Chapter 6

Chapter 6

Kung kailan gusto ko nang sumaya nang tuluyan ay saka naman ako hahabulin ng nakaraan.

I heard a gunshot, and as soon as I opened my eyes, I realized it was a dream. It was another nightmare, showing me again what happened in the past.

Lumuluhang napapikit ako ulit habang nakikita sa aking isipan ang dugong nagkalat sa sahig sa paligid ni Papa. I stood there motionless while watching him catch his breath. May malakas na iyak akong naririnig ngunit ang atensiyon ko ay na kay Papa na nanghihina man ay paulit-ulit pa rin ang pagsambit sa aking pangalan.

"Kazandra..."

For so many years, the sound of my first name haunted me. Every time I heard people call me by that name, my mind would shut down and I'd shiver in fear. It took me a long time to get over that.

Mabilis na namugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak. Itim na sumbrero ang sinuot ko para hindi iyon gaanong mapansin. Idagdag pa ang salamin ko.

Fifteen minutes before seven ay nasa bahay na si Jed kaya maaga kaming nakarating sa APH. Eight thirty ang madalas kong pasok kaya nagulat ako sa dami ng taong sasakay ngayon sa elevator.

Jed held my hand para hindi ako mahiwalay sa kanya. Nasa pinakasulok kami ng elevator. Ang mga nasa unahan namin ay mga kasamahan ni Aphrodite sa Art Department. Nakita kong may hawak na transparent folder ang isa. Hindi ko sana papansinin iyon kung hindi ko lang nakita ang pamilyar na mukha sa litratong nasa loob niyon.

Wala sa loob na humigpit ang hawak ko sa kamay ni Jed.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto ni Ma'am President na gamitin ang mga pictures ni AA Perez para sa book cover ng bagong series ni Dinn," sabi ng isang baklang illustrator. "I mean, if we are going to use a real person's picture, we have many beautiful actresses, local man o foreign. Why AA Perez?"

"Hindi ba't supermodel ito noong 1980's?" tanong ng may hawak ng folder.

"Yup. Sikat na sikat talaga iyan noon. International supermodel ba naman. My mom was a fan. Maraming posters sa bahay kaya matagal ko na siyang kilala," sagot naman ng isa. "I heard she got married in the early nineties at medyo nag-lie low sa modeling industry nang mabuntis at manganak."

"May nabasa ako somewhere... although I'm not sure kung legit iyon, na nabaliw raw iyan eventually."

I gritted my teeth in annoyance. Ni hindi ko na napansin na hinigpitan din ni Jed ang hawak niya sa kamay ko.

Nang bumukas ang pinto ng elevator sa floor namin ay nakisiksik ako agad sa mga naroon at inunahan na sila sa paglabas. Walang lingon-likod akong naglakad palayo kahit may narinig akong nagreklamo.

"Rhyne!" habol sa akin ni Jed.

I was still pissed off when I reached my cubicle.

Ano ulit ang sinabi nila? The president wanted AA Perez to be on the book cover of Dinn's new series? Si Tita Bridgette? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Why the fuck? Bakit kailangan pang gumamit ng totoong tao kung kaya namang gumuhit nina Aphrodite at ng buong team ng Art Department ng fictional character na naaayon sa deskripsiyon ng manunulat?

"Rhyne, I will be busy for the next two months," sabi ni Jed pagkaupo sa aking tabi, hindi yata napapansin na masama na ang timpla ko. "We were invited to perform at the Oktoberfest."

Hinalughog ko ang folder ng mga manuscript galing kay Dinn. I searched for her new series and read the synopsis. The overall theme was Greek mythology. And I must admit that AA Perez's face suited the concept.

Pero kahit na.

"So before that happens, I want to meet your dad," out of the blue na sabi ni Jed.

"What?" Nilingon ko siya bigla.

"Your dad, August Daniel Sandoval. Hindi ko pa siya nakikita. I want to meet your dad, Rhyne."

Images of the rusty blood on the floor started popping in my mind as I processed what he said. Napapikit ako para palisin iyon sa aking isipan. Napahinga ako nang malalim. Itinago ko sa ibaba ng desk ang nanginginig kong mga kamay para hindi niya iyon mapansin.

"He's dead, Jed," marahang sambit ko. Every word stung.

Sandali siyang natahimik sa tabi ko.

I opened my eyes when I heard his next question.

"Then... your mom?" tila naninimbang na tanong niya pagkaraan ng ilang sandali.

Naikuyom ko ang aking mga kamay at nagpatuloy sa pags-scroll. "She's gone as well."

True to Jed's words, naging masyado nga silang abala sa sumunod na dalawang buwan bilang preparasyon sa nalalapit na Oktoberfest. It was a beer and music festival. Ang alam ko ay gaganapin iyon sa CGC Foodzone sa Bacolod.

Dahil parehong abala ay bihira lang kaming magkita. Madalas akong mapag-isa sa bahay lalo na kapag weekend. Pero maya't maya naman ang mga text at tawag niya sa akin kaya parang wala ring distansiya.

My nightmares have become more frequent. Noong una ay minsan lamang akong bangungutin sa loob ng dalawang linggo. Hanggang unti-unti ay naging isang beses sa isang linggo. And then every other night. Hanggang sa naging gabi-gabi na ang pagdalaw sa akin ng nakaraan.

Naging regular iyon sa buhay ko pero may isa akong napansin. Kung hindi nagpaparamdam si Jed ay hindi ako binabangungot. Nang minsang buong araw kaming nag-usap sa tawag ay matinding bangungot naman ang dinanas ko kinagabihan.

I thought I was back in the past. I thought I wouldn't be able to wake up again.

Umabot na sa puntong hindi ko na matagalan ang bahay nang mag-isa dahil nagsusumigaw ang katahimikan doon. Kaya nang yayain ako nina Czeila at Princess na pumunta sa mall ay agad ko nang pinaunlakan. Sinundo nila ako sa APH at dumiretso na kami sa pinakamalapit na branch ng SM.

Malapit na raw ang birthday ng panganay ng pinsan ni Princess na si Xandie at nagpapatulong itong pumili ng regalo. Mabuti iyon para panandaliang maabala ang utak ko sa ibang bagay. Iilang boutique at store na ang napasukan namin ngunit wala pa rin siyang mapili.

Sa huli ay napagdesisyunan naming tatlo na kumain muna ng early dinner. Pumasok kami sa isang Chinese restaurant kung saan namataan ko sa pinakadulong table sina Liam at Tita Bridgette.

Tumango lamang ako nang kumaway si Tita. Liam looked at me intently. Iniwas ko na lamang ang aking tingin at ibinigay ang aking order sa waiter na naghihintay.

After dinner, muli kaming nag-ikot at pumasok sa isang Japanese boutique na nadaanan. Ayon kay Princess ay mahilig din daw sa anime ang anak ni Xandie kaya gusto niyang bilhan ng costume. I heard she found an Uzumaki Himawari toddler set, and when I was about to follow her, napasinghap ako bigla nang mapatapat ako sa isang puting dress na may disenyong tila wisik ng pulang pintura.

Biglang nablangko ang utak ko at wala akong ibang makita kundi ang suot kong puting dress na natalsikan ng dugo ni Papa. I was already hyperventilating when Czeila noticed me. Sunod na namalayan ko na lang ay nasa tabi ko na silang dalawa. Pinapaypayan ako ni Czeila at si Princess naman ay naririnig kong nanghihingi ng paper bag.

I couldn't calm down. No matter how hard I tried to push the images of blood and the sound of crying away from my mind. Mas lalong nagpa-panic ang buong sistema ko sa bawat segundong lumilipas.

"Kazandra!"

I heard Liam's voice.

"Oh, my God! What happened?!"

It was Tita Bridgette. Hinanap siya ng aking mga mata at nang tuluyan ko siyang makita ay napapikit ako. I wanted so much to ask for help, to get me out of this cage of misery. Pero nawalan na ako ng malay pagkatapos niyon.

When I woke up, I was already at home. Naamoy ko agad ang ginigisang bawang at sibuyas mula sa kusina. I slowly opened my eyes and saw Tita Bridgette beside me. She was scrolling through her phone, and she looked worried.

"What's wrong, Tita?"

Nagulat siya't napatingin sa akin nang magsalita ako. Inilapag niya ang kanyang cellphone sa side table at maagap na dinaluhan ako. "How are you feeling, Kazandra?"

Napapikit ako pagkasabi niya niyon. "Please, Tita..." Sumasakit na naman ang ulo ko. "Don't call me Kazandra."

Napabuntong hininga siya. "What happened, hija? Your friends said you were okay, and then suddenly you hyperventilated. Mabuti na lamang at napadaan kami ni Liam—"

"Is she awake, Ma?" Boses iyon ni Liam.

Iginala ko ang aking paningin sa buong bahay at nakita kong nasa kusina sina Princess at Czeila. Liam probably helped them out dahil nakita kong galing din siya roon nang palapit na sa amin.

When Tita Bridgette confirmed that I was awake, nagmamadaling lumapit na rin sa amin sina Czeila at Princess. Umupo sa tabi ko ang dalawa habang si Liam naman ay tumayo lamang sa likod ni Tita Bridgette.

"We were so worried, Rhyne! Ano bang nangyari at bigla na lang..." Czeila trailed off, nangingilid ang mga luha. "I was so scared because you wouldn't calm down."

Tinapik-tapik ni Princess ang balikat niya. "We made arrozcaldo. I'm sure you're famished. Kain na muna tayo."

"Are you okay now, Kazandra?"

Lumipat ang tingin ko kay Liam nang marinig ko ang baritono at seryosong boses niya. He was looking intently at me, mapupungay ang mga mata at tila malungkot.

"I'm fine, Liam. Thanks," matipid na sagot ko.

"Sigurado ka? You still look pale. Sana pala, Liam, ay sa ospital na lang natin siya dinala," nag-aalalang sambit ni Tita na binalingan ang lalaking nasa likuran niya.

"I should probably call Kuya Asher and inform him—"

"Huwag na, Czeila," kunot-noong agap ko. "Ayos na talaga ako. Wala lang iyon."

Ayokong malaman ni Jed ang tungkol dito dahil alam kong iiwanan niya ang kanyang trabaho para lang pumunta sa akin. I didn't want to be a burden to anyone, lalung-lalo na sa kanya. Maayos naman na talaga ang pakiramdam ko.

"Waeyo? Kuya is your boyfriend, and I think he needs to know what happened to you while he was away." She looked upset.

Nakita kong nagtiim-bagang si Liam at nag-iwas ng tingin. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pinigilan na lamang ang sarili.

"Huwag na, Czeila. I'll call him later."

"I'll set the table. Alam kong na-stressed tayong lahat dahil sa nangyari kaya kumain muna tayo," ani Princess.

I forced myself to get up. Sa halip na sa kama kumain na ipinagpipilitan ni Czeila, bumangon ako at sumabay sa kanila sa hapag para ipakitang ayos lang talaga ako. My head was still slightly spinning, but tolerable.

Everyone insisted on staying at my house for the night para samahan ako ngunit tinanggihan ko iyon. Mas gusto kong mapag-isa at matulog na lamang ulit pag-alis nila.

I was getting ready to go to bed when Jed called me. Napamura ako nang maisip na baka naikuwento na agad ni Czeila sa kanyang Kuya ang nangyari kanina.

Humiga ako at sinagot iyon. Ang una kong narinig ay ang malalim na paghinga niya. Napapikit ako sa epekto niyon sa aking sistema. I felt calmer than before.

"How are you, heartbeat?" tanong niya sa malalim at tila pagod na boses.

Mas lalo kong naramdaman ang pagkalma ng aking sistema. This time, even his cheesy endearment did not irritate me. It soothed me instead and calmed my disturbed soul. Sa madilim kong mundo, unti-unti kong nakita ang liwanag habang pinoproseso ang kanyang boses at ang kanyang sinabi.

Whenever I go almost out of my mind, he was always there to keep my sanity intact. Whenever I start to break down, he was always there to put the pieces back together. He was my umbrella in every rain. He was always my lifesaver.

On my darkest days, in my darkest version, he was the brightest of all lights.

And when I became calm again and allowed myself to be happy with him, allowing the light emanating from him to shine on the darkness within me, the past would chase me down again. The nightmares would appear again.

Sadly, his light wasn't enough to remove the darkness within me, the blackness of my heart. If I stay in the dark while I am with Jed, then later on, the darkness will slowly but surely consume him as well. Ayoko mang mangyari pero mahihila ko siya pababa sa impiyernong kinasasadlakan ko. Madadamay siya sa komplikasyon ng buhay ko.

I don't want him to fight with me in the battle I know I'm bound to lose. My past will never stop haunting me until I'm torn into pieces. I should end things between us before that happens.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top