Prologue

SUAREZ SERIES
Rhyne's Heartbeat
Gone With The Ring
Let's Not Fall In Love
Yours Truly, Cornelia
If I Could Write About Us

Suarez Series I: Rhyne's Heartbeat

A book about healing.

Asher Jed Nam Suarez, the fourth of five Suarez siblings, is the epitome of warmth and light, while Kazandra May Rhyne Sandoval, his best friend, is darker than dark and colder than cold. What will happen if they fall in love? Will his light be enough for her to overcome her darkness, or will it turn her into her darkest version?

"I gave you six years to fall in love with me. Kulang pa rin ba? I can give you more years if you want."

DISCLAIMER:

This is the first installment of the Suarez Series. This is my first ever story after a 5-year hiatus. Trigger warnings include death, physical abuse/emotional violence during childhood, and (almost) abortion.

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Happy reading, everyone! xoxo


Prologue

"Ma! Mama!" sigaw ko habang nagmamadali pababa ng hagdanan. When I finished buttoning my white polo uniform, kinuskos ko ulit ang basang buhok na tumutulo pa.

Pagkarating sa kusina, nabungaran ko si Mama sa harap ng hapagkainan habang inaayos ang white coat ni Papa. Silang dalawa pa lamang ang narito. Wala sina Kuya at wala rin si Czeila.

"Good morning! Nasaan si Czeila, Ma? Malapit nang mag-seven thirty, hindi pa siya bumababa? Male-late na kami!"

Magkaklase kami ng kapatid ko sa isang minor subject na naibagsak ko sa nagdaang semester. Napadalas kasi ang pag-absent ko noon dahil sa pagtambay sa music room. Nakakatulog ako pagkatapos mag-drums. Kung hindi absent ay late naman.

Tumikhim si Papa nang tingnan ako. "Ikaw lang ang male-late. Kanina pa umalis ang kapatid mo. Sumabay na kay Migo. Ayaw mo kasing magising kanina."

"Ha? Bakit hindi niya ako hinintay? Bakit ang aga masyado ni Kuya Migo ngayon?" reklamo ko, sabay tingin sa suot kong wristwatch. Napapalatak ako. "Late na naman ako nito."

Kalmado man ngunit mabilisan ko pa ring kinuskos ang aking buhok. Inihagis ko na lang sa kung saan ang tuwalyang ginamit ko, sabay dampot sa aking bag at isinukbit iyon.

"Asher, basa pa ang buhok mo," malumanay na puna ni Mama.

"Ayos lang ito, Ma. Guwapo pa rin," sagot ko nang hindi lumilingon. Ngunit dagli ring napabalik sa kusina nang may maalala.

"Oh, akala ko ba ay late ka na?"

"May nakalimutan ako." Nakangising kumuha ako ng dalawang piraso ng spanish bread at kumagat agad sa isa.

"Iyon lang, anak?" Nangingiti na si Mama nang muli akong mapalingon.

Nakangising binalikan ko silang dalawa. Una kong nilapitan at hinalikan nang matunog si Mama sa pisngi at saka nakipag-fist bump kay Papa. "Bye, lovebirds! Ako'y aalis na. Pagbalik ko, dapat ay may kapatid na si Czeila, ah!" Kinindatan ko si Papa.

Nang kumindat siya pabalik ay natatawang pinalo siya ni Mama sa braso. "Mag-ingat sa pagda-drive, Asher," pahabol na paalala niya sa akin habang natatawa pa rin.

Tumalikod na ako sabay thumbs up sa kanila habang nginunguya na ang tinapay.

Dahil late na rin naman ako, hindi ko na sinubukan pang magmadali at masasayang lang ang energy ko. First day na first day at late ako. Mabuti sana kung unang taon ko pa lang ito sa kolehiyo. Kaso ay pangalawa na. Dinaig pa ako ng bunso namin, hayun at sa sobrang sabik mag-aral sa kolehiyo ay iniwan ako.

Kalahating oras ang ginugol ko sa daan. Eksaktong alas otso nang marating ko ang campus.

Mabilis na bumaba ako ng kotse pagkatapos kong mag-park at nanalamin muna sa bintana niyon para muling ayusin ang aking buhok. Mabuti na lamang at kahit hindi ko ito gamitan ng gel ay ayos lang. Kaunting gulo lang at pogi na.

My hair looked too Korean, hindi kagaya nina Kuya. Madalas na sabihin ng iba na ako lang daw ang nakasalo sa Korean genes ni Mama dahil sa akin lang daw bagay ang ganitong hairstyle, ako lang ang maputi at ako lang ang singkit. My brothers were all Morenos, and Czeila's skin color was in between Morena and Mestiza.

Nag-pogi sign ako sa salamin ng kotse bago ako tumakbo papunta sa main building. Nasa ikatatlong palapag pa ang klase namin. Baka hindi na ako papasukin sa klase kung hindi ko pa iyon tatakbuhin.

Hingal na hingal ako nang mapatapat ako sa aming classroom. Nakahinga ako nang maluwang nang makita kong wala pang professor sa loob. Mabuti na lang at mukhang hindi lang ako ang late sa first day.

Maingay na sa loob ng classroom dahil halos lahat ng estudyante ay nandito na. Kanya-kanya nang grupo at kuwentuhan. Karamihan yata sa kanila ay magkakaklase at magkakakilala na simula pa noong junior at senior high.

Inikot ko ang aking paningin para hanapin ang kapatid ko. Nakita ko siya sa unahan at nakikipagkuwentuhan kay Princess. May mga pagkain sa mga desk nila.

Nang mapalingon siya sa akin, inilabas niya agad ang kanyang dila para asarin ako. "Kuya, you're late," nanunuyang sabi pa niya.

Napangisi ako nang makitang bakante ang isang upuan sa bandang kaliwa niya. Lumapit ako roon at inilagay ang aking bag pero bago pa man dumikit ang puwet ko sa upuan ay inilagay na ni Czeila ang maliit na kamay niya roon.

"Taken na iyan, Kuya! May nakaupo na riyan. Doon ka sa likod. Sa likod ang mga late sa first day." Umirap pa siya. Ang arte talaga!

Pumalatak ako at ginulo ang kanyang buhok. Hindi ako naniniwalang may nakapuwesto na sa upuan sa tabi niya. Ayaw niya lang siguro akong makatabi dahil alam niyang makikisawsaw na naman ako sa mga pagkain niya.

Inikot ko ulit ang aking paningin para maghanap ng bakanteng upuan. Puno na yata lahat.

Dumako ang tingin ko sa likuran at may napansin akong babaeng nakayukyok ang ulo sa kanyang mesa. May maliit na libro na nakatakip sa kanyang mukha kaya hindi ko makita ang kanyang hitsura. Nang mapansin kong bakante ang upuang nasa tabi niya, lumapit na ako roon at umupo.

Sumulyap ako ulit sa babaeng nasa tabi ko. Hindi man lang siya natinag. Hindi man lang ba niya naramdaman na may taong umupo sa tabi niya? Kaming dalawa lang ang nakapuwesto rito sa pinakahuling row at wala man lang akong makausap.

Hindi ba siya naiingayan sa mga kaklase namin? Tulog ba siya?

Tinusok ko ang braso niya gamit ang hintuturo ko. Dahan-dahan lang. Titingnan ko lang kung tulog siya o hindi.

Mabilis pa sa kidlat na iniwas ko ang aking kamay nang gumalaw siya. Hinampas niya ang braso niyang tinusok ko kaya nalaglag ang librong nakatakip sa mukha niya.

Lumipat ang tingin ko sa librong nasa sahig. English novel pala iyon. Pinulot ko iyon para sana ibalik sa babae. Ngunit pagtingin ko sa kanya, natigilan ako.

Tulog nga siya. Dahil doon, mas lalong nadepina ang napakahabang mga pilikmata niya. Kunot ang noo niya kahit tulog at mukha siyang mataray dahil sa arko ng kanyang mga kilay. Maliit ang ilong niya ngunit matangos. Halatang walang bahid ng lipstick o kahit lip gloss man lang ang kanyang mga labi pero medyo mapula pa rin ang mga iyon.

Napansin ko ring may maliit na nunal siya sa ilalim ng kaliwang mata niya. Bahagyang natatakpan ang kanang bahagi ng mukha niya ng kanyang manipis na bangs.

She was... insanely beautiful. Tulog na tulog siya at hindi ko alam kung bakit mas lalong nakadagdag iyon sa ganda niya.

Sumikip ang dibdib ko habang patuloy sa pagtitig sa kanya. Nanginig nang bahagya ang aking mga kamay kaya nabitawan ko ang libro niya.

Lumikha iyon ng ingay at nakagat ko ang ibabang labi nang yumuko ako para pulutin iyon. Sana naman ay hindi muna siya magising.

When I raised my head, a pair of pitch-dark gray eyes met my gaze. My heart skipped a beat. And when it started beating again, pakiramdam ko ay mabubutas ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog niyon.

At mas lalo lang nagwala iyon nang bumangon siya at umayos sa pagkakaupo. Mas lalo kong nakita ang kabuuan ng mukha niya. Maliban sa noo niya dahil tuluyan nang natakpan iyon ng kanyang bangs.

Naningkit ang mga mata niya habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa akin.

Nahigit ko bigla ang aking hininga nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at tiningnan ako nang mariin na parang kinikilatis ang pagmumukha ko. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang dumi ng aking mukha sa klase ng tingin niya.

Sobrang lapit niya. Halos maduling ako sa pagtitig sa kanya.

Nakahinga lang ako nang maluwang nang lumayo siya at yumuko sa bag niya. Sinamantala ko iyon para sumagap ng maraming hangin. Literal na tumigil yata ang paghinga ko kanina dahil sa sobrang lapit niya.

Muli ko siyang sinulyapan. May hinahanap siya sa kanyang bag. Nang hindi niya iyon makita ay nagpalinga-linga siya sa paligid niya. Dahil sa paggalaw niya ay may kung anong nahulog ulit sa sahig.

Lumipat ang tingin ko roon, sabay pulot niya. I watched her put her eyeglasses on.

Muli siyang tumingin sa akin, walang ekspresiyon ang mukha. "Who are you?"

Pati boses niya ay flat. Walang bahid ng emosyon.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko nang hindi ako nakasagot. Kinuha niya ang librong hawak ko. "This is mine."

"I-I'm sorry. Nahulog mo kasi."

"Ikaw ang kumalabit sa braso ko?" Bahagya nang kumunot ang noo niya.

Napalunok ako. Nakaka-intimidate ang boses niya sa sobrang lamig niyon.

"Alam mo bang ayaw na ayaw kong naiistorbo ang tulog ko?" Bumaba ang tingin niya galing sa aking mukha at mas lalong nagsalubong ang mga kilay. "Asher Jed N. Suarez?"

Napatingin ako sa aking nametag. Kumabog nang husto ang puso ko dahil sa pagbigkas niya ng buong pangalan ko.

"May kapatid ka bang matakaw?"

Napaangat ako ng tingin. "Huh?"

"I mean, Czeila?"

Kilala niya ang kapatid ko? Kaibigan ba siya ng kapatid ko? Si Princess lang ang talagang kilala ko pero alam kong tatlo silang palaging magkasama simula pa noong junior at senior high. Hindi ko lang sigurado kung siya iyon kasi natatandaan kong kulot ang buhok no'n. Ang buhok naman ng babaeng kausap ko ngayon ay straight.

"She's my sister." Halos hindi lumabas ang boses ko sa kaba.

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Bakit ngayon lang kita nakita? At bakit singkit ang mga mata mo? Hindi singkit si Czeila. Hindi rin ang mga Kuya niya." Nanliit ulit ang mga mata niya. "Isa ka sa apat?"

Napakurap-kurap ako sa tanong niya at muntik ko nang masabi na lima dapat kami. Namamawis ang mga palad ko.

Her question was simple. Kailangan ko lang ibuka ang bibig ko at sabihin sa kanyang singkit ako dahil nakuha ko iyon kay Mama. Ako na ngayon ang bunsong lalaki at oo, isa nga ako sa apat na Kuya ni Czeila. Simple as that. Pero kinakabahan talaga ako kaya hindi ko nagawang sumagot agad.

Her right brow twitched. "Never mind." Inalis niya ang suot na salamin at ibinalik iyon sa kanyang bag kasama ang libro. "Matutulog ako ulit. Wake me up when the prof comes."

Hindi na niya hinintay pang makasagot ako. Muli niyang iniyukyok ang kanyang ulo sa desk ng upuan niya at ipinikit ang kanyang mga mata.

Kagaya kanina ay nakaharap ulit sa akin ang puwesto ng ulo niya. Her lips were slightly pouting. Mas lalo tuloy akong nahirapang alisin ang titig sa kanya.

"Stop staring, Jed. It's rude and annoying. Hindi ako makatulog sa ginagawa mo."

Nataranta ako nang bigla siyang magsalita. Nag-iwas ako agad ng tingin kahit nakapikit pa rin naman siya. "S-Sorry," mahinang sabi ko.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Nakaupo lang ako rito ngunit pakiramdam ko ay kakatapos ko lang makipag-marathon sa mga kabayo. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Mukhang aatakehin pa yata ako nito.

Pasimpleng sinulyapan ko ulit siya. Nakapikit pa rin ang mga mata at mukhang tulog na ulit.

Stop staring, Jed.

Tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko. Siya pa lamang ang gumamit niyon. Mas lalong nagwala ang puso ko. Ang sarap palang pakinggan iyon galing sa kanya. Ang lambing ng dating kahit malamig ang boses niya.

Napahawak ako sa aking nametag.

Hindi ko muna aawayin si Czeila ngayon. Itatanong ko sa kanya ang pangalan ng kaibigan niyang nasa tabi ko ngayon. At kung bakit ngayon ko lang siya nakita.

"Good morning, Sir!"

Natauhan lang ako nang marinig ko ang masiglang pagbati ng aming mga kaklase sa bagong dating na prof. Gigisingin ko na sana ang katabi ko ngunit pagkalingon ko ay dire-diretso na siyang umalis. Pumunta siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Czeila.

Ngumiti ang kapatid ko at may sinabing kung ano.

Napapalatak ako sa aking isipan. Kailangan kong bumili ng maraming pagkain mamaya. Knowing my sister, alam kong mahihirapan akong makuha sa kanya ang impormasyong gusto ko kung wala akong dalang makakapagpalambot sa kanya.

I continued looking at the girl.

What's your name, Miss?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top