Ikadalawampu't Pitong Kabanata
Ikadalawampu't Pitong Kabanata: Chaos
Tuluyan ding kumalma si Analyn paglabas ko matapos kong kunin ang ilang gamit ko sa kuwarto. Mabuti na lang dahil kung hindi ay mahahawa rin ako sa taranta niya. Nakapagbihis din siya bago kami tuluyang tumulak. Pero habang naghihintay ako sa kaniya ay nakasalubong ko ang mga titig ng Doña.
I did not bother to Analyn about it. Una sa lahat, kaming dalawa lang ang may alam sa ano mang napagkasunduan namin.
Tahimik ako habang nasa bus kami. Bali-balita rin pala ang nangyaring aksidente dahil ultimo sa loob, bulong-bulungan iyon. I even heard someone talking about my brother which made me heave a little. Napalingon ako sa katabi nang maramdaman ang paghapo ng kamay niya.
"Umaalis ba si Ronald kada wala siyang pasok?"
Umiling si Analyn, nasa isang kamay ang buhok na nililipad ng hangin.
"Hindi ako sigurado. Pauwi na kami nang malaman ko ang balita dahil sa pinsan ni Litong kaklase ko."
Nag-iwas ako ng tingin at binaba sa kamay kong hawak ang cellphone.
"Nakuwento niya agad sa akin dahil naalala niyang kasama namin kayo sa mga Maderal,"
Halata sa boses niya ang pagkabahala habang nagsasalita. Naging tulala ako buong biyahe at nagpatuloy sa pagkukuwento ang kaibigan. The guilt started to build its own tower inside me because of what just happened. I think I am too preoccupied for my own that I tend to forget whatever's going on around me.
Nang tumahimik si Analyn, tumunog ang cellphone sa isang text. Tiningnan ko agad iyon at nakitang si Isaiah lang pala. Noong una, inignura ko iyon ngunit kalaunan, nagkaroon ako ng ideyang magtext sa kaniya.
Ako:
Papunta kami ngayon sa hospital.
Napatingin si Analyn nang magtipa ako. Hinayaan ko siyang mabasa ang mensahe.
Pagbaba sa terminal, agad kaming lumipat sa tricycle. Hindi na nagreply si Isaiah at mukhang abala rin siya sa sariling ginagawa. Sa text niya kanina, sinabi niyang abala pa rin siya kasama ang kaniyang mama. Hindi na sana ako magrereply pero may kung anong bumali sa kagustuhan ko nang maalala ang nangyari sa aming dalawa.
He has the right to know whatever I'm doing. That's what he's up to. Ganoon din naman siya sa akin kaya ako lang ang nagkakaroon ng problema sa aming dalawa. Kung tutuosin, si Isaiah itong masyadong patay na patay sa amin. Not to mention his willingness to give up something na hindi ko nagustuhan sa kaniya dahil sa nangyayari sa relasyon namin.
We arrived at the hospital. I did not expect it to be a bit farther than where mama was rushed before. The green paint was all around us the moment we stepped out from the tricycle. And the initials of the hospital the entrance told us that we are in a regional hospital.
Nagtungo agad kami roon pero napatingin ako sa cellphone dahil muling nagtext si Isaiah.
Sinalubong kami ng guard at si Analyn ang nakipag-usap doon.
I checked my phone to see his replies but nothing came. Siguro abala pa rin sila.
Sumama ako kay Analyn nang tawagin niya ako para pumasok na kami sa loob. Bago kami tuluyang nakapasok, nakatanggap muli ako ng text.
Isaiah:
Anong nangyari? Pupunta kami ni mama.
"Huwag ka nga munang magsi-cellphone! Kapatid mo 'to, 'no!"
"Sandali lang," sagot ko sa kaniya.
Hindi ako nagpapigil at nang tumungo siya sa information cubicle malapit sa nakikita kong cashier, ginawa ko itong pagkakataon para magreply. I told Isaiah what happened. Pinindot ko agad ang send at sakto lang dahil tinawag muli ako ng kasama. Hinawakan niya ang kamay ko para hanapin namin ang kuwartong kinaroroonan ng kapatid.
I bit my lower lip. We stopped in an exclusive area. May glass door bago makapasok sa panibagong corridor. And right where the both of us are standing is a doubled-door that has a label saying that it is an operating room. Hindi kita ang loob dahil maliit lang ang salamin ng pinto.
Muli akong sinaway ng kaibigan sa pagsi-cellphone. Pero naagaw lang ang pareho naming atensyon nang may lumapit sa amin.
Napansin ko agad ang kintab ng pisngi ng babae dahil sa luha. Hindi ko agad sila nakilala pero nang ituro ng babae ang pitno, saka ko lang napagtanto kung sino ang sadya nila rito.
"K-kayo ba ang pamilya ng bata?"
"Ako po," sagot ko, medyo nahabag sa kanyang mga luha. "Kamusta po si Lito?"
Sila ang mga magulang ng kasama ng kapatid ko. Hindi ko sila gaanong kilala pero naging pamilyar sila sa akin lalo na ang nasa likod na lalaki na kasama ng ginang na driver noon ng kanilang ginagamit sa pamamasa na bus.
Umiling ang babae pagkatapos ay tumango. Pero ang kaniyang luha ay patuloy lang sa pagbagsak.
Nag-angat ako tingin sa umaalo sa kaniya.
"Maayos na maayos siya. Wala masyadong nangyari sa kaniya. Sobra lang ang pag-aalala namin sa kapatid mo sa kaptid mo. Malaki ang naging pinsala sa kaniya." salaysay ng lalaki.
"Sana maging maayos lang ang lahat." Dagdag ng kaharap.
"Felicia..."
"Kami nalang po muna rito," suhistyon ko.
Umangat ang dalawang kilay ng lalaki.
"Ayos lang ba sa inyo?"
Hinarap ko si Analyn na nakikinig lang sa amin bago tumango ulit sa kaniya. They insisted to visit us next time his wife feels better. Masyado raw kasing naapektuhan at nabigla kaya hindi na mapigilan ang pag-aalala.
I actually still couldn't find the proper reaction to feel. Umalis na sila pagkatapos ng ilang minutong pakikisimpatya. Ako naman ay tulala habang hinihintay na bumukas ang pintuan. Mabuti nalang may nag-alay sa amin ng upuan kaya tinaggap namin iyon.
Si Analyn ay may kausap sa cellphone kaya lumayo siya sandali para kausapin iyon. Nagkaroon naman ako ng pagkakataong mag-isip.
I reminded myself stay positive and hopeful. Everything will be alright and nothing's going to be pushed out of the boundaries.
Kaya lang, habang tumatakbo ang oras, at hindi pa nakakabalik ang kaibigan mula sa kausap, parang bumabagsak sa akin ang katotohanan. I should have stayed and look for my brother's safety. Kahit na pinagbawalan ko na siya noon, dapat ay mas diniinan ko pa ang sarili ko sa desisyong iyon. Wala na kaming magulang at ayaw ko namang iwan niya ako. And the thought of him leaving me, us, the world, created an awful fact that I might not make it anymore.
The momentum failed to reach me earlier but now that I had the opportunity to think, the realizations came bursting.
Hindi ko na napigilan ang mga luha habang humihingi ng pagkakataon sa panginoon. I silently prayed not to take my brother from me. Nadatnan ako ng kaibigan na nakayuko. Nalaman ko nalang na nakabalik na siya dahil sa yakap niya sa likod ko.
"Bili muna tayo ng tubig?" bulong niya, umayos na ako sa pagkaka-upo.
"Dito lang muna ako," sagot ko.
"Ayaw mong sumama?"
I smiled, and shook my head.
Tumitig siya sa akin sandali bago tumayo at nagpaalam na lalabas muna.
Nagmuni-muni ako. Hindi ko na rin napansin ang takbo ng oras. Mag-iisang oras na pala ako rito na naka-upo at patuloy pa rin sa pagre-revive ang mga doctor sa loob ng kuwarto. Hindi ko na rin napansin ang cellphone at may mga reply pala roon galing kay Isaiah.
It's already past six after the afternoon based from the time my phone is telling me. Binasa ko ang mga text niya habang naghihintay sa pagbalik ni Analyn. Pati na rin sa pagbubukas na matapos ang ginagawa sa loob.
Isaiah:
Are you still there?
Iyon ang pinaka huling mensahe niya. Inangat ko pa ang tingin para mabasa ang unang mensaheng hindi ko pa nabasa.
Isaiah:
Pupunta ako mamaya.
Isaiah:
Pauwi na kami ngayon. I hope Ronald is now okay.
At may ilan pang mga sinasabi tungkol sa nangyayari sa kaniya.
Binaba ko ang cellphone. Pero napalingon agad ako sa pinto dahil may tumulak na lalaki roon.
"Isaiah!" Halos mapatayo ako sa gulat nang makita siya.
His white shirt is showing the broadness of his chest. Suot niya ang kaniyang maong at sa ibaba nito ay kaswal na sapatos. The authority in his vibe made me want to notice him. Kaya hindi naagaw ang tingin ko sa kaniya.
His usual dark eyes turned to me but only for a split-second to see the doubled-door in front. Pero agad ding bumalik ang tingin niya. Tuluyan na akong napatayo. Inabangan ko rin ang taong susunod sa kaniya pero wala. He even kissed me on the forehead that I didn't put much attention because of that.
"Akala ko mamaya ka pa darating..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"How's Ronald?" Inabot ng kamay niya ang pisngi ko. "You cried?"
Inilayo ko sa hawak niya angm mukha ko. May iilan pa sigurong nanatili sa mata ko at napansin niya iyon.
"Hindi pa sila tapos sa loob,"
"Nasaan si Analyn?"
"Nasa labas pa. Bumili siya ng tubig para sa akin."
Bumukas ang pintuan. Sabay kaming dalawa na napalingon doon. Natigilan din ang taong lumabas galing doon.
"I'll talk to them," baling sa akin ni Isaiah pero sumama ako sa kaniya.
"Kayo ang magulang ng pasyente sa loob?" gulat na tanong sa amin ng taong lumabas.
Umiling agad kami pareho kaya namilog ang labi niya at sinamahan niya ito ng pagtango.
"Kamusta po ang kapatid ko?"
"We will be transferring him to the ICU department. Naayos na namin ang iilang parteng nabali sa kaniya. Pero sa ngayon, hindi pa namin tiyak ang kalagayan nito. Sa itsura ng pasyente noong isinugod siya kanina, maaring nakadapa ito sa putik na naka-apekto sa baga niya. But rest assured that we will do our best to revive him." Paliwanag niya. "Sa ngayon, may kinabit kaming ventilator sa kaniya habang ginagawa pa ang buong proseso."
"I-ibig sabihin po ba..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa agarang pagbara ng lalamunan.
Tumango siya. "Yes, kinabitan siya ng life-support,"
Humarang agad sa amin si Isaiah para pigilan ang pagpatuloy ng sasabihin nito. Agad nang nakawala ang mga luha ko sa mata. They immediately piled up that I had no control from stopping them. May humawak naman sa kamay ko. Pagbaling ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Analyn.
She held me. Nahuli ko ang isang tango ni Isaiah sa kaniya bago kami lumabas sa area.
"Pupunta rito sina nanay mamaya para makapagpahinga ka," bulong sa akin ni Analyn. Nasa labas na kami ng hospital at pareho kaming tulala sa kalsada. "Sinabi ko sa kanila ang nangyari."
Para akong walang naririnig dahil hindi ko magawang sumagot sa mga sinasabi niya. Nasa punto ako ngayon ng pagsisi. Pagsisisi sa anu mang nangyayari. Isang pitik lang, wala na ang kapatid ko! At habang patuloy sa pagkukuwento ang kaibigan para lang pagaanin ang loob ko, binibingi naman ako ng katotohanang wala akong pagkukunang pera para maipagpatuloy ang ano mang dumudugtong sa buhay ng kapatid ko.
Muling uminit ang gilid ng mga mata ko sa isiping iyon. Na agad namang pinatahan ng kaibigan nang mapansin ang pag-impit ko sa kumakatok na hagulhol.
Naisip ko si Ate Zydda.
Napatingin ako kay Analyn. Nag-aalala ang mga mata niya sa akin. I tried to smile even if my tears are failing me from my attempt.
Hinugot ko ang cellphone para tanungin si Ate Zydda kung puwede ba akong makahingi ng pera sa kaniya. May ideya akong pagbutihin ko na lang ang sinalihan na contest ngunit matagal pa ang kasunod na pagsabak dahil sa nalalapit na okasyon ng taon.
Nagtipa ako ng text para sa kaniya.
Ate Zydda:
Good evening, Ate Zy. May pangtawag ka po? May gusto sana akong sabihin.
Binaba ko ang cellphone matapos ma-send iyon. Nakita ko sa mahabang corridor si Isaiah na nakatingin sa amin ni Analyn habang naglalakad palapit sa kinaroroonan namin. Agad namang tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ay galing sa hindi kilalang numero. Mabilis kong sinagot ito.
"Katherine, narinig ko ang balita! Kamusta kana? Nasaan ka ngayon?" sunod sunod niyang tanong.
Tumigil siya para antayin ang sagot ko. Narinig ko agad ang maliit na ugong ng air condition sa likod ng linya. Siguro, kung hindi ganito ang sitwasyon, bibiruin ko siya. Sinabi ko agad ang pakay. Tuluyan na ring nakalapit si Isaiah. Habang ako ay nagsasalita, tahimik naman siyang umupo sa tabi ko. Analyn kept on listening to me.
"May kaunting pera ako pero puwede tayong makahingi ng sponsor sa..." natigilan siya. Tumatango naman ako habang nakadikit ang cellphone sa tainga. "Uhh... sa gobyerno! A-alam mo na,"
Isaiah's hand found its comfort on mine.
"Maraming salamat po, Ate! At kung may gig ka ring alam, sabihan mo po ako. Kahit kaunti lang ang bigayan basta may kikitain tayo."
"Tutulong ako. Mag-ingat ka, ha? Bibisita ako."
"Sige, 'te!"
Binaba ko ang cellphone. Umilaw pa ito at ipinakita ang hindi nakarehistrong numero at nahuli kong nahulog doon ang tingin ni Isaiah.
"Papunta rito si nanay," muling paalam ni Analyn.
Marahas na napatingin sa kaniya si Isaiah. Pinapagitnaan ako nila.
"Sino ang kasama niya?" tanong nito.
"Hindi niya nasabi. Baka si tatay."
Nagtataka ang tingin ko kay Isaiah. Lumipat sa akin ang tingin niya pero hinalikang lang niya ang likod ng palad ko.
"Puwede tayong magpahinga habang sila lang muna rito." Dagdag pa ni Analyn.
"Sasamahan ko sila rito."
Akala ko mapahihintulutan ko ang sariling manatili rito. Ngunit pagdating ng isang pamilyar na multipurpose cab, pagbaba ni Manang Dessa, dumiretso agad siya sa amin. Nanatili pa kami ng ilang minuto sa labas kaya naabutan nila kami. Napabangon pa si Isaiah para salubungin ang nag-aalalang ginang.
Binati niya kami at agad ding dumalo sa kaniya ang anak.
Sa likod nito ay ang kaniyang asawa. At pareho silang naka suot pambahay, maliban lang kay Manong Joseph na may dalang bag, mukhang damit kung sakaling kakailanganin.
"Kamusta na si Ronald?"
Naunahan kami ni Isaiah sa pagsagot sa kaniya.
"They're transferring him to the ICU." Tumigil siya saglit para tumingin sa akin. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga bago tuluyang nagsalita. "Kinausap ko kung puwedeng ilipat siya sa mas magandang hospital. They agreed to my demand. Baka bukas, ilipat siya sa DWHo."
Lumaki ang mata ko.
Hinila ko agad ang braso ni Isaiah para agawin ang atensyon niya. Alam kong mas makakabuti iyon sa kapatid ko pero wala pa akong perang pambayad doon. Pagbaba ng tingin niya ay sumunod din ang atensyon ng ginang at ng asawa.
"Wala akong perang pambayad."
"You have nothing to worry about."
Namilog ulit ang mata ko. "Isaiah, ayokong manghingi na lang sa inyo ng basta-basta ng pera. Maghahanap ako—"
"Then you can do it after everything."
"Please."
"This is for your brother. For you. Please allow me to help you."
Binawi ko ang tingin sa kaniya sa sinabi niya. May tama nga naman siya. This is for my brother's sake. Buhay niya ang nakataya rito at ayaw kong mawala siya kagaya ng pag-iwas sa amin ng aming yumaong ina.
Saka ko lang napansin na hinila pala ni Analyn sina manang at manong Joseph papasok ng Hospital. Wala na siya sa harap namin. Nag-angat ako ng tingin sa katabi at nakitang nandoon na rin sa kanila ang atensyon niya.
Napakurap-kurap ako.
"T-thank you." Tuluyan nang lumambot ang puso ko.
Napalingon siya. "I love you,"
"P-pasensya na. Wala talaga akong alam sa gagawin ko ngayon."
Panibagong luha na naman ang nakawala sa mata ko. Sa pagkakataong ito, narito siya para palisin iyon gamit ang kaniyang kamay. I let him do it.
Hanggang sa tuluyan nang nakabalik ang kaibigan at nakapag-paalam na siyang uuwi muna kami sandali. Babalik din bukas. Wala na akong nagawa kahit na giniit ko pa kaninang sasamahan ko sila.
Sa tabi ako ni Isaiah umupo. Analyn sat behind us. Naging abala rin agad siya sa kaniyang cellphone. Lumingon ako kay Isaiah nang umalis na kami sa syudad. He's eyes are focused in front. Madilim ang kalsada pero naiilawan ang mukha niya ng mga street light na nakakasalubong namin.
The three of us were silent along the way. Umayos lang ako nang upo pagsalubong sa amin ng pamilyar na kalsada papunta na sa kanila. Mabilis ding nakapasok ang sasakyan dahil may nag-aabang na sa amin.
"Maraming salamat, Analyn," bulong ko sa kaibigan, sakto lang para marinig niya ako sa likod.
She hugged the seat from behind. Dinama ko naman iyon pero nagulat dahil sa marahas na pagbukas ng pintuan ni Isaiah. Maging si Isaiah ay hindi inaasahan iyon. Analyn, too, was shocked because I can feel the sudden tightness of her hands.
"Hindi ka talaga nakakapigil sa libido mo!"
Natauhan ako sa rahas ng sigaw ni Isaac bago nito hilahin si Isaiah galing sa loob.
I heard Analyn scream. Ako naman ay nakita ang isang malakas na pagsuntok ni Isaac sa kapatid niya. Saka lang ako natauhan at bumaba nang si Analyn ay bumaba rin.
Umikot ako at naabutang nakabangon na si Isaiah at nagpakawala rin ng isang suntok.
Analyn is already between them. Niyayakap niya si Isaac, tinutulak palayo kay Isaiah na sumusulong naman para matamaan ang kaniyang Kuya.
"Oh my God!" Hindi ko na napigilan ang marahas ding pagsigaw.
Nagmamadali akong lumapit kay Isaiah at niyakap din siya para mapigilan sa paglapit sa kapatid.
"Gago ka! We've been telling you about her!" Rinig kong sigaw ni Isaac sa malayong likod ko.
"Isaiah, please calm down!" bulong ko sa dibdib niya.
Isaiah sweared back to his brother. Inabot ko ang nakakuyom nitong kamao at nang maabot, sinilip ko si Analyn na niyayakap na ng isang kamay ni Isaac. He was about to fire a punch but Analyn grabbed it immediately.
"Isaac tama na!" narinig kong pigil sa kaniya nito.
Agad nagsilabasan ang mga tao sa loob. Pinalibutan agad ng mga lalaking tauhan ang dalawa dahil hindi namin kinakaya ang bigat at lakas nila.
"Fuck you!"
"Isaiah, please!" saway ko.
"She's been using you all the time! Us! And now, she has deceived you."
"Shut the fuck up!"
Malaki ang pagpapasalamat ko sa mga tumutulong para lang maawat sila.
Nahagip ko ang paglabas ng Doña sa may portico at kasunod nito ay ang asawa nitong ngayon ko lang nakita muli. But the Doña's eyes were all on me. And basing from the way her left eye flicker, I could already tell that she knew what's behind this chaos.
"Ano ang nangyayari dito?" Tanong iyon ng Don pero hindi ko na magawang ibigay sa kaniya ang atensyon.
I stepped back, letting myself go from Isaiah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top