Chapter 5

Chapter 5

"Finally, Rhyne! Ang akala ko ay gusto mong tumandang dalaga! Nagka-boyfriend ka na rin sa wakas!"

Mula kay Jed ay nalipat kay Czeila ang irap ko. At hindi na yata nawala ang pagkabusangot ng mukha ko sa paglalim ng gabi dahil sa kung anu-anong congratulatory message ng mga kabanda niya. Maging si Kuya Mico ay nakisali.

With that, natanto kong totoo nga talagang kami na ni Jed.

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin dahil malambing naman na talaga siya sa akin simula pa noon. But that cheesy endearment he always uses in front of other people always gets on my nerves. Hindi naman required magkaroon ng endearment sa isang relasyon, hindi ba? Pero kina-career masyado ng gago.

Everyone already knows that he's my boyfriend now. Lyricbeat, APH, at ang mga Suarez. Of course, alam na ni Czeila kaya malalaman talaga ng buong pamilya nila. And Jed couldn't stop bragging about us whenever he had a chance kaya alam na rin sa APH. Pasalamat na lang siya at hindi tsismosa ang mga kasamahan namin. Hinihintay ko ngang mabalita siyang may girlfriend na pero mabuti at wala naman.

Tita Bridgette was happy about it. Liam, though, wasn't. I mean, maybe. Hindi ako sigurado. Dahil sa tuwing nagkakasalubong sila ni Jed, kung hindi parehong mainit ang mga ulo ay malamig naman ang trato nila sa isa't isa.

"Aphrodite, okay na?" tanong ni Jed nang makarating kami sa aming palapag.

Nilingon kami ni Aphrodite at pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Oo, Kuya. Tara! 'Buti na lang at maganda ang panahon ngayon. Hindi masyadong maaraw at payapa lang ang hangin. Inakyat ko na agad kanina ang mga pintura."

Didiretso na sana ako sa aking cubicle dahil wala naman akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Kaya lang ay agad akong pinigilan ni Jed. "Not so fast, heartbeat."

Lumuwang ang ngiti ni Aphrodite sa itinawag sa akin ni Jed.

"Tanginang endearment na iyan, Jed. Nasa trabaho tayo," nakasimangot na reklamo ko. Mahina lang para hindi marinig ng ibang kasamahan namin.

Tinawanan ako ng dalawa.

"Akyat muna tayo, Ate," nakangiting aya sa akin ni Aphrodite, halatang excited.

"Saan?" Kunot pa rin ang noo ko dahil nabubuwisit ako sa ngisi ni Jed.

"Rooftop," aniya sabay sukbit ng kanyang mga kamay sa aking braso at iginiya ako pabalik sa elevator.

I noticed Jed's wink at me as he followed us. Buwisit na kindat na iyan, nagugustuhan ng puso ko. Napairap tuloy ako.

Pag-akyat namin sa rooftop ay sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Katamtaman lang ang lakas niyon. Aphrodite was right. Maganda nga ang panahon ngayon. Hindi masyadong maaraw kahit malapit nang mag-alas nuwebe.

Napansin ko agad ang mga pinturang nakahilera sa tabi ng isang malaking canvas na nakapatong na sa stand niyon. Hindi kalayuan sa tapat niyon ay may hardwood bench na nakapuwesto. Malapit na iyon sa railing ng rooftop.

"I asked Aphrodite to paint us," nakangiting imporma sa akin ni Jed kahit hindi pa ako nagtatanong.

"For what? Nasa trabaho tayo." Binalingan ko ang nakangiting si Aphrodite. "Wala ka bang ginagawang book cover ngayon?"

"Mayroon. But this is also work, Ate." She giggled.

"For what?" ulit ko at nainis na nang magkatinginan ang dalawa. Sinundan ko agad iyon ng mariing banta. "Asher Jed Suarez."

"Si Ate naman, first monthsary niyo raw kasi!"

"'Buti ka pa, Aphrodite, alam mo. Samantalang itong tibok ng puso ko," ani Jed na nakangusong itinuro ako. "Walang pakialam. Hindi mo rin yata natatandaan, ano?" pang-aakusa niya sa akin.

Umirap ako at nagtungo na sa bench. "Let's just get this over with," pasimpleng iwas ko.

Of course, I didn't want him to know that I forgot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi pa ako nasasanay na isiping boyfriend ko na nga siya ngayon. Aminado rin akong minsan ay nakakalimutan ko ngang boyfriend ko siya. Natatauhan na lang ako kapag tinatawag niya ako sa buwisit na endearment na iyon.

First monthsary? I snorted. How was that even supposed to be spent? I had no idea. Pareho naming unang relasyon ito, kung totoo ngang hindi siya nagkaroon kahit man lang fling noong junior at senior high school bago kami nagkakilala sa kolehiyo.

If this was his idea of how we should celebrate our first month as a couple, then fine. Let Aphrodite paint us and let me get back to work as soon as possible.

Jed had no problems showing his affection for me in public. Pero ako, malaking problema sa akin iyon. Even a simple holding of hands was already a PDA for me. Kahit pa kaibigan si Aphrodite ay nakakailang pa rin. Kaya kung kakayanin ay gusto ko nang matapos ito nang mabilisan. Mamaya niyan ay may mga fans pala sa paligid at magawan pa siya ng issue.

Masama ang tingin sa akin ni Jed nang lumapit siya't umupo na rin sa tabi ko. "I can't believe you actually forgot."

Umirap ako. Okay, fine. I was guilty. Kaya hindi ko magawang tagalan ang tingin sa kanya. Pero hindi ko naman alam na gusto niya ang mga ganitong bagay. I thought the anniversary was more important...

"How should we pose, Aphrodite?" tanong niya pagkapuwesto niya sa tabi ko.

Naningkit ang mga mata nito at tiningnan kami habang nag-iisip. "First monthsary niyo so... ikaw ang bahala, Kuya."

Nakita kong kumislap agad sa kapilyuhan ang mga mata ni Jed sa narinig. Naramdaman ko ang unti-unting pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking likod patungo sa tagiliran. He turned towards me to gauge my reaction bago walang sabi-sabing idinantay ang kanyang baba sa aking kaliwang balikat.

I stiffened. This was too much PDA! Sobrang lapit niya na pati paghinga niya ay naririnig ko!

If smirking had a sound, that was probably the case, which was why I knew for sure that he was indeed smirking. At nakikita ko rin sa gilid ng aking mga mata na titig na titig siya sa akin. "Please remember... Every twenty-eighth day of the month, hmm? Sa tuwing birthday mo, hmm?"

Hindi ako sumagot dahil kabado pa rin ako sa pagkakalapit naming dalawa. Dati naman ay hindi ganito ang mga reaksiyon ko sa kanya kahit nagtatabi kami sa pagtulog. Bakit ngayon, kulang na lang ay lumundag palabas ng dibdib ko ang puso ko? Maybe because I knew that Aphrodite was watching us? I felt too exposed.

"Aphrodite, ayaw niyang ngumiti!" sumbong niya sa magpipinta sa amin.

"No. Don't, please. I like the concept. Hayaan mong sumimangot si Ate," anitong nagsimula na palang magpinta.

Napalunok ako at wala sa sariling inayos ang suot na sumbrero. I felt Jed smiling with amusement. At natutuwa pa talaga siya na nahihirapan ako rito? Buwisit na 'to.

Pagkatapos ng isang oras ay tumayo na si Aphrodite at naghinat ng likod.

Pinakawalan ako ni Jed. "Tapos na?"

"Of course, not yet, Kuya. Matatagalan pa ito pero naipinta ko na ang mahahalagang points. Mga detalye na lamang at ang background."

Lumapit si Jed sa kanya at tiningnan ang canvas.

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang nagwawala kong puso bago sumunod sa kanya. Pasimple akong nakitingin din sa canvas.

It was beautiful. Hindi pa nga tapos pero naipinta na niya kung paano ang ayos naming dalawa ni Jed kanina. True enough, we were too close. Mahihiya na ang hangin na dumaan pa sa pagitan namin.

"Ang galing mo talaga, Aphrodite!" Nag-high five ang dalawa.

"Salamat, Kuya! Give me a week to finish this. Ipapa-frame ko na rin. Ipapahatid ko na lang sa inyo o dito sa APH?"

"To Rhyne's address, please," sagot niyang hindi pa rin inaalis ang titig sa canvas.

Buong araw nanatili sa APH si Jed. Pinag-usapan nilang maigi ni Aphrodite ang gusto niyang maging resulta ng painting. Hinayaan ko na lamang at nagpatuloy na ako sa trabaho.

Isang linggo nga ang lumipas bago ko natanggap ang ginawa ni Aphrodite. Bandang alas sais ng hapon dumating iyon at mabuti na lamang ay nasa bahay na ako.

I texted Aphrodite to inform her that the painting had arrived and thanked her. Pagkatapos niyon ay si Jed naman ang sinabihan ko.

Pansamantalang ipinuwesto ko iyon sa paanan ng aking kama at maingat na inalis ang nakabalot na glassine paper. When I finally removed the wrap, namangha na lamang ako sa kinalabasan ng painting ni Aphrodite. Malapit sa dulo ng rooftop ang bench na inupuan namin ni Jed nang araw na iyon at sa likod namin ay mahusay niyang naipinta ang mga naglalakihang gusali sa paligid ng APH.

I was looking somewhere else, not directly at the painter. Halatang nakasimangot kahit may suot na sumbrero. The word 'RED' was printed on it.

I was slightly blushing in the painting. While Jed... had his big arms wrapped around my left arm and waist. His jaw was on my left shoulder while looking at me with a small smile on his lips. Kumikinang ang mga mata niya na parang tuwang-tuwa pa sa pagsimangot ko.

I liked how Aphrodite emphasized that small detail. Jed, though, appeared overly enamored. Sa parteng iyon, hindi ko alam kung matutuwa pa rin ako o maiinis na. Mukha siyang... patay na patay sa akin.

Sobrang tuwa ni Jed nang makita ang painting. Hindi siya nag-reply sa text ko kanina kaya ang akala ko ay hindi siya pupunta. Iyon pala ay naghanap pa ng martilyo at ibang mga kakailanganin para maisabit naming agad ang painting.

Ipinuwesto niya iyon sa gitna ng sala para raw makita agad ng kung sinuman ang papasok sa bahay, para makita ko agad pag-uwi, at para raw hindi ko siya makalimutan.

I wanted to answer that I couldn't even forget the bad things that happened in my life, so how could I forget him? Siya na pinakamagandang nangyari sa buhay ko?

I held back, though. Alam kong gagamitin niya lang iyon para asarin ako.

Umalis siya sa tabi ko para iligpit ang mga ginamit niya habang ako ay nakatingala pa rin sa painting. Maya-maya ay namalayan ko na lang ang dalawang kamay niya sa aking baywang. Nang hindi ako mag-react ay dahan-dahan niyang pinadausdos ang mga iyon patungo sa aking tiyan. Pinagsalikop niya ang mga iyon bago ako niyakap.

Napairap ako sa kawalan.

Jed was a hugger. Kapag nagkakaroon siya ng tsansa ay lagi niya akong niyayakap, even in front of other people. Ang gusto niya ay lagi akong nakadikit sa kanya. Kulang na lang ay pati sa harap ng mga fans nila. Kapag ganoon na, ako na mismo ang bubugbog sa kanya bago pa iyon magawa sa akin ng kanilang mga fans.

I felt him kiss my nape. "I love you so much, Rhyne," masuyong bulong niya.

Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya. Now how should I respond to that?

Of course, I love you too, Jed.

I just couldn't bring myself to say that aloud. At saka, ano'ng klaseng 'I love you' ba? Bilang kaibigan? Of course, I love him. Pero kung higit pa roon? Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.

He chuckled when I remained silent. "Walang 'I love you too,' Rhyne?" tanong niya, may halong panunukso ang boses.

Napairap ako sa painting. "Huwag mo akong tanungin kung ayaw mo akong marinig magmura."

Lumakas ang tawa niya sa aking sinabi. "Bakit? Are you shy, Rhyne, my heartbeat? Why? You used to say it back all the time before."

"Only when I'm drunk," nakasimangot na sagot ko. At hindi iyon madalas mangyari.

"Kailangan ba kitang lasingin ngayon?" he teased. Hinaplos-haplos niya ang aking tiyan.

I suddenly felt warm all over. Itong mga kamay niya talaga, masyadong malikot at kung anu-anong emosyon ang ipinaparamdam sa akin. I could feel my cheeks getting hotter.

"I love you, Rhyne," muling bulong niya.

Pumalatak lamang ako.

"I love you."

Napatitig ako ulit sa painting. "Me too."

"Ano? Hindi ko narinig. Pakiulit nga."

"Me too." Nag-isang linya na ang aking mga labi dahil alam kong nang-aasar na siya.

"Ulit pa." Alam kong nakangisi na siya.

"What the fuck, Asher Jed Suarez?!"

"Nagmumura ka na naman! Halikan kita riyan, eh!"

"Okay, fine! I love you!" naiinis na sambit ko. Marahas na kinalas ko ang kanyang mga braso sa pagkakayakap sa akin. "'Tangina, hindi iyon big deal."

Natatawang sinundan niya ako papuntang kusina. May dala siyang egg platter at iyon ang ginawa naming hapunan.

"Nandito pa ba ang mga lumang box mo, Rhyne?" biglang tanong niya habang naghuhugas ng kamay. Mas nauna siyang natapos kumain ngayon kaysa sa akin. "Nawawala kasi ang kopya ng huling kantang ibinigay sa akin ni Agori. Natatandaan ko, parang dito ko iyon huling nahawakan. May kopya kami sa system kaya lang nasa papel ang mga dinagdag kong lyrics. Alam mo namang nakakalimutan ko na agad kapag naisulat ko na."

"Nasa gilid ng cabinet lahat," sagot ko bago uminom ng tubig.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang dumiretso naman siya roon. I washed the plates we used after eating. Pagkatapos ay lumapit ako kay Jed para sana kunin ang hamper na nasa gilid din ng cabinet. Balak ko sanang maglaba ngunit natigilan ako sa kalat na nadatnan.

Inilabas niya ang lahat ng laman ng lumang karton. Mga lumang manuscripts na in-edit ko noong college, lectures, receipts, at marami pa.

Ngunit hindi iyon ang nagpakabog nang husto sa puso ko. Dumikit ang tingin ko sa hawak niyang magazine. Sobrang luma na niyon na hindi na halos mabasa ang nakasulat na article sa tabi ng sikat na modelo.

My handwriting, though, was still visible and readable. Under the title of the article was my note in capslock and green-colored pen that I wrote ages ago.

Nanginginig ang mga kamay na hinablot ko iyon mula kay Jed. Hindi ko alam kung kanina pa niya iyon hawak o kung nabasa ba niya. Agad kong nilamukos iyon sabay iwas ng tingin. Pagkatapos ay patay-malisyang kinuha ko na ang hamper at pumunta na agad sa banyo para labhan ang mga maruming damit namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top