope. Buong buo ang boses ko sa loob pero alam kong matatabunan ito mamaya lalo na kung sasabay ang mga tao. Huminto ako sa pagkanta at napalingon sa kanila. Naabutan kong umiinom si Kuya ng tubig sa kaniyang hawak na bote. Ipinatong ko ang mic sa stand sa harap at tumayo sa pagkakaupo para lumapit sa kanila.

"You're nailing every song."

Tumabi ako kay Kuya Vince. Dumiretso ang tingin ko kay Kuya George na nasa likod ng kaniyang drums. Nakatayo na ito at nasa ere ang kanang kamay para abutin ang binibigay ni Joshua na bote.

Kung tutuosin, hindi ako kampante ngayong pinupuri ako. Ngumiti ako at itinuon ang atensyon sa sinasabi ni Kuya George.

Hindi ako nagkamali nang sinabi kong marami ang dadalo. Ang kaso lang, hindi kagaya noong una, mga kabataan ang narito ngayon. And the songs we've been practicing earlier do not match the vibe for tonight. Sumunod ang isang malumanay na kanta, biglang nabuhay ang mga tao sa malayong gilid na lamesa. Minulat ko ang mga mata ko para tingnan iyon at nakita kong lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kanila na pala.

Someone stood up to point a friend in their table.

"Broken hearted!"

I smiled. Nagtawanan naman ang mga tao.

Alas nuebe treynta, nakababa na ako ng bar. Matapos kong magbihis kanina, bumaba kaagad ako. Ngunit sa hagdanan pa lang, napagtanto kong wala pala akong masasakyan. Sinarado ko ang glass door ng restaurant pagkalabas. Dinukot ko ang cellphone mula sa bag para itext si Ronald na matatagalan ak sa pag-uwi. Nakiusap ako sa text na hintayin ako hanggang makauwi.

I texted Ate Zydda after sending the message to my brother. Agad naman siyang tumawag pabalik.

"Kay Alfred ka nalang makitulog ngayon."

Maingay ang backround niya. Mukhang nasa kaniyang racket na naman siya ngayon. In the end, I didn't ask for Alfred's help.

Tiningnan ko ang buong kalsadang hindi na gaanong abala ang mga sasakyan. May mga bukas pa namang establisyemento sa bawat gilid. May mga tao ring kagaya ko naglalakad.

Hindi na nakapagreply ang kapatid. Siguro iniisip niyang hintayin nalang akong makauwi. Pero habang naglalakad, napagtanto ko namang hindi ko alam saan ako sasakay. It took me few steps to see people from the other side of the road standing. Sa tabi ay isang kilalang fast food. Tumawid ako para makahalo sa kanila.

Tuwing may napapadaang multicab, nababawasan din kami ng bilang. Few minutes later, my phone rang. Inangat ko agad ito at nakita ang pangalan ni Manang Dessa.

"H-hello, Manang?" Bigla akong kinabahan.

"This is Lucille, hija. Where are you right now? Papunta na riyan si Isaiah para sunduin ka."

Agad na napatingin ako sa paligid.

"N-nasa isang shed lang po ako. Malapit lang sa SM."

"Okay. Just stay there. Huwag ka lang munang aalis diyan. Sino ba ang kasama mo?"

"Ako lang po... pero may mga tao naman po rito, Madame."

"Ohh. Okay then. Just stay there."

Parang may bumara sa paghinga ko ngayong nalaman ng Madame na wala akong masakyan pauwi. At sa paraan ng pagsasalita nito, mukhang inabala pa niya si Isaiah para lang masundo ako. Sana sinunod ko nalang ang sinabi ni Ate Zydda. Na magtanong na lang kay Alfred para sa kaniya nalang makitulog ngayong gabi.

Tumunog muli ang cellphone ko para sa isang tawag. Inisip kong si Manang Dessa ulit ngunit nang makita ng maayos, hindi nakarehistro ang numero.

"Nasaan ka?" The broadness of the voice as I answered the call told me who it was immediately.

Hinanap ko siya sa paligid

"Nandito ka na?"

"Papunta pa lang."

Nag-iisip ako ng mga dahilan habang nakatayo at naghintay ng kanilang sasakyan. Puwede namang hindi si Isaiah ang paalisin para sunduin ako dahil may mga tauhan naman kanila. Pero naisip kong baka siya ang unang nakita ng Madame sa labis nitong pag-aalala.

Kaunti nalang kami sa shed nang may tumigil na pamilyar na Toyota sa harap namin. Bumaba ang salamin nito at agad akong nakita ng mga mata ni Isaiah. Bumaba ako sa shed para lapitan siya.

"Pasensya na. Mukhang ikaw pa ang naabala ng Madame,"

"Hop in. It's already late."

Umikot ako sa kabilang pintuan. Doon ako pumasok para makatabi siya.

Madilim ang buong biyahe paglabas namin sa syudad. May mga liwanag naman mula sa mga streetlights pero hindi ito sapat para tuluyang buhayin ang loob. At ang nangyari ngayon ay mas lalong nagpadilim sa ano mang nasa isip niya noong hinatid ako kanina.

"I'm sorry." Lumingon ako sa kaniya sa gitna ng tinatahak naming madilim na daan. The road looks dreadful but I'm enveloped with another emotion to mind that.

Ang liwanag ng sasakyan sa harap ang tumulong sa akin upang makita ko ang mukha ni Isaiah. His bones are outlined properly. Kung gaano ang tamang lalim at saktong kurba sa kaniyang mukha ay hinuhubog nito ng walang palya.

Dumausdos ang tingin ko sa ilalim ng panga niya ng gumalaw ang Adam's apple niya para lumunok.

Pasado alas diyes kami naka-uwi sa kanilang bahay. Ang maamong mukha ni Manang Dessa ang sumalubong sa amin nang bumaba kami ng sasakyan. Sumunod sa likod ng ginang ang Madame na ganoon din ang pag-aalala ng mukha.

Panay ang hingi ko ng paumanhin. Pumasok kami sa loob. Naghihintay si Analyn at ang kapatid ko na pareho rin ang pag-aalala.

"Sa susunod, magsasabi ka kung wala palang maghahatid sa iyo!" Si Madame iyon.

Tumatango ako sa kanila. All of them were worried. Hindi ko naman magawang sumalungat sa kanila dahil ako mismo amindado na nawala sa isip ko na mangyayari ito. Hindi kami nagtagal sa sala. Kung hindi lang siguro tulog ang mga kasambahay, siguro hahaba pa ang sermon nilang dalawa.

Hindi ko na nagawang tingnan si Isaiah bago kami tuluyang pumasok ng kapatid ko sa loob ng kuwarto. Ramdam ko ang tindi ng kung ano mang nararamdaman niya kaya pinipigilan niya sigurong magsalita para hindi na dagdagan pa ang salitang binitawan ng ginang at ng mama niya.

I received a text from Ate Zydda. Kinabukasan ko na iyon nabasa dahil kabubukas ko palang ng cellphone ko.

Ate Zydda:

Nasaan ka?

Ate Zydda:

Katherine hinahanap ka ni Alfred.

Ate Zydda:

Hoy sagutin mo tawag ko!

Marami iyon at nagulat ako dahil hindi ko ito napansin kagabi. May text din galing kay Alfred. Matapos kong mabasa ang mga mensahe niya, nagtipa kaagad ako paumanhin para sa kanilang dalawa.

May kumatok sa pinto.

"Pasok po," sabi ko.

Bumukas ito at sumungaw ang ulo ng kapatid ko.

"Aalis daw kayo ni Kuya Isaiah."

Nabuhayan ako sa sinabi niya. Pumirmi ang tingin ko sa kapatid ko.

"Bakit daw?"

"'Di ko alam."

Tumayo ako at kumuha agad ng pamalit na damit sa tukador sa kuwarto. Nasa balikat ang tuwalya, lumabas ako para pumunta sa banyo dala ang pamalit.

The dining was empty when I stepped out of our room.

Dala na rin siguro ng mga iniisip kagabi, mabilis akong naligo at kahit basa pa ang kulay kapeng buhok, sinuot ko agad ang puting damit at skinny jeans na pamalit. Lumabas ako ng banyo na nasa ulo ang tuwalya.

"Nagfifeeling prinsesa kasi. Alam mo namang hindi. Nakakadiri."

Palabas na ako ng kusina para pumasok sa kuwarto nang mapalingon ako dahil sa narinig na bulungan. Natigil ang usapan ng dalawang babaeng kasambahay na hanggang ngayon ay hindi ko pa naalala ang mga pangalan. The girl who uttered those words was shocked. Her mouth was halfway open to continue whatever she's about to say.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya para maglakad at makapasok sa loob ng kuwarto. Hindi ko alam kung ano o sino ang pinag-uusapan nila. Gustohin ko mang isiping hindi ako pero halata kasi ang takot ng mga mukha nang makitang papasok ako ng kuwarto.

Jeep ang ginamin ni Isaiah nang umalis kami sa kanilang bahay. Sabado ngayon. At alam kong tutungo kami sa Daguitan.

Bawat paghinga ko sa loob ng sasakyan ay malalalim. Napansin ko ito nang napatingin sa akin si Isaiah sa huli kong malalim na paghinga.

"What are you thinking?" His eyes looked concerned when I turned to face him.

Napa-isip ako dahil hindi ko napansin na pinagmamasdan niya pala ako.

"Dahil ba kagabi?"

Umiling kaagad ako.

"Hindi."

"Then what is that?"

Umiling ulit ako at binalik ang tingin sa kalsada sa harap. "Wala."

Natawa lang ako sa loob ko dahil masyado akong apektado sa sinabi ng dalawa kanina gayong hindi ko naman tiyak kung sino ang pinag-uusapan nila. Sa lalim ng mga mga inisip ko, mabilis kaming nakarating sa ilog ng Daguitan. Ganoon din kabilis na naagaw ang atensyon ko sa mga nakitang pagbabago sa ilog.

Sa harap ulit ng cabin nagpark ang jeep. Unang bumaba si Isaiah. Sinuot ko muna ang binigay niyang hard hat bago tuluyang bumaba.

Isaiah waited for me. I walked briskly to his distance and when I was already near, we then proceed to the ongoing construction of the dam.

Mataas ang kailangan nilang pantayan na bangin. Nakatingin ako roon habang iniisip kung ilang taon nila ito matatapos.

Nasa likod ako ni Isaiah nang salubungin siya ng mga lalaking kagaya niya ay nakasuot din ng kani-kanilang hard hat. Hindi ako titingin sa kanila kung walang magsasalita.

"Some materials will be shipped later this day. Pumunta ako kahapon sa isang supplier ni papa."

Nakatingin siya kay Ragnar.

Ako naman ay pinagtagpi ang dahilan kung bakit siya umalis kahapon.

"Some were already shifted. But according to the supplier who was here earlier, it will take two days for the whole equipment to arrive." Si Ragner. "Galing pang Maynila ang supply nila dahil hindi sapat ang kung anong mayroon sa kanila rito."

Muli akong tumingin sa mga naghuhukay ngayon sa gitna ng dating daluyan ng tubig ng ilog. Gusto ko sanang tingnan iyon pero nakakahiya. Nakita ko pang ang iilang kalalakihang nagbubungkal doon ay nasa balikat lang ang damit.

"Why are you bringin your girl here?"

Naagaw ang atensyon ko sa pag-iiba ng usapan nila. A guy who's I'm unfamiliar with is eyeing me.

"May gagawin siya sa opisina. Sandali lang kami rito dahil aalis lang kami agad." Paliwanag ni Isaiah sa kanila.

Umiling naman ako para sana pabulaan ang sinabi niya.

I saw Adonnis' lips twitched to hold the urge to smile.

"Well?"

Isaiah nodded. Everyone took it as a sign to scatter. Sumama ako kay Isaiah nang maglakad siya pabalik sa jeep. Nasa likod niya lang ako hanggang lumagpas kami para pumasok sa opisina. Dumiretso siya sa wooden table na dati'y si Edelyn ang natagpuan ko.

I examined the whole room. Hinanap din ang babae sa loob dahil hindi ko siya nakita sa labas kanina. I wonder where she is. Kaming dalawa lang ang tao sa loob.

Binalik ko ang tingin kay Isaiah. Nasa likod na siya ng mesa at parang may hinahanap na kung ano.

"May nawawala ba?"

Napaangat siya ng tingin. I saw his deep eyes surfaced because of his lifted brows. Umiling siya pagkaapos at binalik ang tingin sa likod ng lamesa. He was just looking for a document. Nahanap niya naman iyon.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong isama. Pagkapasok namin ng jeep, hindi muna ako nagtaka dahil akala ko may pupuntahan pa kaming kailangan talaga akong kasama. Tumigil kami sa Fort Bonifacio at pumasok sa pinaka-villa ng resort. Muli, naghintay ako ng gagawin. Pero muli kaming bumalik sa jeep, nandito ako na-uulol sa ipapagawa niya. I only had urge to ask when I saw that we're heading back to the town proper of Hulatan.

Nilingon ko siya, hindi ko na napigilan ang pag-iba ng timpla ang mukha.

"Kung gagawin mo akong tanga, sana naman sinagad mo pa!" I said that while my arms are crossed. Sinadya ko talagang ipakita ang inis sa kaniya. "Pinapasama tapos wala namang ipapagawa?"

I hissed. He has no plans to favor my annoyance. Hindi ko napigilan ang sariling harapin siya. His eyes moved but his face remained to the now concrete road.

Nainis ako roon kaya agad na tumama ang palad ko sa hita niya para sa isang tampal.

"Stop doing that!"

"Ano?!"

Tatampalin ko na sana ulit ang hita niya pero naunahan ako ng kanang kamay niyang pigilan ako sa gagawin.

"You did something, okay?" He said facing me in between his attention to the road. "Now please stop doing that."

Kumunot ang noo ko.

"Huh?"

"Thank you." He said.

Muli niya akong binalingan nang sabihin iyon. Isang tango ang ginawad at agad ding binalik sa harap ang mukha. Hindi ko tuloy alam kung sarkastiko iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top