Ikaanim na Kabanata

Ikaanim na Kabanata: Uninteresting


"Oh really?"

Hindi ako sumagot sa kaniya.

Inalis ko ang tingin sa likod niya at lalagpasan na sana nang maglakad din siya papasok. Hindi pa man nakakalabas ng portico ay agad siyang sinalubong ng ilan pang kasambahay na babalik sana para tingnan kung may kukunin pa ba. Binigay niya ito kaya nawala rin agad sa kaniya ang bayong.

I murmured something to myself. Hindi niya na iyon narinig.

Pagkapasok sa loob ng bahay, naabutan ko sa kusina si Manang Dessa nang silipin ko ito dahil may mga ingay. Inaalalayan niya ang mga tauhan na mailigpit ng maayos ang mga nabili sa merkado kanina. Sobrang dami niyon na marami pa ang nasa ibabaw ng countertop. Nakita ko rin si Analyn na tumutulong din. Lumapit din ako at kinuha ang isang supot na hindi pa nabubuksan.

"Sa silong na lang iyan, Katherine," nilingon ako ng isang babae.

Nginitian ko siya at tumingin kay Manang Dessa bago sinunod.

We were so many in the kitchen that it only took us few minutes to finish. Nakapagluto pa si Manang ng ulam para sa hapunan. Naghihintay ako kay Analyn nang may pumasok galing sa likurang pintuan.

"The drawer was already repainted. Nasa likod pa pinapatuyo."

Nilingon ko si Isaiah na dumiretso pala sa likod ng bahay. He's eyes are directed to Manang Dessa pero tumango ako sa sinabi niya.

"Salamat," sabi ko nang maalala ang tinupad niyang bilin kahapon.

His dress shirt is already buttoned down. Nakalaylay na rin ang hiwa sa kaniyang magkabilang siko. Half of his face is illuminated because of the kitchen lamps. And because his bone structure are perfectly etched on his manly face, hindi ko maitatanggi na nagmumukha siyang modelo. Lalo na sa suot nitong maong na pantalon na kita hanggang ilalim lang ng binti dahil sa itim nitong bota.

Napalingon siya sa akin dahil sa bigla kong pagsagot.

His brows rose.

I smiled annoyingly.

Agad niyang inalis ang tingin nang nakita iyon kaya pumirmi ulit ako sa pagkakatayo sa gilid ng counter.

Dumating ang hapunan at sama-sama kaming kumain. Hindi kaagad ako naging kumportable. Ito ang unang pagkakataong na nakisalo siya sa hapag nang narito ako at ng kapatid ko.

"Oo nga pala, hijo." Naagaw ang atensyon namin nang magsalita si Manang Dessa. "Nakalimutan ko kong itanong sa 'yo kanina kaya mabuti't naalala ko ngayon... Tuloy na ba ang pagpapatayo niyo sa Daguitan dam?"

Tumalon papunta kay Isaiah ang tingin ko para hintayin ang kaniyang sasabihin.

Daguitan is a river right after Bonifacio. Ito rin ang nagsisilbing dulo bago magsimula ang upland ng bayan. It's interconnecting the mountains of the near municipality and the beaches of its neighbor after ours. Malawak ang Daguitan pero hindi ko alam kung maari bang gawan ng Dam doon. Lalo na dahil may mga resort nang naitayo sa bawat gilid ng ilog na malapit sa dagat. Iyon ay kung hindi ako nagkakamali.

"Nakausap na namin ang engineer na gagawa noon kagabi." Sagot ni Isaiah.

Nanatiling naghihintay ang tingin ko sa kaniya. Ganoon din ang ibang interesado na sa paksa.

"Kailan daw masisimulan ang pagpapagawa?" Tanong ulit ni Manang Dessa.

Umiling ako. I am not sure if the locals will like it. The idea of it seems disturbing. Lalo na sa kalapit na bayan.

"May inaantay lang si Tito pero ayos na ang mga dokumento. The construction is only waiting for the go signal from us."

"Hindi ba iyon makakaabala sa mga nakagawa na ng mga kani-kanilang hanap-buhay? Sa kabilang bayan... Sa may mga natayo nang resort," Hindi ko napigilan ang sarili.

Everyone's attention immediately diverted to me.

"Oo nga pala! Maaapektuhan ang tubig kapag sisimulan na ang construction doon. " One from the house helps said, siding my opinion.

Tumango ako. Mabuti nalang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Isaiah smirked. Sa akin siya nakatingin kaya alam kong para sa akin iyon.

Linunok ko ang laway kong agad namuo sa lalamunan pero hindi ako nagpaapekto sa kaniya. I even lifted my chin to level his stance.

Suminghal naman siya bago nagsalita. "Alam ng construction company kung papaano magagawan ng paraan ang mga ganiyan. I will not be hiring them for nothing, for who knows sake."

Oh, I get it! Alright! Marami na pala silang naipatayong negosyo. Ba't ko ba nakalimutan iyon.

"The dam will serve as water supply for every local in town," dagdag niya.

Narinig ko ang pagkamangha ng ilan.

The boastful beast.

Tumango sa kaniya si Manang Dessa.

Tila nakuntento sa inihayag ni Isaiah, ibinalik niya ang atensyon niya sa pagkain sa harap. Everyone did the same when they realized how good the idea is. Sinimulan ko na ring galawin ang pagkain. Pero hindi ko agad inalis ang tingin sa kaniya. Nang binalik bumaba lang ang ulo para galawin ulit ang pagkain.

Natapos ang hapunan ng tahimik. Nag-alay ulit ako ng tulong at mabuti nalang pinahintulutan ako ni Manang Dessa. Tumulong ako sa paghuhugas. Janet, na nakilala ko lang ang pangalan ngayon, ang nakasama ko sa gawain. We were awkward towards each other at first. But when she initiated the talking, the uneasiness started to ease.

Dumiretso ako sa kuwarto pagkatapos. Hindi ko na hinanap si Analyn dahil nakita ko silang lumabas kanina ni Manang Dessa kasama si Isaiah. I don't want to interact with him, no. Not for this moment.

Lumabas ulit ako para malinis ko ang katawan sa banyo. Masyado akong napagod kanina sa pagbubuhat kaya ramdam ko ang mga natuyong pawis sa ilalim ng damit. Hindi ako nagtagal at bumalik din sa kuwarto.

My second night was peaceful. Hindi kaagad nakatulog si Ronald hindi kagaya ko na nahila agad ng antok. But the next morning was different. Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng de-pindot kong cellphone sa ilalim ng unan. I was half-asleep when I searched the phone to answer it.

"Bruhilda ka! Handa kana ba mamaya?"

Bigla kong naimulat ang aking mga mata. Kumunto ang noo ko nang nilayo ko ang cellphone ko sa tainga para tingnan ang pangalan tumatawag.

"Ate Zydda!" Biglang nagising ang diwa ko.

"Ate Zydda-Ate Zydda ka diyan! Basta, ha? Magkita nalang tayo sa tapat ng Morning Side mamaya pagkatapos ng pasok mo," aniya.

Halos kagatin ko na ang kumot nang maalala kung anong araw ngayon. Nakalimutan kong may sinalihan pala akong contest!

"Oo sige ate." Sagot ko.

"Kakagising mo lang, 'no?"

"Uh-hmm... pasensya na,"

Bumangon ako para masimulan na ang paghahanda. Nilayo ko ulit ang cellphone ko sa tainga para tingnan ang oras bago binalik ulit para pakinggan ang sasabihin niya.

Nagtanong lang siya kung may pasok pa ba ako ngayong lagpas na ako sa nakagawiang oras ng paggising sa umaga. Hindi na humaba ang usapan namin.

I really am thankful that Ate Zydda calls me every time I join contests like this. Siya palagi ang nagpapaalala sa akin. Nakakatawa dahil parang inaako niya ako na para bang responsibilidad niya ang pagsali ko rito. She's very vocal to my potential. Kaya tuwing may naririnig o nahahanap siyang puwede kong masahilan, agad niyang pinapaalam.

Hindi na ako nagmadali dahil alam kong wala naman akong gagawin ngayon sa community college. Dahil tapos na ang exam, hindi na kami required bumalik maliban lang kung hindi ka pa tapos sa pagpapapirma ng clearance para sa susunod na enrollment o 'di kaya naman may problema ka sa isa mong subject. At isa ako sa mga pinagpala roon. Maaga ring binigay ang enrollment forms sa mga estudyante kaya hindi na ganoon karami ang mga pumupunta.

Natapos kaagad ako sa pag-aayos pagkatapos kong maligo. Suot ko na ang uniform nang lumabas ako sa common bath. Nakaikot pa sa ulo ang tuwalyang ginamit nang maabutan ko si Manang Dessa sa mahabang counter ng kusina. Nasa magkabilang gilid nito ang mga platitong mukhang kinuha sa ilalim ng platera.

Nag-angat siya ng tingin nang mapansin ako. Bumaba agad ang tingin niya nang makita ang suot ko.

"Papasok ka pa pala ngayon?" Tanong niya.

Hindi ko inalis ang tingin sa mga platong nakalabas nang tumango ako sa tanong niya.

"Nag-almusal ka na ba? Pupunta ngayon sa Burauen si Isaiah. Sumama ka nalang sa kaniya,"

"Po?" Biglang naagaw ang tingin ko nang marinig ko ang pangalan. "Ano ang gagawin niya roon?"

"May bibilhin daw siya,"

"Sige po! Sasabay na lang ako sa kaniya!"

Biglang akong nataranta. Ayoko mang maki-angkas, pero makakatipid ako kung ganito. Kailangan kong magmadali para makahabol sa kaniya. Ayoko ding isipin niyang makakakaabala ako agad akong kumilos.

"Paalis na ba siya ngayon? Mag-aalmusal muna sana ako,"

"Maliligo pa iyon kaya mag-almusal ka lang muna."

Dumiretso kaagad ako sa hapag. Napamura pa ako sa sarili nang mapagtantong wala palang plato. Kumuha ako at agad na umupo. Hindi ako mapakali. Patuloy lang si Manang Dessa sa ginagawa habang ako naman ay mabilis ang bawat subo sa pagkain.

The thought of Isaiah talking to himself about my tardiness is a huge declension. I can't tolerate his arrogance. I have to build up my pride.

Paubos na ang pagkain ko nang may pumasok sa pintuan sa likod ng bahay. My movement slowed down and stopped when I realized after looking up to see who it was. Naka-pambahay at jersey shorts na Isaiah ang nakita kong kakapasok lang!

Inangat ko pa ang tingin sa kaniyang buhok para kumpirmahin kung nakaligo na siya. Ngunit walang bakas ng kahit anong tubig na nagpapahiwag ng ganoon sa kaniya.

Pinigilan siya ni Manang Dessa nang mapansin din itong pumasok.

"Isaiah, sasama sa iyo si Katherine pag-alis mo mamaya,"

He stopped after hearing Manang Dessa. He turned to our door but when he noticed that someone's in the table, he immediately drifted and he saw me. His brooded eyes were a bit shocked but when he shrugged his shoulders, it changed to something uninteresting for my part.

"Sure, Manang," aniya at pinakawalan ang ngisi sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top