Chapter 3

Chapter 3

I mean... Why? Ang akala ko ay may pinopormahan si Jed sa APH. Hindi ba't si Aphrodite iyon? Iba talaga ang nakita kong ngitian nilang dalawa kahapon.

Then why did he do the fifth item on his to-do list for me? O baka naman nagkataon lang at dahil aksidente ko siyang hindi nasipot sa Mico Moco. His supposed birthday surprise for me got busted, and he had no choice but to do it over the phone.

Because of that, I couldn't sleep well last night. Mabuti na lamang at wala kaming pasok dahil weekend.

Jed would be busy, though. Sa tuwing weekend ay regular na tumutugtog ang Lyricbeat sa Mico Moco, ang bistro bar na pag-aari ni Kuya Mico, ang pangatlong lalaki sa magkakapatid na Suarez.

Lyricbeat was a four-man, one-woman band that was formed during their college days. Isa sa mga dahilan kung bakit kami naging magkaklase noon ni Jed ay nang mai-drop niya ang isang minor subject dahil sa pagbabanda.

Troy Zander was the leader of the band, although I heard it was initiated by their music arranger, Zeldon. Parehong gitarista ang dalawa, ngunit si Zeldon ay isa rin sa dalawang lead vocalist ng banda. Ang isa pang lead vocal ay ang bassist nila at ang nag-iisang babae sa banda na si Maddison. Si Leonardo naman o mas kilalang Ardo ang kanilang keyboardist at si Jed ang drummer at songwriter.

Jed and Troy were the only ones who graduated and earned their degree in Bachelor of Music at the same university we attended. Ang tatlo ay may kanya-kanyang ibang linya sa buhay.

Noong una ay hobby lamang ng lima na ituloy ang pagtugtog sa bagong bukas na bistro bar ni Kuya Mico pagka-graduate nila ng college. Until one day, someone from XYZ Records found the video of the first duet of Zeldon and Maddison online. Ashley, Lyricbeat's manager now, visited Mico Moco and cast the whole band right then and there.

Jed was so excited when they finally signed the contract.

Of course, hindi naging madali ang mga pinagdaanan nila bago makarating sa puwesto nila ngayon.

Philippine bands are almost always underrated nowadays because of the current turnover in the music industry. Lyricbeat wasn't an exception to that, no matter how good they were.

International and foreign music took over the entire industry, especially Kpop among young listeners. Dahil doon ay hindi na masyadong napagtutuunan ng pansin ang mga kanta at musikang gawa ng kapwa pinoy.

Despite that, Lyricbeat continued to play and perform in various music shows and small concerts in the country and maintained their MWF (Monday-Wednesday-Friday) and weekend gigs at Mico Moco. They had a fan base, although not that big, and they performed their best for them.

Lyricbeat was an underrated band until its first year. The band was known for writing their own songs, pero mainly ay si Jed talaga ang nagsusulat para sa banda. He entered a national songwriting contest at that time and became the first male songwriter winner of the competition. His song hit, topped the charts, and gained an army of fans. Their careers boomed, and their fanbase grew.

A few months after gaining the title of band songwriter of the year, they collaborated with the monster rookie in the songwriting world – Agori – who is now among the top three songwriters in the Philippines.

And the only female, I think? Despite the sudden rise in fame, she remained a faceless songwriter. Only Lyricbeat had seen his or her face and those who worked with him or her. Even her real name was a mystery to the world.

Lyricbeat is now in its fourth year already. At kahit naging kilala na ang mga ito sa buong bansa at nabansagan nang band of the year for three consecutive years ay hindi nila itinigil ang gig nila sa Mico Moco. Ngunit sa tuwing weekend na lamang ang kaya ng schedule nila. Paminsan-minsan na lamang naisisingit ang Friday.

Naudlot ang pag-iisip ko nang marinig ang doorbell. Sinundan iyon ng tatlong mahihinang katok.

Was it Jed? He could've just opened the door because that was what he always did. He knew my passcode.

O baka dahil nagtatampo siya kaya kumakatok siya ngayon? Alas dos na ng hapon at dapat ay nasa Mico Moco na sila para sa dry rehearsal.

Iba ang napagbuksan ko. Tila humihingi ng paumanhin na ngumiti si Kuya Quinton habang karga ang isang taong gulang na anak na si Queen Mariah. They lived right across from my house.

"Rhyne..."

Pinaglipat-lipat ng bata ang tingin niya sa amin ng tatay niya.

"Ysay's water just broke. We need to go to the hospital now. Maymay is still on vacation. Pupuwede bang iwan ko muna si Queen sa iyo saglit? Kinakabahan na ako kay Ysay at hindi man lang umiiyak. Kahit—"

"It's okay. Just go, Kuya," agap ko agad sa pagpapaliwanag niya nang maintindihan ang sitwasyon.

Nagpapasalamat na binigay niya sa akin ang bata kasama ang isang bag ng mga gamit at gatas nito. Umiyak ito agad nang tuluyang bitawan ng kanyang tatay.

"Maraming salamat talaga, Rhyne. Pasensiya na." Tumalikod na siya para bumalik sa bahay. Napatakbo pa nang makita naming palabas na ng gate si Ate Ysay dala ang mga gamit na kailangan nila sa ospital. "Ysay naman talaga!"

Tumawa si Ate Ysay sa pagkakataranta ng asawa saka ako binalingan. "Thank you, Rhyne. Tahan na, Queen."

Niyakap ko nang mahigpit ang bata. "Ingat kayo, Ate."

Nang makapasok ulit sa bahay ay patuloy pa rin sa pag-iyak ang karga ko. Ang hula ko ay baka gutom lang ngunit nang bigyan ko naman ng gatas ay iniwas niya iyon sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak.

Dumiretso ako sa kama at ibinaba siya roon. Pinaikutan ko ng maraming unan para hindi siya mahulog kung sakaling maglikot. Tumahan naman siya ngunit pagkatayo ko ay muling umiyak.

I muttered all the curses in the world. Wala talaga akong alam sa pag-aalaga ng bata.

"Queen Mariah," malumanay na sabi ko.

Medyo tumahan ulit siya at tumingin sa akin nang diretso habang nakanguso.

"What do you want, little girl?" Pinilit ko pa lalo palambingin ang boses ko.

Umiyak siya ulit.

What? What did I do? Tinanong ko lang kung ano'ng gusto niya. Kung makaiyak naman siya, akala mo'y minaltrato. Nagsisimula nang uminit ang ulo ko sa iyak niya.

"Mama will come back, Queen. They just have to deliver your baby brother, okay? Kaya tama na ang iyak diyan at hindi naman kita inaano." Pinipilit kong palambingin ang boses ko para hindi siya matakot. Hindi naman epektibo dahil lalo lang niyang nilakasan ang kanyang iyak.

I chanted soft curses while I was drying her tears. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa kanya. Binigyan ko na ng gatas, ayaw naman. Kaninang buhat ko ay ayaw tumigil sa pag-iyak. Ngayong inilapag ko na sa kama, iyak pa rin nang iyak.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan sina Princess at Czeila. Pareho silang hindi sumasagot. Should I call Tita Bridgette? Pero masyadong awkward pagkatapos ng huling napag-usapan namin, so I think I shouldn't. Lalo na si Liam, ano naman ang alam no'n?

I put my phone down and decided to check the things inside the baby's bag. And then I realized something when I saw a pack of diapers. I checked Queen Mariah again and saw that her diaper was already full and heavy.

Pinahiga ko siya at sandaling natahimik. Nilaro niya ang kanyang mga maliliit na kamay sa ere at nakatingin sa akin habang pinapalitan ko siya ng diaper.

She also pooped. Kaya pala sobrang lakas ng iyak.

Pinalitan ko na rin siya ng damit. Ang akala ko ay okay na ngunit nang pinaupo ko na siya ulit pagkatapos siyang lagyan ng polbo ay umiyak na naman siya.

Napalakas na ang mura ko. "Ano na naman? Tinanggal ko na ang tae mo, Queen Mariah, ha?"

Tiningnan niya ako na parang kasalanan ko iyon habang patuloy sa pag-iyak. Fresh tears were continuously pouring down her chubby cheeks.

"Mauubusan ka na ng luha niyan, sige ka," pananakot ko sa kanya.

Humikbi siya at akala ko'y titigil na, ngunit bumuwelo lang pala para sa susunod na iyak.

'Tangina.

Muli kong dinampot ang aking cellphone at tinawagan na si Jed. I hoped he'd answer. Mababaliw na ako sa iyak ng batang 'to.

"Heartbeat ko," masiglang bati ni Jed mula sa kabilang linya. "Missed me—"

Malulutong na mura ang pinakawalan ko.

Pagkasagot pa lang kasi niya sa tawag ay sumigaw na sa pag-iyak si Queen Mariah.

"May bata ka bang kasama? Sino 'yang umiiyak—"

"Where are you now?" bad trip nang tanong ko.

"I'm actually on my way to your hou—"

"Bilisan mo," sabi ko habang pinupunasan ang mga luha at laway ni Queen Mariah na wala yatang balak tumahan.

"Why? What's wrong?" Sumeryoso agad ang kanyang boses at narinig kong pinabilis ang kanyang pagmamaneho.

My lips formed into a grim line. "Mag-iingat ka."

"Of course, Rhyne. I'll be there in five. Malapit na rin naman ako."

Wala pa ngang limang minuto ay narinig ko na ang pagpindot ni Jed ng passcode sa labas. Binuhat ko agad si Queen Mariah at nagmamadaling lumapit sa pinto para salubungin siya.

When the door opened, naamoy ko agad ang pizza'ng dala niya. Napatingin ako sa mga kamay niya at nakitang may dala rin siyang iced coffee.

"Woah, Rhyne!" gulat na sambit niya. "Nag-ampon ka na? Ba't 'di mo sinabi? Gumawa na lang sana tayo kung gusto mo na ng bata!" Sunod-sunod na sinabi niya iyon habang papunta sa kitchen counter.

I closed the door. Natatakam man sa pagkaing dala niya ay binatukan ko pa rin siya dahil sa kanyang sinabi. "Ako na'ng bahala riyan. Alagaan mo ito." Hinele-hele ko si Queen dahil wala pa ring tigil sa pag-iyak.

Inilagay niya sa counter ang mga dala niya at agad na hinarap ang batang karga ko. "Is this Quinton and Ysabelle's daughter? Ang laki mo na, baby girl! Aigoo!" Nag-baby talk pa siya habang unti-unting kinuha mula sa akin ang bata.

Queen Mariah immediately stopped crying.

Ang sama ng tingin ko sa kanilang dalawa. "'Tangina, ginawa ko na ang lahat para sa iyo tapos sa lalaki ka lang tatahan?"

"Rhyne, ang bibig mo nga. Naririnig ka ng bata at baka gumaya sa iyo paglaki," saway ni Jed sa akin habang patuloy niyang bine-baby ang bata.

Pairap na nakahinga ako nang maluwang. I think I called the right person. Mahilig si Jed sa mga bata.

"Baka naman kasi gutom," aniya at pumunta na sa kama. He checked the baby's bag.

"Ayaw niya! Iniiwas niya ang mukha niya."

Kinuha niya ang gatas at sinubukang ibigay kay Queen na agad naman nitong tinanggap.

Suminghap ako at namaywang. "'Tangina talaga, Jed."

A small smile formed on his lips, and his right brow twitched. "Baka tumae?"

"She did poop, but I cleaned her up already. Pinalitan ko na rin nga iyan ng damit." Naiinis pa rin ako. Pumunta ako sa harap ng computer at binuksan iyon. "Baka matagalan sina Ate Ysay. Manganganak na. Can you stay until Kuya Quinton comes back?"

Napatingin ako sa oras. Nasa Mico Moco na pala siya dapat. "Never mind. Malapit nang mag-umpisa ang gig niyo. You should probably go after tha—"

"Nah, it's fine. I'll stay. Czeila is there to sub. She's got skills like mine. Don't worry," aniya habang pinagmamasdan ang batang karga niya.

Napanguso na lang ako. Naiinis ako dahil effortless niyang napatahan ang bata. I tried everything, but to no avail. While it only took Jed to carry her, and she immediately stopped her tantrums. Maybe babies had a way of knowing who they should trust and they could tell people who knew how to take care of them from those who did not. And obviously, I was totally off the list.

'Tangina. Kaya wala akong hilig sa mga bata.

"She's sleeping already," bulong ni Jed.

Napairap ako. I watched him remove the feeding bottle from Queen Mariah's hands. She finished it all. Tumayo siya at marahang inilapag si Queen sa kama.

"I think you should go now. Pagod na iyan sa kakaiyak kaya hindi na rin siguro iyan magigising—"

"I told you I'd stay. Walang problema dahil nandoon naman si Czeila." Tinalikuran niya ako para kunin ang family-sized pizza at ang mga iced coffee. Inilapag niya ang mga iyon sa coffee table na ipinuwesto niya sa paanan ng kama para mabantayan namin si Queen.

Lumapit ako at pumuwesto na rin sa tapat niya. Agad akong uminom sa iced coffee na dala niya, ngayo'y nabawasan na ang lamig.

"Nga pala. May nabasa ako sa Facebook." Kumagat ito sa pizza at saka kinuha ang cellphone. He scrolled down for a few seconds until he found what he wanted to show me. Iniharap niya sa akin saglit ang kanyang cellphone. "'Noong Bata Ako' experience."

Ngumisi siya at binasa ang mga iyon. "I'd put my arms in my shirt and tell people I'd lost my arm. When I did this back in fifth grade, iyak nang iyak si Czeila. Akala niya ay totoo," tawang-tawang sabi niya.

He scrolled down again. "I would restart the video game whenever I knew I was going to lose. Si Kuya Mico ito. The third one, I had that one pen with four colors and tried to push all the buttons at once. Of course, lahat yata ng bata ay nagawa na ito. Next, I faked being asleep so I could be carried to bed. This is definitely Czeila Aryeza Suarez!" Tawang-tawa pa rin siya habang binabasa ang mga iyon.

I continued munching while watching and listening to him read some more.

"I also used to think that the moon followed our car wherever we went. And this! Sinubukan ko rin ito noon. Kung ano'ng mangyayari kung iba-balance ko ang switch ng ilaw. Sinara ko rin nang mabagal ang ref para tingnan kung kailan mamamatay ang ilaw." He laughed so hard because he obviously could relate.

Sa mga ganitong bagay ako naiinggit. Sa mga simpleng bagay na naranasan at napagdaanan ng ibang bata, ng halos bawat bata.

"Why are you not laughing? Relate na relate talaga ako." Malaki pa rin ang ngisi niya.

"Masyado kang maingay, Jed. Kapag nagising itong si Queen, bubugbugin talaga kita," sambit ko na lang habang patuloy sa pagnguya.

Sumama ang tingin niya sa akin habang umiinom ng kape.

Napairap din ako. "Noong bata ako, ni isa sa mga sinabi mo, wala akong naranasan."

Pinagmasdan ko siyang natigilan.

I smiled. The unhappy kind of smile. All I could remember were curses and shouts, the sound of things being thrown away, the sound of glasses being shattered, the sound of a gunshot... and a lot of crying. Those were not even worth remembering.

"Are you serious?" tanong niya nang hindi na ako umimik.

I just smiled and slowly climbed onto my bed. Humiga ako sa tabi ni Queen at pumikit.

I didn't want to talk about my childhood days. It was too dark and horrifying; it was a tale not worthy of telling. Even to Jed.

Slowly, I heard him stand up and walk towards the kitchen. Walang salitang nilinis niya ang mga pinagkainan namin.

Ang akala ko ay aalis na siya pagkatapos niyon. Ngunit maya-maya ay naramdaman ko na lamang na umuga ang kaunting espasyo sa likod ko. I did not open my eyes and just waited for what he would do or say.

"Six years and I know you still didn't tell me everything about you. I can patiently wait until you're ready to finally and fully open up," mahinang sabi niya maya-maya, dinibdib yata ang huling sinabi ko.

Naramdaman kong sinilip niya ako kaya mas lalo akong hindi gumalaw.

"Makulit ba ako masyado?" He extended his hand and I felt him massage my forehead. "Kunot na naman 'yang noo mo. Huwag ka nang sumimangot. Mahal naman kita."

He sighed. "Puwede naman siguro kitang mahalin kahit hindi ka akin, 'di ba?"

Pasimpleng nahigit ko ang aking hininga dahil doon. What is he saying now? Why is he saying this to me?

"Kazandra Rhyne... Suarez," he said, and softly chuckled. "Someday I'm going to make it happen."

What the fuck? Seryoso ba siya?

Napabuga ako ng hangin. Uminit bigla ang dugo ko sa mga sinabi niya. "Kung ayaw mong umalis, Jed, itulog mo na lang iyan."

"What the fuck?! Gising ka?" gulat na tanong niya.

Nilingon ko siya at inirapan. I saw his face slowly getting red in embarrassment. He whispered soft curses under his breath while avoiding my gaze.

Muli akong napairap at tinalikuran na siya sabay pikit. Ngunit dagli ring napadilat nang maramdaman kong humiga siya at yumakap mula sa aking likuran. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa aking tiyan.

Slowly, I felt my heartbeat getting louder and louder.

"Jed," I warned him.

"Twenty seconds, Rhyne. Kahit twenty seconds lang," bulong niya kasabay ng mabigat na paghinga. Isinubsob niya lalo ang kanyang mukha sa leeg at buhok ko.

Napahinga na rin ako nang malalim. Pilit na inignora ang reaksiyon ng aking sistema sa ginagawa niya.

"Since narinig mo na rin naman, ayoko nang bawiin. At ayoko nang itago." Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa akin. "You are in every beat of my heart. Yesterday was your birthday, and you're still single... so today is our first day as a couple. I hope you didn't forget what we talked about before."

'Tangina. Seryoso nga talaga siya!

Mariin akong napapikit upang pigilan ang sariling mapamura nang malakas.

"Rhyne," untag niya sa akin.

'Tangina talaga! Nararamdaman ko ang unti-unting pagbalot ng saya sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. 'Tangina dahil ayoko sa reaksiyon na ito.

Napakagat-labi ako at pinilit ang sariling alisin ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.

"Lumagpas ka na sa twenty seconds, Jed. Time's up."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top