Chapter 9: Missing shoe


Patungo ako sa room ng special class. Kailangan ko kasing makuha ang sapatos ko! Napansin ko kasing papunta sila ng canteen, para siguro kumain kaya kukunin ko na ang pagkakataong ito para makuha iyon kay Ren.

Nang makita ko ang room, napansin kong walang tao doon kaya luminga linga muna ako sa kaliwa, kanan at likod para malaman kung may tao pero mabuti at wala naman.

Hinagilap ng mata ko ang kabuuan ng classroom, sobrang linis naman nito at limang silya lang ang nandoo. Classroom ba ito? Parang office lang eh tapos sosyal kasi may aircon.

Nasaan na ba ang sapatos ko? Sandali baka nasa locker! Hinanap ko ang kay Ren at yun nga! Mukhang hindi ito lock? Tsk. Paano kung magnanakaw ako edi bye bye kagamitan talaga si Ren, pero may magnanakaw din kaya sa paaralang ito? Napatawa na lang ako sa iniisip ko.

Nang buksan ko ay nakita ko ang isang notebook at isang ballpen. Wow naman nag-locker pa talaga siya ha.

Pero sandali, nasaan na ba ang sapatos ko!

"Kung gusto mong magnakaw, huwag sa locker ko dahil wala kang mapapala diyan." napapitlag at napahiyaw ako sa seryosong boses na narinig ko.

"Can you lower down your scream? Baka aakalain ng iba kung ano na ang ginagawa ko sa'yo." narinig ko siyang nag'tsk'at sinara ang locker niya.

"N-nasaan ang sapatos ko?!" sigaw ko sa kanya.

"Pinalipad ko." sabi lang niya saka umupo sa isang silya doon at natulog sa desk. Wala ba talaga siyang balak ibalik ang sapatos ko?!

"Ibalik mo ang sapatos ko!"

"Shut up, I'm sleeping." walang hiyang to ah! Gusto niya ata guluhin ko buhay niya. Humanda ka Dela Vega!

"Hoy Ren! Hindi ako tatahimik kung hindi mo ibabalik ang sapatos ko!" sinigawan ko siya habang nakamukmok. Pero walang epekto.

"Ah, ayaw mo akong pansinin? Bading ka siguro noh?!"

"Bading bading bading!" at sa wakas tumaas ang ulo niya at tiningnan lang ako ng masama at bumalik na naman iyon sa pagmukmok.

"Bading ka nga! May balak ka bang suotin ng sapatos ko?! Naku huwag ka nang umasa, sorry ka hindi yun bagay sa pangit na katulad mo! Bading!" at sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay napahiyaw ako. Malakas na nagsibukasan lng naman ang mga locker! Nakakatakot kaya! Yung parang sumasakay ka ng horror train tapos may nanggulat sa'yo!

"If I tell you to shut up, you shut up." tumayo siya at nilapitan ako kaya napaatras na lang ako.

"Ang sapatos ko lang naman ang gusto ko eh!" hindi ako uurong. Kung sakaling may gawin siyang masama, sisipain ko talaga siya sa gitna! Salamat Sir Altair at baka maiaapply ko na ang itinuro mo!

"I told you already, sana man lang ginamit mo ang iyong utak hindi yung sigaw ka lang ng sigaw." palapit pa rin siya. Di ako makaisip ng maayos dahil nag-iisip pa ako ng gagawin. Sipain siya o tatakbo na lang?

"Bading! Isauli mo na ang sapatos ko kundi sisipain kita!" ang galing ko, saan kaya ako nakakahugot ng confidence para sigaw sigawan si Ren.

Tumigil siya sa harap ko, tanggap na ba nito na bading talaga siya? Naku! Sayang naman ang kagwapuhan niya di na bale masama naman ugali kaya sigurado akong walang tatagal sa kanya.

"You know that I hate your hair right now?" sabi niya sakin.

"Wala kang pakealam sa buhok ko! Buhok ko 'to o baka naman naiinggit ka na naman sakin dahil girl ako at ikaw-"

"Can you stop saying that I am a gay?"

"No." matigas na sabi ko at nanlaki ang mata ko nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko! Oh gosh! Ano ang gagawin niya? Sandali, hindi hindi! Sisipain ko ba siya? Itutulak? Tatakbo?! Pipikit? Kaya napapikit naman ako. Di ko talaga alam gagawin ko at ayaw gumana ng paa ko!

"Ren bakit na-" nang marinig ko ang boses ni Alexa ay agad akong napamulat at nasampal ko si Ren kaya feel ko tumalsik ang buo niyang kaluluwa sa lakas nun.

Oh my gosh! Ano ang ginawa ko ulit?!

"A-ano ang ginagawa niyo?" hindi siguradong tanong ni Alexa.

Napatingin naman ako sa kay Ren at kinabahan ako dahil halatang galit n galit siya!

"Ha?! Ano? W-wala!" sabi ko kay Alexa.

"Anong wala? Eh nakita kong magkalapit ang mukha ninyo ni Ren at sinampal mo siya!" talaga naman Alexa, huwag mo ng ipaglaban ang nakita mo please!

"Sino ang magkalapit ang mukha?" dumating naman si Chase at si Jio.

"Ha? Wala yun noh! May lamok kasi! Alam niyo na dumapo sa mukha niya kaya yun sinampal ko ng bongga!" tinuro ko si Ren at pilit na tumawa pero masama lang ang tingin nito.

"Talaga? Eh bakit pulang pula ka?" tanong ni Jio. Kainis, minsan ka na nga lang magsalita yan pa ang lalabas sa bibig mo ang sarap batukan nitong Jio eh!

"Ano, wala nga! Galit kasi ako sa lamok alam niyo yun? Na-trauma kasi ako noong nagka dengue ako! Ilang dugo rin ang nawala sakin kaya galit na galit ako!" tinaasan lang ako ng kilay ni Alexa.

"T-tanungin niyo si Ren! Diba! May lamok kanina sa mukha mo?!" binigyan ko siya ng umo-o-ka-dahil-kung-hindi-malalagot-ka-sakin-look.

"Hindi ko alam." sabi niya saka hinawakan ang baba niya marahil masakit ang pisngi niya sa sampal ko. Bumalik naman siya sa kinauupuan niya kanina.

"Talaga lang ha?" nagdududang tanong ni Alexa.

"Hayaan mo na nga Alexa, hindi talaga aamin ang mga yan lalo na kapag may ginagawang kababalaghan." tunawa si Chase at nakitawa din si Jio. Sarap pagbuhulin ang dalawang 'to!

"Alexa, wala talaga yun. May lamok talaga kanina." depensa ko. At ang dalawa ay tumatawang pumunta sa locker nila.

"Fine. Ano nga pala ang ginagawa mo dito? at yung buhok mo nagpakulay ka ba ng red? " excited na tanong niya kaya nag-smile lang ako.

"Ahm, ano yung sapatos ko kasi. Kinuha niya." itinuro ko si Ren.

"At yung buhok ko naman, hind in ko alam kung ano ang nangyari dito."napatingin din si Chase at Jio sakin, marahil dhil s buhok ko.

"Pero ang cool ng hair mo. Anyway, sapatos ba kamo? Wait, iyo ba yan? Kanina pa kasi pinaglalaruan ni Ren iyan na parang eroplano. Isip-bata." napalungo lang siya at sinundan ng mata ko ang kanyang itinuro. Ang sapatos ko! Nakasabit sa chandelier! Walang hiyang Ren, porket nakokontrol niya ang mga bagay eh gagawin niya nang eroplano ang sapatos ko!

Di ako nagdalawang isip na kumuha ng upuan at akmang aakyat sana doon.

"Hoy babae, sa susunod mo na lang kunin. May manyak pa naman dito!" sabi ni Alexa na parang may pinaririnigan.

"Hoy Alexa sino ang manyak ha? Ikaw ata? Diba nakikita mo ang lahat kahit may dingding o ano man. Ikaw ang manyak eh." hindi maipinta ang mukha ni Chase at si Jio as usual tumatawa lang.

"Defensive ka! Wala naman akong sinasabi!" sigaw ni Alexa kay napatayo si Ren at nag'tsk'bago lumutang ang sapatos ko papunta sakin bago siya umalis ng room. May plano naman pala siyang ibalik sakin iyon bakit pinatagal niya pa.

Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na lang din ng room na iyon. Bakit parang walang estudyante sa paligid. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa balat ko. Napatingin ako sa paligid pero may kung ano ang bumabagabag sakin. May nararamdaman ako. Nararamdaman ko ang munting tibok ng puso. Hindi iyon malinaw pero alam kong may galit iyon. Parang kaya niyang pumatay kahit anong oras kaya kinabahan naman ako. Pinakinggan ko muli iyon pero hindi ko malaman kung kanino iyon dahil iba iba iyon.

"Ano ang ginagawa mo?" halos atakihin ako sa puso nang marinig ko si Ren.

"A-ano ka ba? Huwag ka ngang nangbibigla!" sigaw ko saka umalis.

Napaisip ako, paano kung kay Ren iyon? May galit yun saakin di ba? Pero kasi... napasinghap na lang ako at ginulo ng buhok. Bahala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top