Chapter 7

Chapter 7

And so, I made up my mind.

Pero muntik nang magbago ang isip ko nang isang araw ay nakita ko siya paglabas ko ng APH. He was smiling from ear to ear, looking so excited as he ran towards me.

I missed him so much. I wanted to hug him so much. I never thought I could miss him like this. Pero kung hahayaan ko siyang mapalapit nang husto sa akin nang higit pa sa pagkakaibigan, makakaya ko bang makitang unti-unting mawala ang mga ngiti niyang ito?

No, I couldn't. And I didn't want him to suffer as much as I did, as much as I still do.

"Rhyne!" masayang tawag niya sa akin at nang tuluyang makalapit ay niyakap ako nang mahigpit. "Heartbeat ko, I miss you so much!"

Napapikit ako. We were in front of the APH building, and there were people passing by. Paano na lang kung may makakilala sa kanya sa kabila ng kanyang sumbrero?

"Jed, let's break up," diretsang sabi ko nang pakawalan niya ako.

I watched how his big smile slowly faded away as he processed what I just said. Nang makitang seryoso ako ay kumunot ang noo niya. "What?"

Napabuntong hininga ako. Sa kabila ng ingay ng mga tao sa paligid namin at sa mga sasakyang paroo't parito sa kalsada, alam kong narinig niya nang malinaw ang sinabi ko. At hindi iyon mahirap intindihin.

"Mauna na ako," sabi ko na lang nang hindi pa siya umimik.

Bago pa man siya makapag-react ay nagtungo na ako sa aking motorbike.

Umuwi akong wala sa sarili. Wala akong sakit na maramdaman pero... pakiramdam ko'y nawalan ng laman ang dibdib ko. I felt hollow more than ever. I couldn't even feel my own heartbeat.

Naabutan ako ng traffic sa daan kaya pasado alas sais na nang makarating ako sa bahay. Madilim na kaya nagsimula na ring sumindi ang mga streetlights. Ilang bahay pa ang dadaanan ko nang mamataan kong may nakaupo sa hagdanan sa tapat ng bahay. Alam ko na agad kung sino iyon dahil sa nakaparadang Hyundai Elantra sa tapat.

Itinigil ko ang minamanehong motorbike sa likod niyon.

Agad na tumayo si Jed nang mapansin ako. Nakapamulsang pinagmasdan niya akong lumapit sa kanya.

Napahinga ako nang malalim bago lumapit sa kanya. I actually expected him to show up. Alam kong hindi niya tatanggapin nang ganoon lang kadali ang sinabi ko sa kanya kanina sa labas ng APH. Sigurado akong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi kung bakit gusto ko nang maghiwalay kami.

"What do you mean, let's break up, Rhyne?" kunot ang noong bungad niya. Diretso ang masamang tingin niya sa akin at pilit na hinahanap ang tinatago ko sa aking mga mata.

I stared back at him as cold as I could. "Ano'ng hindi mo maintindihan doon?"

Bumagsak ang balikat niya sa lamig ng boses ko. Ang kaninang masamang tingin niya ay naging malamlam na para bang nagmamakaawa at tila iniisip pang kasalanan niya kung bakit gusto ko nang kumalas sa relasyon namin. "Ano'ng problema, Rhyne? May nagawa ba ako?"

I sighed in exasperation. "It's as simple as, 'let's just break up, Jed.' Magkaibigan naman tayo. And I think na mas mabuti pa ngang bumalik na lang tayo—

Umiling-iling siya agad hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko. "May usapan tayo—"

"It wasn't exactly an agreement because I never agreed," I coldly said. May naaninag akong sakit na dumaan sa kanyang mga mata ngunit agad siyang pumikit kaya hindi ako sigurado roon.

Umiling siya ulit. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. Hangga't wala kang nagugustuhang iba." Nang magmulat siya ay namumula na ang mga iyon na parang siya pa ang nasaktan sa sariling mga sinabi.

Marahas akong bumuntong hininga. "Fine, then. I like Liam—"

Bigla niya akong kinabig at hinalikan kaya natahimik ako. It was only brief and swift, but enough to shut me up. Ni hindi tumagal nang higit pa sa isang segundo ang paglapat ng mga labi namin pero nawindang pa rin ang sistema ko.

'Tangina.

Mas lalong namungay ang mga mata niya nang pakawalan ako, nagmamakaawang bawiin ko ang sinabi ko. "I'm not buying that," he confidently said, taliwas sa nakikita kong insecurity sa mga mata niya ngayon. Nagtiim-bagang siya sa pagpipigil.

Napalunok ako, hindi pa rin nakakabawi sa biglaang halik niya.

"You deserve someone better, Jed. And it's not me," pinilit kong sabihin. "Huwag mo nang ipilit ang tayo. This thing—" Itinuro ko ang aking puso. "—just doesn't work."

Umiling agad siya. "No. No, Rhyne. I don't need better. You are the best already, Rhyne." Nanginginig na ang kanyang boses at mas lalong namula ang mga mata.

Naiinis ako na ganito niya ako kamahal. Naiinis ako sa sobrang taas ng tingin niya sa akin, like I was a goddess that everyone loved and no one deserved. When, in fact, it was actually the other way around. It was me who never deserved someone as warm and bright as him. I never knew love as pure and selfless as his love for me, but I don't think I could accept that. He was too good to be true. And I was too dark for him.

"Hindi ko ipipilit, Rhyne. I'm just going to put everything in their right places. Anim na taon, Rhyne. I gave you six years to fall in love with me. Kulang pa rin ba? I can give you more years if you want." He sounded desperate. "Pero kung hindi eepekto sa iyo ang pagiging best friend, I'll be your boyfriend then. I'll make that thing inside your chest beat for me."

Ever since I was a kid, I've had no problems rejecting people. It was all easy. Tita Bridgette, Liam, strangers and suitors... But with Jed, everything was just too hard.

Napailing ako. Hindi na ako sumagot at iniwan ko na lamang siya sa labas nang hindi nagpapaalam.

Pagpasok ko sa bahay ay tumunog ang aking cellphone. Hindi ko na sana iyon sasagutin dahil ang akala ko ay si Jed lang ang tumatawag para muling mangulit ngunit nang makita ko ang pangalan ni Tita Bridgette, pinindot ko agad iyon.

"Hello, Kazandra?"

I pursed my lips. Pagod na akong sabihin sa kanya na ayoko sa pangalang iyon.

"Sigurado ka na ba talagang hindi mo na tatanggapin ang bahay niyo sa Orazon?" alanganing tanong niya.

That was out of the blue, but I answered anyway. "Wala na akong balak bumalik pa sa lugar na iyon, Tita," nanghihinang sagot ko. Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan ni Jed sa labas. "Tita, I told you. You can take it—"

"Someone wants to buy the ancestral house, Kazandra..." She trailed off.

Natigilan ako, tila nabuhayan ng dugo sa narinig.

Who would want to buy that old, abandoned house? Oo at pinapalinisan naman iyon ni Tita Bridgette nang regular kada buwan ngunit abandonada pa rin iyon. Almost a couple of decades was a very long time. They say houses become weak if no one lives in them, regardless of how strong the foundation is. Kaya sino ang himalang nagkainteres doon?

"Okay, you can sell it."

Tita Bridgette sighed. "Sigurado ka na talaga? Because this person is going to pay in cash. Full payment. Are you sure you're not going to regret this?"

"I already abandoned it years ago, Tita. I have no plans to reclaim it."

Pagod ang utak ko dahil sa mga nangyari. Pagkatapos kong naligo ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Pero pagod man ay nakahinga pa rin ako nang maluwang.

The old house in Orazon was one of the things that tied me to the past. I might have abandoned it years ago, but the invisible string was still there. Knowing that it was still under my name tied me down and locked me in place. Malayo na ako ngunit tila nakakulong pa rin ako sa mga nangyari sa bahay na iyon.

And now that someone is finally willing to buy that old house, pakiramdam ko ay gumaan nang kaunti ang nakadagan sa dibdib ko. I could finally breathe a little. Kahit kaunti lang, malaking bagay na iyon para sa akin.

Tinitigan ko lamang ang aking cellphone nang tumunog iyon sa tawag ni Jed. I did not answer. Gusto kong malaman niyang seryoso ako sa pakikipaghiwalay sa kanya.

That night, my nightmares stopped.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top