Chapter 28

Chapter 28

I am pregnant.

I. Am. Pregnant. Again.

Napalunok ako habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Sabog pa ang kulot na kulot na buhok dahil kakagising ko pa lamang. Ni hindi pa ako nakakapaghilamos at ang unang inatupag ko talaga ay ang biniling pregnancy test kit kagabi.

Unlike before, I bought only one kit. At hindi na ako nagduda nang lumabas iyon na positibo. I had all the early signs.

Nakataas ang suot kong lumang t-shirt ni Jed at kitang-kita ang buong tiyan ko sa salamin. I felt so overwhelmed as I slowly caressed my baby bump. Hindi ko alam kung umbok na ba iyon ng pagbubuntis ko o dahil sa pananaba ko.

I slowly swallowed the lump in my throat. Inalala ko kung kailan huling may nangyari sa amin ni Jed. Magda-dalawang buwan na rin yata. Ilang buwan naman na kaya ako ngayon? Nangingilid ang mga luha ko sa isiping may anak ulit kami ni Jed. And he or she was growing inside me.

Ibinaba ko ang t-shirt at naupo sa kama, tahimik na lumuluha at kinakalma ang sarili.

Sino ang una kong sasabihin? Si Jed? But he was in Orazon, and I wasn't sure if I could go there unplanned. Naihanda ko na kasi ang utak ko na sa susunod na buwan pa ako pupunta para sa taping ng Caffeinated Love. At masama pa rin ang loob ko dahil hindi niya sinabi ang tungkol sa pagpunta niya roon.

Sure, he had been sending me a basket of fruits and milk every day since he left. Pero bakit niya inilihim ang tungkol sa Orazon?

Should I tell Tita Bridgette first? Hindi ko alam kung matutuwa ba siya rito. I had been giving her a hard time all these years. Kahit kailan ay hindi siya nagalit sa akin kahit madalas ko siyang iwasan noon. Tinanggap naman niya ang pagbubuntis ko noon pero hindi ako sigurado kung ganoon pa rin ang magiging reaksiyon niya ngayon.

Kung si Liam naman, I was sure as hell he would be furious! Matagal na siyang asar kay Jed at kapag nalaman pa niya ito, mas lalo lang iyon magagalit.

Or... should I go and tell Mama?

Napatayo ako nang tuluyang makapagdesisyon. I texted Liam that I wasn't going to work today. Alas singko pa lamang ng umaga kaya alam kong tulog pa iyon at hindi pa niya mababasa agad ang aking mensahe.

Inilapag ko ang cellphone sa kama at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. But I stopped myself when I saw the bottled milk beside my coffee maker. Bubuksan ko pa lang sana iyon nang bigla akong maduwal. Napatakbo ako sa banyo. At napahilamos na lang nang tuluyang mahimasmasan.

Maybe I should go to the hospital first before I visit my mother.

Alas siyete na nang matapos akong kumain, maligo at magbihis. I tied my hair up in a ponytail. Mabuti na lamang at nasa akin pa ang susi ng sasakyan ni Liam at iyon ang gagamitin ko papuntang ospital. Bahala na muna siya kung paano siya pupunta sa APH. Or maybe I should call Aphrodite and ask her to pick up Liam?

Iyon nga ang ginawa ko at mabuti na lang ay pumayag. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Liam kapag nagalit iyon.

Malapit lang ang Suarez Group of Hospitals pero sinadya kong huwag magpunta roon dahil mahirap na at baka makasalubong ko pa sina Tito Dan o hindi kaya ay si Kuya Migo. Their hospital was big, so the possibility of crossing paths with them was low, but I still did not want to take the risk. Ayokong malaman nila ang tungkol dito nang hindi ako handa. I wanted to inform them after telling Jed, though he might have been suspecting this already.

Natatakot ako sa magiging reaksiyon ng mga Suarez at baka pa isipin nilang pag-iisipan ko na naman nang masama ang bata. Minsan ko nang naisip iyon at hinding-hindi ko na gagawin ulit sa pagkakataong ito. I was devastated after losing my twins. If I was going to lose this baby again, ikamamatay ko na.

"You are six weeks pregnant, Miss Sandoval."

Kahit nakumpirma ko na iyon kaninang umaga sa pregnancy test kit, iba pa rin ang pakiramdam kapag narinig iyon mismo mula sa doktor na mas may alam. Napuno ng pangamba ang puso ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong gawin ang lahat ng makakabuti para sa bata.

Almost all the dos and don'ts the doctor said were similar to Jed's note on the fruit basket he sent. Nangingilid na ang mga luha ko habang nakikinig sa doktor.

So talagang alam na ni Jed? Noon at ngayon, siya ang unang nakapansin. Ngayon ko lang napagtanto na ganoon siya ka-attentive sa akin. He could notice things I couldn't realize myself.

Nang mapansin ng doktor na nahihirapan na ako ay napabuntong hininga siya at ngumiti nang masuyo. "It's okay po. Huwag kang matakot. When pregnant, all our emotions are usually intense and almost always heightened, always over the edge. Pregnancy can really be overwhelming, pero huwag kang matakot. We just have to make sure that everything is going to be fine for you and your baby. You are going to have regular check-ups so that we can monitor your pregnancy."

Kalmado na ako nang ibigay niya sa akin ang schedule ng prenatal check-ups ko sa mga susunod na buwan. Ipinatong ko lang iyon sa ibaba ng manibela at panay ang sulyap ko roon habang nasa biyahe papuntang Metro Psyche. Ni hindi ko naramdaman ang matinding traffic dahil tahimik kong sinasaulo ang magiging schedule ko.

Nagulat na lang ako nang makita ko ang labas ng Metro Psyche. I suddenly felt nervous. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mama? Nakakapagsalita at nakakasagot naman na siya pero hindi ko alam kung maiintindihan niya ba ang mga sasabihin ko.

She was sitting under the shed of a huge tree in the middle of their garden when I saw her, holding a medium-sized baby doll that Tita Bridgette gave to her last year on her birthday. She was looking at it with a gentle smile. That was the kind of smile I remembered she used to give me when she was still sane.

Nanikip ang dibdib ko at mas lalong kinabahan. Tahimik na lumapit ako sa kanya. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit nang mag-angat siya ng tingin. Muntik na akong mapaatras nang lumuwang ang ngiti niya.

"Masaya ako at nagpunta ka ulit, Miss Sandoval. Palagi kang tinatanong ng Mama mo, kung kailan ka raw ba bibisita ulit..." sabi ng nurse kanina pagkarating ko.

Tumayo si Mama at bahagyang tumakbo para salubungin ako. She held my hand gently. "Kazandra," masayang tawag niya.

Nangilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang ngiti niya. Pati mga mata niya ay kumikislap sa saya. She looked so beautiful, radiant and warm. May-edad na pero kitang-kita pa rin ang kagandahan. Sa kanya ko namana ang kulot na buhok na nakalugay ngayon at tila sumasayaw iyon sa bawat ihip ng hangin.

Magkamukhang-magkamukha kaming dalawa. Ang kaibahan lang ay ang kulay ng kutis namin. She was a mestiza, while I was one shade lighter than a typical morena.

Hinila niya ako papunta sa kinauupuan niya kanina.

Naluluha na ako nang tuluyang maupo sa tabi niya pero pinigilan ko. Ngayong kaharap ko na siya ay muling bumuhos ang sari-saring emosyon sa dibdib ko. I wanted to tell her every single thing. Gusto kong magsumbong na natatakot ako. I hated her so much all my life, and I was scared that my unborn child would do the same to me.

"Kazandra," malambing na tawag niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya nang masuyo at umangat ang kamay para punasan ang luha kong hindi ko namalayang nakatakas.

"M-Ma..." Tuluyan na akong napaiyak at napahikbi. "I am pregnant, Ma."

She grinned widely. Muling nangislap ang mga mata niya sa saya. "I am pregnant, August. I will name her..." Tiningnan niya ang baby doll na hawak at nilaro ang kamay niyon. "Kazandra May Rhyne... Sandoval." She looked at me again and beamed.

Mas lalo akong napaluha.

Was this what she told Papa when she learned about me? She looked so happy and excited, as if she just won and owned the world. Seeing her smile happily like this, I remembered hating my father when I was a kid whenever I saw her cry. I was a daddy's girl, but I remembered hating him gradually whenever he made Mama cry.

Hanggang sa tuluyang nag-iba si Mama. Naging paranoid siya sa tuwing umaalis si Papa noon at iniisip niyang iiwan na kami at hindi na ito tuluyang uuwi sa amin. Lagi niyang sinasabi na may ibang babae na ito. Ngunit kinalaunan ay sa akin naman niya isinisi ang madalas na pag-alis nito. Na kasalanan ko raw na kamukhang-kamukha ko siya at wala man lang akong nakuhang feature mula kay Papa kaya pinagdududahan daw siya nito.

And then I ended up hating them both so much.

"Kazandra will be so beautiful," masayang wika niya habang hinahaplos naman ang buhok ng kanyang baby doll. "I hope she'll look like me."

I do, Mama. And I also hope this baby will look like us, too, babae man o lalaki.

Kahit hindi ko alam kung naintindihan niya ba ako o hindi, gumaan pa rin ang loob ko ngayong siya ang una kong sinabihan. Kahit hindi ako sigurado sa totoong dahilan ng mga ngiti niya, masaya pa rin ako.

She was still beaming when she called my name again. And that was when I decided to tell Jed about our baby.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay tinawagan ko si Ashley para itanong kung nakauwi na ba si Jed. Hindi pa raw. Sunod na t-in-ext ko naman ay si Liam. I asked for a week's leave. Saka ko lang nakita ang sunud-sunod na mga texts at missed calls niya simula pa kaninang umaga. I ignored them all and texted Tita Bridgette next.

"I am pregnant, Tita."

Hindi pa nag-iilang minuto ay tinawagan niya na ako agad. "Ano, Kazandra? What is this?"

I nervously swallowed and started the car's engine. "I am pregnant with Jed's child, Tita."

"Oh, my God... Kazandra..." Narinig ko ang iyak niya mula sa kabilang linya.

I knew she was worried about me because of what happened before, but I wanted to assure her that I was okay. I just couldn't find the right words to say.

"Huwag mo po munang sabihin kay Liam, Tita. He will be furious. Siya ang unang nakapansin pero itinanggi ko. Nagpa-checkup na po ako kaninang umaga and I confirmed that I really am six weeks pregnant and—"

"Six weeks! Where are you, Kazandra? Are you driving?" Naririnig niya siguro ang busina ng mga sasakyang kasabayan ko.

"Galing ako kay Mama at... sinabi ko sa kanya."

Narinig ko ang hikbi niya. "Sinabi mo na ba kay Asher?"

"Sasabihin pa lang, Tita. He's in Orazon. Pupunta ako ngayon at—"

"Orazon? Wait! Sasama ako, Kazandra. Nasaan ka na ngayon?" Worry was evident in her voice. Alam niya kung gaano ko kinasusuklaman ang Orazon. And yet here I was, on my way to that small town.

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "I want to do this alone, Tita. I avoided Orazon for a long time. At ngayon, sitwasyon na ang gumagawa ng paraan para pumunta ako roon. Jed is there and I need to tell him about our baby in person." Napahinga ako nang malalim. "Tita, I never realized I needed closure until I got pregnant again."

Fortunately, NAIA wasn't packed when I got there. Mabilis akong nakapag-book ng ticket papuntang Orazon. Nasa departure area na ako nang muling tumawag si Liam.

"One week leave, Kazandra? For what?" nagdududang tanong niya.

"I'm on my way to Orazon, Liam."

"Orazon? Pupunta naman tayo next month, 'di ba? Ano'ng gagawin mo roon at bakit hindi iyan makapaghintay?" May nahihimigan pa rin akong pagdududa sa kanyang boses.

"Jed is there."

Napahinga siya nang malalim. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Kazandra?" diretsang tanong niya, hindi na mapigilan ang pagdududa.

Bumuntong hininga ako. "See you next week, Liam." I ended the call before he could say anything.

It was an almost two-hour flight from NAIA to Orazon airport. Suka ako nang suka kahit hindi naman ganoon kalakas ang uga ng eroplano. Mabuti na lang at wala akong katabi sa row namin. Umayos lang ang pakiramdam ko nang marinig ang anunsiyo na lalapag na ang eroplano.

Napadungaw ako sa bintana. Green grass and trees surrounded the little airport of Orazon. Medyo lumaki na ang espasyo niyon kumpara sa dati.

As we approached nearer, I looked at the trimmed grass near the gate of the airport.

Welcome to Orazon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top