Chapter 4
Chapter 4
Madaling araw na nang kunin ni Maymay – pamangkin ni Kuya Quinton – si Queen Mariah sa bahay.
Mukhang napaiksi pa yata ang bakasyon nito sa probinsiya dahil sa nangyari. Nang sabihin ko sa kanya iyon ay ayos lang naman daw dahil pabalik na rin naman siya sa susunod na linggo. Napaaga lang nang ilang araw.
Pagkatapos niyang magpasalamat ay nagpaalam na rin siyang tutuloy na sa kanilang bahay habang yakap ang tulog na tulog pa rin na si Queen.
Jed was still sleeping when I closed the door. Katulad ni Queen ay mahimbing din ang tulog niya habang yakap ang unan ko. Ni hindi niya namalayan ang pag-uusap namin ni Maymay kanina.
Uminom muna ako ng tubig bago muling humiga sa tabi niya. I hugged my pillow and watched him sleep peacefully. His lips were slightly pouting and he looked like a baby.
Noong college pa kami ay mahaba ang buhok niya kaya halatang may dugo siyang Koreano. Ngayon ay clean cut na iyon. Aniya'y nagmumukha raw siyang mas bata kaysa sa edad niya kapag mahaba ang buhok.
It was true, though. Nakadagdag na rin siguro roon ang lagi niyang pagngiti. Even when under pressure and stress, hindi siya nagpapaapekto at nakangiti pa rin.
Namana niya sa kanyang tatay ang makapal na kilay. Well, all of them have thick eyebrows. Even Czeila. Back in college and up until now, the Suarez brothers were known for being tall, moreno and handsome.
Except for Jed.
Well, yes, he was tall. At ayoko mang aminin ngunit guwapo nga siya. Under his thick eyebrows were his chinky eyes. Matangos ang ilong niya na may maliit na nunal sa tungki niyon. And his lips... his lower lip was fuller than his upper lip, and his fans kept calling them sexy.
Well...
He was big and tall and handsome, but not moreno. Sa apat na lalaki ng mga Suarez, siya lang ang mestizo. Not as white as his Korean mom, pero maputi siya kaysa kay Czeila.
I had a bronze-like skin color, so he was also fairer than me. Isa iyon sa mga issues niya sa katawan kaya obsessed siya sa pagpapa-tan kahit hindi naman epektibo. Mamumula lang nang kaunti ang kanyang balat ngunit babalik din naman sa dati.
Lima silang magkakapatid at siya lang din ang singkit. Sa kanya halos napasa ang Korean genes ni Tita Jessie. Kaya noong una ko siyang makita nang malapitan, halos hindi ako makapaniwalang isa siya sa mga kuya ni Czeila. Sure, there were some resemblances, but Czeila looked more Pinay. Mapapansin lang ang pagkakahawig nila kapag makikita silang magkasama.
His differences did not stop there. Sa kanilang lima, siya lang din ang kumuha ng ibang kurso – Bachelor of Music with a major in Composition.
The Suarez family owned the Suarez Group of Hospitals, which had branches all around the country. Tito Dan, his father, was a neurosurgeon. At ang pangalawa sa magkakapatid lamang ang sumunod sa yapak nito. Kuya Migo is now a doctor as well.
Ang natitirang tatlo na sina Kuya Inigo, Kuya Mico at Czeila ay parehong nakapagtapos ng HRM. Namana nila kay Tita Jessie – na dating chef sa South Korea – ang hilig sa pagluluto. Ang alam ko ay nakapagtapos din ng culinary arts si Kuya Inigo. He revived his mother's small restaurant back in her country – Jessie's Pub – and now has several chains in Metro Manila.
On the other hand, aside from cooking, hilig naman ni Kuya Mico ang iba't ibang klase ng inumin. Particularly, mixing them. Mas nagpokus siya roon at nagpatayo ng sariling bistro bar, ang Mico Moco.
At ang bunsong si Czeila naman ay mas pinagtuunan ng pansin ang pagbe-bake. She had an online pastry shop and could bake almost everything. From birthday cakes to cupcakes, breads, tarts, everything. Ang sabi pa'y goal niya raw na gawan kami ni Princess ng wedding cake balang araw.
Nag-isang linya ang aking mga labi. Wala naman akong pakakasalan at ayokong tularan ang mga magulang ko.
Muli akong napatingin kay Jed nang bahagya siyang gumalaw. Kumunot ang noo niya at nakapikit na kinapa ang kanyang tabi, tila may hinahanap. Natagpuan niya ang aking kaliwang kamay at agad na binalot doon ang kanyang mainit na palad.
Mula sa mukha niya ay lumipat doon ang tingin ko at naalala ang mga sinabi niya kagabi bago natulog. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. Of course, I was aware of his subtle advances since we were in college pero akala ko ay ganoon lang talaga siya kalambing. Hanggang sa nasanay na ako at hindi ko na binigyan pa ng ibang kahulugan.
He was popular ever since college. Maraming babae ang umaaligid sa kanya, lalo na't miyembro siya ng banda. Even our Korean exchange students back then showed an interest in him.
At ang akala ko talaga, si Aphrodite ang pinopormahan niya. Ngayon, ganito pala? Ako pala ang gusto niya sa APH? Bakit sa akin nagkagusto ang kumag na 'to?
I am the native coffee in his life full of branded sweet chocolates, the cactus in his life full of flowers, the darkness that will creep into his bright life, the pain that will take his smile away... Kung totoo ngang gusto niya ako, then he was bound to be doomed forever. I didn't want that for him. He was too precious. Pero paano ko ba iyon ipapaintindi sa kanya?
Hay naku, Jed. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa iyo.
Nakatulog na lang ako ulit nang hindi pa rin nakakapagdesisyon.
I woke up when the sunlight coming through from the terrace hit my face. I opened my eyes and realized that Jed wasn't here anymore. Ilang sandali pa akong napatanga sa kisame habang nanumbalik sa aking isipan ang napanaginipan.
I saw Jed walking in front of me with a bag of groceries in his left hand and, on the other hand, he was holding the hand of, I think, a six-year-old kid.
When he looked at me, I realized it was a boy. He had hair like Jed's when we were in college. He looked so much like me, but when he smiled, he became a miniature version of Jed because they both had the same chinky eyes.
Jed looked at me as well and let go of the kid's hand to extend it to me. The kid did the same.
Naalala kong ngumiti ako at mas binilisan ang paglalakad para makasabay sa kanila. I felt so heavy. When I looked down, I realized I was pregnant.
My heart thumped so loudly as I realized that I was swelling not only because I was pregnant but also because of too much joy in my dreams.
Putangina naman talaga! Buntis ako at may anak kami ni Jed sa panaginip ko!
Minura ko nang paulit-ulit ang aking sarili. Kung anu-ano kasing iniisip bago matulog.
Bumangon ako't napatingin sa aking lamesa nang mamataan ang tumbler ni Jed doon. Tuluyan na akong tumayo at nilapitan iyon. Kinuha ko ang sticky note at binasa.
"Good morning, my heartbeat. Umalis na ako't alam kong mas uunahin mo pang hanapin itong kape kaysa sa akin. I don't want to compete with the thing you love the most. Dahan-dahan sa pag-inom at walang aagaw. Papunta ako sa studio ngayon. See you later at Mico Moco, please? Be there at seven."
Napabuntong hininga ako. I put the sticky note at the top of my desk and drank the coffee.
Today was Sunday, and it was almost noon already. May oras pa naman ako para maglinis ng bahay at maglaba.
At six thirty in the evening, I was all set and ready to go to Mico Moco. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok at sinuot ang isa sa mga sumbrerong naiwan dito ni Jed sa bahay.
Lyricbeat was already performing when I arrived at Mico Moco. Zeldon was singing their debut song. Luma na kaya halos lahat ng fans na narito ay nakikikanta na sa kanila, memoryado ang bawat linya.
I walked through the crowd and spotted Czeila and Princess at our usual table. Nasa second floor iyon at pareho silang nakadungaw sa ibaba. When Czeila saw me, she immediately waved.
Nang makaakyat ako't makalapit sa kanila ay nakita kong naroon din pala si Kuya Mico. Binati niya ako ngunit dagli ring ibinalik ang atensiyon sa kanyang cellphone.
Naupo ako sa tabi ni Princess.
"Why weren't you here two days ago? Bihira lang tumugtog sina Kuya rito kapag weekdays tapos wala ka. We called so many times, but you weren't answering. May nangyari ba?" Czeila asked. May cheese platter sa mesa namin at paunti-unti na siyang kumakain.
Pumasok agad sa isipan ko ang lahat ng nangyari mula noong huli kaming nagkita. Mula sa araw ng kaarawan ko sa APH hanggang sa aking panaginip kaninang umaga.
Nagkibit-balikat ako habang pinagmamasdan siyang kumain. "Wala naman."
"Dahan-dahan, Czeila, ha? Kapag naabutan 'yang nangangalahati na ni Asher ay baka mag-away na naman kayo," paalala sa kanya ni Kuya Mico habang hindi inaalis ang tingin sa hawak nitong cellphone.
Ngumuso si Czeila at mas lalong dinahan-dahan ang pagdampot sa pagkain. "Ang tagal naman kasi."
Binalingan ko si Princess na panay rin ang text. "Himalang hindi kayo magkasama ni Keeno ngayon."
"Nagpunta kina Xandie. Nilalagnat ang panganay pero okay naman na raw ngayon. Parating na rin galing sa tour si Alexander." She looked worried. "Nainis na nga ako, eh. Sinabi nang huwag nang pumunta rito at samahan na lang muna si Xandie. Pero on the way na ang moron."
"Baka mamaya nandito na rin iyon agad," ani Czeila at sinuyod ang crowd sa ibaba. Natigil ang kanyang tingin sa mini bar counter. "Oh! Ngayon ko na lang ulit nakita si Ate Deb dito."
Nalipat ang tingin ko kay Kuya Mico sa awtomatikong reaksiyon nito. Tumayo ito at sumilip din sa ibaba. "Where?"
"Ayun, oh!" Itinuro ni Czeila ang lamesa malapit sa bar counter.
As if on cue, napagawi ang tingin ng sinasabi nilang Deb sa banda namin. Dali-daling umiwas si Kuya Mico at muling umupo sa tapat ko.
Napataas ang kilay ko roon.
Nag-iwas lang ako ng tingin nang mamataan kong paakyat na ang buong banda.
Jed was smiling from ear to ear kaya mas lalo akong umiwas ng tingin. Binati ng mga kasama niya si Kuya Mico. Naupo sina Ardo at Troy sa tabi ni Czeila. Naunang pumuwesto si Maddison sa tabi ni Princess at nang akmang uupo na si Zeldon sa kanyang tabi ay walang salitang inilagay niya roon ang kanyang gitara.
I saw Zeldon heave a sigh bago umupo sa tabi ni Kuya Mico.
"Kuya, puwede mo nang ipaakyat ang iba," masiglang sabi ni Jed.
"Oo, paakyat na raw," sagot ni Kuya Mico habang ang mga mata ay pasimpleng sinusuyod ang crowd sa ibaba.
"Who?" tanong naman ni Czeila.
Hindi na nakasagot ang kanyang mga Kuya nang saktong dumating ang mga tinutukoy ni Jed – pizza, egg tarts and steak frites. They also served us different types of cocktails na pawang mga gawa ni Kuya Mico.
"No way, Kuya! Bakit ngayon lang iyan inilabas?" reklamo ni Czeila habang nagniningning na ang mga mata sa mga pagkain.
"Uubusin mo raw, sabi ni Asher," nakangising sagot ni Kuya Mico nang saglit na lubayan ng tingin ang hawak nitong cellphone.
Ngumuso ulit si Czeila. Inabot niya ang isang kopita ngunit agad siyang pinigilan ni Troy. Sa halip ay binigyan siya nito ng ibang inumin, ang pinakamagaan sa tiyan sa lahat ng nakalapag sa mesa.
Umikot si Jed para makaupo sa tabi ko habang tinatawanan ang kapatid.
"Ano'ng nangyari sa iyo at bigla kang nagpapakain ngayon?" nakanguso pa ring tanong ni Czeila.
"Ayaw mo, Czei?" nagdududang tanong ni Maddison.
Ngumisi ang bunso ng mga Suarez.
Lumaki rin ang ngisi ni Jed sa tabi ko. Bahagya niyang binundol ang aking siko kaya napairap ako sa hawak kong Espresso Martini. "Second daysary namin ngayon ng girlfriend ko."
Putangina, Suarez.
Nasamid bigla si Ardo habang umiinom habang ako naman ay hindi na makagalaw sa puwesto ko. Iniwasan kong tingnan ang katabi ko dahil alam kong mas lalong lumaki ang ngisi niya sa reaksiyon ko. Nararamdaman ko ang titig niya sa mukha ko.
Inabala ko ang aking paningin sa iba ngunit nakita ko ang makahulugang tingin nina Zeldon at Troy sa akin.
"Finally?" May munting ngiti sa mga labi ni Zel.
"Sinasabi ko na nga ba, eh. May babae ito ngayon kaya ngiti nang ngiti lagi sa cellphone!" ani Ardo nang makabawi.
I saw Kuya Mico awkwardly put down his phone.
Czeila scoffed. "Girlfriend?" aniyang halatang hindi naniniwala habang tinitikman na ang steak frites. "Sino naman ang malas na babaeng nagkagusto sa iyo?"
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala na girlfriend ko na talaga si Heartbeat. Ikaw lang ba ang puwedeng magka-love life?"
Tumaas ang kilay ni Kuya Mico. Napasandal siya sa upuan habang nilalaro ang mga labi ng kanyang kaliwang kamay at nakatingin nang mataman sa akin. "I think I know already."
"Sino, Kuya?"
"Heartbeat sounds familiar," komento ni Maddison bago uminom.
"You mean the girl he likes since college, right?"
Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ko ang sinabi ni Leonardo.
The girl he likes since college, huh?
Kinabahan ako lalo sa mga nalalaman ko ngayon. Mabuti na lamang at private table ang puwesto namin kaya malayo iyon sa crowd at malabong may makarinig kung ano man ang pinag-uusapan namin dito.
Pero ganoon pa rin naman at hindi man lang nabawasan niyon ang kaba ko. Mas lalo pa nga akong hindi mapakali.
Napalingon ako kay Princess nang sikuhin niya ako. She arched her eyebrow and smiled as if she was teasing me. That smile looked so creepy. Inirapan ko siya.
"Kuya has a crush on someone since college?" hindi makapaniwalang tanong ni Czeila. Tiningnan niya ang mga kabanda ng Kuya niya. "Sino? Were you also aware of this, Dalmatian?"
"Hindi mo alam? Taga-department niyo," matipid na sagot ni Troy habang pinaglalaruan ang rim ng cocktail nito.
"Who?" Nagsalubong na ang mga kilay nito.
Tumawa nang bahagya si Jed. "Guess who?"
"I know that girls used to flock to wherever you were on campus, pero kay Rhyne ka lang naman lagi dumidikit, which means... you know the girl, Rhyne." Her curious eyes looked at me, hoping I'd tell her who the freaking girl was.
Uminom ako sa halip na sumagot.
Kuya Mico smirked. "Of course, Czei. Bakit hindi?"
Muntik na akong masamid at narinig kong tumawa nang mahina si Princess sa gilid ko.
Si Jed naman ay mas lalong natawa habang tinutulungan akong makabawi.
These Suarez brothers were enjoying teasing me and Czeila! Si Czeila na walang kaalam-alam at ako dahil alam na alam ko naman kung sino ang tinutukoy nila. Gusto ko nang umuwi! Bakit pa ba ako nagpunta rito?!
"Kung taga-department namin noon, 'yong Miss HRM ba? O 'yong Prom Queen sa senior year namin?" dagdag-tanong ni Czei na hanggang ngayon ay wala pa ring nahahalata.
"Asher's type isn't a beauty queen, Czei."
"Then who?!" Czeila was frustrated already.
"Tell them, Rhyne," nangingiting udyok sa akin ni Jed.
Muntik ko na siyang masapak!
Sabay nila akong siniko ni Princess at napansin iyon ni Czeila kaya napakunot-noo siya. "Alam mo rin, Princess?"
"I think everyone knows." Princess smiled.
"Ang daya niyo! Bakit hindi ko 'to alam?!"
"Tell them, heartbeat," muling udyok ni Jed.
Gusto ko na talagang magmura. He just called me with that cheesy endearment right in front of everyone! Kung hindi pa iyon mage-gets ni Czeila ay hindi ko na talaga alam.
"Sabi na nga ba, Asher!" Tumawa si Ardo na agad naintindihan ang sinabi ng aking katabi.
"What?! Sino, Ardo? Who is it, Rhyne?" Pinaglipat-lipat niya ang kanyang tingin sa amin ni Ardo.
"Seriously, Czei? You still don't get it?" Kuya Mico asked. Nasa cellphone ulit ang tingin nito.
Biglang hinawakan ni Jed ang aking kamay at itinaas iyon para makita ng lahat. Tiningnan ko siya para pigilan ngunit nanatiling na kay Czeila ang kanyang mga mata na bahagyang kumikislap sa sobrang ngiti. "Hindi mo pa rin gets, Czei?" nanunuksong tanong niya.
Shock was evident in his sister's eyes as her gaze shifted from her brother to me.
Troy slightly smiled. "Rhyne is the heartbeat of your brother. The one he's liked since college, Pao." He looked at Czeila's reaction with so much amusement.
Mangiyak-ngiyak si Czeila nang makabawi. Tinampal niya ang kamay ko kaya nagtawanan ang mga kasama namin. "Bakit hindi mo sinabi, Rhyne? Matutuwa talaga nito si Mama!"
Kinunutan ko siya ng noo at hindi ko alam kung ano ang isasagot doon.
Naramdaman kong hinigpitan ni Jed ang hawak niya sa aking kamay nang ibaba niya ang mga iyon. He looked so happy when I turned to him. He looked satisfied with what he revealed and with Czeila's reaction.
"That's why we're telling you now, Czei. Kakasagot niya lang sa akin noong bir—"
"Yes, Czeila," agaw ko sa muntik na niyang masabi. "We're... you know." Inirapan ko si Jed. He knew I didn't want people to know about my birthday.
"Finally, Rhyne! Ang akala ko ay gusto mong tumandang dalaga! Nagka-boyfriend ka na rin sa wakas!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top