Ikadalawampu't Dalawang Kabanata
Ikadalawampu't Dalawang Kabanata: Baby
Isaiah:
Sorry about last night. I was so exhausted.
Isaiah:
Take care. I love you.
Dalawang magkasunod na text ang natanggap ko mula sa kaniya. Napangiti ako sa huling pangungusap ng kaniyang text. Magtitipa na sana ako kaya lang, muling bumaba si Ate Zydda. Nagulat ako dahil akala ko naka-akyat na siya.
"Ate, susunod nalang ako." Sabi ko.
"Mamaya na 'yan! Nasa taas na sila. Pati iyong kasama mo."
"Magrereply lang ako—" naputol ako sa pagsasalita dahil pinandilatan niya na ako.
Mamaya nalang ako magtitext kay Isaiah. Kaya imbes na sundin ang gagawin, umakyat ako, nakahawak si Ate Zydda sa kabilang braso ko. She keeps on lamenting while we were walking up to the second floor. Nang marating namin ang palapag, nakatingin na sa amin ang isang babae at lalaking kaharap nito na nakilala ko kaagad.
Nagulat ako dahil hindi ko alam na sumali pala siya!
"Zenny!" Sabi ko sa dati'y nakakalaban ko lang sa mga contest. I immediately knew that he's my co-talent for this season. Dahil nakangiti na siya bago pa man ako matapos sa pagkakamangha.
"Sumali ka pala!" Hindi ko na napigilan ang sarili.
"Hindi mo 'ko napansin?"
Nakangiti parin ako sa pagkakamangha. Umiling ako at napatingin kay Ate Zydda para ituro siya. Tumango naman ito nang ituro ko. As if she knew I will be meeting him. Masyado na ba talaga akong lunod nitong mga nakaraang araw para hindi ko mapansin si Zenny?
"Nice to meet you, Katherine!" Bati naman ng coach. "Iniintroduce ko lang kanina ang mga possibilities na baguhin sa paraan ng pagkakanta ni Zenny. I've seen your videos already." Tumango ito. "Powerful ang boses mo."
Nahiya naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kailan ko sasanayin ang sarili sa mga ganitong paraan ng pagpupuri. Lalo na dahil sinabayan ito ni Zenny.
"Kaya tiklop kaagad ang mga kalaban kung kasali siya, Ma'am Jess."
We first had our vocal warm-up before she tested the ranges of our voices. Nasa forties na ang edad ni Ma'am Jess. Kahit ang flower print ng kaniyang shirt dress ay hindi pumapantay sa edad nito. Ganoon pa man, she made herself jolly to while coaching us.
Naghihintay lang sa may upuan sa tabi ng maliit na kuwartong nagsisilbing opisina ng aming coach si Ate Zydda. Nakikita kong abala siya sa kaniyang cellphone at iyon ang kaniyang ginagawang pamatay oras habang naghihintay.
Bago kami natapos, pinaalalahanan kami ni Ma'am Jessica sa mga bawal naming kainin at inumin. Alam naman iyon ng mga kagaya kong umaawit kaya madali lang talaga itong sundin. Isa pa, matagal ko na ring desiplanado ang sarili ko sa mga bagay na ganoon.
"May hihintayin tayo, ate?" Tanong ko sa kaniya ng manatili kami sa tapat ng building matpaos magpaalam sa amin ni Zenny.
The session was actually fun. Marami akong natutunan at mga nalamang mga technique para mas ma-prolong at maalagaan ang boses habang umaawit.
Inangat muli ni Ate Zydda ang kaniyang cellphone. Nagtipa siya roon at mukhang naiinis na naman dahil wala pa ang sino mang susundo sa amin ngayon.
Naalala ko ang mensahe kanina ni Isaiah. Hindi pa pala ako nakakapagreply roon! Kinuha ko ito mula sa bag. Mabilisan akong nagtipa bago pa man dumating ang susundo sa amin. Sending na nang maisip ko si Ronald. Puwede ko namang tanungin ang kapatid para mahingan ang numero ni Lito. Makikisakay kami.
Bago ko pa man maisatinig ang nasa isip, hinila na ang kamay ko ni Ate Zydda nang may pumaradang puting malaking SUV sa tapat namin. Siya ang nagbukas nito para sa amin.
"Ang tagal mo!" Angal niya agad.
Naguguluhan ako kaya nanatili sa lalaking nasa harap ang mata ko. His figure from behind is familiar. Sa likuran kami ng SUV pumasok. Nakikita ko mula rito ang suot na pang-opisina ng lalaki.
"Traffic." Anito nang hindi kami hinaharap.
Pero nang maalala ang pagtatago noon ni Ate Zydda sa anak ng mayor, hindi nalang ako nagsalita.
My phone beeped but I was too stunned to look at it. Nasa bulsa ko rin ito kaya mapapatingin sa akin si Ate Zydda kung kukunin ko pa iyon.
Ilang minutong katahimak ang lumaganap bago ako harapin ni Ate. I thought she will be introducing the man in front. But I guess she has no plans to do it.
"Nakalimutan ko palang sabihin sa 'yo, Katherine! Na next week na pala tayo luluwas para sa audition."
Ang huling salita ang nagpatango sa akin. Alam ko agad kung tungkol saan iyon. Nakalingon ako kay Ate Zydda para makinig sa sasabihin niya.
"Ako ang kinausap ng organizer. Ngayong linggo lang ang session ng voice coaching. Lunes, next week, iyon ang luwas natin."
Tumango ulit ako.
Nitong mga nakaraang araw ay masyado akong nalunod sa mga iniisip ko. Hindi ako makapag-isip ng matino. Mabuti nalang pumayag sa akin si Ate na sa kaniya nalang muna didirekta ang mga mangyayari sa sinalihan naming ito. Walang problema iyon kay Ate kaya utang na loob ko ito sa kaniya.
Pinanoon ko ang kaniyang pagbaling sa harap. Napatingin din ako pero saglit lang dahil mukhang tiningnan lang siya ng lalaki sa harap sa rear mirror. Naabutan ko lang ang pagbaba nito ng kamay galing roon.
"Hindi naman natin kailangang mag-alala dahil susuportahan naman tayo ng Mayor ng Hulatan."
I really want to conclude that there's something going between them. Sa diin ng kaniyang pagbigkas sa salitang 'mayor', parang may kung ano na.
Pag-uwi ay iyong ang ibinalita ko kay Manang Dessa. Nagulat siya pero kalaunan ay namangha sa ibinalita.
"Hindi naman po problema ang pagtira namin dahil ishoshoulder naman po kami ng Mayor dito."
"Ang galing-galing mo talaga! Mana ka sa iyong ina!"
Hindi na humaba ang usapan naming dalawa. Sa tuwa, siya na rin ang nagbalita kay Mang Joseph at kay Analyn. Even to the house helps, she was so vocal about it.
"Bakit daw may audition pa?" Tanong ni Analyn sa hapag.
Kumakain na kami ng hapunan ngayon. Napatingin muna ako kay Isaac at sa ama nito.
"A-ano naman siguro iyon. Para hindi na ganoon kakalat."
"Sabagay. 'Di ba i-eere sa TV 'yang show nila?"
Gumalaw agad ang ulo ko para tumango.
"Pero masyado kanang nakilatis niyan," tumawa ang isang kasambahay.
Napalingon ako sa kaniya.
Maliwanag naman sa akin kung bakit kinakailangan pa ang audition. Hindi na nasundan ang usapan. Kaunting tulong lang sa pagliligpit matapos ang hapunan ay dumiretso na ako sa kuwarto para maghanda naman sa pag-uusap namin ni Isaiah. I freshened up first before I opened my phone to call him.
Hindi na ako pinapakealaman ng kapatid ko. Wala man siyang sinasabi, alam kong may alam na siya tungkol sa anong mayroon sa amin ni Isaiah. Ilang araw na rin ang nagdaan, at marami na rin akong natututunan sa mga sessions.
"Puwedeng dito ka nalang sa condo,"
"Nakakahiya sa kapatid mo. At kasama ko rin si Ate Zydda kaya ayokong iwan siya."
"I can book a room for her. In a hotel,"
"Hindi na talaga kailangan,"
Pareho na kaming nakahiga sa sarili naming mga kama. Pinapanood ko si Isaiah sa video habang ang kaniyang mga mata naman ay pareho ang ginagawa sa akin. The audio roared when he had his sudden exhale. Natawa ako roon.
Isaiah's been doing like this after he knew that I got in to the contest. The reason why I can't help myself from smiling.
"Ano ang problema mo?" pagbabawi ko sa nagawa kong pagtawa. Naiinis siya kapag tinatawanan ko nalang siya.
I'm not sure. Maybe if I find him too cute? I remember during our first meeting, I was so scared to meet him, but now...
"Nothing. It's just that..."
Hindi ko na naman napigilan ang pagsilay ng mga ngiti.
"Huwag ka nang mag-alala. Dahil mula ngayon, boyfriend na kita."
Nanatili ang kaniyang aburidong mukha dahil hindi niya agad narinig ang sinabi. May sinasabi pa siya bago matigilan.
"Ulitin mo nga?"
Pinanood ko ang paglayo ng unan sa likod ng ulo niya. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang nakalabas na ngayong mga ngipin. Pero pinipigilan niya parin iyon.
"Narinig mo na!" Natawa na ako.
"Ulitin mo."
"I love you."
Then he freed the smile he's holding on. "I love you, too."
Nagbukas pa talaga siya ng ilaw sa gabing iyon para ipakita sa akin ang pagmamarka nito sa maliit na kalendaryo ng kaniyang desk. Hindi ko naman mapigilan ang sariling mapangiti. I watched him on the video encircled the thirtieth day of the month.
I was clouded by the emotion that night. Letting myself free from doubts my head was giving me. The screams, my feelings and the fulfillment I finally achieved.
All souls' and saints' day came. Mataimtim ang buong bahay sa dalawang araw na iyon. Ginawa ko rin iyong pagkakataon upang makapaghanda para sa pag-alis namin bukas ni Ate Zydda. Nasa kaniya rin ang ticket namin. At si Zenny naman ay hindi na sasabay sa amin dahil sariling sponsor na sumusuporta sa kaniya.
Before we left, Isaiah and I had a long call, initiating me to stay under his condominium. I did not agree, of course. Letting Ate Zydda alone in a hotel, she would be hysterical! As soon as the airplane landed, I immediately message Isaiah. The place was ecstatic for me. But as much I wanted to document everything, the eagerness to message him outflew.
Ako:
Nakalapag na ang eroplano.
Iyon lang ang sinabi ko.
Hinatid kami ng van ng programa sa isang malapit lang sa hotel na malapit lang sa broadcasting station ng network. At habang nasa biyahe, kinukumpara ko ang mga naglalakihang building sa mga nakikita ko sa Leyte. They're incomparable.
The reception immediately ventured us to our room. Sakto namang pagpasok namin ay ang pagtawag ni Isaiah.
Tiningnan ko muna si Ate Zydda bago ko sinagot ang tawag niya. Nagliligpit na ito ng mga gamit namin.
"Hello..." mahina ang boses ko.
Tiningnan ko ulit si Ate pero nakatingin na rin siya sa akin.
"How was your flight?"
"Ayos lang naman. Hindi naman gaanong nakakapagod."
Hindi naman humigit ng dalawang oras ang binyahe namin. Ang nakakapagod lang siguro ay ang maghintay ng oras ng flight.
"Pupunta ako riyan mamaya."
"Ha?" Muli akong napalingon kay Ate Zydda na itinigil ang ginagawa para makinig sa mga sinasabi ko. "A-ano ang gagawin mo dito?"
"Bibisitahin ka. Magdadala ako ng pagkain para sa inyo."
"Huwag na. Ayos lang."
"Sino 'yan?" si Ate Zydda na nagtataka na yata kung sino ang kausap ko.
Hindi ko sinagot si Ate at pinagpatuloy ang pagkumbinsi sa kausap sa kabilang linya.
Ayaw magpapigil ni Isaiah.
Alas tres ang lipad namin kanina. Pagkatapos ng tawag, nag-angat ako ng tingin sa pader kung saan nakasabit ang wall clock. Kalalagpas lang ng alas singko. Bumaba parin ang tingin tingin ko sa cellphone para tingnan ang eksaktong oras. Sa kaba, hindi na kaya ng utak kong i-calculate ang tinuturong oras ng standard wall clock.
Ipinaalam ko kaagad kay Ate ang tungkol kay Isaiah. Tinukso niya pa ako.
Kabado akong naghihintay habang nakatitig sa palabas ng TV. Wala namang nanonood doon dahil si Ate Zydda ay nakahiga sa kama at abala sa kausap sa cellphone.
"Anong oras daw siya darating?" Tanong ni Ate sa akin.
Lumingon ako sa kaniya. Ang atensyon niya ay nasa katext pa rin.
"Hindi ako sigurado."
Kaya iyon agad ang tinanong ko kay Isaiah sa text.
Nasa ikaapat na palapag kami ng hotel. Maliit lang ang kuwarto namin. Pagpasok mula sa main door, bubungad agad ang kama. Pero may pintuan pa para sa comfort room.
Nakatingin na ako sa mga sasakyan sa labas ng salamin. Nasa maliit na bistro set ako ng kuwarto, katabi lang ng kama. Binuksan kanina ni Ate ang kurtina pinapanood ko ang madilim nang labas. Tumunog ang cellphone ko dahil sa pagtawag muli ni Isaiah.
Sinagot ko agad iyon.
"Nasaan kana?"
"Pababa palang ng building. Papunta na ako."
"S-sige. Mag-ingat ka."
"Nakabili na rin ako ng pagkain. I'll have my dinner there, too."
Napakagat muli ako ng labi. Pagkatapos ay tumango at pinaalalahan siyang mag-ingat. Hindi ko napapansin, palagi nalang akong napapakagat ng labi. Nagiging mannerism ko na rin siguro.
Matagal bago nakarating si Isaiah. Habang papunta siya sa biyahe, pinatag ko siya at sinabihan kong wala pala kaming utensils dito. Kaya nagdrop by muna siya para bumili ng ganoon.
Pinag-uusapan namin ni Ate Zydda ang tungkol sa audition na magaganap ng marinig namin ang katok mula sa pinto.
"Ako nalang, Ate." Pigil ko sa kaniya nang umamba siyang tatayo mula sa kama.
Binuksan ko agad ang pinto. Behind the door was Isaiah in his formal attire, both hands full of plastic bags.
Napatalon si Ate Zydda sa kama nang makita niya ang ayos ni Isaiah.
"Andami niyan!" bulalas pa nito.
Kinuha ko agad ang plastic sa kamay niya. Inilag ni Isaiah ang isang platic na malaki nang aabutin ko na sana ito. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Ako na rito." Pagkatapos ay nag-angat ng tingin para obserbahin naman ang buong paligid.
Pinapasok ko siya. Tumuloy ako sa loob at nilapag ang mga utensils na kaniyang nabili para harapin siyang muli. He's eyes are busy looking around our room.
"Ilagay mo rito," turo ko sa bistro.
Hinawi ko pa ang isang upuan para makaraan siya.
He placed the plastic on top of the table. Ate Zydda immediately checked them. Before my eyes gazed back to Isaiah, I saw her setting the food out from the plastic.
"Ito lang ang kuwarto namin," ako na ang naunang magsalita. Iyon na ang sinabi ko dahil masyadong halata sa kaniyang mukha ang anumang tumatakbo sa isipan niya.
Napalingon siya at dumiretso ang tingin sa akin. Umangat din ang kaniyang dalawang kamay papunta sa pagkakabutones ng kaniyang suot.
He nodded.
Tinuro kong muli ang pagkaing dala niya na inaayos pa ni Ate Zydda.
His eyes are telling something. But he doesn't want to voice it out. Maybe because of the woman who's with us.
Agad kaming kumain ng dineklara ni Ate Zydda na ayos na ang mga ito sa ibabaw ng lamesa.
Habang kumakain, panay ang sundot sa akin ni Ate Zydda. Magkatabi kaming dalawa sa gilid ng kama. Sinusundot niya ako dahil gusto niyang paupuin ko si Isaiah na nakatayo lang sa harapan namin. Kumakain siya kasama kami. Nakatayo lang siya dahil nasa harapan namin ang dalawang upuan ng bistro set ng kuwarto. Ginagamit namin ito para hindi mahirap ang pagkain.
Marami ang binila niyang pagkain kaya napuno nito ang lamesa.
Nag-angat ako ng tingin kay Isaiah.
One of his hands is supporting the bottom of the plate while the other is used to get his food. He already removed his dress shirt that's why he's now on his plane white shirt. He said his comfortable eating like that. We already asked him to join us on the bed but he doesn't want to.
"Siya na nga itong bumili ng pagkain, siya pa ang nakatayo." Bumulong sa akin si Ate.
Sinubukan ko nang ilahad kanina ang upuan para roon siya uupo ngunit tinanggihan niya lang ako. Kumportable raw siya.
"Ayos ka lang diyan?" Mahina kong tanong ulit sa kaniya.
Tumalon agad ang kaniyang mata para mahanap ako.
"Uh-hmm," sinabayan niya ito ng tango.
Nanatili sandali si Isaiah sa loob ng kuwarto namin nang matapos kaming kumain. Ate volunteered to wash the used plates Isaiah bought. Iyon din ang pinroblema ko dahil puwede namang paper plates nalang ang bilhin niya.
"Akala ko malaki ang kuwarto ninyo," iyon ang paliwanag niya kanina na naintindihan ko naman agad.
Sanay nga pala ito sa pangmayamang mga hotel. Napuna niya pa ang air conditioning unit.
Natapos ang panghuhugas, lumabas si Ate sa banyo. Hindi na siya nagulat nang makita niya ang ayos naming dalawa sa kama.
The bed is matrimonial. Isaiah's body is half lying. His elbow is supporting his arm so his hand could balance his head. Nanonood kami ng palabas habang ang kaniyang bakante namang kamay ay pinaglalaruan ang daliri ko. He even tried to move my arms so I could snake it around his head.
Masyadong nalibang si Isaiah dahil mukhang wala yatang balak na umuwi. Kung hindi ko pa hihimukin at papaalalahanin ang oras sa kaniya, marahil ay nakatulog na siya sa ganoong posisyon. He was getting heavy, too! Kaya tinulak ko nga bago pa siya antukin mamaya sa biyahe.
"I'll come by tomorrow again,"
Nasa bukana ng pinto na kaming dalawa. Ihahatid ko sana pababa ngunit ayaw niya kaya dito palang nagpaalam na ako sa kaniya.
Magmimeet-up lang naman kami bukas para sa programa. Hindi naman magtatagal iyon kaya tumango ako sa kaniya.
"Mag-ingat ka pagdrive..."
One side of his lips rose. "Sure, baby."
Hindi na ako nanibago sa tawag niya. Tumango ako. Pero bago pa man siya lumayo, he crouched, me in between his legs parted from each other, his head leaned towards me, pecking for a kiss.
"I love you," bulong niya.
I smiled.
"I love you, too. Magtext ka mamaya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top