Chapter 9
Chapter 9
"Yes! Thank you talaga, Rhyne! Alam naming sa iyo lang talaga siya makikinig," masayang wika ni Czeila. "Ang sakit niya talaga sa tiyan!"
"Thank you, Rhyne!" narinig kong sabi rin ni Tita Jessie. Malapit lang yata siya kay Czeila kaya alam na ako ang kausap.
Mabilis akong nagsuot ng itim na hooded sweater pagkatapos ng tawag na iyon. Dahil malapit nang mag-hatinggabi ay hindi na ganoon kagrabe ang traffic dito sa San Juan. Wala pang tatlumpung minuto ay nasa subdivision na ako nina Czeila.
May dalawang palapag ang Korean-style modern mansion ng mga Suarez. Puti, midnight gray at mahogany ang kulay ng exterior ng buong bahay. Ganoon din sa loob ngunit may iba't ibang klase ng hardwood na dingding. Makikita ang malawak na hardin sa likod mula sa loob ng bahay dahil sa floor to ceiling na glass wall niyon. Sa gilid niyon ay ang kanilang malaking swimming pool.
Pinapasok agad ako ni Czeila nang malamang nasa labas na ako. Tita Jessie looked worried but then smiled as soon as she saw me. "Thank you so much, Rhyne! I think Asher is sleeping already. Pero pakisilip na lang ulit, hija? Ininit ko ulit ang sopas na hindi niya ginalaw kanina."
Czeila went out of the kitchen with a big tray in her hands. Dalawang bowl ng sopas ang nakalagay roon, isang pitsel ng tubig, isang baso at gamot para sa trangkaso. "Halika na, Rhyne."
Nagpaalam na ako kay Tita at sumunod kay Czeila paakyat sa second floor.
Pito ang kuwartong magkakatabi na nakapaikot sa buong palapag. Nasa pinakadulo ang soundproof music room malapit sa terasa. Dalawang kuwarto ang nakapagitan sa kanila ng kuwarto ni Jed.
"Wala ba riyan si Kuya Inigo?"
Umiling si Czeila. "Hindi na iyon umuuwi rito. Bihira na lamang kapag may okasyon kaya solo na ni Kuya Asher ang kuwarto."
Napatango ako.
Kumatok nang dalawang beses si Czeila bago binuksan ang pinto. Sumilip ako at agad na nakita si Jed, nakatalikod sa amin at balot ng kumot hanggang leeg. Sinenyasan ako ni Czeila na huwag munang mag-iingay. Sumunod ako sa kanya nang tuluyan siyang pumasok.
"Kuya, ininit namin ulit ang sopas." Inilapag niya ang tray sa side table.
Jed groaned. "Sabi nang itutulog ko na lang ito. Ayokong kumain."
Tumaas ang kilay ko roon. Ngayon ko lang siyang narinig na tumanggi sa pagkain.
Namaywang si Czeila. "Then why are you still awake?"
"You keep coming back here. How am I supposed to sleep?" Garalgal na ang boses niya ngunit may energy pa ring makipagtalo sa kapatid.
"Isusumbong talaga kita kay Rhyne!"
Pumalatak siya. "Don't tell her," seryosong sabi niya. "Umalis ka na nga!"
Umirap si Czeila kahit hindi siya nito nakikita. Pagkatapos ay kumindat sa akin bago lumabas ng kuwarto.
Napahalukipkip ako habang iginagala ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto. Dahil share sila nito noon ni Kuya Inigo ay mayroong dalawang kamang magkatapat. Parehong may shelf sa gilid ng kanilang mga kama. Sa shelf ni Jed nakalagay ang iilang libro at mga awards na natanggap niya bilang songwriter. Kay Kuya Inigo naman ay mga cookbooks.
Pagkasara ng pinto ay siyang pag-upo ko naman sa gilid ni Jed.
Naramdaman niya siguro iyon dahil gumalaw siya. "Hindi mo ako maloloko, Czei, ha? Umalis ka na habang mabait pa ako."
Muling tumaas ang kilay ko sabay irap. Hindi ako umalis sa aking puwesto. Bahagya ko pa siyang hinarap.
Napakamot siya sa ulo sa inis bago bumalikwas ng bangon para harapin ako. "Sabi na ngang uma—" Natigilan siya bigla at nanlaki ang singkit na mga mata nang makita ako sa halip na si Czeila. "Rhyne! Ano'ng ginagawa mo rito?!"
Wala siyang damit pang-itaas. Balot man ng kumot ay nakita ko pa rin ang pagsilip ng kanyang abs dahil bahagyang nahawi iyon sa biglaan niyang pagbangon.
Napansin niya yata ang pagtitig ko sa katawan niya dahil unti-unti niyang inayos ang kumot para muling balutin ang katawan.
Umakyat ang tingin ko sa kanyang mukha at umirap. Nanlalalim na ang kanyang mga mata at namumutla siya. He looked really sick, but he kept insisting that it would go away by just sleeping? Muli akong napairap.
Humiga siya ulit ngunit paharap na sa akin at mas lalo pang lumapit. "Rhyne," daing niya na tila nagpapaawa. Paos na ang kanyang boses at parang sisipunin na rin yata.
"Czeila called. Ba't ka kasi nagpaulan? Tapos ayaw mo pang malaman ko?" kunot ang noong tanong ko sa kanya. "And why aren't you eating? Talagang mas lalo kang manghihina kung ayaw mong lamnan ang tiyan mo. Tulungan mo naman ang sarili mo."
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa kama habang nakikinig sa akin. "Rhyne naman, eh. Kaya ayokong malaman mo, eh. Magagalit ka na naman. Hindi pa nga kita nasusuyo ulit, magagalit ka na naman."
Namumungay ang mga matang tiningnan niya ako. Bukod sa may sakit siya, tingin ko ay inaantok na rin siya. Sinabayan pa ng pagpapaawa niya para hindi ako magalit. Pinilit niya ang sariling ngumiti. "Tulong?"
Busangot ang mukhang umusod ako palapit sa kanya. Inabot ko ang sopas at hinalo iyon. "Upo."
Nahihirapan man ay bumangon siya at sumandal sa headboard ng kanyang kama. Nang mag-angat ako ng tingin ay kumislap ang kanyang mga mata habang mataman akong tinititigan, may pinipigilang ngiti sa kanyang mga labi.
"What?"
"Sungit." This time ay hindi niya na napigilang ngumiti. "You came here immediately in the middle of the night when Czeila told you because you were worried about me?"
Pumalatak lamang ako. Ayokong patulan ang panghuhuli niya at alam kong mas lalo niyang gagawin iyon. Kahit may sakit ay may gana pa rin talagang mang-inis ang gago.
"Just eat." Inilahad ko sa kanya ang kutsarang may laman nang sopas.
Mas lalong lumuwang ang ngiti niya. "I love you, Rhyne," out of the blue na pahayag niya. Kumikislap ang mga mata niya sa saya.
Napabuntong hininga ako. "Pupuwede bang kumain ka na muna?"
"Then we'll talk about us after?" Hindi pa rin matanggal ang ngiti niya.
"Then you'll sleep after."
Napanguso siya sa sagot ko. "Hindi ka talaga marunong kiligin, ano?"
Isinubo ko sa kanya bigla ang kutsara. Siya naman ngayon ang umirap at tila napipilitang nguyain ang nasa bibig. Tahimik na pinakain ko siya at sinadyang ignorahin ang mga hirit niya. Ang gusto ko ay maubos na niya agad iyon para makauwi na ako.
Sa gitna ng pagkain niya ay may kumatok. Nang lingunin namin iyon ay bumukas ang pinto at sumilip si Czeila. Napataas ang kilay nito nang makitang kumakain na ang Kuya nito.
"Sabi na nga ba't si Rhyne lang ang hinihintay!" akusa nito sa maarteng pasyente ko. "Mama is asleep already. Matutulog na rin ako. Rhyne, huwag ka nang umuwi at dito ka na lang matulog."
Kitang-kita ko kung paano umaliwalas ang mukha ni Jed nang marinig iyon ngunit agad ding napawi sa sunod na sinabi ng kapatid.
"Hindi ko ila-lock ang kuwarto ko para makapasok ka. Thank you, Rhyne, sa pag-aalaga sa buwisit kong Kuya!" Humalakhak ito nang makita ang busangot na mukha ni Jed.
Naiinis na kinuha niya ang unan at ibinato iyon sa kapatid ngunit saradong pintuan na lamang ang naabutan.
I almost smiled when I saw his creased forehead. Dahil nagkalaman na ang tiyan ay unti-unti na ring bumabalik sa dati ang kulay ng mga pisngi niya. Naubos niya ang dalawang sopas nang hindi namin namamalayan. Pagkatapos niyang kumain ay pinainom ko na siya ng gamot.
"Now, go to sleep," sabi ko habang nililigpit ang mga pinagkainan niya.
"No, we'll talk," he insisted like a kid.
"Ano'ng pag-uusapan natin? Matulog ka na't ano'ng oras na?" Naiinis na naman ako at mas lalo siyang nagkaroon ng lakas para mangulit ngayong nakakain na siya nang maayos.
"Tungkol sa atin!"
"Kung ayaw mong matulog, uuwi ako."
Napabuga siya ng hangin. Tuluyan siyang huminahon at dahan-dahang humiga, nakatitig sa akin. "I'm cold, Rhyne."
Walang salitang lumapit ako sa cabinet niya at kumuha ng itim na t-shirt doon. Bumalik ako sa kanya at inihagis sa kanya ang damit. "Sino ba naman kasi ang nagsabing maghubad ka?"
"Eh pinagpapawisan din ako kanina," katwiran pa niya.
Napairap ako. Kung anu-anong gusto niyang idahilan.
"Bakit? Nahihiya ka ba sa abs ko?" Humalakhak siya.
Tumayo na ako para sana iwan siya ngunit agad niyang nahuli ang kamay ko.
"Teka lang, ito naman, pikon agad. Dito ka muna sa akin." Lumamlam ang mga mata niya nang makitang muli akong naupo sa tabi niya. "I'm cold, Rhyne. Can I hug you?"
"Magseryoso ka nga! May sakit ka na't lahat, ganyan ka pa rin," saway ko sa kanya.
"What? Palagi naman kitang niyayakap noon, ah! Ano'ng kaibahan ngayon? I'm sick and I need a warmer. I need a human blanket. Nahihiya ka ba?" nakakalokong tanong niya.
"Why would I be fucking shy?!"
"Then hug me!" hamon niya.
Umirap ako bago ako humiga sa tabi niya. I saw his triumphant smile before that kaya muli ko siyang inirapan.
Hinawi niya ang makapal na kumot at ibinalot din ako roon. I felt his sneaky arms snake around my waist and locked his hands on my stomach. Naramdaman ko ring isinubsob niya ang kanyang pisngi sa aking leeg habang humihinga nang malalim. "Baka mahawa ka," bulong niya pero ayaw namang humiwalay sa akin.
I rolled my eyes. Maya-maya ay narinig ko ang mahina niyang mura.
"Rhyne," tila nagtitimping sabi niya bigla.
"What?" Gusto ko na rin tuloy mapamura.
"You are not wearing a fucking bra!"
With that remark, saka ko lang namalayan. Hindi nga pala ako nakapagsuot niyon sa pagmamadali kanina. Nawala na sa isip ko. Okay lang naman iyon dahil makapal ang sweater na suot ko.
"You drove here on your motorbike without your fucking bra?!" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
Napabuga ako ng hangin. "I'm wearing a thick sweatshirt, Jed. And it's in the middle of the night. Nobody will notice—"
"Eh bakit ramdam ko?!" Naghuhuramentado pa rin ang gago.
"Then let me go! Uuwi na ako—"
"Can I touch it?"
"Putangina!" malutong na mura ko sa biglaang tanong niya.
Humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalong ibinaon ang mukha sa leeg ko na tila nagtatago. "I'm sorry. But I'm going to tell you a secret. I've always wanted to... you know... touch them. Especially when you're only wearing a sleeveless top and... I could perfectly see... the curve..."
He slowly traced little circles on my bare stomach. Ni hindi ko namalayan na pumasok na pala sa sweatshirt ko ang gagong kamay niya. "I'm sorry. But they're big. I would never not notice." Huminga siya nang malalim.
Pakiramdam ko ay sinisilaban ako ng apoy sa magaan at nakakakiliting haplos niya. 'Tangina, pati yata ako ay mukhang lalagnatin.
"'Tangina, Jed..." I gasped when I felt his hand under my boobs. I tried so hard to calm myself down. I couldn't help but gasp again, anticipating his next touch. Putangina talaga.
"At... nakakahiya mang aminin, it turns me on when you curse," he sensually whispered.
Shit!
Bigla akong bumangon at hinampas siya ng unan sa mukha. "I can't believe you're telling me all these things! 'Tangina talaga!"
Humalakhak siya habang umiilag sa mga hampas ko. "What? Stop cursing or else I'm going to be very turned on."
"Walang hiya ka, ang manyak mo talaga!"
Natigilan ako sa paghampas sa kanya nang bigla siyang bumangon at nahawakan ang aking pala-pulsuhan. Nabitawan ko ang unan nang magkatinginan kami.
"Why did you break up with me, Rhyne?" Malungkot ang mga mata niya kahit kakagaling niya lang sa pagtawa kanina. "Am I not enough? Is it true that you like Liam?"
Matagal akong hindi sumagot at tiningnan lamang siya. Ayokong magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.
"Tell me, please," malambing na sabi niya.
Napabuntong hininga ako. "I don't need a boyfriend, Jed. I need my best friend."
Napahinga rin siya nang malalim. Mas lalong lumungkot ang mga mata niya ngunit ngumiti siya at marahang tumango. "I love you," he whispered, and then kissed my forehead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top