Chapter 8: Red Hair
Naalarma ako sa malakas na tunog na narinig ko kaya agad kong naimulat ang aking mga mata.
Inaantok pa rin ako. Gusto ko pang matulog kahit limang minuto lang. Kaso ang ingay ingay ng alarm clock ko. Hinagilap ng mata ko ang aking alarm clock at nakita kong 7:40 pa lang naman. Lunes naman ngayon kaya okay lang- sandali, 7:40? 7:40 na?!
Agad naman akong lumundag sa kama at inihanda ang uniporme ko at walang dalawang isip na pumasok sa banyo.
Kung bibilangin, limang minuto ang pagligo ko. Sinuot ko na ang white long sleeves na uniform tsaka dark blue na vest at kapares na necktie nito. Agad ko ding sinuot ang palda ko at ang cycling.
Sandali nasaan na ang kapares ng sapatos ko! Agad kong sinuot ang medyas ko bago hanapin ang nawawala kong sapatos.
Nagpapanic na ako, dahil mamaya baka mag beast mode si maam Hestia at ipagawa sakin ang pinagawa ni Sir Altair. Ayoko na kayang maulit yun. Isa pa, nasa special class din ako kaya ayoko namang maging masamang ehemplo sa ibang estudyante.
Sa wakas nakita ko na ang kapares ng aking sapatos na nasa ilalim ng kama ko. Dali dali kong kinuha ang maliit na bag at tumakbo palabas.
Papasok na ako sa main building at eksaktong limang minuto na lang bago mag 8!
Tumakbo ako pataas ng hagdan saka nagpahinga sa gilid. Huminga ako ng malalim at tatakbo na ulit sana ako nang makita kong papalapit si Ren. Actually mukhang hindi naman talaga siya lalapit sakin, baka bababa siya hagdan. Minsan natanong ko kay Alexa na bakit walang elevator eh, ang gara gara naman ng school na'to, sabi lang niya para daw makapag-exercise ang mga estudyante. Lol, okay?
Masamang tingin lang ang ipinukol niya at napalitan iyon ng pagkabigla nang malapit na siya sa harap ko.
"Fix your hair. You look..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Yung tinging judgemental, alam niyo yun? O baka naman nagandahan lang sakin. Nakuha ko pa talagang magbiro sa sitwasyong ito.
"Ugly and crazy." saka umalis siya at bumaba. Ang lalakeng to! punung puno na talaga ako sa kasamaan niya sakin!
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at hinubad ko ang isang sapatos at ibinato yun sa kanya! Napansin ko namang nabigla siya dahil sapul ang kanyang ulo. Madilim ang mukha niyang tumingin sakin at pinulot ang ibinato ko.
Akala ko ibabato niya iyon pabalik sakin pero tumalikod lang siya at itinaas iyon at iwinagayway. Nanlaki naman ang mata ko. Bakit ko ba kasi ginawa iyon! Ah mamaya na!
Tumakbo na lang ako papuntang room namin at ang galing, parang nakakita ng multo ang aking mga kaklase kaya tahimik lang akong dumiretso sa aking upuan.
"Ate Kazumi! Good morning!" bati sakin ni Hazel.
"Good morning!" ngumiti ako sa kanya at napansin kong masama ang tingin ni Tiffany na nakaupo na gilid ni Hazel. At si Nikko naman ay mukhang nahalata ang iniisip ko kaya tahimik lang siyang nagkibit-balikat. Nakaupo kasi siya sa gilid ni Tiffany.
"Are you sure you're in the special class? Tingnan mo nga sarili mo!" pang-iinsulto niya saka tumingin sa paa ko. Kaya itinago ko na lang ang isa kong paa. Oo nga pala, ang sapatos ko! Kainis bakit ba kasi nagtagpo pa kami ni Ren yun tuloy ang malas ng araw ko.
Si Hazel naman ay naabutan kong nakatingin lang sa akin. Wait, sa gilid ko siya nakatingin.
"Hazel? May problema ba? " mukhang nakuha ko ang atensyon niya.
"A-ah wala ate. A-ang ganda ng buhok mo." saka ngumiti siya.
Magtatanong na sana ako pero biglang pumasok si Miss Hestia.
Tumingin siya sa buong klase at napansin kong ilang segundong tumigil ang mata niya sakin.
"Okay, I must say na complete attendance kayo so let's proceed."
Nagsimula nang magturo si Miss Hestia. Tungkol pa rin iyon sa mga magus. Hindi pa pala sapat ang dalawang oras na diskusyon nung nakaraang lunes dahil tingin ko marami pa talaga akong hindi nalalaman tungkol sa kanila.
"Nabalitaan niyo ba ang pagkagiba ng White palace noong nakaraang taon?" napatingin naman ako. Ito ang istruktura ng pamahalaan kaya paanong hindi ko malalaman. Kalat na kalat yung balita sa tv noon pati na sa dati kong school. Ang sabi noon sa balita ay lumindol daw kaya nagiba ang buong building pati na ang museong katabi nun.
"Ang magus ang may kagagawan ng lahat ng iyon." pero bakit naman nila dinamay ang pamahalaan? Ang mga inosente at ang mga walang kalaban labang tao?
"Marahil ang iba sa inyo ay nagtataka kung bakit sila umatake? Dahik iyon sa tinatawag na Promethea's stone?" mas nabigla ako. Naaalala ko pa noong nagfield trip kami sa museum ng White palace, marami doong magagandang bato at mga alahas. Pero interesado ba ang mga magus doon? Sa mga alahas? Parang ang babaw ata.
"Promethea's stone, kung sa normal na mga tao ay isa lamang itong mamahalin na bato para sa atin, ito ay napakaimportante. Nakasalalay doon ang ating kinabukasan, ang kinabukasan ng mga clan. " natahimik lang ang lahat.
"Ang batong iyon ay pag-aari ni Prinsesa Promethea, ang panglimang kapatid." tumaas ng kamay ang isa kong kaklase.
"Ano po ang kakayahan ni Prinsesa Promethea?" yan din ang ikinagulo ng isip ko, at kung ano ba ang nangyari sa kanya o kung may clan ba siya? Hindi ko kasi siya nakikita sa mga History books.
"Walang nakakaalam ng totoo pero may nakapagsabi na isa siyang time controller. Ngunit walang may nakapagpatunay ng sabi sabing iyon at namatay siya sa kalagitnaan ng digmaan noon. Anyway, ang batong iyon ay ibinigay sa kanya ng punong hari at punong reyna noon para maprotektahan niya ang kanyang sarili. Ang kapangyarihan nun ay ang maprotektahan ang nagmamay-ari nito, ibig sabihin ang maprotektahan si Promethea o kung sino man ang sa clan niya."
Hindi ko na naiwasang magtaas ng kamay at nagtanong.
"Pero kung si Promethea lang ang mapoproteksyonan ng bato bakit kinailangan nilang kunin?" totoo naman. Parang hindi kasi sapat na rason iyon.
"Magandang tanong Miss Demetria. Ang prinsesa Promethea lamang ang mapoprotektahan nito peri maaari din itong gamitin sa isang ritwal para mabuhay ang patay na." nanindig ang balahibo ko. Ibig bang sabihin may bubuhayin sila? Sino?
"Pero hindi iyon mangyayari kung hindi nila makokompleto ang apat pang bagay na kakailanganin, at iyon ay ang Margaux' staff, Solar's gauntlet, Stellar's crest at Bellum's crown."
Halos hindi na makayanan ng isip ko ang pinagsasabi ni Miss Hestia dahil sa sobrang dami minsan nakakalimutan ko na nga yung iba buti na lang may notes ako na sinusulat. Sa susunod na lang daw ni Miss Hestia ipagpapatuloy ang lecture niya tungkol sa iba pang ornamento na kailangan para sa ritwal.
"Ate, saan na ang sapatos mo?" napukaw naman ang atensyon ko sa tanong ni Hazel.
Oo nga pala, wala akong sapatos kaya paano ako ngayon lalabas? Nakakahiya.
"Eto na lang ate, hiramin mo na lang muna ang training shoes ko." saka iniabot niya sakin iyon. Napansin ko namang may mga locker pala sila sa likuran.
"Nagpakulay ka pala ng buhok." dinig kong sabi ni Nikko sa likuran ko kaya napatingin naman ako sa buhok ko. Sandali? Nagpakulay?
"Look at you. Hindi ka ba marunong mag-ayos? Tingnan mo nga sarili mo!" masungit na singhal sakin ni Tiffany pero binigyan niya ako ng malaking salamin.
Kaya ginamit ko naman iyon at ilang segundo ko pa talaga pinagmasdan ang sarili ko, I mean ang buhok ko! Kulay pula nga ito, hindi ito matingkad pero halatang pula ito! Sandali may mali ba kanina sa shampoo ko? Napatingin muli ako at ngayon napansin ko na magulo pala talaga ang buhok ko kaya sinuklay ko na lang iyon gamit ang kamay ko.
"Tara punta tayo ng canteen!" pang-aaya ni Hazel kaya sumunod naman kaming tatlo.
"Kamusta ka naman doon sa special class?" tanong ni Nikko.
"Okay lang naman, may kaibigan na ako doon." ngumiti ako habang sinasabi iyon.
"Wow, talaga ate? Malalakas ba sila?" masiglang tanong ni Hazel.
"Oo, ang gagaling at lalakas nila!" sambit ko na lang.
"Nandito na tayo, di pa ba kayo mag-oorder?" halatang iritado si Tiffany at nauna naman siyang pumunta sa counter.
"Pasensyahan mo na si Tiffany ha, ganyan talaga yan pero mabait din naman siya minsan." sabi ni Nikko saka tumango tango.
"Matagal na ba kayong magkakilalang tatlo?" tanong ko.
"Magkababata kami ni Tiffany kaya matagal na kaming magkakilala pero si Hazel, 5 months pa lang dito." ngumisi naman si Hazel sakin.
Nag-order na lang kami saka nagkuwentuhan tungkol sa special class at sa kani-kanilang buhay, siyempre maliban kay Tiffany na tahimik lang. Pero natutuwa naman ako dahil napakamasiglahin talaga ni Hazel ang dami niyang tanong.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top