Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata

Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata: Accepted


Hindi na muling nagsalita ang Doña pero alam kong habang patuloy na nakikipag-usap ang mga kasama ko sa mesa, nagtitimpi siya. Palagi naman siyang may sinasabi o 'di kaya ay may reaksyon tuwing may hindi siya magugustuhan. At buong dinner, hindi rin nawala ang kaba sa puso ko.

Pati rin ang singsing na isinuot sa akin ni Isaiah. Wala akong reaksyon na binigay sa kaniya matapos niyang isuot iyon sa kamay ko. But as his talk continued, I started to become comfortable again.

"We all do mistakes, hija. Maiintindihan ko kung nim ka ng galit laban sa amin. Pero gusto kong ipaalam sa 'yo, ngayong naririto ka, na pinagsisisihan namin ang nagawa namin noon. We were... blinded by the past and couldn't accept something." Sandaling tumigil ang Don.

Hindi niya masabi ng buo ang hinaing pero tumatango ako dahil alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Somehow, Manang Dessa helped me realized things after that hurtful incident. At ngayong naalala ko siya, paramg may kumurot sa puso ko. Maybe some of these days while I'm still here in the country, I could ask Isaiah to visit them. Para na rin makita nila si Paul. Paniguradong matutuwa iyon.

Natagala ko pa ang pananatili sa upuan. Napuno ng pagpapa-umanhin at pagbabalik tanaw ang usapan sa mesa. Maliban lang sa Doña na hindi pa rin matanggap ang ano mang napagdesisyunan ng lahat. Naiintindihan ko naman siya dahil baka sobra ang epekto sa kaniya noong mga kagagawan ng aking Mama.

"Thank you so much for coming, hija," ang Madame na humalik pa sa pisngi ko. Humakap ako sa kaniya.

Tumatango naman sa tabi niya ang kaniyang asawa at si Isaac at ang Don naman ay nakatingin lang pareho sa amin habang nagpapaalam. Kami ang mauunang aalis ni Isaiah. Hindi pa naman gaanong malalim ang gabi dahil ilang oras lang ang tinagal namin.

Pagbitaw ko sa Madame, lumihis ang tingin ko sa Doña na nanatili pa rin sa upuan niya. I waited for her to glance towards us but she didn't. Kaya dumiretso ang tingin ko sa kay Isaac na ikinagulat ko pa dahil nakita ko kung saan nakadirekta ang tingin niya.

"Thank you po," sabi ko sa Madame ulit pero bumalik ang tingin ko sa kapatid ni Isaiah.

The Madame nodded constantly with her genuine smile.

Nakakuyom na ang kamay ko dahil sa nakita ni Isaac kanina. Nasa kapatid niya na ang tingin at halata na ang ngiti sa kaniyang labi. Damn Isaiah should really know his lesson. At sa ngiti ng kaniyang kapatid, alam kong alam yata nito ang balak ng nitong kumag na ito.

Pagbaba namin ng restaurant na iyon ay tahimik pa ako. Pero hindi ko na napigilan ang sarili pagpagsak ng pintuan niya, nasa loob na kami ng kaniyang sasakyan.

"What is this?" sabi ko, minumuwestra sa kaniya ang kamay kong may singsing na niya.

And the ring suits perfectly on my finger! Wala akong naalalang sinukat niya ito! At hindi ko alam papaano niya nalaman ang tamang sukat nito!

"What?" Aniya, napalingon sa akin, diretso sa nakaangat kong kamay ang tingin.

I even jiggled my fingers as if sprinkling something up in the air.

Nakangiti siya nang binalik niya sa aking ang tingin. Halos umangat pa ang kaniyang mga kilay sa tuwa nang makita niya iyon. And his whole facial expression is as if telling me that what he did was a successful one. But for me, it wasn't. Dahil hindi ko man lang alam na ganito ang balak niya.

He inhaled. Then faced the fall in front of us. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng hininga.

"It's an engagement ring,"

"Anong engagement ring?" kumunot na ang noo ko dahil alam kong engagement ring ang bagay na ito. "For what?" dagdag ko pa.

Binalik niya ang tingin sa akin.

Inside the car is dimmed. Hindi rin kasi ganoon kalakas ang ilaw rito sa basement. At nasa likod pa namin ang ilaw kaya medyo madilim talaga sa puwesto namin. Pero kahit na ganoon ay malinaw ang natatawa niyang mga labi.

He shrugged for my question, and then held out his palms, showing me the obvious.

Umirap naman ako. Pinagsalikop ko na rin ang mga braso.

"You even informed your parents that we'll marry each other. Hindi ba iyon nakakahiya?"

"Bakit naman nakakahiya?" natatawa pa rin siya.

Hinarap ko muli siya. Nakadirekta pa rin sa akin ang kaniyang mga mata. Ilang sandaling pagtititigan, biglang nagbago ang paraan ng kaniyang tingin, ang mga gilid ng labi ay bumagsak para sa isang tipid na ayos, umaayon sa isang striktong mukha.

And I almost shivered when he leaned towards me, holding my hand, caging it on his. At iyon may singsing kong kamay ang kinuha niya.

Halos hindi ako huminga sa ginawa niya.

"Are you telling me you're not gonna go for this proposal?" seryoso at mahina ang kaniyang boses. Shit I was being drowned by the way he made them sensually attractive.

Nagmumura pa ang isipan ko dahil hindi kaagad ako nakapagsalita pag-awang ng mga labi ko. Bumaba pa ang tingin niya roon. Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isip niya nang tingnan niya ang nakaawang kong labi pero kita ko ang pang-aakit sa kaniyang mata. I pressed back my lips together. Binasa ko rin ang lalamunan ko sa pamamagitan ng sunod-sunod na paglunok bago mulang sinubukang magsalita.

"Y-you did not even propose to me..." my voice was shaking.

Nanatili sa pagiging seryoso ang kaniyang mukha. Pinanood niya ako sandali bago umawang kaniyang labi.

"We don't have to do that anymore..."

"Huh?!"

Halos matawa pa ako sa aming dalawa. We are all here, seriously talking about something phenomenal for a woman's life. At iyon lang ang sasabihin niya.

"A-akala ko..." hindi ko tinuloy ang laman ng isip. Pero ang daliri ko ay nakaturo sa labas, sa direksyon saan papunta ang entrance. Umiling ako pagkatapos. "Akala ko magp-propose ka kanina sa harap ng pamilya mo. N-naudlot lang dahil... dahil... ano, naroon ang lola mo. And it would cause her..."

Hindi ko na matuloy ang sasabihin.

Lumiwanag na rin ang mukha ni Isaiah.

Gosh, I thought that was it! I believed about it. Masyado yata talaga akong feeling at ganoon ang pumasok sa isipan ko!

Sumunod ang tingin ko nang nakangiting inangat ni Isaiah ang kamay ko. Nakangiti niya rin itong hinalikan.

"Do you want me to propose?" natatawa niyang tanong.

Uminit ang pisngi ko. Kurap nang kurap din ang talukap ng aking mga mata.

Kinagat ko ang labi, hindi alam ano ang isasagot.

Inangat ni Isaiah ang mukha niya patungo sa akin para magawaran ako ng isang halik.

"Then, will you marry me?" aniya pagkatapos ng isang marahang halik. Pinagtagpo niya ang mga noo namin.

Hindi kaagad ako nakasagot. My heart was full of so many, many emotions. Dinagdagan pa nito. Nanatili ang tingin niya. His lips rose when he probably realized my shocked self. And I don't know why suddenly everything felt romantic. Saka lang ako nakapagsalita nang may isang bagay akong naalala.

"W-wait," I said, then biting my lips as I tried to rummaging the back of the car for my purse.

I have to get my phone inside my purse.

Sa dami rin ng iniisip ko kanina ay hindi ko naaala na naiwan ko pala ang purse ko sa loob ng sasakyan niya. Buong oras na naroon kami sa taas, nandito ang cellphone ko.

Napalingon si Isaiah sa backseat dahil sa paghihirap kong abutin ito. He helped me by grabbing it without any effort. Pinanood niya naman ako pagkatapos nang halughugin ko ang cellphone. Agad ko rin naman itong nahanap.

"What are you doing?" nalilito niyang tanong.

Kunot ang noo niyang tinitngnan ang cellphone nang balingan ko siya.

I smiled. Pinunta ko na sa camera at pinindot na ang record.

Tumango-tango ako sa kaniya. Encouraging him to say his lines again. Agad niya ring nakuha ang ginagawa ko kaya sumilay ang ulit ang mga ngiti sa labi niya.

"Show my face and let your suitors know who you'll be marrying," inaabot niya ang cellphone ko mula sa kamay ko pero sa akin nakadirekta ang kaniyang tingin.

I bit my lower lip.

"Ask your question again,"

Mabilis niyang nakuha ang phone ko. Hindi ko na tuloy alam kung magiging maayos ba ang kuha niya. His holding it improperly.

"Huwag na nga 'yan," sinubukan kong agawin ang cellphone ko pero nilayo niya ito.

Tinututok niya pa ngayon sa kaniyang mukha ang camera. Agad kong naagaw ito, mabuti, hindi na umangal. Pinatay ko ang pagv-video para makagawa ng panibago. Nang naging maayos ulit, itinutok ko lang sa kamay niya.

Hinayaan niya na ako at muling naibaling sa pagiging seryoso ang pagitan naming dalawa. At parang pinagsisihan ko tuloy kung bakit gusto ko pa itong makunan. He leaned back closer to me.

"You don't have to document this."

"It's for my fans..."

Biglang umangat ang gilid ng labi niya. Talagang gustong-gusto na maipangalandakan siya. Ang hambog talaga. Pero hinayaan ko na.

"I want them to bring this special episode of my life. That... I'll be marrying... someone," dagdag ko. Nakaramdam pa ako ng hiya sa dulo.

Tuluyan nang sumilay ang ngiti niya sa tuwa.

"Miss Kathy... will be marrying me."

Paulit-ulit kong binabalikan ang video na iyon. I did say yes to him when he finally asked for the second time. Nasa kama na kaming tatlo, si Paul tulog na sa gitna namin ni Isaiah. Marami agad ang naghatid ng magagandang mensahe na hindi ko magawang mabasa isa-isa dahil sa rami nito. Ang pangalawang video na nakuha ko ay buo kong in-upload nilang instagram story. Mga kamay lang namin ni Isaiah ang nakikita at kita rin doon ang engagement ring na binigay niya. Medyo magalaw pa nga ang kuha dahil hawak ko lang pero maayos namang na-recrd ang mga sinasabi namin.

He even wanted me to upload the first video when he saw me smiling while I was reviewing the video over and over again. I found it indecent to the public. Lalo na dahil pinaglalaruan niya ang camera. At may mga kung anu-ano pa siyang mga sinasabi roon sa video. Dagdagan pa na mayroon din kami roong kaunting pagtatalo.

Binaba ko ang cellphone nang maramdaman ko ang kamay ni Isaiah sa ibabaw ng comforter ko sa may tiyan. Pareho na kaming nakahiga. Pero siya, nang balingan ko, nakapikit na. Pinapagitnaan namin ang an. At dahil siya ay mapayapang nakapikit, nagkaroon ako ng pagkakataon para malaya silang pagmasdang dalawa.

Isaiah's in his regular sleeveless shirt. His toned arm is showing. And as I am looking more to it, from the way his arm is caging us, like a lion protecting his lioness and cub, warms my heart.

Isang ideya ang muling lumiwanag sa isipan ko. Inangat ko ang cellphone ko nang buksan ko ang camera. Nakabukas ang front cam nito. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti habang tinitingnan ko ang dalawa sa screen. My two men sleeping innocently. Bago pa ako maiyak ay pinindot ko na ang capture.

This was the moments I've been dreaming for. That finally, we were able to achieve the happiness we once had. And passed through the hatred his family had against me. Hindi ko man alam papaano ako napatawad ng pamilya ni Isaiah, sa mga kasalanan noon sa kanila ni mama, at sa mga nagawa ng senior sa Doña. Pero siguro, lahat ng bagay ay mayroong kapatawaran. Maybe, from what the Doña had acted earlier, soon she'll be able to forget the past. She'll finally let forgiveness drive her through. At marahil sa ngayon, sapat na lang muna na napatawad at humingi ng paumanhin ang mga magulang niya.

We make mistakes in our past. We make lies to divert our road to what we see is the correct path. But we never realize that all these rhythms of lies, mas pinapalubha na pala natin ang daanan na kailangan nating madaanan. We never learn to take the risk because of our fear. We are afraid to trust ourselves. We are afraid to trust the process. But once we try, the end game we see for ourselves was never actually an endgame. Isa lang pala itong pangaran na nabuo dala ng takot at pagkabahala.

Puno ng balita kinabukasan tungkol sa story kong iyon. Even the international news lines, news about me were all over on the headlines.

Hindi ko inupload ang picture na kinuha ko kagabi. I don't have to show and publicize my life. Tama na iyong may ibinahagi akong isang pagkakataon sa aking buhay. That's why speculations spread everywhere. Hindi ko pa inaasahan na may isang taong i-uugnay agad kung sino ang lalaking nag-propose sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararadaman ko, matatawa ba o ano, sa dami ng mga inilinya nila. They even included a colleague of mine when I was still working under a popular network. That we were so secretive the whole time in our relationship. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kumalat ng husto dahil sa mga malalaking pangalang nadawit dahil dito.

Ano na lang ang iisipin ni Isaiah sa mga espekulasyon nila? And speaking of, when Jeremy visited the morning that day, the news bombarded him, he nagged because of the issue dragging big names. Naroon si Isaiah sa dining sinasamahan sa pagkain si Paul at nahuli ko itong napalingon. He's listening!

And based from the way he looks at us, I knew immediately what's going on his mind. At iyon nga ang kaniyang sinabi noong nasa kuwarto na kami pareho. Hindi nagtagal si Jeremy dahil may gagawin siya mamaya. At dahil iyon sa kagagawan ko. Kaya agad din kaming nakapag-usap ni Isaiah.

"I'll post a picture of us, holding hands," sabi niya habang may kinakalikot sa kaniyang phone.

My instagram story reached his family. Sinabi niya iyon sa akin kanina habang nag-aayos siya para sa opisina. Sabagay, sino ba naman ang hindi makakarinig doon. Halos lahat yata ay nagulat sa biglaan kong pagbabahagi roon.

Bumaba ang tingin ko sa engagement ring na sinuot niya sa akin.

"Ikaw... bahala," hindi ako makatingin sa kaniya.

My family also heard the news. Si Ronald ay nag-reply lang ng "Congrats!" at nakilala niya agad kung sino ang lalaki. He even added a message saying that I finally found the father of Paul back.

Ate Zydda got excited, too, when she heard the news.

"Ang sarap mo talagang hambalusin!" natatawa siya noong tumawag dahil hindi napigilan ang sarili sa tuwa.

Wala akong gagawin buong araw kaya nasa suite lang ako. Minsan tinuturuan si Paul per kadalasan ay naka-abang sa mga reaksyon lalo na ng mga kakilala. At si Ate Zydda ay napatawag pa talaga.

"Malapit na naman kasal ninyo," tukso ko pabalik sa kaniya.

"Engrata ka!"

The issue subsided after few days I shared that. May mga nagcontact kay Jeremy para sumubok ng interview sa akin pero hindi niya napinayagan. We let the articles with their assumptions. Alam ko naman kasi na balang araw ay malalaman din nila. I was even tempted to post the picture I got that same night when Isaiah proposed to me.

Hanggang sa ilang araw nalang ang kailangan para sa kasal ni Ate Zydda. I was excited and nervous the whole time we're packing our things up. Memories of my younger self flashed to me the whole time we're packing. Hindi makakasama sa amin si Jenine nagpaalam siyang uuwi muna siya sa kanilang probinsya. Sobrang tagal na nitong hindi umuuwi kaya noong sabihin niya iyon sa akin ay agad kong naintindihan. And Isaiah will be with us.

And when the day of our departure finally came, just a day before the wedding, my heart's excitement devoured my whole self. Paglapag ng eroplano sa airport ng Tacloban, biglang nawala ang tunok sa puso ko. Puno ako ng disguise sa loob ng plane. Isaiah initiated us to use a chopper but that's too much. Pero huli na ako nang mapagtantong tama pala talaga siya. It will be more convenient. Because even with my disguise, people could somehow still recognize me, us.

Nasa mga bisig ni Isaiah si Paul noong nilalakad na namin ang maliit na airport ng syudad. Behind my large aviators, people started noticing us. I wanted to assume that they're looking at the tall man in from of me but I heard one called my name. Nakapasok kami sa pamilyar na Toyota nina Isaiah nang hindi kinakailangan ng security.

Tumingin agad ako sa banda ng driver pagpasok namin sa pag-aakalang kilala ko ang taong naroon. Muling lumabas si Isaiah nang maipasok niya si Paul sa tabi ko. Umikot siya papunta sa pintuan ng front seat. Tahimik naman ang anak ko.

"Are you excited?" Baling ko sa anak sabay lapit ng mukha para mahalikan ang pisngi niya.

His face told me he's tired. Hindi naman ganoon kahaba ang biyahe namin pero halata sa kaniyang mga mata ang pagod.

Tumango lang si Paul at tipid na ngumiti.

I showed him my lap when I rested my back properly again. I tapped it to tell him he can use it as a pillow. Agad naman nyang binaba ang ulo at pinikit agad ang mata nang maramdaman ko ang bigat niya sa aking hita. Nakita ko pa sa harap na napalingon sa amin si Isaiah.

"Napagod," sabi ko sa kaniya.

Tumango siya at binaba ulit ang tingin sa bata bago binalik ulit ang tingin sa harap.

"He's too excited he couldn't rest properly," narinig kong sagot niya.

I smiled and let my eyes see the familiar surrounding outside the window of this car. My heart is being hugged by longing. Because finally, after years of being afraid, for months of dreaming like this, for days of trying to let go from hatred, and for every second I lied to myself, still, I am able to go back here.

I have accepted the new life I'll have. With the man I love, and with the fruit of our endless.

Hindi ako mag-isang uuwi dahil lasama ko ang aking magiging pamilya.

---

Hi guys! I am so grateful that you reached his part of the story. Thank you so much for giving me your patience and trust with Katherine and Isaiah's story. Hindi man ito ang pinakamagandang storyang nabasa ninyo, lubos parin akong nagpapasalamat dahil sinubukan niyong tapusin ang storya.

I will never stop honing and improving my writing. I've been reading your comments, thank you so much for the encouragements. And also your votes, too. I will forever treasure this beginning with you. I actually had doubts whether to continue this hehe.

Next installment will be the wakas of Rhythm of Lies.

But don't worry. Whenever there's an ending, there will always be a new beginning. I have already published the simula of Crown of Light, second book of Daguitan Series. You can check it po in my profile, hijerald, here on wattpad.

Maraming salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top