Chapter 26

Chapter 26

Naniningkit ang mga matang tiningnan kami ni Jed ng kapatid niya paglabas namin ng mansiyon nila habang si Princess ay hindi mapigilan ang ngiti. Nawala lang iyon nang tingnan ko siya nang masama. Tinaasan niya ako ng kilay.

Mag-aalas otso na ng gabi pero wala pa rin si Tita Jessie. Mabuti na rin iyon para hindi na ako mahirapan na magpaliwanag dahil sigurado akong hindi kami titigilan ng mama niya sa mga tanong sa oras na malaman nitong nagkikita at nag-uusap na ulit kami ni Jed.

"Kuya..." Czeila said it like she was warning her brother not to do anything stupid.

Kumunot ang noo niya sabay palatak. "I can take care of us, Czei. Now go back to your room and sleep, and don't worry. Don't even think about your ex-suitor. Mag-lock ka ng pinto dahil mukhang walang balak umuwi ang mga tao rito sa bahay. I already asked Troy to come and stay here for the night. Pagbuksan mo na lang kapag dumating."

Napasinghap ito. "Kuya naman! Pati si Dalmatian, iniistorbo mo pa! Hindi na ako bata! Mas matanda pa nga ako kaysa riyan sa gusto mong pakasalan!" nakangusong reklamo nito.

Nag-iwas ako ng tingin at humalakhak naman si Princess. Hindi ko na sinubukang tingnan kung ano ang naging reaksiyon ni Jed sa pahayag ng kanyang kapatid.

Pauwi na ako at ipinagpilitan niyang sumama sa akin para ihatid ako. Wala na akong nagawa dahil pati kapatid niya ay ipinagtabuyan na rin siya. Ang labas tuloy, sa halip na dumiretso na ako pauwi ay kinailangan pa naming pumunta ulit sa Paranaque para kunin ang sasakyan niya.

Nang bumaba siya ay nagtaka pa ako nang gumilid siya papunta sa akin. He knocked on my window, and when I slightly opened it, he signaled to open it all the way down. When I did, he crouched and gave me a quick deep kiss.

Napanguso ako. Pupuwede naman niyang gawin iyon kanina dito sa loob ng sasakyan.

'Tangina, Rhyne. Ano?

Mabuti na lang at wala nang tao rito sa open parking space nila. I watched him go to his car. Pagkasakay niya, isinara ko na ang bintana ko and then started my engine. Ganoon din ang ginawa niya at nang paandarin ko na iyon ay agad na rin siyang sumunod sa akin.

Pagkarating namin sa building ng tinutuluyan kong condo unit ay pinauna niya rin akong pumasok sa basement parking. I parked Liam's car in his usual spot. Sa tabi ko naman siya agad at halos magkasabay kaming bumaba.

"Uuwi ka na?"

"No. Ihahatid muna kita pataas," seryosong sabi niya. He eyed Liam's car suspiciously.

Habang nilalaro ang car key sa kamay ay nagkibit-balikat ako at hinayaan siyang sumunod sa akin.

Pagkapasok sa elevator ay namulsa siya at tumikhim. "Hindi ba magagalit si Liam na dinala mo pauwi ang sasakyan niya?"

Halata kong pinilit niyang pakaswalin ang kanyang tono kaya napataas ako ng kilay at napakagat-labi para pigilan ang ngiti.

Napahinga siya nang malalim nang hindi ako sumagot. "I have an extra Elantra, Rhyne. You can have it so you don't have to borrow his car."

Bumukas ang pintuan ng elevator sa huling palapag at inunahan ko na siya agad sa paglabas. "Nandito na rin naman siya't nakauwi."

Agad ang pagsunod niya sa akin nang marinig ang sinabi ko. "Wait, Rhyne! What?! You're living together?!"

Inirapan ko siya nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking siko. Nagpatuloy ako sa paghakbang papunta sa pinakadulo ng hallway at nang marating ang unit, mabilis kong itinipa ang aking passcode.

It was a combination of our birthdays. Nakita niya yata iyon dahil narinig kong bahagya siyang napasinghap sa likuran ko. Sumunod siya sa akin papasok at aligagang inikot ang buong sala patungo sa kusina.

Ang kanina ko pang pinipigilang ngiti ay tuluyan nang kumawala. Napapailing na dumiretso na ako sa aking kuwarto para iligpit ang aking bag. Bahagya pa akong nakaramdam ng hilo sa biglaan kong pagyuko. Ngunit nang muling tumayo nang tuwid ay agad ding nawala kaya binalewala ko na lamang. Nagugutom yata ako ulit.

Lumabas ako ng kuwarto at nadatnan ko si Jed na may tinitingnan sa sala. I swallowed hard and ignored the hint of pain when I realized that he was staring at our old painting. Bakit ko nga ba iyon doon inilagay? Ang sabi kasi niya noon, gusto niyang nakikita agad pagpasok sa bahay.

Napabuntong hininga ako. "Jed..."

Paglingon niya, ngumiti ako agad para hindi niya mahalatang alam kong painting namin ang tinitingnan niya.

"Liam lives just below my unit. Not here." Tinaasan ko siya ng kilay nang lalo siyang ngumuso. "Uuwi ka na ba? Naihatid mo na ako. Kung ayaw mo pa, magkape ka na lang muna. Nasa tabi ng ref ang coffee maker ko. Maliligo muna ako saglit."

I did not wait for his answer. Isinara ko ulit ang pintuan ng kuwarto bago pumasok sa banyo. Pinilit na iwaglit sa isipan ang tungkol sa pagtitig niya sa painting namin habang naliligo. Tumagal yata ako ng isang oras dahil hindi ko namamalayang napapatulala ako. Hindi na ako magugulat kung paglabas ko ulit ay wala na si Jed at umuwi na.

After turning off the shower, I wrapped myself in my brown bath robe and then put on my eyeglasses. Ang buhok ko ay nakabalot din ng tuwalya at nakaangat.

Hindi ko na binuksan ang ilaw sa kuwarto at tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag pero kahit medyo madilim, sapat na iyon para makita kong nakaupo si Jed sa aking kama malapit sa side table.

Nakayuko siya sa hawak niyang frame.

Parang may humaklit sa puso ko nang makita ang ayos niya. He was a big guy, but he looked so small and miserable while looking at the frame. Naninikip na ang dibdib ko nang lumapit ako sa kanya.

Masyado siyang lunod sa pag-iisip at napansin niya lang ako nang nasa tapat na niya ako. Huminga siya nang malalim at nag-angat ng tingin sa akin. He looked weary and dead inside. Dumaan ang sakit sa malalamig niyang mga mata.

"Why are you staying in the same building as Liam?" mahinang tanong niya. Pilit na inilalayo ang isipan sa sakit na alam kong nararamdaman niya ngayon. "Do you... Do you like him now?"

"Liam and I are not like that, Jed," pabulong din na sagot ko. "When I decided to... leave San Juan and transfer here, sumama na rin siya para... mabantayan ako."

Yumuko ulit siya at tumingin sa frame, tila hindi pa rin kumbinsido sa sinabi ko.

"He wanted me to use his unit dahil sa bahay nila ni Tita Bridgette naman siya tumutuloy pero tinanggihan ko. I got this place and then he moved in as well. To watch over me, Jed." Hindi pa rin niya ako tinitingnan kaya nagpatuloy ako. "They were scared I might do something stupid if left alone."

I chuckled to hide the pain that was slowly creeping into my system.

Hindi pa rin niya matanggal ang titig niya sa hawak na frame.

Napahinga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili. "I was almost twelve weeks when the accident happened and they detected that I had twins. Hindi nakita noong unang check-up kasi wala pang makuhang heartbeat. The doctor said that I had lost... two boys..." Gumaralgal ang boses ko sa huli.

Hindi pa rin siya sumagot kaya nagpatuloy ulit ako. Napasinghap ako sa mga luha kong nagsisimula nang mangilid. "I... saw them. It was only one boy, though. Or maybe they were identical twins?"

Nang marinig ang sinabi ko ay saka lang siya napaangat ng tingin. Namumula na ang mga mata niya sa pagpipigil sa kanyang mga luha.

"I saw them before and after what happened." Napalunok ako nang makita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

"We had... We had two sons, Rhyne?" paos na tanong niya.

Tumango ako at mas lalong lumapit sa kanya para abutin siya at punasan ang mga luha niya.

Ang akala ko ay hindi na darating ang pagkakataong ito kung saan masasabi ko sa kanya ang matagal ko nang kinimkim mag-isa. Masakit alalahanin ang mga nangyari pero magaan sa pakiramdam na sabihin ang mga ito sa kanya ngayon.

"I still... see them every night in my dreams," sabi ko sa nanginginig na boses. "And that's what they tell me every time I end up blaming myself all over again for... losing them both."

Habang pinupunasan ko ang mga luha ni Jed ay sunud-sunod na rin ang tulo ng aking mga luha. Kumurap-kurap ako at ngumiti sa kabila ng pighating nararamdaman. It was like I was back on that night when it all happened. Parang kahapon lang...

"They look like us, Jed. They look like me when they aren't smiling. But when they do, it reaches their chinky eyes and they look so much like you. Like I'm looking at the younger Jed every time they show up in my dreams."

Sasabog na yata ang puso ko sa sobrang sakit habang inaalala ang hitsura ng mga anak namin. Napapikit ako saglit at nang magmulat ay parang mas lalong nag-ibayo ang hapdi. "I hated myself so much for losing them both. For hurting you, for losing you..."

Wala ring silbi ang ginagawa kong pagpupunas sa mga luha niya dahil maging siya ay hindi na mapigilan ang mga iyon.

"I was devastated that night, Rhyne. I hated you so much. I was blinded with anger when I found out about what happened, and there was no one I could blame except you. I focused too much on my pain that I couldn't see how it killed you as well. I hated myself for putting all the blame on you..."

Nabitawan niya ang hawak na frame at umangat ang mga kamay para kabigin ako palapit sa kanya. Nakakulong na ako sa dalawang binti niya.

Isinandal niya ang kanyang noo sa aking tiyan saka umiling-iling. "I wasn't happy, Rhyne. I was wrong when I thought enlisting earlier than planned was the only solution to get away from the pain and from you. Ang akala ko ay makakalimutan ko ang lahat. Every day I spent serving that country was a punishment, knowing that I left you here alone to grieve for our loss. I was so mad at you, but damn what happened that night, Rhyne!"

Nag-angat siya ng tingin habang nakayakap pa rin sa akin. "Wala na akong pakialam kung sinadya mo man iyon o hindi. Just... take me back. Please, heartbeat..."

It hurt so much. Ako ang may kasalanan sa kanya pero siya pa itong nagmamakaawang tanggapin ko siya ulit.

I wanted both of us to heal... together. Pero ang marinig mula sa kanya na wala na siyang pakialam kung sinadya ko man ang nangyari noon o hindi, it was like a slap in the face. I realized how unworthy I was of him and his heart.

How could he still love me like this? Enough to even beg for me to take him back? After all these years, and after everything that I did, ako pa rin talaga ang mahal niya? Was that even possible? Ako pa rin ang gusto niya even without my apologies?

Ano'ng klaseng pagka-martyr iyan, Jed? Why should you give me all of you when I couldn't do the same for you? Noon at hanggang ngayon?

I wanted so much to apologize. I knew in my heart that what happened was an accident, pero hindi rin maipagkakaila na may kasalanan pa rin ako. It was my fault that I didn't tell him that I had changed my mind about our babies. It was my fault that I was in a rush that day. Hindi ako nag-isip at basta na lang bumiyahe papunta kay Mama. It was an accident, but more than half of it was my fault.

I wanted both of us to heal from what happened. I wanted him to heal by telling him about these things. And I also wanted to heal by apologizing and asking for his forgiveness, even though I knew I never deserved it.

Pero kung ganitong wala na siyang pakialam tungkol sa nangyari basta tanggapin ko lang siya, does it mean he doesn't need my apologies anymore? Does it mean there is no need for me to ask for his forgiveness? Then how would I heal?

Tahimik na sumabay ako sa mga luha niya.

Seriously, hihingi pa ba ako ng mas higit pa? Having him love me this much was more than enough already. His forgiveness would be too much to ask.

Kung wala na siyang pakialam sa nangyari, then I wouldn't care about myself either. I only wanted him to heal and be free from the pain. Kahit siya na lang at hindi na ako kasali. His healing was more important than mine. He was my priority.

"I love you so much, Rhyne," hirap na hirap na sabi niya bago hinalikan ang bandang tiyan ko.

I cried so hard that night.

I wanted to tell him everything. Gusto kong sabihin sa kanya ang puno't dulo kung bakit ko nagawang magmakaawa sa kanya noon na ayoko sa anak namin, na gusto kong bitawan ang bata.

I wanted so much to tell him how I changed my mind, how I decided to live my life happier with him and our babies, how I was determined to fight my demons in order to deserve him...

I wanted to tell him about my regrets and agony, what I went through after I lost him and the babies, how I strived hard to survive in order to get to this moment, how I waited so long to tell him all these things...

Mugtong-mugto ang mga mata ko pagkagising ko kinaumagahan. Mabuti na lang at weekend na kaya okay lang na magtagal muna sa kama para magpahinga.

Wala na si Jed at hindi na siya nagpakita sa akin nang araw na iyon. At sa sumunod na mga araw.

Pagsapit ng Lunes, maaga akong nagising kaya maaga rin akong nakapaghanda para sa trabaho. Alas singko pa lamang ay pumunta na ako sa unit ni Liam para siya naman ang sunduin. Nasa akin pa rin kasi ang susi ng kanyang sasakyan at hindi ko alam kung bakit hindi niya kinuha nitong nakaraang weekend.

Liam's disheveled hair screamed "good morning" when he opened the door for me. Magulo rin ang kilay at nakapikit pa ang isang mata habang nahihirapang tingnan ako dahil sa antok. Mukhang kakagising lang talaga dahil gusot na gusot pa ang ternong pajama nito.

"What the fuck, Kazandra? It's way too early," bad trip na reklamo niya.

Tumaas ang kilay ko. "What the fuck, Liam? Good morning!" Sabay taas ko ng susi ng kanyang sasakyan.

Busangot man ang mukha, niluwangan niya ang pinto para makapasok ako.

Dumiretso na agad ako sa kusina para sana makapagluto ng pag-aagahan namin. Pero nang buksan ko ang ref niya ay mga itlog na lang ang naroon kaya sunny side up na lang ang inihanda ko. Mabuti at may bread pa naman siya. I made french toast as well.

Mas nauna pa akong natapos magluto kaysa sa pagligo niya. Dalawang oras pa yata akong naghintay bago siya tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto. At kagaya ng nakagawian, sa daan na namin kinain ang inihanda kong agahan.

It was almost eight when we reached the basement parking space of APH. Marami nang tao pagpasok namin sa building at karamihan sa kanila ay pasimpleng napapatingin sa banda namin. Hindi ko lang sigurado kung dahil iyon sa pagsasabay naming pumasok o dahil sa bago nilang nadiskubre tungkol sa pagkatao ko. Either of the two, inignora ko na lamang iyon.

And I thought Liam would do the same, pero nang sulyapan ko, magkasalubong na ang mga kilay niya. When I followed the line of his gaze, I saw a big brown basket seated on my table full of fruits, bottled milk, and water. Napakunot-noo na rin tuloy ako.

Madadaanan ni Liam ang aking cubicle papunta sa kanyang opisina kaya nang mapatapat doon ay tumigil siya at masungit na sinipat ang basket, walang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng mga kasamahan namin. Walang pakundangan na kinuha niya ang card na nakalagay at binasa.

Mas lalong nalukot ang mukha niya. "So, it's you and Asher again, huh?" He asked sarcastically, loud enough to be heard by everyone on our floor.

'Tangina, mai-issue na naman kami nito. Lalo na at masungit na ibinalik niya sa basket ang card sabay walk out papunta sa kanyang opisina.

Almost everyone saw what happened.

Nakarinig ako ng mga bulungan. May narinig pa akong 'love triangle' daw kaya mas lalo akong nabuwisit. Dalawang beses na akong napag-uusapan dito sa opisina dahil sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang gustung-gusto niyang nabubuwisit ako.

Medyo nahimasmasan lang ako sa pagkairita nang maupo na ako at binasa ang laman ng card.

To: Rhyne Suarez

Dos and Don'ts while I am away...

Dos

Drink more than eight glasses of water

Drink milk during breakfast and before going to bed

Eat lots of fruits and vegetables

ALWAYS THINK OF ME

Don'ts

No to coffee and other caffeinated beverages

No to soft and hard drinks

No to overconsumption of chocolates

No to LIAM DANIEL GUEVARRA

Follow these strictly and I'll be back in no time before you miss me.

From: Rhyne's Heartbeat

Pagsapit ng ala una ng hapon ay biglang nagpatawag ng meeting si Liam sa lahat ng staff. I had just finished my lunch when I received the memo. Ang ibang maagang nagtanghalian ay agad nang naghanda sa pagpunta sa conference room.

Ako naman ay pumunta muna sa powder room para magbanyo at mag-toothbrush. Habang nagtu-toothbrush ay bumukas ang pinto sa pinakahuling cubicle at iniluwa niyon si Aphrodite na bahagya pang humihikbi at pulang-pula ang mga mata sa pag-iyak.

Sabay na namilog ang mga mata namin sa gulat nang magkatinginan kami sa salamin.

Nailuwa ko ang toothpaste at napalingon ako sa kanya. "Ano'ng nangyari?"

Napailing-iling siya at mabilis na nagpaalam.

Napuno ako ng pag-aalala at mabilis na tinapos ang ginagawa para makasunod na sa meeting.

Halos lahat ng nasa loob ng conference room ay napalingon sa akin pagpasok ko. Ang iba'y hindi pa nakontento at sinundan pa ako ng tingin lalo na nang lumapit ako at umupo sa tabi ni Liam.

He then greeted everyone and proceeded immediately to the agenda of the meeting: the movie version of Agori's Caffeinated Love. Inilahad niya ang plano ng direktor ng pelikula na magsisimula na ang taping sa Orazon sa susunod na buwan at ngayon pa lang ay pipili na siya ng staff na kailangang pumunta roon para alalayan si Miss Agori.

Tumagal ang meeting nang isang oras para sa pagpili lamang ng mga staff. Sa huli ay napagdesisyunang tatlo ang pupunta. The editor who proofread the manuscript before its publication, the illustrator who made the book cover, and the president of the company.

In short, ako, si Aphrodite at si Liam.

May pumasok galing sa cafeteria para maghanda ng snacks habang ang ibang miyembro ng editorial board ay nagdidiskusyon pa kung anu-ano pa ang puwede nilang maitulong para sa pagpunta sa Orazon.

Medyo hindi ko na iyon pinansin dahil nahihirapan pa akong iproseso na talagang kasali ako sa mga pupunta roon sa susunod na buwan. Inasahan ko rin naman na iyon pero iba pa rin kapag sigurado na. Sa susunod na buwan pa naman ang punta pero ngayon pa lang ay kinakabahan na ako nang sobra.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang tumayo pala si Liam para tumulong sa pagbibigay ng mga snacks. Namalayan ko na lang nang nakita kong nasa tapat ko na siya sa likod ni Aphrodite.

Nakayuko si Aphrodite at napaangat lang ng tingin nang ilapag ni Liam sa harap nito ang brownies at strawberry milk. Nagkatinginan ang dalawa at kitang-kita kong inilapat ni Liam ang kanyang palad sa ulo nito at tipid na ngumiti.

Abala at maingay ang lahat dahil sa inihandang snacks kaya wala ni isa mang nakapansin sa kanila. I was the only one who noticed them because they were right in front of me.

Now I know why Aphrodite was crying in the powder room. I was sure she was there already when Liam made a scene about the brown basket I received from Jed this morning.

Buwisit na Liam na ito! Ba't niya hinahayaang pag-isipan kami ng iba ng mga empleyado niya kung nandito rin ang babaeng gusto niya?

Tumikhim ako nang malakas nang bumalik si Liam sa upuan niya. Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko at ganoon din ang sinagot ko sa kanya. Medyo natahimik nang bahagya ang iba dahil sa ginawa ko lalo na nang mapansin pa nila ang palitan namin ng pagtataas ng kilay.

Pagkatapos ko silang batiin ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. "I'm sure by now everyone already knows who I am in this company. I personally asked Tita Bridgette, the former president, to never disclose it to the employees dahil ayoko ng pinag-uusapan."

Mas lalong natahimik ang paligid. I could see the guilt in the eyes of some, but that was not my intention for talking.

"Unfortunately, Mr. President, Liam couldn't keep his mouth shut." Tinapunan ko siya ng tingin para taasan ng kilay. "I'm not dumb and I'm fully aware of the rumors circulating in our workplace. Kung anak ako ng founder ng APH, then why am I not the company's president?"

Kumunot ang noo ni Liam.

"I've heard that some even believe that we're actually secretly married, which is why I'm letting him take over the company. I'm telling you, Liam and I are not like that."

Nag-iwas ng tingin si Aphrodite nang madaanan ko siya ng tingin.

"Let's make this project a success since this is Liam's first project as the new president of APH. I hope from now on, no one will question Liam's position in this company because he deserves it more than anyone else in this conference room. The main reason? Because he works harder than any of us."

"Kazandra..." kunot-noong pigil niya sa akin.

"Second? Because he is the firstborn of the founder. He is also a Sandoval."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top