Chapter 2: Questions
Saan na ba ang Orion's Hall? Hindi ko kasi iyon mahanap at kanina pa ako palibut libot dito. Ayon sa mapa ay nasa likuran lang siya ng Main building pero wala talaga.
Natigil ako ng ma-realize, baka nasa loob ng gubat??? Natakot naman ako dahil ang dilim doon. Tumingin ako sa aking relo, quarter to 7 na! Nakakahiya naman kapag ma-late ako kaya nilakasan ko na lang ang aking loob.
Pumasok ako sa maliit na pathwalk at mabigla ako nang umilaw ang paligid. Nakakamangha. Mga fireflies yun! Ang ganda nila!
Nakarating na ako sa dulo ng pathwalk at mukhang nawala na ang mga nakapalibot na fireflies saakin kanina. At kung kanina ay namangha ako mas namangha ako ngayon. Kung ang building ay isang modernong kastilyo ngayon parang kastilyo ito noong unang panahon, kumikislap na parang ginto.
Papasok sana ako doon pero nabigla naman ako nang may dalawang lalakeng humarang sakin. Mukhang mga bantay.
"Hindi ka puwedeng pumasok dito."
Sabi ng isa.
"Inimbitahan po kasi ako ni Sir Evandross." nagkatinginan ang dalawa.
"E-eto po. Sabi kasi niya ipakita ko lang ang i.d. ko." tinanggap niya iyon at agad naman akong pinapasok.
Ang ganda ganda. Umakyat ako ng hagdan at hinanap ang dining area. Agad ko namang nakita iyon at napansin si Sir Evandross na may kasamang lalake. Mukhang teenager ito at seryoso ang mukha. Kung hindi ako nagkakamali, anak niya ito dahil magkamukha sila.
"Nandito ka na pala Ms. Demetria." sumenyas siya at itinuro ang upuan sa gilid niya na nasa harapan ng binata. Tumungo ako dun at umupo.
Tahimik lang ang binata at hindi ako tinapunan ng kahit isang tingin man lang.
Ilang sandali pa ay inilapag ng mga maid ang pagkain at nagsimula na kaming kumain. Ilang minuto din ang nakalipas bago magsalita si Sir Evandross.
"Ren, hindi mo man lang ba babatiin ang magandang binibini sa iyong harapan?" tingin ko ay nagblush ako sa sinabi ni Sir Evandross. Nakakahiya kasi.
Tinapunan ako ng tingin nung Ren pero hindi iyon nagtagal bago siya magsalita.
"Ano ba ang sasabihin mo at himalang sabay tayo kumain ngayon?" halatang iritado siya.
"Gusto ko lang makita mo ulit ang iyong kababata." kababata? Sino? Ako ba? Imposible. Si Everette lang ang naaalala kong kababata simula nung 8 years old pa ako.
"Hindi ko siya kababata. Wala akong kababatang katulad niya." seryoso pa ring sabi niya.
"Huwag mong sabihing hindi mo siya natatandaan. Kung dahil ito sa nangyari noon ay-"
"Kung ito lang ang sasabihin mo, aalis na ako." bastos 'to ah. Walang manners. Pasalamat nga siya at nakakasama niya ang kanyang ama.
Lumakad ito palayo at nakita kong napasinghap si Sir Evandross.
"Pasensya ka na sa anak ko." malungkot na sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko pero bigla ko na lang inilapag ang kutsara at tinidor.
"Susundan ko po siya at kakausapin." saka umalis ako.
Hindi ko alam pero kusang naglalakad ang paa ko. Kung saan man ako dadalhin ay di ko alam. Pero kailangan ko siyang makita at makausap dahil iyan ang sinabi ko sa ama niya.
Nabigla ako nang may naririnig ako. Galit pero napakalungkot na tibok ng puso ang naririnig ko. Sinundan ko iyon at napadpad ako sa isang library. Lalong lumakas ang narinig ko.
Walang ilaw doon pero naaninag kong may lalakeng nakatayo at nakatingin lang sa labas. Naaninag ko ang kanyang mukha dahil sa sinag ng buwan.
"Ano ang ginagawa mo dito?" sumasakit ang ulo ko. Napakalakas.
Hindi ako sumagot sa kanya.
"Nandito ka ba para guluhin na naman ang lahat?" napatingin ako sa kanya.
"A-ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"Nakalimutan mo na ba ang lahat? Hindi ko akalaing nagagawa mo pang mabuhay dahil sa ginawa mo!" mas lalong sumakit ang ulo ko dahil nakakabingi ang tibok ng puso niya. Galit na galit iyon.
"Hindi nababagay ang isang tulad mo dito! Kaya umalis ka!" napahiyaw naman ako. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa naririnig ko o dahil sa may kung anong nabasag sa gilid ko. Nalaman ko na lang na may kung anong tumalsik sa braso. Nakita kong may tumutulong dugo sa kanang braso ko. Unti unting nawawala ang pandinig ko at lumalabo na rin ang mga nakikita ko. Pinipigilan kong bumagsak ang sarili at....
Naramdaman ko na lang na nakalutang ako at unti-unting nawalan na ng malay.
--
"Huwag!" sambit ng babae sa batang napapalibutan ng napakalaking apoy. Katabi nito ay isang babaeng nakahiga at duguan.
Umiiyak ang bata at tila mas lumaki ang apoy. Maya maya ay pumasok ang babae sa apoy habang patuloy pa rin itong naglalakad papunta sa batang umiiyak.
Niyakap ng babae ang bata at tumahan ito at mukhang lumiit na din ang apoy.
"Kazumi, alagaan mo siya para sakin. Huwag mo siyang iiwan." sambit ng babae bago nawalan ng malay.
Napamulat ako ng mata at napansing umiiyak na ako. Hindi ko masyadong maalala pero may natatandaan akong sunog.
Pinunasan ko ang aking mata at umupo sa kama saka hinanap ang orasan. Alas diyes na pala ng gabi, madilim na sa labas.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" napansin ko ang babae sa harapan ko.
"Okay lang po ako. Nasaan po ako?" tanong ko sa kanya.
"Nasa clinic ka, mabuti na lang at hindi ganoon kalaki ang natamo mong sugat." napatingin ako sa braso ko pero nabigla ako nang walang markang sugat. Magtatanong sana ako pero muling nagsalita ang babae.
"Kamusta naman ang ulo mo? Sumasakit pa ba?"
"H-hindi na po." paano niya nalaman iyon?
"Sige, magpahinga ka lang at bukas ka na bumalik sa dorm mo. Sabi ng headmaster ay sa susunod na kayo mag-usap at humihingi siya ng paumanhin sa ginawa ng anak niya. Hindi ka na niya pinagising dahil kailangan mong magpahinga."
"Salamat po sa pagbantay sakin. M-may gusto sana akong itanong." sumenyas siyang ituloy ko lang.
"Ano po ba ang school na ito?" sambit ko na lang bigla.
Nabigla naman akong may hawak siyang isang kutsilyo at muntik na akong mapahiyaw nang sugatan niya ang kanyang kamay. Napatanga ako at nagpapanic ang loob ko pero hindi ako makagalaw, may dugong tumutulo sa kamay niya.
"Calm down Ms. Demetria, I'm not a teacher here kaya hindi ako magaling magturo o magpaliwanag kaya ipapakita ko na lang sa'yo." she smiled at ako naman nakatunganga lang. Dumudugo pa rin ang kaliwang kamay niya pero nakita kong trinace niya iyon ng kanyang hintuturo at bigla na lang nawala ang sugat.
"P-paano nangyari iyon? Sino ka?" ano ka? Gusto kong tanungin sana iyon dahil gulung gulo na talaga ako.
"May limang class ng magic user sa school na ito. Aural, tactile, sonic, visual at psychic o ang mga neural user. At dahil sa nagagawa kong gamutin ang sugat ng isang tao, isa akong tactile user. Nalalaman ko rin kung ano ang sakit ng isang tao o gaano ito kalala kapag nahawakan ko siya."
"Pero wala akong ganyang kaangyarihan, bakit nandito ako?" gulung gulo pa rin ako.
"Wala nga ba? Ikaw lang ang makakasagot niyan Ms. Demetria. Isipin mong mabuti ang kakaibang nagagawa mo." bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Ito ba yun? Meron nga ba akong kakaibang magagawa? Pero...
Nakita ko siyang ngumiti.
"You see this is not a normal school. At nandito ka dahil hindi ka rin normal. Magpahinga ka na. By the way I am Amethyst Sandoval. Just call me Ms. Amethyst or Ami for short." saka naiwan akong nakatunganga lang.
Yun ba ang kakayahan na tinutukoy ni Sir Evandross? Pero paanong pati ako? May kinalaman ba dito ang mga naririnig ko? Bakit dito ako pinatransfer ni dad? Bakit galit na galit si Ren saakin? Sinubukan ko na lang magpahinga kahit gulong-gulo na ang isip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top