Ikadalawampu't Tatlong Kabanata

Ikadalawampu't Tatlong Kabanata: Narinig


Pagbalik ko sa loob, nanonood pala si Ate Zydda kaya tukso ang inabot ko paglabit ko sa kaniya. Pero kahit na ganoon, pansin ko ang ngiti sa labi. Umiiling naman ako sa mga sinasabi niya pero halata pa rin ang ngiti sa labi. Halata na tuwang-tuwa ako sa panunukso.

I could touch the freedom already. The doubt and aghast within me seems washed away by our strong emotion. And on that point, the both of us could do whatever we want to.

Sinabi lang ang mga pagbabago noong magmeeting kami kinabukasan. Hindi naman ganoon kalaki pero may maaapektuhan na mga contestant. Pero mabuti nalang, kaming mga mula pa sa malayo ay susundin parin ang itinakdang araw. Ipinaalam din sa amin ang lahat-lahat tungkol sa programa. Kahit na may inilabas na silang anunsyo tungkol dito, kaunti lang iyon kaya nakinig kaming lahat ng maigi.

Dumating nga si Isaiah nang muling sumapit ang gabi. Natuto na siya at hindi na nagdala ng maraming pagkain. Ang natira nga kagabi ay naulam pa namin kaninang agahan.

"Ilagay mo lang muna 'yan diyaan," turo ko sa isang rack para doon niya ilagay ang kaniyang nadalang tuxedo. Suot niya iyon kaya nanibago ako sa itsura niya.

He looks so damn expensive on it. A man too high yet reachable for Katherine Villafuerte.

Kasalukuyan ko pang tinatanggal ang nilagay ni Ate Zydda na makeup kaya bumalik ako sa banyo para ipagpatuloy ang ginagawa. Lumabas lang kasi ako ng pinaalam ni Ate na pinapasok niya na si Isaiah.

Ala una ng hapon ang meeting kanina pero natagalan lang kami ng uwi dahil sa traffic. Hindi naman ganoon kalayo ang building namin sa station ngunit ayaw kaming payagan na hindi ihatid ng van. Umikot pa ito ng ilang mahahabang eskina.

Natapos din agad ako. Nagpupunas ako ng tuwalya sa mukha nang maabutan ko si Isaiah na inaayos ang mga gamit sa mesa.

Napalingon ako sa kama. Abala si Ate Zydda sa kaniyang cellphone.

"Ayos na 'yan."

Napalingon si Isaiah sa direksyon ko.

Lumapit ako at inabot sa kaniya ang kinuhang platong hinanda siguro ni Ate kanina habang nasa banyo ako. Isaiah accepted it but his hand immediately went to the bottom of my back to let me get the food first.

"I've seen you enjoying them before when we were in Leyte. So I decided to buy them."

Tiningnan ko ang grilled pork na tinutukoy niya. Hindi ko naman maalala kung saan niya ako nakita noon dahil nakailang beses na namin itong naiulam sa bahay nila. Tumango parin ako at muli ko na namang naikagat ang aking labi.

"Here," he leaned from my back closer and prick the meet on the plate.

Napabaling muna ako sa mukha niya sa pagkakagulat pero agad na hinanda ang pinggan nang makabawi.

"Thank you..."

"Gusto mo pa?"

Umiling na ako pagkatapos ay tiningnan muli si Ate sa kama na walang kaalam-alam sa ginagawa ngayon ni Isaiah. I 'psst' her to call her attention. Tinuro ko ang pagkain gamit ang mata. Bumangon naman siya kaya binalik ko ang atensyon kay Isaiah.

"Ako na ang kukuha ng kanin ko!" Pigil ko agad dahil aabutin niya na sana iyon para sa akin.

He stopped then looked at me. Hindi na ako naghintay at inabot ko agad ang bowl na pinaglalagyan nito.

Sa may desk na sa may uluhan ng kama si Ate Zydda kumain kaya ang isang upuan ay pinagamit ko sa kaniya. Magkaharap kaming dalawa at ang upuan ay muli kong ginamit kagaya kagabi. Nag-initiate din si Isaiah nang magkausap kami pag-uwi niya kagabi na bibili siya ng portable table para at least hindi na kami mahirapan. Ako ang umayaw dahil sobra sobra na itong binibigay niya.

And when our third wheel volunteered again to do the dishes, Isaiah and I had the same position on the bed from last night; but a little much closer. He's hugging me and I can feel his breathe as if nibbling the fabric on my stomach. My fingers too are enjoying playing the lobe of his ear. And sometimes, I'm rubbing the little stubbles on the edge of his jaw.

Ginagawa ko iyon habang nanonood sa TV. Hindi ko naman inaasahan na madadala ako sa palabas doon. 'Di ko napansin na nakalabas na siya sa banyo at kung hindi siya magsasalita, hindi ako mapapalingon sa kaniya.

"Nakatulog na 'yang 'baby' mo." Turo niya sa lalaking yinayakan ko ang ulo. Hindi rin nakawala sa pandinig ang pagbibigay diin niya sa salitang baby. Pero hindi ko na ito pinansin.

Bumaba ang tingin ko kay Isaiah. Mababaw na ang kaniyang paghinga. Nagtagal ang tingin ko sa kaniyang mukha para pagmasdan ito ng maigi.

His beautiful face is resting peacefully. Pero kung tititigan mabuti, nakikita sa mukha niya ang kaniyang pagod. His thick brows moved when I rubbed his cheeks lightly. My palm welcomed the roughness of it because of the growing stubbles.

Hinayaan ko siyang ganoon at ginising lang ng bandang mag-aalas nuebe na. At nabigla ko pa yata dahil biglang bumuka ang kaniyang mga mata.

"Kailangan mo nang umuwi..." bulong ko sa kaniya.

The girl on the bistro did not mind us. Abala parin siya sa kaniyang cellphone.

"Hmm,"

I was guilty for waking him up. Kung sakto lang sana ang kama para sa aming tatlo, puwedeng hindi ko na siya gisingin pa.

"It's nearly nine. Bibiyahe kapa."

Pinanood ko ang pagdama niya sa pagkakataong naka-ibabaw ang ulo niya sa aming tiyan. Kung wala siguro ang mga unan at and headboard ng kama, kanina pa ako nangangalay. Ilang sandali lang ay bumangon na siya.

Tumayo kaagad ako sa kama para kunin ang tuxedo niya na ipinatong lang sa rack. Pinagpag ko ito para tanggalin ang anumang kumapit na dumi habang siya ay nagsusot ng kaniyang sapatos. Hindi niya na rin inayos ang pagkakabutones at sinukbit lang sa isang kamay ang tuxedo nito bago kami lumabas ng kuwarto.

"Mag-iingat ka pag-uwi."

"I'll come back again tomorrow."

Hindi agad ako sumagot. Lumingon ako sa likod para hingan ng abiso si Ate na alam kong nakikinig lang. At tama nga ako dahil sumagot agad siya ng, "Oo." kahit hindi umaalis sa puwesto.

Nag-angat muli ako ng tingin kay Isaiah 'tsaka tumango at nagsalita.

"Tawag ka ulit mamaya 'pag naka-uwi kana."

"I'll drive safetly." Aniya bago muling inabot ang aking labi.

Napapikit ako para damhin iyon. Nagmulat lang ng mga mata nang humilay na ang labi niya.

"I love you,"

"I love you, too."

Wala kaming ginawa kinabukasan pero nag-ensayo ako dahil pagkatapos ng araw na iyon ay ang pagsabak namin sa sinasabing 'audition'. From the instructions yesterday, we have the freedom to pick who our coach will be. Mga tanyag na sila at kilala ring mang-aawit ng bansa. The program is new to the country. Kaya sinisigurado ng estasyon ang pagiging perpekto. At kung maari raw, puwedeng i-stage nalang ang iba at kunwa-kunwari lang kung may magkamali.

Almost the usual thing happened when Isaiah arrived after the sun settled down. Tahimik na rin ang kuwarto hindi katulad noong maaga pa ang araw.

Pinag-usapan lang namin ni Isaiah ang tungkol sa mangyayari bukas, iba sa ginagawa naming panonood noong nakaraang dalawang araw. And when his night is complete, we bid our usual goodbyes before he leave.

The day came and Zenny and I had our audition. Magkalaban na kami, isa sa mga napagmeetingan noong nakaraan. Hindi ako nahirapan kunin ang atensyon ng mga coaches. Lahat sila ay nagustuhan ako kaya ako ang nahirapan. But I chose whom I really trusted among them.

Nanatili kami ng isa pang araw bago kami bumalik sa Leyte. Lahat ng araw ng pananatili namin sa hotel, nakasama ko si Isaiah ng may laya. He even want us to have our dinner outside after the 'audition'. Tumanggi lang ako dahil mas mapapagod siya lalo na dahil magdadrive pa siya pauwi.

Bumalik muli kami sa dati naming gawi. We were contented again with our phone. We would watch each other through our screens.

"I'm missing you already," bulong niya, nakikita ko sa video na nasa kama niya na siya.

I kissed my camera. Then I smiled, watching him, while I was saying, "I miss you more..."

The longing I'm feeling for him is evident on my voice. If only I have the power to pull him to just so he'd be here, and grasp the freedom that us can be together, I would. The doubts I have in me are too shallow now to stop me.

I've been day dreaming our hugs and kisses while I'm in their huge house. His brother and father are both very busy with the dam they're making for the town.

Nawala lang siguro sa alapaap ang mga naisip naiyon nang muling bumisita ang Madame at Doña. Muli akong natakot para sa sarili ko dahil parang binabantayan na naman ng mga titig ng Doña ang mga kilos ko.

"Dito na sila hanggang pasko," bulong sa akin ni Analyn noong tanungin ko siya sa pagbabalik ng Donya habang naglilinis kami ng hardin. "Ganiyang lang talaga ang titig niyan. Hayaan mo nalang kasi!"

Hindi pa naman umaapak ang unang araw ng Disyembre. Isang linggo pa kaya pinagtaka ko noong una kung ano ang gagawin niya rito.

Wala na akong dinugtong pa kay Analyn.

Ngunit kahit na sabihin niya mang huwag ko itong papansinin, like a gladiolus flower, it's always attracting. Lalo na sa akin dahil ako palagi ang siyang nakakapansin.

"Uuwi kami ngayong Disyembre," kaharap ni Isaiah ang kaniyang laptop isang gabi habang nag-uusap kami. Nakahilig doon ang kaniyang cellphone kaya nakikita ko sa video kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Naalala ko agad na kailangan naman naming bumalik para sa susunod na round unang araw ng buwan ng Disyembre.

"Babalik naman kami para sa kasunod na round ng programa." Walang gana kong sinabi.

Excited pa ako noon dahil muli na naman kaming magkikita.

Napabaling siya, diretso sa camera ng kaniyang cellphone. Pinanood ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Pero tatlong araw lang kami."

Lumayo siya. Nakita ko ang pag-iisip sa kaniyang mukha.

"You don't have to stay to wait for me," pigil ko agad sa iniisip niya. Naisip ko rin ang Doña kaya iyon ang nasabi ko sa kaniya.

"I can make an excuse—"

"Isaiah, please..."

Then he stopped. Pinanood ko siyang nanonood sa akin. He seems stunned from what I said. Gusto ko sanang dugtungan ang tungkol sa sasabihin ng Doña ngunit ayaw ko namang may kung anong isipin siya sa kaniyang lola.

"Ayos lang ako. Puwede naman tayong mag-usap... kagaya ng ganito, sa cellphone."

"Is this enough for you?"

Tumango ako. "Oo,"

Pagkatapos ay hindi siya nagsalita.

Naikagat ko tuloy ang labi, pinipigilan ang sarili na sabihin ang ano mang ikinababahala ko. Hindi naman kaagad iisipin ng kaniyang pamilya na maaring ako ang dahilan kung bakit magtatagal pa siya. Pero parang may natural nang talim ang ano mang sasabihin ng Doña sa akin.

"I love you." Bulong ko.

I saw him on the screen calming down. I calmed down, too.

"I love you, too."

The night ended and he watched me sleep peacefully. Hindi pa siya tapos sa ginagawa niya nang bisitahin ako ng antok. Nakiwari siyang huwag ko munang papatayin ang linya at hayaan ko raw siyang panoorin ako habang tulong. I was already sleepy to decide so I ended up conceding his request.

Kinabukasan ay nahuli ako sa paggising. Nagulat pa ako pagbukas ko ng kuwarto dahil nasa dining pa ang Doña. Nahagip ko rin na may tasa pa sa gilid niya.

Hindi ako bumati dahil sa takot. Dumiretso ako sa banyo bago muling bumalik sa kuwarto para mag-ayos. I was already dressed properly when I opened the door again. Naroon parin ang Doña at naabutan ko siyang humihigop sa tasa niya.

"You haven't had your breakfast yet, hija." Diretsong Ingles ang pagkakasabi niya. Nasa lamesa ang tingin niya habang nagsasalita pero sa dulo ng pangungusap, bumaling na siya.

"G-good morning po, Doña." Sabi ko at pilit pinaliit ang sarili sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo.

"Join me." Utos iyon.

Sa takot, sinunod ko siya.

May plato pa sa mesa nang naka-upo na sa upuan, isang puwesto, malayo sa Doña. I can feel her eyes following and watching my every move.

Una kong binuksan ang plato. Naisip kong anyayahin siya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Nagbreakfast na po ba kayo?"

I was careful with how I say my words.

Walang emosyong umiling ang Donya kaya napatango ako at binalik ang tingin sa pagkain. She waited for me to finish getting my own food. Sumusubo na ako nang huminga siya ng malalim. Hinayaan ko siya sa ginagawa niya.

From the side of my vision, I saw her sipping from the cup she's now holding. My jaw is busy refining the food in my mouth. But my attention is already pasted to the Doña. One tick from the cup after hitting the surface of the table, the Doña called my attention.

Kabado akong lumingon sa kaniya.

"Ano ang pinag-usapan ninyo ng apo ko kagabi?"

Wala paring bahid ng emosyon ang paraan ng kaniyang pagkakasabi. May diin lang ito na alam ko ang pinapahiwatig.

Kinailangan ko pa ang tulong ng tubig para malunok ang pinung-pino na na sausage at kani sa aking bibig para hindi lang mabilaukan sa gulat dahil sa tanong niya. Agad kong binaba ang baso matapos kong uminom rito.

Hindi ako nakasagot.

Unti-unting umangat ang kilay ng Doña.

"P-pasensya na po. Hindi ko po alam ang tinutukoy ninyo," I lied.

My heart started to become furious because of my guilt.

Kita ko naman ang pag-iba ng ekspresyon ng Doña. Nahulog ang nakaangat nitong kilay para naman sa isang sarkasmong tawa.

"And now you're lying to me, huh?"

Umiling ako, hindi na makatingin sa kaniya. Pero halata yata sa mukha ko ang pagsisinungaling kaya napapikit ako ng biglang bumulalas ang Doña.

"Damn! I've been eyeing you since then! What are you doing to my apo?! At alam ko noon pa ang totoong budhi mo. Putang inang babae ka, hindi ka pa pinapanganak ng iyong ina."

Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko na rin ang pagbara ng lalamunan ko. I don't must not be hurt by her words. Those are her assumptions. But they feel like daggers already, pricking me for my death.

"Nagkakanda-letche-letche na ang apo ko! At muntik nang mawala ang dam dahil sa 'yo!"

"W-wala po talagang namamagitan sa amin ni Isaiah." I said, out of respect. Dala na rin iyon ng takot.

"There shouldn't be! Kaya kung ano man ang narinig ko sa inyo kagabi, pigilan ni'yo yan!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top