Ikadalawampung Kabanata

Ikadalawampung Kabanata: That's Final


Alas tres no'ng Lunes, isang araw ang lumipas, matapos ang selebrasyong iyon. Payapa ang building ng buong kolehiyo paglabas ko ng classroom. Pero imbes na dumiretso sa gate, lumiko ako sa daan papuntang library.

Ngayong araw ang alis ng Don at Doña. Hindi ko na inalam kung anong oras ang alis nila basta noong papunta na ako sa eskuwelahan kanina ay naghahanda na sila.

Kahapon nagpahinga lang ang pamilya, kasama na kami, dahil nakakapagod naman talaga ang nangyari. Pasalamat ko nalang din dahil hindi na muling pinansin ni Isaiah ang pag-iwas ko sa kaniya.

Kumuha ako ng libro sa sa library at umupo agad sa mahabang lamesa. Wala gaanong tao kaya malaya akong nakapili kung saan pupuwesto. Mas pinili ko iyong tinatamaan ng wall fan ng libary.

"Katherine, hinahanap ka ng guard sa classroom natin kanina. May naghihintay raw sa 'yo."

Nag-angat ako ng tingin sa kalagitnaan ng binabasa at nakilala agad ang kaklase na kakaakyat lang ng library.

Kumunot ang noo ko, inalala dahil wala naman akong alam na may maghahanap sa akin. Pumasok sa isip ko si Ate Zydda ngunit hindi naman ako nakatanggap ng text galing sa kaniya.

"Sino raw?"

"Hindi ko alam. Akala namin nakauwi kana. Kaya sinabi namin sa umalis kana sa campus."

Tumayo ako at nagligpit kaagad.

Nagpaalam ako sa kaklase at bumaba agad, baka sakaling maabutan ko si Ate. Dala na ang bag, sinubukan kong itext siya sa gitna ng halos patakbong mga lakad. Pinasok ko agad sa bulsa ng saya ang cellphone nang mapindot ang send at tuluyan nang tumakbo.

Nakaliko na ako sa likod ng academic building, hindi na kalayuan ng gate, tumigil ako sa pagtakbo nang makita ang taong naghahanap sa gate. His height and masculinity is towering everyone on that tiny shed. Kinakausap niya ang guwardyang siguro'y naglibot para hanapin ako.

"Isaiah!"

Lumingon silang dalawa sa direksyon ko. Tuluyan na akong lumapit pero hindi ko na inalis ang tingin sa kaniya.

His lips rose the moment he realized it was me.

"Pasensya na! Nasa library ako kanina no'ng maglibot ang guwardya," dumako ang tingin ko sa guwardyang nagkakamot na sa ilalim ng suot nitong cap. "Sorry po, Kuya," I said, lowering my head to him a little.

"I was about to call you," ani Isaiah.

Napakagat ako ng labi.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"Pumunta ako rito para sunduin ka."

"H-hindi mo naman kailangang gawin 'to." Binalik ko ulit ang tingin sa mama. "Pasensya na po talaga, Kuya,"

"Ayos lang, Ma'am!"

Kinuha ko ang malaking palapulsuhan ni Isaiah at hinila siya papunta sa sasakyan niyang nakita ko agad paglabas namin sa shed ng gate. He used his modified jeep. Binitawan ko rin agad siya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako.

Hinintay ko si Isaiah habang nagmamadali siyang umikot sa kabilang pinto. Binuksan niya agad ang makina pagkapasok.

"Naihatid niyo na ba ang Doña?"

Tumango siya at bumaling. "Si Papa ang nagdrive sa kanila."

"Hindi mo naman kailangang pumunta rito para sunduin ako." Muli kong pagbabalik sa nasabi ko kanina. Palayo na kami ng community college ng Burauen.

"It's fine." Napalingon ulit siya, may ngiti na sa labi. "At may sinadya ako rito kaya ganito ang suot ko."

My gazed lowered to his pastel blue dress shirt. His biceps are screaming from his sleeves.

Tumango ako at binalik ulit sa kaniyang mukha ang atensyon.

"Sasabihin ko nalang na nakita kita sa labas ng college ninyo kaya pinasakay nalang kita." Dagdag niya.

Isaiah really finds way to reason out every stunt he does for me. Hinayaan ko nalang iyon at tinuon na lang ang atensyon sa kalsada. Ilang sandaling katahimikan sa loob, napalingon ako sa kamay kong namamahina sa hita nang maramdaman ko ang kamay niya. Marahas akong napatingin muli sa mukha ni Isaiah.

"I just miss you," aniya at hinalikan ang kamay ko habang diretso ang tingin sa kalsada.

I sighed and my lips rose from what he said. Napabaling siya sa akin.

"Kailang ka aalis?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"This coming Friday,"

Halos naging araw-araw ang pagsundo sa akin ni Isaiah. Kung hindi mga daliri niya ang naglalaro sa kamay ko, kabaliktaran naman ang nangyayari.

Napa-isip tuloy ako kung sinasadya ba ni Isaiah ang mga ginagawa niyang ito para mamiss ko siya kapag nakaalis na siya rito. Naibiro ko na rin sa kaniya ang tungkol sa naisip.

"Really?" Natawa siya. "You're thinking that way?"

"I'll miss you." Bulong ko para hindi niya masyadong marinig pero hinalikan niya ang pisngi ko na sinaway ko agad dahil nagdadrive siya sa araw na iyon pauwi sa Hulatan.

"I'm doing this because I'll miss you once I'm already in Luzon. Alam kong malilimitahan ang oras ko para sa 'yo... kagay ni Kuya noon." Natatawa siya.

Tinampal ko naman agad ang braso niya dahil muli niyang sinubukan abutin ang mukha ko para manakawan ng halik.

The day before Isaiah's leave, I helped the helpers pick up Isaiah's things. Maaga akong naka-uwi sa araw na iyon dahil may biglaang meeting ang mga teachers namin. Wala pa si Isaiah. Narinig ko mula kay Manang na sinamahan niya ang kaniyang Kuya at Ama sa pag-inspeksyon ng mga materyales sa Daguitan.

"Ikaw na lang ang maglipat nitong mga damit," tumango ako kay Janet at sinunod ang kaniyang sinabi.

Isaiah's clothes are compact inside his wardrobe. Kaya madali ko itong nailipat sa kinuhang malaking luggage. May tinira lang akong mga damit, pantalon at iba pa dahil iyon ang ibinilin ni Manang Dessa. Pinuno ko lang sa isang luggage ang mga nakuha pagkatapos ay tumayo na at lumabas ng wardrobe.

May sariling comfort room ang kuwarto niya na katabi lang ng wardrobe. Paglabas ko ay kasalukuyang nililinis iyon.

"Ilagay mo nalang iyang sa tabi ng puntuan." Sinunod ko ulit ang sinabi ni Janet na ngayon nasa loob ng banyo.

Pinagmasdan ko ang buong kuwarto nang maihatid sa tabi ng pinto ang luggage. His bed is thick and looks comfortable. The walls on top its headboard have simple accents, complimenting the surroundings. Wala ding gaanong kagamitan sa loob.

"Tapos kana?" napalingon ako kay Janet. Nasa pintuan na pala siya sa comfort room ng kuwarto.

Tumango ako.

"Maayos na naman ang kuwarto."

"Tara na?"

Tumango ulit ako.

Sa gabing iyon, marami kaming pinag-usapan ni Isaiah. Sa paraan kung papaano kami mag-uusap. He also told me to connect to their wifi so whenever he's available to call, we can see each other on our screens. Sumang-ayon naman ako. Ilang na ako rito pero hindi ko naman kinailangan ang wifi nila. Siguro noon.

Natawa ako sa kalagitnaan ng pakikinig sa instructor namin sa klase. Isaiah and I aren't officially together but our actions acts as if we're together. Ngayon ang araw ng pag-alis niya at hindi ko siya mapupuntahan. Kaya pagkagising ko kanina at bago makapasok sa classroom, nag-iwan ako ng mensahe sa kaniya.

Ako:

Good morning! Kakagising ko lang. Mamimiss kita pag-alis mo.

Ako:

Nandito na ako sa klase. Mag-ingat ka sa biyahe. Magmessage ka kung naka-alis kana.

Between those messages I sent, we had conversation, of course. We replied to our sentiments. Ngayong lumilitaw ang isip ko sa kaniya, may kung ano sa aking natutuwa lalo na dahil sa huling reply niya kanina.

Isaiah:

Huwag kang maghahanap ng iba. Baka may makulong na Maderal dito.

I knew what he meant by that. I just couldn't bare him thinking that way, showing how he wanted me to be with him. Locking me, as if looking for another one is my option. But I replied to that text.

Ako:

Baka ikaw ang maghanap

Tipa ko at pinindot ang send. Matapos kong masend iyon, nagulat ako sa biglaang sunod-sunod na pagvibrate ng cellphone. Nasa ibabaw ng armchair ko ito kahit bawal ang paggamit nito sa kasagsagan ng kalse. Ilang araw ko na rin 'tong ginagawa noong umalis siya kaya nataranta ako dahil ngayon lang siya tumawag sa gitna ng aming palitan ng text.

Pinatay ko agad ang kaniyang linya pero muling lumabas ang pangalan niya.

Kinalabit ako ng katabi ko.

"Nakatingin sa 'yo si Sir. Itago mo 'yan bago pa 'yan ma-confiscate."

Nagtipa muna ako ng sasabihin bago ko tuluyang tinago ito.

Bago dumating ang Agusto, muling nabuhay ang pagiging kontisera ko. At dahil sa mga naipon namin ni Ate Zydda, mga bagong damit na ang naisusuot ko. Malapit na rin ang pista sa Hulatan kaya naging matunog ulit ang buong bayan.

"Ayan! Judge ka raw sa mga events ng Hulatan..."

Agad bumagsak ang panga ko sa sinabi ni Ate. "Ako? Bakit ako?"

"Ayaw kanang pasalihin ng LGU. Nalamat yata ang tungkol sa Singing Idol mo noon."

Kumunot ang noo ko.

Nasa BigMak kami, isang stall ng burger shop dito sa plaza. Naka-upo kami sa high chair nito habang naghihintay na maluto ang mga burger na in-order.

"Hindi naman natuloy iyon, a?"

"Kaya nga." Pinaikot niya ang kaniyang mata. "Takot lang sila dahil ikaw nalang ang palaging panalo."

That night after Ate Zydda told me that, I received the invitation from the Municipality. Gusto ko sanang ayawan dahil wala naman akong nakikitang kredibilidad at magandang patunay upang mapabilang sa mga hurado ngunit may pinunto sa akin ang isa sa mga nakausap kong mula sa LGU.

"Kilala ka na po rito sa bayan. Marami ka na kasing sumisikat na videos sa internet..." hindi ako nagulat noong sinabi niya iyon dahil binabalitaan ako ni Ate Zydda tungkol doon. Patuloy akong nakinig sa sinasabi ng kausap sa kabilang linya. "Kaya ikaw ang iniimbitahan."

Hindi ako nagsalita para mag-isip ng sasabihin. Matapos ko kasing mabasa ang sulat nila, nagpadala agad ako ng mensahe sa pamamagitan ng numerong pinadala nila. I was planning to back this down but I decided to ask first why they invite me.

"Pero hindi naman po sapat iyon para maisali ako rito," Giit ko naman.

"Uhh... ano po kasi, Miss Kath... ikaw rin po kasi ang nanalo noong nakaraang taon. 'Yong Tanghalan ng Hulatan?"

In the end, I accepted the offer. May mga gusto rin silang ipagawa sa akin na hindi ko naman nakitaan ng problema. Sa bandang huli lang noong paulit-ulit na ang pagliban ko sa klase.

Iyon ang iniisip ko sa kuwarto nang biglang lumiwanag ang screen ng cellphone ko. Hinilig ko muna ito para makita kung sino ang tumatawag na agad namang sinagot dahil si Isaiah pala. Ilang beses na rin naming ginagawa ang pagvivideo chat. Minsan nasa trabaho siya habang breaktime ko. Kadalasan naman ay mga ganitong oras.

Biglang lumaki ang mata ko nang makita ko ang malamang katawan ni Isaiah nang matapos ang pag-load ng screen. Napansin kong pawisan din ang katawan niya dahil sa repleksyon ng mga ilaw sa kaniyang paligid. Pababa ang pawis sa kaniyang basa na ngayong grey na jogger pants.

"Sorry... kakatapos ko lang magwork-out." Lumapit siya nang napansin niya siguro kung saan nakatingin ang mata ko. May ngiti sa kaniyang labi.

"A-ano... nasaan ka?" Pansin ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan siya. Para narin ibahin ang anumang nakita.

Inangat niya ang kaniyang cellphone dahil gumalaw ang background nito maliban sa mukha niya na pinu-pokusan ng camera. Then he switched it to the rear cam, where couches and paintings hanging on the walls greeted me. I even saw a wide TV on the side before he flipped it back to his face. Muli siyang nagsalita.

"I'm in the kitchen. Nasa baba ako. 'Yon ang living area ng condo, na kaharap ko."

Tumango ako, pilit na pinipirmi ang tingin sa kaniyang mukha. Binalik niya kasi agad ang kaniyang cellphone sa baba sa pinaglalagyan niya kanina. Goodness, Isaiah!

"You have to stay there. Just watch me while I cook my dinner."

Iyon nga ang ginawa ko. Nabusog yata ang mata ko sa panonood lang sa kaniya. Mabuti nalang hindi uuwi ngayon si Ronald dahil may research sila ng kanilang mga kaklase. At sa totoo lang, hindi ko napansin kung ano ang niluluto niya ibang bagay ang pinagkaabalahan ng aking mata. Kung hindi niya lang ito pinakita, tiyak na manghuhula lang ako sa niluluto niya.

We talked while he eats his dinner. Maliwanag ang puwesto niya kaya nakikita ko ang kakaunting balbas na lumalabas sa kaniyang pisngi at mukha. It do not destroy his beauty because that thing made him hotter than he is.

"Hayaan mo lang na ganiyan ang iyong balbas," hindi ko napigilan ang sarili.

Umangat ang kaniyang kilay at nilapit ang pisngi nang makuha agad ang sinabi ko para ipakita ang mga balahibo roon. Pero alam kong hindi niya iyon talaga pinapakita lang. He's tempting me which made me more aware of what he's doing. Sinaway ko siya na naging dahilan ng pagtawa niya.

Tinanong ko siya kung ano ang ginawa niya buong araw na sabik niya namang sinagot.

"We only had meetings. Lolo is teaching me how I should be handling them." Binalik niya ang atensyon sa akin, sa screen ng kaniyang cellphone kung saan nakikita niya ako. "I've read your messages earlier, you."

Muli akong napakagat ng labi. Halos makalimutan ko na iyon!

"Just decline them." Dagdag niya.

Umiling ako.

"Huli na kasi nasimulan na namin ito." Tukoy ko sa patimpalak na naganap kanina.

"You can schedule your meetings with them accordingly to your free time."

Pinanood ko sa cellphone ang pagsubo niya ng karne matapos magsalita. Ngumunguya siya nang nahimigan ang katahimikan kaya bigla siyang nagsalita.

"Ano?" he said, mouth full of meet.

"Pag-iisipan ko."

Kahit na iyon ang sinabi ko, nahirapan pa rin akong gawin. Mali man ito sa akin, pero hindi na ako nagkakaroon ng interes sa pag-aaral. Wala akong pinagsabihan noong bumagsak ako sa grading na iyon. August came and my schedule became busier. Halos nakakatulugan ko na rin ang mga klase at maging quiz ay hindi ko na nasasagutan dahil hindi ako nakapag-aral.

My birthday came. My closest friends and family greeted me. Tatak iyon sa kanila dahil pista na kinabukasan at alam nilang kaarawan ko bago ang araw na iyon.

"Salamat, Ate!" I smiled while listening to Ate Zydda through my phone.

She gave me an emotional message that I shouldn't have heard. I will be singing later for the 'finale' of the whole program prepared for Hulatan. I have to make my voice okay. Nakakahiya dahil magagaling ang mga naitanghal.

Marami ang mga nanonood. Sa plaza ginanap ang huling programa ng bayan kaya noong pinakilala ang mga naging Hurado para mapasalamatan, hindi ko lubos maisip na marami ang kumilala sa pangalan ko. They even cheered for me when I stepped on the stage to lend the song I've been preparing; pop song for everyone to enjoy.

May pagkatricky lang ang kanta lalo na sa paglilipat ng belting ko pero nakaya ko naman.

Nang matapos, may tinanong lang ang host lalo na dahil ako lang ang dalagang hurado kaya hindi agad ako nakababa. Tinanong niya ako tungkol sa love life na hindi ko agad nasagutan. Pumasok sa isip ko si Isaiah kaya lang hindi naman opisyal pa ang kung anong mayroon kami.

"Wala pa," ang tanging lumabas lang sa bibig ko dala ng pressure lalo na noong maghiyawan ang mga nanonood. Pero nang matanto ko ang nasabi, ginamit ko ang microphone ko para bawiin kaya lang nakapatay na pala ito.

Muling nagsalita ang natatawang host dahlil sa reaksyon ng mga tao.

"Ay talaga ba? Naniniwala ba kayo?" humarap siya sa mga tao. I roamed my eyes to the people. Sinubukan ko ulit magsalita sa mikropono kaya lang ay hindi na ito binuksan.

My smile didn't live me from that awkward situation.

"May tinuturo silang may gusto raw sa 'yo, oh!"

Umiling ako at pilit na pinalapad ang ngiti. Muli siyang naghanap pero umiling na ako at tumuloy na sa pagbaba.

I was heading to our table when I saw Isaiah's figure behind my chair. Parang may glue akong naapakan dahil bigla akong tumigil sa paglalakad. Hindi ko siya nakita kanina dahil natatabunan ng liwanag ang upuan namin.

His crossed arms, piercing eyes, told me that my answer from the question was wrong. At aminado naman ako roon. Kaya habang pinapaalam na ang mga distritong nanalo, ramdam ko ang titig ni Isaiah sa likod ko. Gusto kong balingan siya kaya lang ayokong may makapansin na tingin ng tingin ako sa kaniya. Magiging halata iyon dahil iniiliwan na kaming mga judges.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos ang programa. Naramdaman ko agad sa likod si Isaiah kaya tumalikod ako para maharap siya.

"K-kanina ka pa ba?"

Tumango lang siya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko para sabay kaming pumasok sa dala niya palang jeep. Hindi kami naka-usad nang paandarin niya ang makina. Parang mga bubuyog na binato ang bahayan ang mga tao biglang nagkalat pagkatapos ng event.

Ginawa kong pagkakataon ito na lingunin siya.

"Hindi ko alam ang isasagot ko kanina," I pointed out that caught his attention.

Lumingon siya sa akin.

"Puwede mong sabihing boyfriend mo ako."

"Hindi ka pa nanliligaw!"

"Do I have to do that?"

"Huh?! Uh-ano... o-hindi—oo!" Kinagat ko ang aking labi sa pagkalito. "Hindi ko alam,"

Nanatili ang tingin sa akin ni Isaiah. Seryoso ang kaniyang mga mata.

I immediately swallowed the lump I didn't know was growing on my throat.

"Kung ganoon, boyfriend mo na ako. That's final."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top