Ikadalawampu't Apat na Kabanata
Ikadalawampu't Apat na Kabanata: Ecstasy
"W-wala po talagang namamagitan sa amin ni Isaiah."
"There shouldn't be! Kaya kung ano man ang narinig ko sa inyo kagabi, pigilan ni'yo yan!"
Umiiling-iling ako at napapatango sa harapan ng Doña. Unti-unti na ring nanlalabo ang aking paningin dahil mga mga luhang naiipon. Pero parang may pakiramdam ito dahil ayaw nitong mahulog para hindi makitang apektado ako gustong mangyari ng Doña.
Muli akong naghintay ng kasunod niyang sasabihin. Sa kaniyang matatalim na titig, alam kong nagpupuyos na siya sa galit.
"If you wish to still stay here, I'm warning you. Do what I want you to do. Ayoko mang magmukhang kontrabida sa 'yo, but I know my husband. I'm protecting my grandson against you."
"O-opo."
Sunod kong narinig ay ang marahas na paghinga ng Doña at kasunod doon ay ang ingay dahil sa pagatras ng upuan niya. Napaangat ako ng tingin at kahit nanlalabo na ang mata, nakita ko parin ang pagtumayo nito.
"My grandson doesn't deserve women like you. You're so just like to your fucking mother. Mga mapera. Eksandalosa! An out of breeder!" anito bago tuluyang lumayo.
Saka lang kumawala ang aking mga luha. At para walang hikbing kumawala, diin ang pagkakatikom ng labi ko.
Nanatili ang titig ko sa pagkaing hindi ko na nagalaw.
Mga kasambahay lang ang naroon sa malaking bahay sa araw na iyon. Miyerkules kaya ang mga tao ay may kaniya-kaniyang ginagawa at ang iba ay nasa kanilang eksuwela.
The Doña's words found its place to run around my head.
Nagpunta ako sa lumang bahay namin ng dumating ang hapon sa araw ding iyon. Ang mga salita ng Donya ay nagpaalala sa aking ina. Mapera. Wala man akong alam sa nakaraan ni mama, pero sinisigurado kong kung mapera man siya, hindi ganito ang kalagayan namin. Dapat, nasa malaking bahay rin kami nakatira! Iyong sariling amin!
Ngunit kahit man lumalatay sa kalamnan ko ang mga nasabi niya, wala akong karapatang magtanim ng anumang sama ng loob sa Doña.
Like she said, she's protecting her grandchild. Bumalik sa alaala ko ang nakuwento sa akin ni Analyn. Ganoon siguro kalala ang nagawa ko noon na ngayon, she already knew what the Don could do even to his own blood. She's a grandmother, protecting her grandchild.
But I can't afford to stay there while all I think about are her words, wanting me to stop whatever I have with Isaiah. My heart and mind are starting to spice up; throwing away the harmony they have built from the moment they acknowledged truthfulness of my feelings.
Sa lalim ng mga iniisip, hindi ko agad nasimulan ang paglilinis. Gumalaw lang ang katawan ko noong medyo nakaramdam na ng kaginhawaan. Pero habang nagpupunas ng mga upuan, lumilipad muli ang isipan ko.
Mamaya, tatawag si Isaiah at alam kong mangungumusta siya. Ayaw kong may malaman siya tungkol sa sinabi ng Doña. At siguro, sisimulan ko na ang paglayo sa kaniya.
Tanggap ko na ako ang sinisisi ng Donya sa kung ano mang nangyari noon sa construction ng dam nila. Bumalik dito si Isaiah para roon. They had a celebration but the main purpose why he really came back was the Daguitan Dam. Pero napagtatagpi kong iba ang nauuna ni Isaiah. He has no focus.
Halos bumalikwas ako sa kama nang tumunog ang cellphone na nilapag ko sa tabi ng ulo. Tumagilid ako sa pagkakahiga para makita ang pangalan niya. Nagdadalawang-isip pa akong hayaan iyon. Tinitigan ko lang ito hangang bumalik ang screen sa itsura ng lockcreen bago mamatay. Pero agad din lumiwanag nang tumawag muli siya.
Sinadyang kong patayin ang wifi icon sa phone ko para kanina hindi ako maka-connect sa internet nila. Dahil nakasanayan kong nag-uusap kami palagi sa video-call, nakalimutan kong maari pala siyang tumawag sa pamamagitan nito.
Umupo ako galing sa pagkakahilata. Gumalaw naman ang kama galing sa itaas. Pero pinulot ko muna ang cellphone pagkatapos ay binalingan ang kapatid na nakasilip ang ulo mula sa gilid ng kaniyang kama.
"Hindi mo sasagutin?" tanong agad niya pagtma ng aming mga mata.
Agad akong nag-iwas ng tingin ng muling namatay ang ingay. Bago mamatay ang screen, nakatanggap ako ng mensahe. Pero pagkatapos noon ay lumabas ulit ang pangalan ni Isaiah.
"Sagutin mo na. Nagpapa-bebe ka pa," si Ronald.
Instead of doing what he said, I swiped the end button. My gaze flew immediately to the door.
"Nag-away kayo?"
Napaangat muli ako ng tingin sa kaniya at umiling ako.
"May nangyari ba sa inyo, 'te? Bakit?"
I searched for words. But when I found them, my tongue got tied up.
Nanatili ang titig ng kaniyang matang pinaghalong bughaw at abo sa akin. Funny how there is concern from his eyes. Nag-iwas nalang ako ng tingin dahil baka may makuha pa siyang ipormasyon sa akin.
My phone rang again. I rejected it and immediately pressed the message icon before he could do another one. I typed my excuse in as fast as I could.
Ako:
I'm not feeling well.
Ako:
Medyo masakit ang ulo ko ngayon.
That's my excuse before I turned my phone to silent mode.
The days went on and Isaiah's eagerness to talk to me progressed. Pero minsan, nagrereply ako sa mga text niya.
Nasa kabilang bayan ulit ako, sa food spot na palagi naming pinupuntahan ni Ate, nang magtext siya. Nahagip ng mata ko ang pag-angat ng tingin ni Ate Zydda sa akin. We were talking about our travel for the contest when I raised my arm to see his message.
Nagtitext naman ako tuwing umaga pero sinasadya ko talagang makalimutan.
Isaiah:
Good morning. I've been waiting for your message.
Isaiah:
I'm already in the building. Please, I need your reply.
Nabasa ko sa huling text niya kahapon na magkakaroon sila ng meeting ngayon. Hindi na ako humingi ng detalye dahil iniiwasan kong makipag-usap sa kaniya. Pero napag-isip isip ko na maaring mahalata niya ang biglaang pagbabago ko kaya sinubukan kong magreply.
Ate Zydda patiently waited until I was done typing on my phone.
Ako:
Pasensya na. Abala lang kami ni Ate sa paghahanda.
Totoo namang abala kami pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Sinasadya ko ring itama ang pagmemessage ko sa kaniya sa oras kailan siya abala. Para rin hindi siya makapagreply. Kaya nang lumabas ang pangalan niya para sa isang tawag, nataranta ako.
"Sino 'yan?" tanong ni Ate na nakaupo sa harap ko.
Tinulak din niya ang sarili sa mesa pero sinagot ko na ang tawag bago niya pa man makita ang pangalan ni Isaiah.
Narinig ko kaagad ang mga taong nag-uusap sa likod ng kaniyang linya.
"Tapos na ba kayo sa meeting ninyo?" pansin ko agad.
Alas diyes ako umalis kanina para pumunta rito sa kabilang bayan. Marahil, tapos na sila ngayon.
I heard his heavy breath and that made the hairs on my arms erected.
"So you can read my messages, huh?"
My eyes widen for the sudden realization.
"O-oo naman... nababasa ko. Pasensya na talaga. Abala lang kami,"
Kinagat ko ang labi ko at napatingin sa babaeng kaharap ko. Akala ko magrereact siya. Nakatingin lang siya sa akin, naghihintay sa mga susunod kong sasabihin.
"Are you having any problems? Hindi mo pinapansin mga tawag ko. Please, you can tell me."
Umiling ako.
"Marami lang talaga kaming ginagawa ngayon. Uhh, ano, t-tapos na ba kayo sa meeting ninyo?"
"Yes. Pabalik na ako sa quarter. Hinihintay ko lang ang iba."
Muli akong naubusan ng salita. At ganoon din siguro siya dahil nasapawan muli ng ingay ang kabilang linya. Huminga ako ng malalim at nilaro nalang ang pagkain ng tinidor na hawak.
Ate Zydda's eyes are still pasted on me. I did not bother to look.
I only stopped what I'm doing when I heard his name. Tinatawag na yata siya. Kasunod noon ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Isaiah.
"I'll call later, night. Sagutin mo ang tawag ko."
"O-oo,"
"I love you." He said his voice a bit distant.
"I love you, too."
Hinintay ko siyang patayin ang linya bago ko binigay ang atensyon sa kasama. Her brows are already raised, asking for information, after she heard my side of the conversation. Wala naman akong pagdadalwang isip na isiniwalat sa kaniya ang nangyari, maliban lang sa plano kong putulin ang mayroon sa amin ni Isaiah.
I can feel that the decision is overpowering now.
That night, Isaiah called. But before that, I received his message, asking me if he can call already. The usual thing happened. I did not reply. And I wasn't shock anymore when minutes after that, my phone rang, flashing his name, telling me the caller.
Hinayaan ko lang iyong ganoon. Naka-silent mode na rin naman ang cellphone ko kaya kahit na sumabog ito sa mga tawag niya, wala na akong pakealam.
Nakapatay na rin ang ilaw gn kuwarto. Isang beses kasing tumawag siya kay Manang Dessa na ikinagulat ko dahil hindi ko naisip na magagawa niya iyon. Kaya para hindi na mangulit ang ginang, pinatay ko na ang ilaw para isipin niyang natutulog na ang mga tao rito.
Those days were consistent until we're back to the hotel we booked before in Quezon City. Hindi ko na rin binuhay ang cellphone pagbaba namin sa eroplano dahil doon.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong sa akin ni Zenny.
Nasa lounge kami kinabukasan matapos ang balik namin para naman sa meet up ng aming coach. Zenny and I isn't on the same team but everyone's in the lounge, waiting for the coaches to come. Marami rin kami rito at ang iba, kagaya naming dalawa, nagkakamustahan din.
Umiling ako at napangiti sa tanong niya pagkatapos ay bumaling.
Almost all the contestants presented themselves in their best casual. I'm on my striped midi dress, opposite from Zenny, who's in a smart casual attire.
"May inaalala lang ako." Tipid muli akong napangiti, lighting up my mood, after him noticing it.
"Ano? Your coach?" Natawa siya.
Lumabas narin sa mga ngiti ang mga ngipin. Tumango ako para ipakitang tama siya, kahit hindi naman iyon ang ikinababahala ko.
The soonest the coaches arrived; the starstuck on everyone's faces flaunted. I did the same even when I cannot comprehend. Ate Zydda is not with me. Nasa baba siya at hindi pinayagang pumasok ng guwardya dahil nakalimutan nito ang ID na binigay sa amin noong una.
Naging madali lang naman sa akin ang magkunwaring tuwang-tuwa ako sa mga artista kahit na ang totoo, wala sa sarili ko ang utak ko.
Isaiah. My head is all now for Isaiah. The what ifs, probabilities, and the like. Kaya noong matapos ang mga briefing tungkol sa amin, hindi ko na napigilan si Ate Zydda na tanungin kung nakita niya ba si Isaiah rito. Because for sure, him being so stubborn, would disobey the rules.
"Wala naman. Bakit? Sigurado ka bang hahanapin ka no'n?" she joked.
Balisa ako habang kami ay naghihintay ng maghahatid sa van. Patingin-tingin ako sa mga napapadaan at kahit may nakikilalang mga sikat na artista, nababalewala ko sila.
In the van on the way to the hotel, my mind is hallucinating about Isaiah waiting at the lobby of that hotel. Or maybe in front of our room door.
Hindi naman ako takot na maaring magkita kaming dalawa. I would be delighted, that's true! Ang kinababahala ko lang, baka may kung anong maisip ang kaniyang lola. At malaman pa ng Madame at maaring umabot din sa Don ang tungkol dito.
"Oh? Kanina ka pa tulala, a?" pansin sa akin ni Ate.
Napatingin ako sa labas ng van dahil nakita ang pagiging pamilyar ng basement na pinasukan. Medyo umaambon pala kaya siguro dineresto ng driver sa loob para hindi kami mabasa. May mga kasama rin akong contestant pero lahat sila ay may kaniya-kaniya ding ginagawa.
Umiling ako kay Ate Zydda. Pero nanatili ang titig niya.
"Ayos lang ako, 'te."
"Totoo? Eh, kanina kapa hindi makausap." Umangat ang isa niyang kilay. Dahan-dahan namang bumababa ang sasakyan. "Sige, ano ang mga sinabi ko kanina?"
Hindi ako naka-imik sa tanong niya.
"May sinasabi ka pala?"
"Oh! 'Ta mo na! Masyado ka kasing lumulutang!"
"Pasensya na talaga. May iniisip lang talaga ako."
"Sino? Si Isaiah?"
Kinagat ko ang ilalim ng aking labi. Nahiya sa mga kasama dahil kahit mukha silang walang pakealam, alam kong nakikinig nikla. O kahit man lang naririnig nila ang amingpinag-uusapan.
Pinigilan ko si Ate sa pagsasalita. Nakuha niya agad ang gusto kong mangyari. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang litanya nang nasa palapag na kami ng aming kuwarto. Nakahinga rin ako ng maluwag pagbukas ng elevator nang makitang walang anino ni Isaiah ang building.
Pero hindi parin ako nakuntento. Pagpasok namin ng kuwarto, dumiretso kaagad ako sa maliit na cabinet ng hotel para kunin ang cellphone na tinago roon.
It was battery empty when I tried to open it. I searched for my charger before it finally reopened.
Marami ang nagpop doon pero nang tingnan ko ang petsa ay nitong nakaraang araw pa. May iilan namang kahapon.
The eagerness tempted me to formulate a message. But I stopped the moment I realized what trigger I am trying to pull now.
Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko at gusto ko ring maiyak.
Binura ko ang mensahe.
Maybe after all the rejections I've done to him, I was still hoping for him to be here. His willingness to choose me over everything, and the hope that he will rule himself out of their vision to him.
Nakita ni Ate Zydda ang pagbagsak ko sa cellphone sa ilalim ng TV. May pag-alala rin ang kaniyang mukha.
I smiled to her, hiding the true emotions starting to burn me.
Siguro, nasanay lang talaga ako na araw-araw, bago matapos ang gabi, nakakatanggap ako galing sa kaniya. Maybe he realized now his worth. That I am not the kind of girl he should chase.
Natapos ang dinner, maging ang kaunting ensayo ko sa banyo, nang tingnan ko ang cellphone ay ganoon pa rin, walang missed calls o kahit text akong natanggap. Ito na rin siguro ang katotohanan. At baka, sumuko na siya.
I cried secretly that night. Iniipit ko ng kumot gamit ang pinagsalikop kong kamay sa bibig at pinipigilan ang malalalim na hinga para lang hindi magising si Ate Zydda. Patay na ang mga ilaw at narahil, tulog na ang mga tao pero narito ako, pinipigilan ang mga hikbi. And the realization that him giving up on me, poured more tears I need to shed using the hotel's blanket.
"Uminom ka ng maraming tubig," alalang-alala si Ate kinabukasan. "Mabuti nalang talaga bukas pa kayo magkikita-kita ng mga teammates mo."
Hapon ako muling nag-ensayo dahil bumuti-buti ang pakiramdam ko. Hindi naman naapektuhan ang boses ko pero hindi ko maabot ang mga tamang nota dahil hindi parin ako makapaniwala.
"Ulitin mo! Nagbi-video ako sa iyo!"
Kahit papaano, natawa ako sa kaniyang reaksyon.
Muling nagsalita si Ate Zydda.
"One, two, thee..." aniya roon bago nag-play ang music.
"Kahit pinapanood ko lang 'tong video, kinikilabutan talaga ako!" Bumaling siya sa akin nang magsimula na akong kumata sa pinapanood naming video.
Napailing ako, hindi na napigilan ang pagngiti niya.
"Ang galing talaga ng paglalaki at biglang hihina ang boses mo!" Asik pa niya.
Habang nagpa-practice, pinayagan ko siya kaninang video-han ako para na rin marinig ko ang mga mali ko sa kanta.
"Heto na!"
Siniko niya pa ako para ipakita ang sarili kong mukhang hindi nahihirapan sa kinakanta. Pero ang totoo, alam kong nahihirapan na ako sa parteng iyon. Ate Zydda was so amused by it that she even rested her palm to her phone's speaker grills, cupped them a little, so the sound coming out of it will be strong.
Sa mga araw na naroon ako para sa programang sinalihan, hindi na ako umasa pang magkikita kami roon ni Isaiah. Natanggap ko na iyon. Kaya lang, noong hinatid ako ni Ate pagbalik namin ng Leyte, nasa labas palang ako palapit sa gate ng mga Maderal, nakita ko siya sa may portico nila.
The wide gaps of the metals in their fence allowed me to see his dark eyes looking at me. Siguro, kanina pa siya nariyan kaya napansin niya ang pagdating ng sasakyan. And I can feel his rage running to me intently.
"Mauuna na kami," narinig kong sinabi ni Ate Zydda sa likod ko.
Masyado na akong nakain ng nararamdaman kaya hindi na ako lumingon.
Isaiah, in his large frame, is standing tall with his maong pants and camisa chino. Its sleeves are folded roughly to his elbow. And I noticed that half of his chest was revealed because of its unbuttoned slit.
Hindi ko inalis ang titig kay Isaiah habang palapit ako. Siya rin ay sinusundan ang paglalakad ko. At siguro, kitang-kita niya ang hindi ko na maitagong takot sa aking mukha.
My heart is beating in ecstasy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top