Chapter 30
Chapter 30
"Mama... Ma..."
I opened my eyes and blinked so many times. Ang unang pumasok sa isip ko, wala akong makita nang malinaw. Nakarinig ako ng malalim na paghinga sa tabi ko bago bahagyang lumundo ang espasyo roon. Lumingon ako agad at nakita ko ang pigura ni Jed na may inaabot sa side table. And then I realized that it was my eyeglasses when he put them on me.
Muli akong napakurap-kurap.
Bahagya siyang nakatagilid at nakadapa paharap sa akin. Ang isang kamay niya ay payapang pinaglalaruan ang ilang takas ng buhok ko habang titig na titig sa akin.
Saka lang tuluyang rumehistro sa utak ko na pareho kaming nakahiga at nasa master's bedroom. Nakikita ko sa likod niya ang wedding gown.
Bumaba siya nang kaunti at naramdaman ko ang halik niya sa aking sentido. "How's your sleep, heartbeat?" masuyong bulong niya. Naramdaman ko agad ang paggapang ng isa pa niyang kamay patungo sa tiyan ko at hinaplos iyon.
My heart immediately felt so full and warm. Nararamdaman ko ang pamumugto ng aking mga mata sa pag-iyak kanina pero kung tingnan niya ako, parang ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Napapikit ako nang maalala kung ano ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung ano'ng oras na at gising pa rin siya hanggang ngayon. Was he staring at me like this the whole time I was sleeping?
Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko kanina, hindi na ako nagulat na talagang may alam na siya. Mula noon hanggang ngayon, siya lagi ang unang nakakapansin kahit hindi pa halata. He could easily know with just the sudden changes in my behavior. Habang ako ay walang kaalam-alam, siya pala ay nagmamasid na at nakabantay na sa akin.
Hinayaan niya akong umiyak kanina at nanahimik lamang siya sa tabi ko. Nang mahimasmasan ako ay pinilit naman niya akong kumain. After making sure that I was full enough, siya na mismo ang nagdala sa akin sa banyo para maligo.
Sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw ay hapong-hapo na ako kaya hinayaan ko na lamang siyang paliguan ako. Buong katawan ko ang nilinisan niya at sa bawat haplos niya ay wala akong maramdamang malisya, tanging pagmamahal lamang.
My body's reaction to his touch was different, though. Isang haplos lang pero nagbabaga na agad ang buong katawan ko sa init. Hindi ko alam kung paano niya nagawang tiisin iyon. Despite his nonsensual touch, desire was evident in his eyes, but he managed to hold back. Maybe because he knew I was exhausted already from all the emotional turmoil I kept inside.
Now that I was wearing his gray pajamas and one of his favorite shirts, titig na titig pa rin siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon iyon sa wedding gown sa likod niya. "Iyan ba ang isusuot ko dapat sa... k-kasal?" pabulong na tanong ko.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tumaas ang kilay niya. "Why? You want to wear it and get married tomorrow?"
Napatingin ako agad sa kanya at sa gulat ay napairap.
Napangisi siya at yumuko para isubsob sa leeg ko ang mukha niya at doon tumawa nang mahina. "Ayaw mo, Ma?" malambing na tanong niya. Bumangon siya at muling tumitig sa akin. "Ayaw mo pa rin ba, Ma? Damn it! I can't wait to call you "Ma" every day. Sa ngayon, heartbeat na lang muna at... baby."
Muli kong naramdaman ang paghaplos niya sa aking tiyan. Napairap ako sa kawalan. Talaga bang totoong patay na patay siya sa akin kagaya ng madalas na sabihin noon ni Czeila? I couldn't believe this! Ramdam na ramdam ko pero parang nakakahiya ring isiping totoo iyon.
I looked at his chinky eyes. Kumikislap iyon sa tuwa habang nakatunghay sa akin. Bumaba ang tingin ko sa matangos niyang ilong, sa mapupulang mga labi at sa mga mumunting bigote na patubo pa lang sa kanyang baba.
I unconsciously raised my right hand and touched his stubble.
Isang linggo ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko ay nabalik ako sa nakaraan. This one week felt longer than the last time he was gone.
"Missed me, heartbeat?" He playfully smirked.
Kumunot ang noo ko. "Why are you here? How..." Hindi ko mabuo kung ano ang gusto kong itanong sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "I came here after my military service, at inasikaso ang pagpapaayos sa bahay."
So siya nga talaga ang bumili sa bahay? Alam ba ito ni Tita Bridgette? Kaya ba lagi akong tinatanong noon ni Tita kung gusto kong malaman kung sino ang buyer ng lumang bahay?
"Why did you buy the house, Jed?"
Tumagal ang titig niya sa akin bago ko naramdaman ang marahang haplos niya sa buhok ko. "Dahil alam kong dito ka lumaki. I want to raise my future children in the place where you grew up. Nang malaman ni Tita na ako ang buyer at sinabi ko sa kanyang dito ko gustong manirahan kasama ka at ng mga anak natin, sinabi nga niyang ayaw mo nang bumalik."
He waited for my reaction, and continued when I remained silent. "But I have this feeling na umiiwas ka lang pero ayaw mong kalimutan ang lugar na ito. I had no idea why. Naisip ko lang na baka may nangyari rito na ayaw mo nang balikan pa at iyon ang talagang iniiwasan mo, hindi ang mismong bahay. Hindi ang Orazon."
Lumalim ang paghinga ko habang pinapakinggan ang bawat salita niya. "This is where my father died—right in front of me."
Yumuko siya at muling isinubsob ang mukha sa leeg ko. He let his lips rest on it and didn't say anything, like he was readying himself to listen to me.
"He... He was shot by my mother." Napalunok ako. "We were happy at first. Pero nang tumagal ay nilamon si Mama ng selos dahil alam niya kung sino ang totoong mahal ni Papa. It was her best friend."
Jed started smelling my neck, probably to distract me and prevent me from dwelling too much on what happened in the past.
"Papa was in love with my mother's best friend. But he married my Mama because she was already pregnant with me. Pero sa kabila niyon, palagi pa rin niyang iniisip noon na sa tuwing umaalis si Papa ay sa ibang babae ito pumupunta. Galit at umiiyak siya halos araw-araw. Then, later on, her anger transferred to me. She blamed me for everything. She was blinded by jealousy and anger. She lost her mind and tortured me... She told me I ruined them. And I believed her."
Humigpit ang yakap niya sa akin. Pero sa halip na mahirapan sa paghinga, nakahinga ako nang maluwang. It was nice to know that he was here supporting and comforting me while I was trying to expose my wounds and show them to him. I wanted him to be near me if I ever broke down.
"It was my birthday when it happened. Paalis noon si Papa dahil..."
Because it was also Liam's birthday. Gusto ko sanang idugtong iyon pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung nasa tamang oras na ba para malaman niya ang tungkol sa totoong ugnayan namin ni Liam.
I could almost hear Liam's words...
Huwag muna.
Napabuntong hininga ako. "Alam ng buong Orazon ang nangyari. That's why I couldn't stay. Bawat tingin ng mga tao ay ipinapaalala sa akin ang buong pangyayari. Tita Bridgette was a lawyer back then. She's Mama's stepsister and best friend. Siya ang humawak sa kaso. Hindi ko na matagalan ang Orazon kaya nang sabihin nilang siya na ang mag-aalaga sa akin ay sumama na agad ako papuntang Maynila. Ayoko nang magkaroon ng kahit na anong koneksiyon sa nakaraan. Kaya kahit ang APH, sapilitan kong ibinigay kay Tita. Working there is fine, but leading it... no, thanks."
Muli siyang huminga nang malalim at tila ako naman ang kumalma sa ginawa niya. "I never visited Orazon again. Si Tita Bridgette ang nagdesisyong dalhin din si Mama sa Maynila para roon ipagamot. I visit her pero bihira lang. Hangga't maaari, ayoko siyang makita. Kaya rin I always have my hair rebonded because with my natural curly hair, I look so much like her..."
Bumangon siya at nilaro ang buhok ko. "Yeah. You look like her. But you're more beautiful because of your skin color."
Hindi na ako nagtaka na alam niyang magkamukha kami ni Mama. He could always Google her name. Mama was very famous during her modeling years. Tumigil lang sa pagmomodelo nang pakasalan siya ni Papa at piniling manirahan sa Orazon.
"I talked to your mom, Rhyne."
Bigla akong napaangat ng tingin sa kanya. "You... You did?"
Tumango siya habang nilalaro pa rin ang aking buhok. "Years ago, before our wedding. And... a week ago before I came here."
"You talked? Mama can talk now, but not really talk and understand. Kapag binibisita ko siya, Kazandra lang siya nang Kazandra. O 'di kaya'y pangalan ni Papa."
"We did talk, though."
"Ano naman ang pinag-usapan niyo?"
"Namanhikan, Rhyne," masuyong bulong niya. "I asked for your hand, then and now, and she said yes."
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang sabi ni Tita Bridgette, paminsan-minsan ay nakakausap nga raw nang matino si Mama. Pero sa tuwing pumupunta naman ako roon, she just kept on chanting my name.
"Hindi ka naniniwala?" He chuckled when he saw the disbelief on my face. "Matagal na akong tinanggap ng Mama mo. Ikaw lang talaga ang hinihintay ko."
Binalot ng init ang puso ko sa sinabi niya. After all the hurt I gave him, how could he still love me like this? He deserved so much more. Mas higit pa sa pag-ibig na hindi ko naibigay nang buo sa kanya noon.
"I'm so sorry..." bulong ko.
Pumungay ang mga mata niya, tila inaantok na pinagmamasdan ako.
"Are you sleepy?"
"No. Go on."
"You are sleepy already," giit ko.
"No. I'm not, Rhyne. Go on."
"You are." Bakit ba pilit pa rin niyang itinatanggi, eh halata naman sa mga mata niya?
He stopped circling his fingers on my stomach. "I'm horny, Rhyne. Not sleepy. I get turned on when you apologize. Akala ko, sa tuwing nagmumura ka lang." Kumunot ang noo niya.
'Tangina. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na makapag-usap kami nang matino tapos iyon ang problema niya?
"'Tangina naman, Jed."
Napapikit siya, sabay hinga nang malalim. "Maawa ka, Rhyne. I still want to hear you talk. Bihira mo lang gawin ito at pagbigyan mo na ako. I have all the time in the world to make you moan once you agree to marry me. Just please talk now. And no curses and apologies."
"Ang manyak mo talaga!" reklamo ko. Kunot na kunot ang noo ko. I was trying to apologize here, but he was being a pervert!
He groaned. His left hand snaked upward and cupped my right breast. "Enough with the curses, heartbeat, please," paos na bulong niya. "Baby, your Mommy is being a headache. She's trying to kill me."
Napahinga ako nang maluwang. "I'm so sorry..." Inignora ko ang reaksiyon ng sariling katawan nang bahagya niyang pinisil ang aking dibdib. "For begging years ago... to get rid of our twins."
He automatically stopped teasing me and hugged me tighter. Huminga siya nang malalim. "What a beautiful mess... Your darkness, baby, won't make me love you less..."
My heart hurt at his song. Habang patuloy siya sa marahang pagkanta, nagsimula namang mangilid ang mga luha ko. "I was really young and I believed Mama's words. Tumatak iyon sa isipan ko at natakot ako na baka magaya ako sa kanya at sisihin ko rin ang mga anak natin. I was so scared that they'd hate us too, like how I hated my parents. The past haunted me, and I had nightmares almost every night. I was so scared I'd lose my mind as well and hurt you."
"That was history already, Rhyne. And not all history repeats itself. We won't let it happen to us."
Mas lalong nangilid ang mga luha ko kaya tumango na lamang ako para hindi niya mahalata iyon.
Totoo palang kapag buntis ay masyadong extreme ang lahat ng nararamdaman. Whether it was happiness, sadness, or anger, it was always too much. Kaya kahit kaunting kibot lang ay parang maiiyak na ako agad.
Natatandaan ko noon na pati sa trabaho ay madali rin akong maiyak. Ang lagi kong iniiyakan noon ay ang manuscript ni Agori. Nainis pa ako no'n dahil pinagselosan ko siya at ayokong i-edit ang gawa niya. Iyon pala ay iiyakan ko rin iyon nang todo at paulit-ulit pang binasa. Hindi ko alam kung isa ba iyon sa mga pinaglihian ko o ano.
"Jed, do you have a copy here of Agori's book?"
"Caffeinated Love?"
Kumunot ang noo ko. "That's her only book. Of course."
"Ba't ang sungit agad?"
Napairap ako sa kawalan. "Ashley said you came here to meet Agori. Really? Three weeks pa bago ang taping at nauna ka na?"
Bahagya siyang kumalas sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Are you jealous?"
"Yes."
Napasinghap siya. He dramatically showed me his disbelief. "Agori is married, Rhyne! And I'm going to marry you one of these days!"
"Bakit? Nagtanong ka na ba?"
Mas lalong naningkit ang singkit na mga mata niya. "Don't tease me, Rhyne. Alam kong na-pressure ka lang noon, kaya ka pumayag na pakasalan ako. My family was so happy and excited for our babies, kaya hindi ka nagkaroon ng chance na tumanggi. Hindi kita pipilitin ngayon. You're free to choose."
Napanguso ako. "Then why not ask now? So, I can decide if I'm going to say yes or no."
Umirap siya. "Baby, your Mama is such a tease. Alam na alam na patay na patay ako sa kanya. Wala namang mababago. Pakasalan mo man ako o hindi, didikit pa rin ako sa 'yo hanggang sa huling hininga ko. Wala kang kawala sa akin."
Namilog ang mga mata ko at saka tumawa. Hindi man lang nahiyang aminin iyon sa akin!
He kissed my forehead. "Do you want to meet them, Rhyne?"
"Them?" nagtatakang tanong ko.
"Gabbie and friends."
Namilog ulit ang mga mata ko. "You mean, Agori? Wala akong dalang libro para sa autograph."
"I have one. Tomorrow, we'll go to Kopibook, but I'm telling you in advance, do not call her Agori in public. Gabbie na lang. And please don't ask questions habang nandoon tayo, no matter how curious you are. Kahit pa may mapansin ka."
Naningkit ang mga mata ko.
He chuckled. "What? Do not get jealous, Mrs. Suarez!"
Iyon nga ang ginawa namin kinabukasan.
Hanggang madaling araw kami nagkuwentuhan ni Jed kaya tanghali na nang magising ako. Tapos na siyang maligo nang maabutan ko siya sa kusinang naghahanda ng tanghalian.
Pagkatapos kumain ay niyaya ko siyang maligo sa dagat dahil gusto ko siyang dalhin sa likod ng higanteng bato. Tumanggi siya dahil hindi na raw maganda sa balat ang init ng araw kapag tanghaling-tapat na.
Wala akong nagawa kundi maligo na nga lang para makapaghanda na sa pagpunta sa Kopibook.
I was happy that I did not have any morning sickness today. Nakatulong na rin siguro na magaan ang pakiramdam ko ngayon at walang ibang iniisip.
Nasa labas na si Jed nang matapos akong magbihis. Wearing a black cap, I walked languidly towards him. Bahagya akong natigilan nang makilala ang motor na ginamit niya kahapon. It was my old motorbike.
Pati ba ito ay sinalba niya? I never thought that he'd save every single thing I owned before. He actually saved every piece of me.
Hindi ko iyon pinansin at tahimik na umangkas sa kanya. Alas dos na ng hapon at dahil maulap, hindi na ganoon kainit dito sa Orazon. Katamtaman lamang ang patakbo niya at masarap sa pakiramdam ang bawat ihip ng hangin sa aking pisngi.
It took us only twenty minutes before we reached the heart of the town of Orazon. Inihinto ni Jed ang motorbike sa tapat ng isang café.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa lugar na nababasa ko lang noon sa libro. Kopibook really existed, and I was now in front of it. Maraming tao sa loob. Kitang-kita mula rito sa labas dahil sa glass wall. Hindi ko matanggal ang tingin sa mala-librong pinto ng café.
Humigpit ang hawak ko sa libro nang bumaba ako ng motor.
Tumaas ang kilay ni Jed nang mapansin iyon. "At talagang mas pipiliin mo pang yakapin iyan kaysa ako, ha?" Tinanggal niya ang suot kong helmet at ipinalit doon ang sumbrero ko bago isinunod ang sa kanya. "I didn't know you were Gabbie's fan."
Ngumuso ako. I don't like him calling her Gabbie. Parang mas close pa sila kaysa sa amin. Gusto ko sanang sabihin iyon kaya lang ay baka mas tumindi ang pang-aasar niya sa akin kaya huwag na lang.
Pagkapasok namin sa loob ng café, tumunog ang windchimes kaya napaangat ng tingin ang babaeng nasa counter. She had pitch black hair tied up in a bun with bangs. She was also wearing eyeglasses, but unlike mine, mukhang mas mataas ang grado niyon. Tumayo siya nang makitang papalapit na kami at nakita kong may ibinaba siyang papel sa counter.
Czeila was right. Agori was insanely beautiful.
Nakaramdam ako ng insecurity kahit pa hawak ni Jed ang isang kamay ko at nakikita nito iyon. What the fuck was I thinking? Agori said she was married already! So why would I be jealous?
"Gabbie," bati ni Jed sa kanya.
And that nickname again. I sighed.
"This is Rhyne."
Napanguso ako ngunit agad ding nawala nang makita kong umaliwalas ang mukha ni Agori.
"Hi, Rhyne!" She greeted me with a smile. "It's so nice to meet you! Thank you so much for making my book possible."
Napakurap-kurap ako.
She was beautiful even when she wasn't smiling. But now that she smiled, I finally understood why Czeila said she was insanely beautiful. At ayon daw iyon kay Jed.
"H-Hi," I stutteringly replied. I didn't even know why I was so nervous.
Napansin ko ang pagtataas ng kilay ni Jed at pagpipigil ng ngiti, halatang tuwang-tuwa pa sa pagkakautal ko. Napanguso ako.
Iaabot ko na sana kay Agori ang libro para humingi ng autograph pero naagaw ang atensiyon namin ng grupong bagong dating. They were a group of men and women. Tatlo ang lalaki pero dumikit ang paningin ko sa matangkad na lalaking nakauniporme.
He had a clean hair cut at medyo kita ang tila peklat sa ulo nito. He was smiling and laughing with the other men na sinasabayan din naman ng mga babaeng kasama. Mas lalong lumuwang ang ngiti niya nang mapatingin sa gawi namin, diretso ang tingin kay Agori. "Gabbie!" Dumako ang tingin nito saglit kay Jed.
Lumamlam ang mga mata ni Agori at agad na ngumiti upang itago iyon.
Napatingin ako kay Jed nang maramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko. Napahigpit ang kapit ko sa libro.
"Let's go, Rhyne. I promise to get her autograph next time." Hinila na niya ako papunta sa pinto.
"Si Adam ba iyon, Jed?" malakas ang tibok ng pusong tanong ko. "Buhay siya?"
Hindi sumagot si Jed hanggang sa makalabas kami ng café.
Nilingon ko ulit ang loob at nakita kong kinukulit na no'ng nakauniporme si Agori. Napanguso ako. How about the autograph? Babalik na lang kami ulit ni Jed dito bukas.
Palapit na kami sa motorbike nang makarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan. Nang mapalingon ako ay ang galit na mukha ni Liam ang nakita ko. Palapit na ito sa amin ngunit bago pa man ako makapag-react ay dumapo na ang kamao nito sa mukha ni Jed.
Nabitawan niya ang kamay ko.
"Jed!" gulat na gulat na sigaw ko nang humandusay siya sa motorbike. Binalingan ko agad si Liam. Sa likod niya ay si Aphrodite na nagulat din sa ginawa ng kasama. "What the fuck, Liam?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top