Ikadalawampu't Isang Kabanata
Ikadalawampu't Isang Kabanata: Mood
"Kung ganoon, boyfriend mo na ako. That's final."
Umiling ako kaagad sa kaniyang sinabi.
"Hindi." Nag-iwas ako ng tingin. "Ayokong isipin nilang may kung anong namamagitan sa atin."
"Huh?!"
Napalingon ako muli dahil sa rahas nitong pagkakasabi
Tumango ako, firming my decision from what I have just said.
Tinampal niya ang manibela.
"Then what are we? Pumapayag kang halikan kita."
Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ako nakasagot at napakagat na lang ng labi.
Pareho kaming nakatitig sa isa't isa at ang kaniyang mga mata ay desidido sa kagustuhan niya. Kating-kati ang dila kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagkaka-ilang ko sa Doña pero alam ko ring hindi dapat doon ang maging basehan ko sa ganito.
Muling binaling ang tingin sa harap. Kahit lumuwag na ang daanan para sa amin, hindi pa rin kami umaalis. Ramdam ko ang titig ni Isaiah pero hindi ko magawang lingunin siya. Nararamdaman ko na rin ang paghuhuramentado ng aking puso.
"I'll court you then, if that's what you wanted."
Huminga ako ng malalim at tumango para gawing panahon iyon para pag-isipan ko ang desisyon ng mabuti.
Ayaw kong totohanin ang kung ano ang mayroon sa amin. Pero parang tanga naman itong aking puso na sumasalungat sa mga nagiging desisyon ng utak ko.
The car moved. Then the warmth of his calloused hand found its way to hold mine. Nagkatitigan kami nang inangat niya ito.
"Happy birthday." Aniya habang dinadampian ng kaniyang labi ang likod ng aking kamay.
May kuryenteng dumaloy mula roon papunta sa katawan ko nang maramdaman ko ang lambot ng kaniyang labi. My butterflies are awakening.
"T-Thank you..."
Masyado siguro akong naging abala sa mga ginagawa nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko alam na susunduin pala ni Isaiah ang Madame. Narinig ko iyon kinabukasan sa mga kasambahay sa kitchen habang ako ay nasa dining. Papalubong na sa labas ang araw noon. At may tinitingnan ako noon sa cellphone habang nag-uusap sila.
Hindi na sana ako titingin, ngunit narinig ko ang pangalan ko. So I pretended myself busy from my phone.
"Nararamdaman ko talagang inaakit ni Katherine si sir, e."
At first, I thought they knew that I am at the dining. They're conversing, letting me here their conversation. Siguro kung kasama nila si Janet, sasawayin nito sila.
"Naku, oo! Pinapa-ikot para lang... alam mo na," one of them giggled. "Kaya nga hindi na talaga ako nagugulat tuwing umuuwi si sir na nasa loob iyang si Katherine ng sasakyan, e."
"Huy, ano ka ba? Huwag mo nang ipangalan!"
"Hayaan mo na! Tayo lang naman ang—"
The house help who's talking stopped.
I go on with my pretension. I blinked, thankful that my eyes are doing its best to look only at my phone screen. Ginagalaw ko rin ang hinlalaki ko kahit na wala namang kailangan kalikutin pa sa screen ng cellphone.
Gusto ko silang puntahan at tanungin kung may problema ba sila. Ngunit may takot din akong nararamdaman na baka hindi ko makontrol ang sasabihin ko. Malakas ang pintig ng puso ko kahit nakaupo lang ako sa upuan ng dining table. Maybe I should open this up to Isaiah. But I have my second thoughts.
I bit my lower lip. Nakakabaliw pala kung alam mo na ang nararamdaman mo sa isang tao.
Bumalik sa isipan ko ang naisip ko noon. Lilipas din itong nararamdaman ko sa kaniya. Isaiah is just an experience for me. So I should not care if the Doña doesn't like me for whatever reason she has. I should not care anymore. Never.
Hindi na muling nag-ingay pa ang nag-uusap sa kitchen.
Walang ang ibang mga kasambahay ngayon dahil abala sila sa Fort. Doon ginanap ang handaan para sa pista. Kaya ngayong gumagabi na, marahil, nagliligpit na 'yon sila.
Inalis ko lang ang atensyon sa cellphone nang marinig ang mga boses na parating.
Isaiah gazed towards me with his brother following behind. Lumihis agad ang tingin ko sa kaniyang kapatid na abala ang mata sa chandelier bago tuluyan itong nahulog sa akin.
"Good evening po," bati ko sa kaniya pagkatapos ay binalik muli ang mata kay Isaiah.
His stare remained as they move forward. I just bowed my head a little for him.
"Katherine, nagdinner kana ba? Ipapadala rito ang ilang pagkain para sa inyo." Ang kaniyang Kuya.
Tumango ako para sa huling pangungusap na sinabi nito. "Ayos lang po. Hihintayin na lang po namin ng mga kasama ko rito."
"O, baka gusto mo nalang sumama sa amin ni Isaiah?"
Hindi ako agad sumagot. Dumapo ang tingin ko kay Isaiah na nasa kitchen na ngayon. Umiling ako pagkatapos ay binalik ulit ang atensyon kay Isaac.
"Dito nalang po ako,"
May kinuha lang sila rito na panali at agad din silang umalis. Ilang minuto rin ay dumating ang puting multipurpose cab ng Fort para sa pagkain namin.
Walang pagkakataon na nagsama kami ni Isaiah dahil lumalayo ako sa kaniya. Napansin niya iyon kaya kinagabihan ng araw na iyon, nag-usap muli kami.
"Bakit?" I heard his voice echoed from where he is. He's just done from shower. At siguro ngayon, nagpapalit na siya.
Patagilid akong nakahiga sa kama habang hinihintay siyang magpakita sa screen. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang kaniyang kama at nakasinding standlamp ng kaniyang kuwarto. Naka-loud speaker speak din ang kaniyang phone dahil nakakausap niya pa rin ako kahit na nasa malayo.
"Nakakahiya sa kapatid mo." Bulong ko nang makita ang kaniyang aninong papalapit.
Unang kong nakita ang kaniyang kamay. Dumilim din ang screen ng tabunan niya ito pero may kaunti pa ring liwanag na pumapasok habang gumagalaw ito. I didn't know what he's doing but when I saw his huge face, I then realized it. Inikot niya ang kaniyang cellphone patungo sa direksyon niya. And he's leaning closer so his head is huge.
"Bakit ka mahihiya sa kaniya?" Kumunot ang kaniyang noo.
"A-no... nakakahiya lang... lalo na dahil nililigawan mo ako," ang tanging sagot ko.
His face lightened. Pagkatapos ay humilig siya palayo at ngayon ko lang napansin na hindi pa pala siya nakakapagdamit.
"Hindi ka pa tapos? Anong ginagawa mo kanina?" Matagal siyang nawala. At sa mga sandaling iyon, nakapagdamit na sana siya!
"Hmm?" Bumaling siya.
The lines on his body are now sketched perfectly. The shadows from the light are exposing his curves of his muscles. At halatang sinasadya niya ito may nakita akong sumilay na ngiti sa kaniyang mukha.
"Papatayin ko 'to!" Pagbabanta ko.
He chuckled. "Anong ginagawa ko?"
Hindi na ako nagdalawang isip at pinatay ko agad ito. Agad namang lumitaw ang pangalan niya. I answered and saw him laughing hysterically.
"Magdamit ka!" Utos ko.
"Huh?"
"Isa."
"Alright! Alright!" Aniya ng natatawa.
Pinanood ko ang kaniyang paglayo at pagpasok niya sa pintuan ng kaniyang dressing room. At pagbalik niya, may suot na siya ngunit natatawa parin. Nagpatuloy ang aming usapan. When he was already laying his back on the bed, my voice toned down.
"Isaiah..."
"Hmm?"
The silence allowed me to hear the crumpling of the blanket when he tucked himself under it. Hindi agad ako nagsalita para panoorin siya. Pagkatapos ay muli niyang binalinga ng atensyon sa akin.
"Sigurado ka ba talaga?" Tanong ko.
Hindi niya agad nakuha ang tanong ko nang kumunot ang kaniyang noo. Kinagat ko ang aking labi.
"Sa akin..."
"Why?" biglang nagseryoso ang kaniyang mukha. "Are you doubting my feelings for you?"
Umiling kaagad ako dahil hindi iyon ang gusto kong iparatin. "I mean our past?"
"Are you still thinking about that?"
Napahinga ako ng malalim dahil mukhang hindi nakukuha ni Isaiah ang gusto kong sabihin. Ayaw ko naman ding sabihin iyon sa kaniya ng diretsahan dahil parang mga apoy sa akin ang alaalang iyon. Nakakasunog tuwing binabalik-balikan ko.
"Is it the reason why you aren't giving yourself to me? Kaya gusto mong manligaw ako sa iyo?"
"Hindi naman sa ganoon... natatakot lang akong isipin na baka ayawan ako ng pamilya mo." Ng lola mo.
Natawa siya at mukhang walang balak na seryosohin ang sinasabi ko. "Like I said, huwag mo nang alalahanin iyon,"
Hindi ako nagsalita. Pinanood ko ang kaniyang mukha.
"Are you tired, baby?"
Muli akong napakagat ng labi.
"I'll protect us... you. Kung ano man ang mga nasa isip mo, huwag mo pansinin iyan. Matulog na tayo."
Tumango ulit ako. "Sige. Good night." Bulong ko.
"Good night. I love you."
Tumulong ako sa paglalagay ng gamit nila sa sasakyan kinabukasan. Ihahatid sina Isaiah at ang kaniyang ina ng Senyor at ni Isaac. Isaiah secretly texted me while they're on their way. Hindi ako nagreply dahil baka may makapansin sa kaniya.
Isaiah:
Tatawag ulit ako sa 'yo mamaya.
Iyon ang laman ng kaniyang mensahe.
Habang nadadagdagan ang mga araw, mas lalong napapalaya ko ang damdamin ko sa kaniya. I felt comfortable to his words. The way he talks to me every night on the phone, para bang sinasabi niya sa aking palayain ko nararadmaman ko ng hindi niya binabanggit ang mga salitang iyon. The further we connect, the more I become blinded from the barrier I built before.
Isaiah:
Eat your dinner.
Palagi siyang nagtitext ng ganoon at minsan tuwing break time ko, pinapaalalahanan niya akong kumain kahit na hindi naman kailangan.
"Nasa library ako ngayon nag-aaral." Sagot ko nang tumawag siya dahil hindi ako nagreply noong magtext siya. I can hear from his background that there is someone discussing something from where he is.
"Magfocus ka riyan!" saway ko.
"There's nothing going on here," he said but for sure he's telling that so I won't worry.
"Sige na, may exam pa kami mamaya. Kailangan kong magbasa dahil hindi ako nakapagreview kagabi."
"Okay, then."
"S-sige na!"
"Message me once you're done with your exams."
"Oo, magtitext ako."
Buhay na buhay muli ang mga ganap ko gabi gabi kaya tuwing umaga, palagi akong naghahabol sa klase. Nakakalimutan ko na rin ang tungkulin ko bilang estudyante. Pero ang mga pag-aalala ay tinatabunan na lang sa pag-iisip na natutulungan ko naman ang sarili rito.
October came and the college students were busy for the enrollment. I've been warned by my teachers about my decreasing grades so when I finally have the slip for our results, I accepted them immediately. Ate Zydda was the only one who knew about it.
Nasa food spot muli kami noong ikuwento ko sa kaniya ang tungkol sa pag-aaral ko. Isaiah started to become very busy kaya sa gabi nalang kami nag-uusap. At kadalasan, dala na rin ng pagod ko at ng kaniiya, nakakatulugan nalang namin ang isa't isa.
Binigay ni Ate Zydda sa akin ang binili niyang pagkain.
"Ano ang desisyon mo?" Nag-aalala niyang tanong.
Nanatili sa pagkain ang tingin ko.
"Hindi lang muna ako mag-eenroll, ate," sabi ko pero hindi pa talaga sigurado sa plano.
Sandaling katahimikan muna sa aming dalawa. Pagkatapos ay suminghap si Ate. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya.
"Sigurado ka na ba?"
Tumango ako kahit na ang totoo, ay wala pa talaga akong desisyon para sa sarili.
"Maganda ang edukasyon sa isang tao, Katherine. Ito lang ang kayamanang kailanman ay hindi makukuha mula sa iyo."
"Alam ko po iyon, Ate."
"Kung pera ang inaalala mo, nasa paligid lang iyan. Tandaan mo."
Hindi ulit ako nagsalita. Nanatili ang titigan namin. Her eyes are jumping left and right to see both my eyes. Para bang tinitimbang niya ang tumatakbo ngayon sa isip ko.
Malaki siguro ang pasasalamat ko kay Ate dahil naiintindihan niya ako. Alam niyang hindi pa ako kumbinsido sa sinabi ko. Kaya bago kami umalis ay hinayaan niya muna akong mag-isip. Timbangin kung ano ba ang mas nararapat. Gustuhin ko mang ipagpatuloy ang pag-aaral, ngunit may sumasalungat sa akin na kailangang tulungan ko nalang ang kapatid.
Nagpatuloy kami sa mga dati naming gawi ni Isaiah. He would tell me how exhausting his tasks were but good thing, his father is helping him virtually. Naituloy na rin ang construction sa Daguitan dam dahil sa pamumuno ni Isaac.
"Katherine? Sumali ka ulit sa isang contest!"
"Po?"
"Oo! Sure ball na ito hindi kagaya noong una!"
Napatingin ako kay Analyn na kasama ko ngayon sa may Fort. Tumutulong kaming maglinis dahil aarkilahin ulit ang area ng isang kilalang pamilya.
"Sige na saguting mo lang muna 'yan!" Pagtataboy sa akin nito.
Tumango ako at lumakad palayo para hindi gaanong maingay.
"Tungkol saan po iyan, Ate?" Muli kong tanong sa kabilang lina nang nasa may isa sa mga niyog-niyogan na ako ng Fort.
Ate Zydda explained the talent competition. I listened carefully dahil nakuha nito ang atensyon ko. The scout Ate is pertaining will be conducting a talent search in the region. Parang completion na rin ang ganap dahil pipiliin nila ang pasado sa kaniyang standards.
Buong buwan, abala ako roon lalo na dahil sinabihan ako ng isa sa mga panel nila na maari akong makuha. They congratulated me because I was already packed with face and talent. Narinig iyon ni Ate Zydda dahil ginamit ng panelist ang kaniyang microphone. Tuwang tuwa siya.
"Nakuha ako para magrepresent ng Leyte para sa isang tv competition!" Tuwang-tuwa kong balita kay Isaiah noong lumabas ang resulta.
"Congratulations, then."
Nahinto sa ere ang galak ko. Gabi na at kakatapos ko lang mag-half bath. Nasa kuwarto na ako at agad kong binalita iyon sa kaniya. I couldn't help my excitement that I had to call him immediately.
"Oh? Hindi ka natutuwa?" pansin ko sa reaksyon niya.
He smiled but I saw his eyes on the video. They did not light up.
"Magiging masaya ka ba niyan?" Tanong niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.
Napalunok muna ako bago nagsalita.
"Matutulungan ko nito si Ronald sa pag-aaral." Dispensa ko kaagad.
As our conversation went on, his mood didn't go back to the usual. Pero hinayaan ko nalang iyon at sinusubukan kong magtanong-tanong ng mga magagaang tanong sa kaniya. Afraid that I might spoil his mood too much. Nakadapa siya sa kaniyang kama sa video, pinapanood ako habang nagsasalita.
Umalis ako kinabukasan sa malaking bahay para pumunta sa magiging voice coach ko para sa competition. May isa pa akong co-talent na makakasama pero ayos lang dahil kasama ko rin naman si Ate sa session ngayon. We commuted our way to Tacloban until we reached the stairs to the second floor where our coach's office.
Bago tuluyang umakyat, tumunog ang cellphone ko. Naunang pumasok si Ate Zydda bago ako nakasumunod sa kaniya. I stopped when I opened my phone and Isaiah's name on the screen.
"Susunod ako," paalam ko sa kaniya nang tumigil din.
Nag-angat pa ako ng tingin at tumango bago binalik ang tingin sa screen para basahin muna ang mensahe ni Isaiah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top