Epilogue
Epilogue
Czeila and I had been friends since high school. Mula unang taon ay magkakasama na kaming tatlo nina Princess.
Princess was an only child like me, while Czeila had four older brothers. Kilala ko na ang unang tatlo dahil sila ang madalas na bumaba ng sasakyan sa tuwing sinusundo nila ang bunso. Nakita ko na rin ang bunsong lalaki ngunit halos hindi ko rin maaninag ang kanyang mukha dahil nasa loob lamang siya ng sasakyan at may nilalarong drumsticks. Bukod pa iyon sa agad nilang pagsasara ng pintuan kaya hindi gaanong pamilyar sa akin ang hitsura niya.
Ang naaalala ko lang ay sobrang puti niya. Mas maputi pa sa aming magkakaibigan.
I remember being irritated with him dahil hindi man lang niya tinutulungan si Czeila sa mga dala nitong makakapal na libro at madalas pa nitong inaasar at tinutukso ang kapatid pagpasok pa lamang ng sasakyan.
Among the four, Kuya Mico was the most approachable. Nakangiti siya lagi sa tuwing nagpapaalam sa amin ni Princess at ipinapatong pa ang dalawang kamay sa ulo naming dalawa.
Mas close si Princess sa mga Kuya ni Czeila dahil madalas siya sa bahay ng mga ito. Hindi ako sumasama dahil mas gusto kong magbasa sa bahay. Nahihiya rin akong magpaalam kay Tita Bridgette na lumabas kaya mas pinipili ko na lang na manatili sa bahay. Hindi na bale kahit naiinis din ako sa presensiya ni Liam. I'd rather deal with only him than interact with four more boys.
Nang tumuntong kami sa kolehiyo, Czeila and Princess decided to take HRM. Dahil hindi ko rin naman alam kung ano'ng gusto ko sa buhay maliban sa pagbabasa, I decided to take the same course.
I grew up having a hard time dealing with people. If I was going to be on the same course as my friends, then there was no need for me to make some new friends. I don't think anyone could handle and understand my attitude better than these two.
Not until I met the youngest of the Suarez boys.
Sa unang araw namin sa unang taon ng kolehiyo ko siya unang nakita. Wala pang prof no'n at natulog muna ako sa pinakahuling row sa likod, at nagkamalay lang nang may naramdamang tumusok sa braso ko.
I thought it was a mosquito at first, so I slapped my arm really hard. And then, I heard my book fall down. Hahayaan ko na lang sana iyon at matutulog na lang ulit ngunit nang may narinig ako ulit na bumagsak, hindi ko na napigilan.
I opened my eyes and saw a blurred image of a boy. Nakayuko siya at tila may pinulot sa sahig. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin, nanatiling malabo ang buong mukha niya.
Bumangon ako at umayos ng upo, naniningkit ang mga matang hindi inalis ang tingin sa kanya. Dahil hindi iyon epektibo para makita siya nang malinaw, lumapit pa ako sa kanya para tingnan siya nang mabuti.
I felt him hold his breath. It was obvious because when I sat up straight again, he heaved a sigh.
Kunot-noong hinanap ko ang aking salamin sa aking mesa at nang yumuko ay narinig ko ang pagbagsak niyon sa sahig. Pinulot ko iyon malapit sa upuan ng katabi ko, bahagyang pinunasan at isinuot.
Bumalik agad ang tingin ko sa kanya. "Who are you?"
Karamihan sa amin ay magkaklase na simula pa noong junior at senior high. Siya lang ang bagong mukha sa paningin ko.
He looked foreign. Alam kong pinoy siya pero siguro ay may ibang lahi. He had long hair like those of Asian idols. Walang bahid iyon ng gel at medyo magulo. Parang ginulo niya nga lang at hinayaan lang. Surprisingly, it didn't look bad.
Sa buong klase, si Princess ang pinakamaputi ngunit tinalo niya yata. At dahil maputi, mas nadepina ang makapal na mga kilay niya, mga matang nag-aagaw ang kulay ng abo at itim, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Wala rin yata akong makitang pores kahit isa sa buong mukha niya.
Singkit ang mga mata niya kaya nagmukha talagang may ibang lahi. Intsik yata ito kaya maputi. Exchange student ba ito galing sa ibang bansa?
Walang pasubaling kinuha ko sa kanya ang libro ko nang mapansin kong hawak niya iyon. "This is mine."
"I-I'm sorry. Nahulog mo kasi—"
Kumunot ang noo ko sa pagta-Tagalog niya. "Ikaw ang kumalabit sa braso ko? Alam mo bang ayaw na ayaw kong naiistorbo ang tulog ko?" Bumaba ang tingin ko sa kanyang name tag. "Asher Jed N. Suarez?"
Sinundan niya ang tingin ko.
"May kapatid ka bang matakaw?"
"Huh?" Napaangat siya ulit ng tingin sa akin at tila lutang na walang naintindihan sa mga sinabi ko.
Nag-isang linya ang mga labi ko. "I mean, Czeila?"
"She's my sister."
Oh, so he was half Korean? Not Chinese. Pero hindi niya kamukha si Czeila. Kahit may halong dugong Koreano, walang singkit sa mga Kuya niyang nakita ko.
"Bakit ngayon lang kita nakita? At bakit singkit ang mga mata mo? Hindi singkit si Czeila. Hindi rin ang mga Kuya niya." Nanliit ang mga mata ko nang maalala ko ang laging nang-aasar noon kay Czeila sa loob ng sasakyan. "Isa ka sa apat?"
Napalunok siya at kumurap nang ilang beses. He looked stunned... and nervous.
Umangat ang kilay ko. "Never mind."
Iniwan ko na siya roon nang dumating ang prof at bumalik na sa tabi ni Czeila.
The next day, I saw him again. I realized then that we were classmates in this minor subject. Pero ang alam ko ay nasa ikalawang taon na ito.
Czeila said he was taking up Bachelor of Music Major in Composition and that he loved drums. In fact, he was good at playing it. Binigyan pa nito ng drumsticks ang kapatid dahil nagpapaturo raw siya.
Ang balita ko ay bumubuo nga raw ito ng banda kasama ang ibang mga kaklase at kaibigan. Bawat miyembro ay kilala sa buong campus. Especially him. He was always the center of attention. Kahit saan ito magpunta ay nagtitipon ang mga tao at kakilala. Sa buong banda at sa limang magkakapatid, ito ang pinakakilala.
Maybe because of the way he smiled at almost everyone. He was like a vitamin C in times of sickness and sadness, a ray of sunshine on a cloudy, rainy day. Parang may kung anong liwanag na nakabalot sa kanya kaya mapapansin siya agad kahit saan man siya magpunta. At kahit pa siguro magsumikap siyang magtago sa dilim, mapapansin at mapapansin pa rin talaga siya.
Kapag nakikita ko siya sa campus ay palagi na lang nag-iisang linya ang mga mata niya sa pagngiti at tawa. He was the happy virus on the campus.
Bukod sa dahilan na lagi niyang inaalaska ang kapatid lalo na sa tuwing magkakasama kaming tatlo nina Princess, mas nadagdagan pa ang inis ko sa kanya dahil doon. Iba ang epekto sa akin ng pagiging masayahin niya. Nasisira lagi ang araw ko lalo na kapag sa akin na natutuon ang atensiyon niya.
"Hi, Rhyne!" kunwari ay behave na bati niya sa akin pagkatapos na guluhin ang buhok ni Czeila.
Halatang nagpapa-cute ang ngiti niya kaya napairap ako.
He was always transparent. Kahit hindi niya sinasadya, makikita iyon agad sa mukha niya. Alam ko kaagad kung masaya siya o malungkot, may iniisip na kalokohan o may dinaramdam, nagpapakabait o kinakabahan.
Hindi gaya ko na kahit ano'ng nararamdaman ay mukha pa ring masungit. I used to hate my resting bitch face, but as I grew up, I realized it was an advantage for me because I hated dealing with strangers.
Wala masyadong nakikipagkaibigan sa akin dahil mukha talaga akong masungit. Okay lang naman iyon sa akin dahil sabi ko nga, ayokong nakikipag-usap sa kung sinu-sino.
Kaya inis ako sa kanya dahil masyadong feeling close.
"Stop bugging Rhyne, Kuya," inis na sabi ni Czeila. "Hindi tatalab 'yang pagpapa-cute mo sa kanya."
He smiled sheepishly.
Muli akong napairap, nauna na sa paglalakad. Ngunit dagli ring napaigtad nang bigla niya akong akbayan. Umiwas ako agad at tiningnan siya nang matalim.
Ngumisi lamang siya, ang akala yata ay nagbibiro ako. Napawi iyon nang kinalaunan ay nabatid niyang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
Mas lalong tumalim ang tingin ko nang mamataan ko si Liam sa labas ng cafeteria at nakatingin sa amin. Mukhang may balak lumapit kaya pinigilan ko ng irap.
Mas lalong hindi ko pinansin ang pagpapa-cute ni Jed sa sumunod na mga araw. Mabuti na lang at medyo nakakaintindi siya. Isang tingin ko lang at medyo tumitigil. Alam na agad kapag iritable na ako.
I had no idea how he did that. I always looked like I was planning to murder someone no matter what I felt. Pero alam niya lagi kung kailan siya dapat tumigil sa pangungulit. Alam niya kung wala na ako sa mood o galit na.
Nang minsang alam niyang maganda ang mood ko dahil sa librong binabasa, nagpapansin siya ulit. Nasa pinakahuling row ako ulit sa klase dahil wala na namang prof nang dumaan siya bigla sa harap ko. Noong una ay hindi ko siya pinansin pero nang pabalik-balik na siya ay kumunot na ang noo ko.
Nataranta siya agad kahit hindi ko pa tinitingnan at bigla na lang siyang may idinikit na sticky note sa hawak kong libro. Kulay-pink.
"I'm sorry," ang nakasulat sa papel. Sa ibaba niyon ay ang numero niya.
Kumunot ang noo ko. Nang lingunin ko siya ay likod na lamang niya ang naabutan kong palabas na ng classroom. Nagmamadali at mukhang tumakbo pa.
"Where is my sticky note?" Dinig kong naiinis na tanong ni Czeila.
Napatingin ako ulit sa pinto. Wala talagang magawang matino sa buhay 'yang Jed na iyan. Kung umasta, parang siya pa ang bunso kaysa kay Czeila.
Nilamukos at tinapon ko ang sticky note na bigay niya. Hindi ko sinadyang makita niya pero nakita nga niya. Siya naman ang nag-inarte at hindi ako pinansin buong araw. Nagkibit-balikat na lamang ako dahil wala naman akong pakialam.
The next day, sinundan-sundan niya ako ulit papuntang library. Hindi ako makapagbasa nang maayos dahil lagi siyang nakabuntot. Umabot na ako sa pinakadulong lamesa sa kakalipat at makikita ko na lamang siyang nasa katapat ko na namang lamesa, ngingisi kapag tiningnan ko.
Ano ba'ng kailangan niya? Akala ko ba, galit siya sa ginawa ko kahapon? Now he was here again, grinning like an idiot.
Dahil sa ginagawa niyang pagmamasid ay hindi ko na maintindihan ang binabasa ko kaya nagpasya akong lumabas na lamang. Isinara ko ang libro at nakita ko siya agad na umayos ng upo, nag-aabang sa susunod kong gagawin.
Busangot ang mukhang tumayo ako at nagtungo na sa pinto ng library. Binalewala ko na lang siya kahit nakita kong tumayo rin siya para sumunod sa akin.
Tahimik na kinuha ko sa locker ang aking bag paglabas ng library. Pagkatalikod ko ay muntik pa akong mabangga sa kanya.
Jed smiled sheepishly. "Hi, Rhyne."
Tumaas ang kilay ko bilang tanong kung ano ang kailangan niya.
"Ah... Nakita mo ba si Czeila?" tanong niya.
"Mukha bang kasama ko ang kapatid mo, Jed?"
Kumislap ang mga mata niya sa tuwa. Hindi ko alam kung bakit. Tinalikuran ko rin siya agad dahil mukhang hindi naman talaga iyon ang pakay niya.
Agad siyang humarang. Nang subukan kong dumaan sa gilid niya ay pinigilan niya ako ulit. Para kaming naglalaro ng patintero sa tapat ng hagdan. Tumigil lamang siya nang tingnan ko siya nang masama.
"Ano ba'ng gusto mo, Jed?" nagtitimping tanong ko.
Nagpigil siya ng ngiti. Ano ba'ng ikinakatuwa niya riyan? Kanina pa siya, ah.
"What's wrong, Kazandra?"
Sabay kaming napalingon sa ibaba ng hagdan nang marinig ang boses ni Liam.
Paakyat na ito ngunit hindi makadaan dahil sa amin. Dumilim ang tingin nito nang lumipat iyon sa kasama ko. "Kinukulit mo na naman si Kazandra?"
Magkasing-edad kami ni Liam ngunit halos magkasingtangkad naman sila ni Jed na dalawang taon ang tanda sa amin.
"Sino ka ba at ano'ng kailangan mo sa girlfriend ko?"
Halos magkasabay na tumaas ang kilay namin ni Liam. Ano'ng girlfriend ang pinagsasasabi niya?
Sa akin naman ngayon bumaling ang madilim na tingin ni Liam. "Is that true, Kazandra?"
Napabuga ako ng hangin. "Liam, ako na'ng bahala rito. Hindi niya ako girlfriend," walang emosyon na pahayag ko bago ko itinuon kay Jed ang atensiyon ko. "Mag-usap nga tayo, Jed."
Hindi ko na hinintay pa kung ano'ng isasagot ng dalawa sa sinabi ko. Hinawakan ko na agad sa kamay si Jed at hinila na pababa ng hagdan. Nang tuluyang makalayo mula sa library ay saka ko siya hinarap.
His eyes were fixed on my hand holding his hand. He looked stunned. Mabilis na binitawan ko iyon nang tuluyang rumehistro sa utak ko ang init na nagmumula sa kamay niya.
Kahit tila wala pa sa sarili, nag-angat siya ng tingin sa akin. Hinamon ko siya ng masamang titig nang mapansin kong natulala pa siya. Nang matanto iyon ay kitang-kita ko kung paano siya napalunok. "Boyfriend mo?"
Nanatiling kunot ang noo ko. "No."
"Ex?"
"No. Wala sa isip ko iyan."
Tumango siya, tila kumalma. "Good."
Nauna na akong maglakad sa kanya papunta sa main building ng college. Hindi ko alam kung sumunod siya pero natanto kong iyon nga ang ginawa niya dahil bawat taong nakakasalubong ko ay ngumingiti sa likod ko.
"Uy, Asher! Ano iyan, ha? Chicks?" Sumulyap sa akin ang lalaki ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
"Freshman pa iyan, ha?" nanunuksong dagdag nito.
Jed chuckled behind me. "Gago! Si Rhyne, best friend ko."
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napaangat ang kilay ko roon. Wow. Kanina ay girlfriend. Ngayon naman ay best friend. Kanina pa siya sa kaka-self-proclaim, ha. Baka mamaya niyan, kapag may nakasalubong pa kami ulit, magkapatid na kami bigla.
Later on, I found out that it was Leonardo, one of his bandmates. Dahil sa kadaldalan nito, kumalat sa buong campus ang tungkol sa best friend daw ni Asher. At dahil kilala si Jed ng lahat, buong populasyon yata ng INVU ang nagkainteres tungkol sa akin.
Everyone suspected that I was his girlfriend. Hindi ko na lang pinapansin dahil hindi naman iyon totoo.
Dahil doon, walang nangahas manligaw sa akin kahit isa. Unang pahaging pa lang ay pinipigilan na ni Jed hanggang sa wala na talagang nangahas na sumubok. Kung mayroon man, kadalasan ay transferee at kapag nalalaman ang ugnayan ko sa kanya ay agad ding umaatras. Bukod pa roon ay alam kong nandiyan din si Liam na pasimpleng nakasubaybay sa akin.
I didn't mind, though. After all, I never liked dealing with strangers, and that included suitors. Iyon lang yata ang magandang naidulot ng panggugulo ni Jed sa buhay ko.
Araw-araw ay nakabuntot siya sa akin kahit hindi ko naman pinapayagan. Hanggang sa hinayaan ko na lang. Kahit si Czeila ay nagsawa na ring pigilan ang kanyang Kuya. Si Princess lang ang natutuwa at lagi pang sinasabi na sa huli raw ay sigurado siyang kami ang magkakatuluyan.
I rolled my eyes at that.
Halos araw-araw ay magkasama kaming dalawa ni Jed. He was there on my eighteenth birthday, although hindi pa niya alam ang tungkol doon sa panahong iyon. He was there when I moved out of Tita Bridgette's house and transferred to San Juan. He was there on my first day of work as an editor at APH. He was there for my graduation. He was there in every important phase of my life.
Naging matalik na magkaibigan nga kami nang hindi namin namamalayan. We were closer than I ever was to Czeila and Princess. Kilala na ako ng dalawa ngunit mas marami pa ring alam si Jed tungkol sa akin.
Until one day, he told me something that changed everything.
"Ganito na lang. Ba't hindi natin subukan? Ilang buwan na rin naman at magtu-twenty-four ka na. Sa birthday mo, kung wala ka pa ring boyfriend, ako muna."
Muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko. Sapilitan kong nilunok iyon bago ako napaubo nang ilang beses.
"Ayos ba?"
Muntik na akong mabilaukan! Lintik na Jed na ito!
On my twenty-fourth birthday, iyon nga ang nangyari. He became my boyfriend.
Ang akala ko pa noong una ay nakalimutan niya ngunit pagsapit ng gabi ay kinantahan niya ako ng "Happy birthday" sa tawag at tinawag ako sa napaka-corny na endearment niya, "heartbeat.
Noong umpisa, aminado akong sinabayan ko lang siya sa kalokohan niya. Hanggang sa maramdaman kong unti-unti na akong nagiging masaya.
He made sure that he never failed to tell me that he loved me every day, every chance he could get, even at the most random moments. Kahit malayo sa pinag-uusapan namin. Kahit sa mga pagkakataon na hindi ko nasasagot ang mga pangungumusta niya.
When my heart finally swelled with so much happiness, that was when the remnants of the past started haunting me again. I had nightmares almost every night. I had exhausting days and restless sleep. Until the light that Jed brought into my life was overwhelmed by the darkness within me.
And so I broke up with him.
Hindi niya iyon tinanggap. At kahit para sa akin ay wala na kami, para sa kanya ay hindi iyon naputol. Masyadong magulo ang buhay ko para sa kanya pero hindi niya iyon inalintana. Nangapa siya sa dilim hanggang sa muli niya akong mahanap. Hanggang sa nagpaubaya ako at hinayaan na lang ang sarili kong maging masaya kasama siya sa kabila ng mga pagdududa ko.
It was that night at the anniversary party of APH—when he braided my hair, when he saw my scar and kissed it, when we were both soaked in the rain with tears in my eyes, when we did the most iconic scene from Titanic on the rooftop, when I first told him bits of my past—that I realized I needed him in my life.
He was my lifeline, my lifesaver. He was the only light I found in my dark world.
Napangisi ako nang mahanap ang to-do list na ginawa niya noon na nakasulat sa kulay pink na papel. It looked old already. I saw it crampled in the dark corner of the closet.
Alas tres pa lamang ng umaga nang magising ako at nagdesisyong bumangon. Jed was still sleeping and slightly snoring. I couldn't help but giggle at the sight of him.Tulog na tulog siya habang ako naman ay nandito sa cabinet at naghahanap ng two-piece na susuotin sa pagligo sa dagat mamaya.
He promised me we would watch the sunrise together and swim. Ipinangako ko ring dadalhin ko siya sa likod ng higanteng bato, paharap sa malawak na karagatan.
As I scanned through his to-do list, napanguso na lamang ako. I realized he had already done more than half of it with me, even before he let me see it. Kung ganoon, noon pa lang ay iniisip na niyang ako ang pakakasalan niya? Hindi nagbago ang isip niya sa paglipas ng mga taon?
It was only days before I turned eighteen when we met in college, and he was twenty at that time.
Mula noon hanggang ngayon, he had always been very vocal about his feelings for me. Noong una ay puro mga pahaging at pagpapa-cute lamang. Pero nang maging kami ay wala nang hiya-hiyang sinasabi niya iyon. Walang preno at wala nang paliguy-ligoy.
He made sure that I wouldn't forget, which made me realize I hadn't told him about my feelings yet. Isang beses lang yata at hindi pa iyon seryoso. Napilitan lang dahil sa pambubuwisit niya. Ngayon, hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
Ibinulsa ko ang papel nang makakita ng kulay tsokolateng two-piece. Hindi pa naman gaanong malaki ang tiyan ko kaya okay na ito. I don't usually wear a swimsuit in public pero since kaming dalawa lang naman ang nandito sa dulong bahagi ng beach ay ayos lang. Gusto ko ring makita ang magiging reaksiyon niya.
Malapit nang mag-alas kuwatro y media nang magbihis ako. Habang ginagawa iyon ay napapasulyap pa ako sa tulog na si Jed at napapangiti na lang sa naiisip kong plano. Nilapitan ko ang maliit na shoulder bag na tanging dala ko patungo rito galing Maynila. I got the engagement ring out that Jed gave me years ago and put it on my ring finger.
The sunshine-inspired crystal centerstone shimmered when it got hit by the light.
Lumuwang ang ngiti ko.
Dahil maaga pa, nahiga muna ako ulit sa tabi ni Jed at nagpasyang makibalita sa Lyricbeat. As soon as I typed the band's name, countless articles popped up regarding their latest album. The album title? Heartbeat.
Napataas ang kilay ko dahil doon at nagpasyang tingnan ang tracklist. It had eight songs and was written by the man snoring beside me. Isa-isa kong pinakinggan ang mga iyon. Kung anu-ano pa ang mga pinagpipindot kong article hanggang sa mapadpad ako sa isang fan account. Naka-post doon ang mga lyrics ng kanta ng Lyricbeat, parehong luma at bago.
Hindi ako mahilig makinig sa musika at ngayong binabasa at pinapakinggan ko ang mga kanta nila ay parang ngayon ko lang na-appreciate nang tuluyan kung gaano sila kagaling. Not to mention Jed's songwriting skills.
I wasn't sure if I did the right thing by looking them up. I was suddenly overwhelmed with happiness and warmth as I realized that all the songs Jed had written since day one of his songwriting career were all about me.
What's your name, Miss?
Can I make a wish?
Can I make a list?
On how to call you
On how to make you
Look at me
Smile at me
And fall in love with me
What's your name, Miss?
Wherever she goes, I always want to be there
That girl with a black cap hugging her curly hair
Wearing my favorite shirt
Looking so insanely beautiful
What a beautiful mess
Your darkness, baby
won't make me love you less
Sa sobrang saya ng puso ko ay naupo ako at yumuko para halikan si Jed. Agad niya yatang naramdaman iyon, which earned me a groan from him. His hands and arms immediately snaked around my waist. Namumungay ang mga matang dumilat siya at tiningnan ako.
"Hi, heartbeat," malambing na bati ko. Napapansin kong good mood ako lagi dahil hindi pa ako ulit sinusumpong ng morning sickness simula nang dumating ako rito sa Orazon.
He groaned again and closed his eyes. "Why are you naked, heartbeat?" Sabay himas at pisil sa baywang ko.
"I'm not." I dropped a kiss on his neck. "Magsu-swimming tayo and wait for the sunrise. Come on, get up. Malapit na."
Isang pareklamong ungol pa ulit ang pinakawalan niya bago siya tinatamad na bumangon. Kumunot agad ang noo niya nang pasadahan ng tingin ang katawan ko. Napahawak na lang ako sa balikat niya nang lumuhod siya bigla at hinalikan ang aking tiyan.
"Good morning, baby," masuyong bulong niya sabay haplos doon. Nang tumayo siya ulit ay bumalik ang kanyang pagsimangot. "Lalabas tayong ganyan ang suot mo? Heartbeat, your boobs are bigger now. They're supposed to be for my eyes only."
"Wala namang ibang tao. Wala pa ngang sunrise, eh. Tulog pa ang mga tao at bihira lang naman ang nagagawi rito." Itinaas ko ang kaliwang kamay para ipitin ang ilang takas na buhok. "May ipapakita ako sa iyo."
Mas lalong bumusangot ang mukha niya.
Napanguso ako. Hindi niya yata napansin ang singsing?
I took a step forward and slowly caressed the bruise under the right corner of his lips and then crouched to kiss it. "Good morning, my heartbeat."
Nag-text pala si Liam kahapon na napaaga raw ang taping dito sa Orazon dahil sa schedule ng mga gaganap na artista. Hindi ko nakita kaya gulat na gulat ako nang makita ko sila ni Aphrodite sa labas ng Kopibook.
At mas lalo pang nagulantang sa ginawa niya. He punched the father of my child!
Nagdilim agad ang paningin ko nang makita kong dumugo ang gilid ng mga labi ni Jed. Alam kong hindi ako dapat nagpapadalos-dalos sa mga desisyon ko lalo na ngayong buntis ako pero hindi ko na napigilan ang sarili kong humarang sa harap niya nang makita kong umamba siyang susuntok ulit.
"Liam, don't you dare!"
I heard Jed curse behind me. I saw pain and anger in Liam's eyes. Alam kong sigurado na siyang buntis nga ako. Pero ako naman ang hindi sigurado kung iyon ba ang dahilan ng emosyong nakikita ko sa mga mata niya o dahil mas pinili kong ipagtanggol ang tatay ng magiging anak ko.
Busangot pa rin ang mukha ni Jed nang lumabas kami ng bahay, masama ang tingin sa suot ko. Ang O.A. talaga. Kaming dalawa lang naman ang nandito at madilim pa!
I giggled when my feet finally touched the seawater. Malamig ang tubig at malamig din ang simoy ng hangin. Nagmadali na akong lumusong para mapuntahan ang likod ng higanteng bato. Matagal nang nabili ni Jed ang bahay pero hindi ko alam kung nakita na ba niya ang maliit na boardwalk doon. I wanted to show it to him.
I heard him mutter another set of curses under his breath. Malalaki ang mga hakbang na sumunod siya sa akin, malakas at maingay ang bawat sipa sa dagat.
Napangisi ako nang sa wakas ay makita ang pakay ko. Hanggang baywang ko na ang tubig-dagat. Humakbang pa ako nang kaunti at tumigil lang nang umabot na iyon hanggang dibdib ko. And then I felt Jed's hands on my waist. Ang mainit niyang mga palad ay awtomatikong inibsan ang lamig na dulot ng dagat.
It was still dark, but I could clearly see the small boardwalk behind the huge rock. It was square-shaped, big enough to fit three to four people. It looked the same as how I remembered it.
I beamed at the man behind me, his forehead still creased.
Nang mapansin ang ngiti ko ay napabuntong hininga na lamang siya. "Why did you suddenly decide to come back to Orazon, Rhyne?" he asked in a husky voice.
"This is not sudden, Jed. I have been planning this for quite some time already." I smiled. My heart swelled again with warmth and happiness. "For closure. At saka, nabalitaan ko kasi 'yong tatay ng anak ko, isang linggo na raw nandito at hindi man lang nagpaalam sa akin."
Ngumuso siya, halatang hindi naniniwalang isa siya sa mga dahilan.
"Galit ka ba?" Natuon na naman ang tingin ko sa pasa niya. I extended my hand to touch it, but he tilted his head to avoid it. Lumuwang ang ngiti ko, sabay taas ng kilay. "Why are you mad?"
"Why is Liam here?" balik-tanong naman niya.
"Aagahan daw ang taping dito sa Orazon," sagot ko, nakataas pa rin ang kilay. I actually asked Liam and Aphrodite to stay at our house, pero parehong tumanggi ang dalawang lalaki.
"Ba't laging nakikialam iyon sa iyo? At manununtok na lang bigla?"
Napabuga ako ng hangin. Sa pag-aagaw ng liwanag at dilim, ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan. "Dahil alam niyang buntis ako, Jed. Napansin din niya at sinabi niya agad sa akin kaya ako nagpa-check-up. Sino'ng hindi magagalit kapag nalaman niyang ganoon ang kalagayan ko, tapos ang tatay ay isang linggo nang hindi nagpaparamdam?"
Bahagyang lumamlam ang mga mata niya.
"We grew up together, Jed. Protective iyon sa akin kahit pa ayoko sa kanya noon."
Muling kumunot ang noo niya. "Growing up together doesn't make him your brother or family, Rhyne. We've been together since college. Does that make me your brother as well?"
"No. But you became a family!" Nagsisimula na akong mairita sa pagsusungit niya. "Putangina, Jed. Nagseselos ka ba?"
"Oo. At naririnig ka ng anak natin. Stop cursing." Umirap pa ang gago. Ang sarap tuloy tirisin!
Natawa ako nang pagak. Nagpupuyos ang kalooban na bumitaw ako sa kanya at lumangoy patungo sa boardwalk. Nang umahon ako ay nakita kong naroon pa rin siya sa puwesto namin at bad trip na nakamasid sa akin.
Umirap ako. Iso-sorpresa ko pa naman sana siya, pagkatapos ay gusto niyang makipag-away? Nawalan na ako ng gana. Lalo na nang makita kong unti-unti nang lumalabas ang sinag ng araw. So much for thinking about showing off the ring I was wearing to him. Mukha namang napilitan lang siyang samahan ako rito at pinagbigyan lang ako dahil buntis ako.
Putangina, lumabas pa tuloy na ako ang pabebe dahil sa lalaking ito!
Umahon ako at naupo sa boardwalk. Ang mga paa ko'y nanatiling nakalubog sa dagat. Napatingin ako sa suot kong singsing at mas lalo lang napasimangot. Tuluyan na ngang lumiwanag at kumikinang iyon sa tama ng sikat ng araw.
Kunot-noong tiningnan ko si Jed, malayo pa rin sa akin.
"He is a Sandoval, too, Jed! Putangina talaga! Tita Bridgette is my mother's stepsister, and she is also her best friend. She was Papa's first love! At hindi niya ampon si Liam!"
Dahil kaming dalawa lang ang naroon, umalingawngaw sa karagatan ang sigaw ko. Kung hindi niya pa narinig iyon ay isasaksak ko na talaga sa baga niya ang suot kong engagement ring!
Nang sulyapan ko siya ulit, tanging bukal na lang ng dagat ang naabutan ko. He started swimming towards me. Aalis na sana ako sa kinauupuan ko dahil ayoko nang kausapin siya ngunit mabilis siyang nakaahon sa tapat ko at hinawakan ako sa magkabilang binti para hindi ako tuluyang makakawala.
"What?" hinihingal na tanong niya, madilim ang titig sa akin.
The seawater from his hair rolled down to his exposed chest. Napasunod ang mga mata ko roon. Nawala bigla sa utak ko kung bakit binalak ko siyang layuan kani-kanina lamang.
Now I understand why he was a bit tanned when he came back. Bukod sa military service na pinagdaanan niya sa ibang bansa, dito rin siya namalagi sa Orazon kung saan mainit ang sikat ng araw at napapalibutan pa ng karagatan.
Well... Kahit naman ano'ng kulay ng balat niya ay guwapo pa rin siya sa paningin ko at walang magbabago roon.
Sinubukan kong palisin ang kamay niya sa mga tuhod ko pero hindi siya nagpatinag. Kumikinang ang singsing ko kapag natatamaan ng sinag ng araw pero hindi niya talaga napansin iyon. Mas lalo lang akong na-bad trip.
"Huwag mo akong hawakan," naiinis na sabi ko.
Putangina. Paano ba niya ginagamit 'yang mga mata niya? Sa sobrang singkit ba ay hindi na niya makita ang singsing?
"What did you say, Rhyne?" seryosong tanong niya.
Mas interesado pa siya kay Liam kaysa sa suot kong singsing!
I sighed in exasperation. "Huwag mong pinagseselosan ang kapatid ko!"
Bago pa man ako muling makapagsalita ay inilipat niya bigla sa gilid ko ang magkabilang kamay, itinukod ang mga iyon at bahagyang umahon para maabot ang mga labi ko. Kuminang ang mga mata niya sa tuwa pagkatapos niya akong halikan pero nanatiling seryoso ang mukha niya.
Kung natutuwa siya sa mga nangyayari, puwes ako, hindi.
Hinawakan ko siya sa balikat at tuluyang lumusong sa dagat. Binigyan niya ako ng espasyo kaya sinamantala ko iyon para makalangoy palayo sa kanya. Napadpad ako sa malalim na parte ng dagat nang umahon ako.
Jed was looking at me with amusement in his eyes. Nagkapalit kami at ako na naman ang galit ngayon. Napakalaki naman kasi ng singsing pero hindi niya man lang makita. Buwisit siya!
Naiinis na itinuro ko siya. "And I'm taking you back pero hindi muna ngayon dahil naiirita ako sa iyo!"
"What?" His laughter resonated throughout the ocean and the woods, and it sounded like music to my ears kaya mas lalo akong nainis. Lumangoy siya pagkatapos at umahon sa harap ko. "What, heartbeat?"
"I said, I'm taking you b—"
Siniil niya ako bigla ng halik. Kinulong niya ako sa mga braso niya at mas lalong inilapit sa katawan niya. Pero bago pa man lumalim ang halik, pinakawalan niya ako at pumailalim siya bigla sa dagat habang hindi tinatanggal ang mga kamay sa aking baywang.
I opened my eyes when I felt him kiss my stomach. Hindi ko alam kung bakit nangilid ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay nalulusaw ang puso ko sa ginawa niya, kasama na ang iritasyon ko.
Mabilis siyang umahon at namumungay ang mga matang tiningnan ako. Namumula rin ang mga iyon. If it was because of the seawater or tears, I had no idea. "Ano'ng sabi mo?"
I rolled my eyes. "I'm taking you back—"
He kissed me again.
"Patapusin mo nga muna ako!" naiinis na sabi ko nang pakawalan niya ako ulit.
Mas lalong namungay ang mga mata niya. Sari-saring emosyon ang nakita ko roon. Gone was the hatred, disappointment, and agony that I saw on the night we lost our twins. Ang nakikita ko ngayon ay magkahalong pagmamahal, sakit at kaligayahan.
Which was exactly what I was also feeling at the moment.
He loved me so much. Alam ko na iyon noon pa pero minsan ay may mga pagkakataon na hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan. Hindi ko lubos maisip na may magmamahal sa akin nang ganito katindi.
When I look at you, Asher Jed N. Suarez, I only see love and forgiveness.
I didn't know he was collecting every piece of my past, every piece of my heart, in order to put it back together. To make me whole again. To heal me. Sa kabila ng lahat ng hinanakit na ibinigay ko sa kanya, he was still here in front of me, his blinding light embracing my darkness.
"I'll listen, Rhyne," paos na sabi niya. May isang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata niya.
Sumisikip na ang dibdib ko sa sobrang saya at pagmamahal para sa kanya kaya hindi ko na rin magawang magsalita. Itinaas ko ang aking kamay at ipinakita sa kanya ang singsing.
His eyes glistened once again.
"I'll name her April Ashandra if she's a girl. If he's a boy..." My voice cracked. Hindi na rin nahiyang tumulo ang mga luha ko.
"It'll be a girl this time. Sigurado ako. Sobrang sungit mo ngayon. Noong isang gabi, nanaginip ka at minura mo ako nang ilang ulit."
Naiyak lang ako lalo. "I love you so much, Jed. And I promise I will never abandon our child again."
Napawi ang ngisi niya. I saw how his Adam's apple moved when he swallowed hard to stop the tears, but he still failed anyway.
"And I will never abandon you again, Rhyne. Hanggang dulo na ito. Hanggang maubos ang kaluluwa ko. Hanggang sa kahuli-hulihang tibok ng puso ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top