Chapter 29

Chapter 29

As far as I could remember, Orazon was a small town located at the bottom of the Philippines. Maliit lang ang probinsiya at napapaligiran iyon ng dagat at mga maliliit na isla.

Sa paglipas ng mga taon, maraming nagbago sa lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. Noon, puro tricycle lang ang makikita sa daan at iilang motorsiklo at pamapasaherong jeep. Ngayon, every street was filled with different kinds of vehicles at nagkaka-traffic na rin. Minsan pa nga ay mas mabagal pa ang usad kaysa sa EDSA.

Marami na ring mga matataas na building ngayon. Hindi gaya ng dati na puro hanggang dalawang palapag lamang ang itaas. Sa pag-iikot ng motor-tricycle na inarkila ko ay nakita ko ring may hotel na rin dito ngayon.

The old coffee shops I remembered were now replaced with different, beautiful cafés. Mahilig sa kape ang mga tagarito kaya nabansagan itong Town of Caffeine. Bukod sa maraming café na makikita sa bawat sulok ng probinsiya, dito rin matatagpuan ang pinakamalaking coffee farm sa buong Mindanao.

Over time, I realized, the little town of Orazon became a little city.

Marami pa kaming nadaanan na mga bagong establishment habang nasa daan pauwi sa amin. Manghang-mangha ako nang madaanan namin ang town hall ng Orazon. Before, there was only one building na puti ang kulay. Ngayon, it was painted in brown and vanilla. Maraming disenyo at palamuti. May fountain din sa gitna ng garahe at napapalibutan iyon ng mga sementadong bulaklak. Ang hula ko ay umiilaw ang mga iyon kapag gabi.

They had three buildings already. Dalawang magkatabing building na ang town hall at ang pangatlong gusali ay isang indoor basketball court, based on the shrieks from running sneakers on the floor and the bouncing sound of the balls that I could hear. Nasa ikalawang palapag iyon at ang malaking bintana na nakapaikot doon ay gawa sa iron metal grill kaya maririnig mula sa labas. Idagdag pa ang sigawan ng mga manonood.

Sa ibaba ng court ay makikita naman ang artificial garden na may malaking signage na "I LOVE ORAZON." Nakapatong iyon sa isang tasa ng kape na isa sa mga trademark ng Orazon.

Everything I was seeing now was exactly how Agori described the current Orazon in her manuscript.

Despite the obvious changes in the town, I felt so nostalgic. Lalo na kapag may nadadaanan kaming pamilyar na mga lumang bahay. Nasa barangay Hiniram na kami at halos walang nabago rito.

Ilang minuto ang dumaan at nasa tapat na kami ng Orazon beach. Isang public beach iyon na pinupuntahan ng lahat mula sa iba't ibang panig ng probinsiya. Linggo man o hindi, halos hindi iyon nauubusan ng mga taong dumadayo roon.

Sa pagdampi ng maalat na hanging nagmumula sa karagatan sa aking pisngi, saglit na napapikit ako at pasimpleng huminga nang malalim.

I avoided this place for so long, and now that I was here again, I realized how much I missed it. Hindi ko na maalala kung paano ko nagawang huwag balikan ang kagandahan ng lugar na ito.

We passed by The Hood, isang mahabang boardwalk sa unang parte ng beach na may mga cottages sa dulo. Namataan kong may iilang taong nagkakatuwaan doon at tumatalon pa sa dagat. Dati ay wala itong boardwalk na ito.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ko namataan ang pinakadulo ng beach. Sa likod ng signboard ay isang private property na pag-aari ng mga Sandoval.

And that was where the nightmare started.

My father was the last of the Sandovals here in Orazon kaya nang mamatay siya at tuluyan kong iniwan ang lugar na ito, naging abandonada na ang bahaging ito ng beach.

Pagkatapat namin sa signboard ng Orazon beach ay inihinto na ni Manong ang kanyang motor-tricycle. Ang sabi'y hindi na puwedeng pumasok ang motorsiklo niya dahil puno na ng mga shells at bato ang daanan.

Nagbayad ako at nagpasalamat sa kanya bago bumaba.

"Tagarito ka ba, hija?" tanong ni Manong matapos ilagay sa kanyang itim na body bag ang bayad ko.

Yumuko ako nang bahagya para makita siya. "Ah... Opo."

"Sigurado ka? Ang alam ko kasi, bago na ang may-ari ng bahay na bato riyan. Hindi na iyan sa mga Sandoval. Mabuti na rin naman at ipinagbili na nila kasi simula nang mamatay ang may-ari, naging abandonada na ang bahay at halos katakutan na ng lahat."

"Ah..." Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko roon.

"Mag-ingat ka, hija. Hindi tagarito ang bagong may-ari niyan. Pero mabait naman ang batang iyon. Hindi siya regular dito pero pabalik-balik siya dahil pinapaayos niya ang bahay. Mukhang may balak na sigurong magpamilya."

"Ah, sige po." Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

"Sige, hija. Mag-iingat ka," paalam niya.

Nakahinga ako nang maluwang nang tuluyan na siyang umalis. Tiningnan ko ang daanan patungo sa dating bahay namin. Wala nang ibang bahay na katabi at nag-iisa lamang iyon. Medyo malayo pa iyon pero kitang-kita ko na mula sa kinatatayuan ko ngayon.

Now what?

Hindi ko alam kung bakit dito ako agad nagpunta gayong hindi naman na namin ito pag-aari. Dapat pala ay naghanap muna ako ng matutuluyan.

Napasulyap ako sa karagatan at nakitang papalubog na ang araw. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang magsimula akong maglakad patungo sa lumang buhay. My heartbeat suddenly started going haywire. The whole time I was walking, I couldn't take my eyes off of our old house.

Ang sabi ni Manong Driver ay ipinapaayos daw iyon. It looked the same to me, though. It looked exactly as I remembered it. Medyo malayo pa naman ako at hindi ko pa nakikita nang maayos. But when I finally stopped in front of our old hardwood fence, doon ko napagtanto ang ilang pagbabago. Dati ay kulay-pula ang pintura ng gate niyon, ngayon ay kulay-tsokolate na. Sa katunayan, halata nga na bagong pintura ang buong bakod.

Inalis ko ang tingin doon at iginala iyon sa paligid. Agad na nakuha ng malaking bato sa dalampasigan ang atensiyon ko. Sobrang laki niyon na halos magkasinglaki at tangkad na ng aming dating bahay. Iyon ang dahilan kung bakit bahay na bato ang tawag ng karamihan sa bahay ng mga Sandoval.

Years ago, I remembered that Papa made a small boardwalk – enough to fit us three – at the back of that huge rock facing the sea. Mahilig kasi si Mama na mag-sunbathing noon dahil gusto niyang magaya sa amin ni Papa ang kulay ng balat niya.

Napailing-iling ako. So much for reminiscing, Rhyne. Nagsisimula nang dumilim at dapat ay naghahanap na ako ng matutuluyan.

I looked at our old house again. Sa loob ng bakuran ay nalalatagan ng bermuda grass ang buong paligid. May iilang halaman at bulaklak din sa bawat sulok niyon. Sa kaliwang banda ay may naka-install na swing doon at isang set ng hardwood na lamesa at dalawang upuan paharap sa dagat.

The entire house was a combination of amakan, or woven bamboo, and plain concrete walls. Sa likod ng tatlong palapag na bahay ay makikita na ang mga kakahuyan kaya bukod sa luma, nagmukha ngang haunted house iyon. Lalo na siguro noong wala pa itong tao.

Dahan-dahan kong itinulak ang gate na gawa rin sa kahoy at nagulat nang bumukas iyon. Wala bang tao sa loob?

Kinakabahan man ay tuluyan akong pumasok. Nang isara ko iyon ay napapikit ako saglit. Images of police cars and ambulances suddenly flashed in my mind. Even the sound of the sirens felt so real, like they were actually happening at the moment.

I took a deep breath and then opened my eyes. The images vanished.

Matagal pa akong naestatwa roon para hintayin na kumalma ang puso ko. Nang tuluyang huminahon ay unti-unti kong hinarap ang bahay. Lakas-loob kong nilapitan iyon. I skipped the three stairs and then I was in front of the main door already. It was also made up of hardwood na may artwork na mga baging at bulaklak.

I knocked, but there was no answer. When I tried to open the doorknob, I realized it wasn't locked. May tao ba talaga rito?

Namangha ako nang tuluyan ko nang mabuksan ang dalawang pintuan. The outside appearance of the house might have stayed the same, but the interior had totally changed. All the furniture had changed, and the whole house was painted in brown and ash gray. Ibang-iba na ang hitsura ng living room. Ibang-iba sa natatandaan kong pinangyarihan ng trahedya noon. I couldn't even imagine it happening here.

Bakit wala pa ring nakakapansin na may ibang tao nang nakapasok sa bahay? Nasaan ang bagong may-ari?

Naghintay pa ako nang ilang sandali pero nang walang lumabas na tao ay tinungo ko ang malaking hagdan at umakyat sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang master's bed room, isang regular room at isa pang guest room. May kuwarto rin doon na nagsilbing library kung saan naalala kong doon nagsusulat si Papa. Madalas din ako roon noon para magbasa.

I immediately noticed the secret ladder beside the library's door. Iyon ang hagdan ko paakyat sa attic kung saan ang lumang kuwarto ko.

Medyo nahirapan akong huminga sa pagdagsa ng mga alaala kaya napaatras ako. The panic was slowly starting to build up inside me once again. Malalalim na hininga ang pinakawalan ko para kumalma. Umatras pa ako ulit at napatapat sa master's bedroom.

Napalunok ako. Ito pa rin kaya ang master's bedroom ngayon? It used to be my parents' old room.

I twisted the doorknob, and just like the other doors in the house, it opened. Nasaan ba ang may-ari at hinahayaan lang itong bahay na bukas at walang tao?

Kunsabagay, no one would come here. Alam ng buong bayan na Sandoval ang may-ari ng lumang bahay na ito. At kahit ngayong iba na ang nagmamay-ari niyon, wala pa ring pupunta dahil alam din ng lahat ang tungkol sa trahedyang nangyari noon dito. Ang sabi nga ni Manong kanina, karamihan sa mga taga-Orazon ay natatakot nang lumapit sa bahaging ito ng beach kahit pa dito ang pinakamagandang view ng karagatan.

Napasinghap ako nang tuluyang tumambad sa akin ang loob ng kuwarto. At the center of the room was an antique oak wood king-size storage platform bed, which had built-in shelving and drawers in the headboard and footboard. Punung-puno ng libro ang nasa headboard. Ibang-iba na sa hitsura ng natatandaan kong kuwarto nina Mama at Papa noon.

The white ceiling had a black outline pattern. It had a chandelier, wood flooring, and an adjacent office on the left side of the room. Hindi ako sigurado kung opisina ba iyon o banyo.

Next to the dark brown wooden wardrobe on the right side of the room was a wedding gown on a black headless mannequin. It was a sweetheart, off-shoulder, pink flower wedding gown. Bagay na bagay iyon para sa isang garden o beach wedding. May katabi iyon na mataas na stool chair kung saan naman nakalagay ang isang pares ng puting flat shoes na may mga bulaklak ding disenyo at isang floral wedding headpiece assembled with pearls and rhinestones.

Nakalimutan ko nang hindi na ako ang may-ari ng bahay na ito sa sobrang pagkamangha. Pumasok ako nang tuluyan sa kuwarto at lumapit sa wedding gown.

Wala akong nakitang singsing pero naagaw ng card ang aking atensiyon na kinapapatungan ng headpiece. Kinuha ko iyon at natantong wedding invitation nga iyon. It was brown in color with a green vine design on each corner of the paper.

Halos tumigil ang mundo ko nang buksan ko iyon.

The names of the bride and groom were printed at the center of the card in a beautiful font.

Rhyne Sandoval and Jed Suarez.

Sa baba niyon ay nakasaad ang wedding date sana namin ni Jed tatlong taon na ang nakararaan.

Napasinghap ako at muling inikot ang paningin sa loob ng kuwarto. Ang ibig sabihin ba nito ay si Jed ang bumili ng dating bahay namin kay Tita Bridgette? Alam ba ito ni Tita?

I looked at the wedding stuff again. Of course, there would be no wedding ring here because it was still with me. The Swarovski sunshine ring Jed gave me when he proposed was still with me.

Luhaan na ako nang lumabas ng kuwarto.

Kung ganoon pala, nasaan si Jed? Bakit walang tao rito sa bahay?

Bumaba ako at tuluyang lumabas ng bahay. Madilim na sa labas ngunit malinaw ko pa ring nakita ang paghinto ng isang motorbike sa tapat ng mababang gate. Marahas ang pagpapahinto roon ng may-ari at ni hindi ko alam kung nai-park niya ba iyon nang maayos o hinayaan na lang niyang natumba.

He hurriedly and worriedly walked towards me. "What in the world are you thinking, Rhyne?! Coming here on your own? Tita Bridgette and Liam called me! Hinanap kita sa bawat hotel sa buong bayan! What the fuck are you think—"

Natigil siya sa pagsasalita nang patakbo kong tinawid ang distansiya sa pagitan naming dalawa at sinugod siya ng yakap. Wala na akong pakialam kung mabasa ko man ang damit niya sa mga luha ko.

"I'm pregnant, Jed," punung-puno ng emosyon na balita ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim. Dinig na dinig ko ang lakas ng bawat pintig ng puso niya. He slowly snaked his arms around me, and it felt so warm. It felt like home.

"I know, Rhyne," bulong niya sa namamaos na boses bago hinigpitan ang yakap sa akin. "I know."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top