Chapter 24

Chapter 24

Two years ago, Agori's book was published by August Publishing House. And as I expected, it became our fastest bestseller. Sa katunayan ay nalampasan pa ng sales niyon ang pinakamataas na sales ng mga libro ni Dinn.

Dinn was our writer of the year for five consecutive years, pero nang i-release namin ang libro ni Agori, sa kanya agad ang korona. Too bad, she never tried to release another book again. "Caffeinated Love" was indeed her first and last manuscript.

At kahit dalawang taon na ang dumaan simula nang ilabas ang libro niya, hanggang ngayon ay patok pa rin iyon at madalas na sold out sa bawat reprint kaya patuloy pa rin ang APH sa pag-produce at pag-release ng kopya.

Until one day, an executive producer in the film industry suddenly contacted APH and said that they wanted to collaborate with the publishing house to make a movie version of the book. And after weeks of countless meetings, Agori finally agreed.

At ngayon nga ay nasa meeting kaming lahat ulit dito sa conference room. The director and the scriptwriter were here, as were the main cast, our editorial board, and the APH president.

Agori wasn't here because she wanted to maintain her faceless status as a songwriter. The one who brought the official contract with her signature... was Jed.

Hindi ko alam kung bakit pa ako nagulat na nandito siya ngayon. Nawala man nang ilang taon dahil sa enlistment niya, siya pa rin ang opisyal na songwriter ng kumpanya. And because this was Agori's book, fans had been expecting another collaboration from the two after so many years.

Buong durasyon ng meeting, kunot-noong nakinig si Jed at nagsasalita lamang kapag may itinatanong si Agori na naka-loud speaker. Wala man dito pero kasali pa rin sa meeting.

Napabuntong hininga ako habang ipinapaliwanag niya sa kausap ang tungkol sa gustong mangyari ng direktor.

So after all these years, they maintained their communication?

Kumunot ang noo ko sa naisip. I thought Agori said she was already married to the love of her life?

Nang matanto ang iniisip ay dagli kong sinaway ang sarili. Hindi ko dapat kalimutan ang ginawa ko kay Jed kaya wala akong karapatang makaramdam ng selos. They denied the rumors about them years ago. Both of them were professionals in their own fields of expertise, at alam kong hindi ko sila dapat pinag-iisipan nang ganito. It was irrational and immature.

"What do you think, Miss Sandoval?"

Huh?

Napalingon ako agad sa tabi ko nang marinig ang seryosong boses ni Liam. Bahagyang kumibot ang kanyang kilay nang mahalata niyang tulala ako.

'Tangina. I can't believe I spaced out during a meeting! And to think that this was my first project since being appointed as the editor-in-chief. I needed to pull myself together and focus. I couldn't afford to mess this up. Wait—What was he saying again?

Napatikhim ako nang alisin ni Liam ang tingin sa akin.

Ibinaling niya iyon sa direktor ng gagawing pelikula. "She was the editor of Miss Agori's book almost three years ago. She is now our EIC."

Tumingin siya ulit sa akin. "They suggested filming the movie here in Metro Manila."

"O hindi kaya'y sa mga karatig-bayan lang para hindi mahirap para sa mga artistang gaganap. Orazon is in the bottom part of the Philippines. Alam niyo naman kung gaano kadelikado sa Mindanao lalo na't nasa dulo pa iyon."

Kumunot ang noo ko. Kung ganoon din lang, bakit pa gagawin itong movie? What was the point?

Napatikhim ako ulit nang mapansin ang titig ni Jed. "I'm sorry, but this is Miss Agori's only book, so if we're going to make it into a movie, let's make everything according to what she has written. Orazon may be at the bottom part of Mindanao, but it isn't scary at all. Masyado lang exaggerated ang media. Why don't we take this chance to promote the place? Orazon is a very beautiful town."

Of course, I knew because I was born and raised there until I was seven years old. And as far as I could remember, it wasn't scary at all.

"Masyado ring unfair dahil may mga eksena ring nangyari sa South Korea. If we're going to film there, we might as well stick with Orazon sa mga eksenang doon naganap kaysa naman maghanap pa ng ibang lugar na babagay sa description ng lugar."

Napabuntong hininga ako nang makita ang irap ng script writer sa tabi ng direktor. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang problema niya. Kung alam niya lang kung gaano ko kinamuhian ang Orazon buong buhay ko. Ayoko na ring bumalik doon kahit kailan.

Maybe she was the one who had suggested it? Eh 'di magalit siya. Trabaho ang pinag-uusapan namin dito.

And also, this was another step in my healing. Sooner or later, I needed to face what had been haunting me step by step.

Sa halip na kumprontahin siya ay binalingan ko ang cellphone na hawak ni Jed, pinipilit ang sariling huwag na siyang sulyapan. "W-What do you think, Miss Agori?"

Why the fuck stutter, Rhyne?

"I'd like that, Miss Sandoval. Thank you," seryosong sabi niya na tila nakahinga yata nang maluwang.

Ganoon din ang ginawa ko ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkukunot ng noo ng direktor. Ang akala ko ay kung ano pa ang ikokomento niya ngunit malayo sa iniisip ko ang sumunod na mga sinabi niya.

"Miss Sandoval? Any relation to the owner of this publication company? August Daniel Sandoval was my classmate way back in college," nakangiting sabi nito.

Itatanggi ko na sana iyon ngunit naunahan na ako ng pakialamerong si Liam. "She's Kazandra May Rhyne Sandoval, Sir. The only daughter of Mr. August, the founder."

Marahas na paghinga na lang ang naisagot ko.

'Tangina, Liam.

Kitang-kita ko ang gulat na mga tingin ng ibang miyembro ng editorial board namin sa akin. Pati na rin si Aphrodite na kasali rin sa meeting ngayon dahil siya ang illustrator na kinuha ni Liam para sa magiging official poster ng pelikula.

Napapikit ako.

Years and years of hiding my real identity and Liam just ruined it in public, in the middle of an important meeting and with the media around.

"Really, hija? It's nice to meet August's daughter like this. Sino ba ang napangasawa ng iyong papa at natatandaan kong may—"

"I hope you're fine with our choice to film the movie in the town of Orazon, Director De Castro," I said in a business tone.

Hangga't maaari sana, I didn't want to talk about my family matters in this meeting. Buwisit na Liam na ito!

"Oh! Of course, Miss Sandoval. If that's what Miss Agori also wants."

Sumang-ayon ito agad kaya wala nang nagawa ang atribidang scriptwriter. At habang nagpapahayag din ng pagsang-ayon ang mga kasama namin sa meeting ay tiningnan ko nang matalim si Liam.

Ngumuso siya at pinilit pakunutin ang noo upang pigilan ang ngiti.

Napairap ako. As if what he did would make me claim his post. No thanks! Manigas siya riyan sa pagiging presidente niya.

Dahil sa ginawang pag-irap ay napabaling ang tingin ko sa direksiyon ni Jed. Nakita ko tuloy kung paano niya pinatay ang tawag ni Agori habang nasa amin ni Liam ang tingin, halatang masama ang timpla.

Napahinga ako nang malalim.

Umabot na ng isang buwan simula nang gabing malaman niya ang tungkol sa mga anak namin at ngayon ko lang siya ulit nakita. Masyado akong abala sa APH at siya naman ay naging abala rin sa pagbabalik niya sa Lyricbeat. They resumed their band activities, and they had a comeback just four days ago. Mainit naman na tinanggap iyon ng sambayanan.

Samantalang ako, trabaho at condo lang araw-araw. Nagkikita pa rin naman kami nina Czeila pero hindi na ako muling sumama sa Mico Moco.

Tita Jessie continued checking up on me, at naiintindihan naman niya na ayoko muna sanang makipagkita kay Jed kung hindi pa siya handa. We all knew we weren't both ready that night.

Dahil sa titigan namin, saka ko lang namalayan na tinapos na ni Liam ang meeting nang magsitayuan na ang mga nasa mesa. Hindi natinag ang titig ni Jed kahit noong nakikipagkamayan na kami sa mga ka-meeting. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at sumabay na kay Liam palabas ng conference room.

"Now everyone would address you as 'Madam,'" tukso ni Liam nang buksan niya ang pintuan para sa akin.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya ngunit bahagyang natigilan nang matanaw kong nakamasid pa rin sa amin si Jed. Nagmadali na ako sa pag-alis sa lugar na iyon.

"Hey, don't forget Mama's birthday," pahabol ni Liam sa marahang boses nang makababa kami sa aming floor. "Let's buy some things first before we go."

Tinanguan ko siya at dumiretso na sa aking cubicle para ayusin ang aking lamesa habang hinihintay siyang matapos sa kanyang trabaho.

"Ba't hindi ko iyon naisip, Rhyne? Sandoval ka rin pala," sabi ni Dinn nang magkasabay kami sa elevator pababa.

Kanina ay pinagtitinginan na ako ng halos lahat ng empleyado sa APH. Even the cleaners must have heard about it dahil yumuko sila agad nang magtama ang mga mata namin. Mabuti na lang at sinabihan na ako ni Liam na mauna na sa basement parking pagkatapos niyang ibigay sa akin ang susi. Ayokong kuyugin ng mga katrabaho kagaya ng ginagawa sa akin ni Dinn ngayon.

"Usap-usapan at halos alam na ng lahat. You are so good at hiding things, Rhyne," tila nagtatampong sabi pa nito. "Glenn did not even tell me about this. Iniisip tuloy ng iba na baka mag-asawa na pala kayo ni Sir Liam kaya siya ang ginawang presidente ng APH sa halip na ikaw."

"What the fuck?!" bayolenteng react ko.

Namilog ang mga mata niya. "Don't tell me... No. What the hell?!"

"What the fuck?" ulit ko. "Liam became the president because he deserved the position! At saka, Liam and I aren't like that!"

"I know. I always thought it was Aphrodite he liked, right? At saka, inis na inis ka talaga noon pa man kay Sir Liam kahit alam kong magkababata kayo. Nitong pagbabalik mo na nga lang kayo naging malapit, eh."

Nailing-iling na lang ako sa mga naiisip ng mga tao.

Pagkarating sa basement ay naghiwalay na kami ni Dinn. Dumiretso na ako sa B14 at nang mahanap ang sasakyan ni Liam ay pagod na naglakad patungo roon.

Birthday ngayon ni Tita Bridgette at gusto niyang sa bahay lang nila kami kakain ng dinner. Siya na lang daw ang magluluto para sa aming tatlo. Iniisip ko ang inihanda kong regalo para sa kanya. She was also fond of reading, so I prepared books. It was a vampire series by J.R. Ward. Sana lang ay magustuhan niya.

Dahil sa matinding pag-iisip ay hindi ko napansin ang katabi ng sasakyan ni Liam. It was only when I heard Jed clear his throat that I saw him.

Masungit na nakasandal siya sa kanyang sasakyan. It was the same Hyundai Elantra.

He was looking at me darkly, as if he hated what I was doing.

Well... Wala naman akong ginagawa. Tahimik nga lang akong lumapit sa sasakyan ni Liam.

I sighed. Does he hate me this much? Enough to also dislike even the way I walk?

I had no idea if he was ready to talk now, pero pupuwede bang sa susunod na lang? Pagod na pagod ako ngayong araw.

Ilang sandali ko siyang hinayaang tingnan ako nang masama bago ako nagpasyang pumasok na sa loob ng sasakyan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong huminga siya nang malalim bago ginaya ang ginawa ko. Ang akala ko ay aalis na siya pero hindi niya ginawa.

Hindi ko napigilang lingunin siya. Magkatabi lamang ang dalawang sasakyan kaya sobrang lapit namin. But I couldn't see him because his windows were heavily tinted. Nakatingin din kaya siya? Heavily tinted din ang mga bintana ng sasakyan ni Liam pero nailang pa rin ako. Paano kung nakatingin din pala siya?

Naalis lang ang tingin ko roon nang may kumatok mula sa driver's seat.

Jed suddenly started his engine. Nang pagbuksan ko si Liam ay siyang pag-alis naman ng kanyang kotse. Ilang segundo pagkatapos niyon ay kami naman ni Liam ang lumabas ng building.

Sa kalagitnaan ng traffic sa Makati ay nagsalita ang kasama ko. "Bibili muna ako ng regalo ko. Wala akong maisip."

"I bought her books," mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ang mga sasakyang kasabay namin. "You can give her a bookmark. You can have it customized with pictures or messages you want to say to her. I know a store..."

"Okay. Let's go there."

Iyon nga ang ginawa namin. But instead of a birthday message, niyaya niya akong magpa-picture kaming dalawa at iyon ang ginawang bookmark. It was carefully and beautifully placed in a rectangular brown box.

Mag-aalas siyete na nang makarating kami sa Bel-Air. Si Liam ang nagbuhat ng regalo ko dahil masyadong mabigat iyon. From first book kasi iyon hanggang sa pinaka-latest release ngayong taon.

Kinabahan pa ako na baka hindi magustuhan ni Tita ang mga regalo namin pero nang buksan niya ang mga iyon, naiyak pa siya sa sobrang tuwa. I was glad she loved it. Magandang ideya yata na picture namin ni Liam ang ipinagawa niyang bookmark. Tita Bridgette's eyes were glistening with tears of happiness while staring at it.

It was in the middle of dinner when I got a call from Princess.

"Rhyne, where are you? Nasa Mico Moco ako. Kuya Mico and Asher are out of control. Tumutulong na sina Keeno sa pag-awat. Czeila is also not listening..."

"What happened?" nag-aalalang tanong ko. Binalingan ko ang dalawang kasama pagkatapos ng tawag na iyon. "I'm so sorry, Tita. Pahiram ulit ng sasakyan, Liam. I'm so sorry."

"Why? What happened? Ihahatid na kita."

Akmang tatayo na si Liam ngunit agad ko siyang pinigilan. "Hindi, huwag na. Ako na lang. I'm sorry, Tita Bridgette."

Nakakaunawang ngumiti ito at tuluyan na akong pinakawalan.

Halos paliparin ko ang minamanehong sasakyan patungong Poblacion. Luckily, medyo hindi ganoon kabigat ang traffic nang mga oras na iyon.

It was another typical night at Mico Moco when I went inside. Puno ang bawat table dahil Friday at may special event ulit ang Lyricbeat. Dumiretso agad ako sa maluwang na backstage dahil ang sabi ni Princess ay naroon sila. At doon ko napagtanto na kung gaano kakalmado sa labas, ganoon naman kagulo sa loob pagpasok ko.

My heart jumped so hard it hurt when I saw Jed fuming with anger and beating up Adriano. Ganoon din si Kuya Mico. Pinipigilan na nina Keeno at Kuya Migo ang dalawa ngunit ayaw magpaawat. Troy was also there.

At the far end of the corner, Czeila was crying so hard. Ang mga mata'y naniningkit na at namumula habang pinagmamasdan ang lalaking ngayon ay puno na ng pasa ang mukha at dumudugo na ang mga labi.

Kuya Inigo was hugging her to prevent her from meddling with the boys. His lips were formed into a grim line. Halatang ayaw ang ginagawa ng mga kapatid pero ayaw ring pigilan.

Princess was trying to comfort Czeila na halata namang hindi nakikinig.

What the fuck happened here?

"Putangina! Gago ka't pinagkatiwalaan ka namin nang ilang taon!" galit na galit na sabi ni Kuya Mico habang kinukuwelyuhan ito.

Nang akmang susuntok ulit si Jed ay napatakbo na ako para pigilan siya sa braso. Ngunit inakala niya yata na mga Kuya niya iyon kaya agad siyang nagpumiglas at naitulak niya ako pagilid. Tumama ang braso ko at tagiliran sa isang upuan at lamesa. Ramdam na ramdam ko ang paghapdi ng braso ko at hindi ko napigilang magmura.

"That's enough, Mico!" Dumagundong ang boses ni Kuya Inigo.

"Oh my God! Rhyne!" Napatakbo naman sa akin si Princess nang makita ang nangyari.

Iilang mura ang narinig ko at nang mag-angat ako ng tingin ay si Troy na ang nakita kong sumuntok kay Adriano. Ang magkakapatid ay pumunta na kay Czeila para alisin dito habang umiiling at umiiyak ang kaibigan ko.

"Why the fuck are you here?!" kunot-noong tanong ni Jed nang tabunan niya ng kanyang katawan ang tinitingnan ko.

Naasar si Princess sa sinabi niya at magsasalita na sana ngunit naunahan niya ito.

"Ako na ang bahala sa kanya, Princess," matigas na sabi niya habang madilim ang titig sa aking braso. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila na paalis.

Wala nang nagawa ang kaibigan ko dahil nilapitan na rin siya ni Keeno.

At wala na rin akong nagawa kundi sumunod kay Jed patungo sa back door.

Tatlong sasakyan ang naghihintay sa labas. Sakay ng kulay puti si Kuya Migo na ngayon ay mas lalong dumilim ang mukha. Nasa labas si Kuya Mico at may sinasabi sa kanya. Sa unahan naman niyon ay ang kahel na sasakyan ni Kuya Inigo. Doon nakasakay si Czeila. Tahimik na nag-uusap ang dalawa.

Dumiretso si Jed sa kanyang sasakyan sa pinakahuli habang hawak pa rin ang aking kamay.

Natigilan sa pag-uusap sina Kuya Mico at Kuya Migo dahil napatingin sa amin. It was dark, so I couldn't really tell if they were looking at us or at our hands.

"Kayo nang bahala kay Czei, Kuya. May kailangan pa kaming pag-usapan ngayon," seryosong paalam niya sa mga nakatatandang kapatid. "We're going home."

Agad namang sumang-ayon ang dalawa. Napatuwid ng tayo si Kuya Mico sabay namulsa. "Magsasara ako ngayon nang maaga. Mauna na kayo. Mag-ingat kayo, Asher." Sa akin siya tumingin sa halip na sa kapatid at tumango.

Nagpatianod na lang ako sa gusto ni Jed hanggang sa makasakay kami sa kanyang kotse. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero sige na lang at sasama pa rin ako. Hindi na ako nagprotesta pa o nagtanong dahil alam kong galit pa siya dahil sa nangyari kanina. I still had no idea what happened, but I figured it was serious because I hadn't seen Jed become violent like that ever since I'd known him.

I had a hint already, though. Czeila was crying, and Adriano was getting beaten up by his brothers. Pero saka na ako magtatanong kapag kalmado na siya.

Ngayon, base sa pagpapakita ng mga naglalakihang ugat niya sa mga braso habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela, I knew he was far from being calm.

Hindi kami gaanong natagalan sa daan at kinalaunan ay papasok na ang kanyang sasakyan sa basement parking ng isang mataas na gusali. I figured that it was also a condominium tower. Bumukod na ba siya at dito na nakatira?

He told his brothers that we were going home. Malapit lang ito sa building ng condo namin ni Liam. Kaya ang akala ko kanina ay doon niya ako ihahatid.

Wala pa rin siyang imik nang ihinto niya ang sasakyan. Nang akmang bababa na siya ay pinigilan ko agad. Ang matalim na tingin ng kanyang singkit na mga mata ay dumako sa akin. He still looked so irritable, as if he might snap at any moment, even with a small amount of trigger.

"Sumbrero mo," paalala ko sa kanya.

Dahil kakabalik pa lamang niya sa industriya, mainit pa ang mata ng mga press sa kanya ngayon. Mabuti nang mag-ingat at baka masangkot na naman siya sa kung anu-anong balita. Iba pa naman mag-isip ang mga tao ngayon lalo na't nandito kami ngayon sa condo na posibleng tinitirhan nga niya.

Lyricbeat's career skyrocketed once again with him back in the band. At kahit mas marami ngayon ang nahuhumaling sa kanila at sumusuporta, may mga tao pa ring kuryoso kung sino ang babaeng minahal at nabuntis niya noon. Lagi pa rin siyang nasasali sa mga balita.

Pumalatak siya, mas lalong nairita. "What? Scared to be seen with me in public? In case someone might get mad?"

What?

Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang ikinakagalit niya? Wala akong ginagawa at nananahimik ako rito sa tabi niya.

Umirap siya at bumaba na, walang suot na sumbrero.

Ayoko man pero nairita ako sa inasal niya. Ako na nga itong gustong mag-magandang loob, siya pa itong mas lalong nagalit.

Dahil sa iritasyon ay hindi ko nagawang bumaba agad. Nagulat na lang ako nang kinatok niya ang pinto dahil naka-lock iyon at hindi niya mabuksan. Kitang-kita ko ang busangot na mukha niya sa labas.

His windows may be heavily tinted, but only on the other side, I could perfectly and clearly see him from my seat. Napairap ako at binuksan na ang pinto.

Walang salitang tinalikuran niya ako para mauna na sa elevator. Busangot na rin ang mukha ko nang sumunod sa kanya. Nang makita niya iyon pagpasok niya sa elevator ay mas lalong kumunot ang noo niya.

Napatikhim ako nang wala sa oras dahil doon. Dumoble ang kaba ko nang tuluyang makapasok sa loob at makatabi siya.

I suddenly felt so small with only us two inside the closed elevator. Pakiramdam ko ay milya-milya ang inilaki niya. I was so sure he had gotten taller. Lumaki ang katawan niya at mas lalong nadepina ang lapad ng likod.

Unlike before, his skin was now a little bit sun-kissed. Maybe it was because of his training during his military days. He looked more mature this way. Wala nang bakas ng dating Jed na mahal na mahal ako.

I cleared my throat and mentally scolded myself. This wasn't the appropriate time to check him out. He was pissed off big time!

Lumapag kami sa pinakahuling palapag. I realized, just like mine, his unit was also on the top floor of the tower. Ang kaibahan lang, buong floor ang sakop ng kanyang unit. When I saw the glass wall of his living room facing the east, I realized it was also facing the building of my condo unit.

So, he was this close, huh? Nasa iisang area lang kami at ni hindi man lang kami nagkasalubong kahit isang beses. Doon ko natanto na kahit maliit ang mundo, kung hindi kayo nakatadhanang magtagpo, hindi talaga mangyayari iyon.

Nawala siya sa tabi ko at hinayaan lang akong pagmasdan ang sari-saring ilaw na nagmumula sa kabuuan ng syudad ng Makati. Natanggal lang ang tingin ko roon nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Natuon doon ang aking mga mata bago inangat patungo sa mukha niya.

Mainit pa rin ang ulo niya. Alam ko dahil kunot na kunot pa rin ang noo niya.

I suddenly had the urge to tease him. Kung dati niya kasi ito ginawa ay sasabihan ko siyang hindi bagay sa kanya.

Jed had always been a jolly person, but the man in front of me right now wasn't. Instead of smiling, he was frowning. Natural man na maputi noon ay guwapo at lalaki pa ring tingnan. Ngayong bahagya siyang naging kayumanggi, ngayon ko lang natanto na may mas iguguwapo pa pala siya. At nakakahiya mang aminin pero mas lalo rin siyang gumuguwapo sa pagsusuplado niya.

So much had happened in the past three years, and he had also changed so much.

Iginiya niya ako sa itim na sofa sa gitna ng kanyang sala na nakaharap sa glass wall at pinaupo roon. May glass coffee table sa harap niyon at doon naman siya umupo paharap sa akin.

Kinabahan ako sa puwesto namin. He still looked massive, even when I was towering over him.

May inilagay siya sa tabi ko at saka ko lang napansin ang first aid kit na dala niya. He opened it and gently held my right arm. Bahagya niyang iginilid iyon para iharap sa kanya at doon ko nakita ang mahabang sugat. The blood was dry already. Saka ko lang muling naramdaman ang hapdi nang idiin niya roon ang bulak na binasa niya ng... I think it was NSS based on what was written on the bottle.

Napaigtad ako nang isunod niya ang alcohol. Bahagya kong nahila iyon sa kanya kaya napadiin ang hawak niya. Mas lalong sumimangot na tila ayaw akong pakawalan. He looked really disappointed.

"I'm sorry," hindi ko napigilang sabihin sa mahinang boses.

Pumalatak siya sa inis. Masama pa rin ang tingin niya sa aking sugat nang lagyan niya iyon ng kaunting betadine.

Hindi ko alam kung bakit nangilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan siyang nagsusuplado. Watching him this close while tending to my wounds, even when he was still mad, made my heart ache so much.

For him. For myself. For what happened to us.

I felt so sorry and guilty. Lalo na nang makita kong may sugat din ang mga kamao niya pero mas inuna niya pang gamutin ang sugat ko.

"I'm so sorry," muling bulong ko.

Nakayuko pa rin siya sa kanyang ginagawa kaya hindi na ako nag-iwas ng tingin kahit naramdaman kong tumulo na ang aking mga luha. "I'm so sorry, Jed. I'm so sorry..."

Kunot-noong nag-angat siya ng tingin ngunit nang makita niyang lumuluha ako ay agad na lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya.

"I'm so sorry for everything, Jed."

Napahinga siya nang malalim. Ipagpapatuloy niya pa sana ang paggagamot sa sugat ko ngunit natigilan na nang may nakalayang hikbi mula sa aking lalamunan.

Napayuko ako habang siya ay bumuntong hininga ulit.

Binitawan niya ang hawak na bulak at nag-angat ng mga kamay para punasan ang aking mga luha. Dahil sa ginawa niya ay bahagyang naangat ang mukha ko. Sinalubong ako ng mga mata niyang namumungay.

It hurt so much. Wala na ang dating Jed na laging masaya at nakangiti. Ang mga mata ng lalaking nasa harap ko ngayon ay wala nang buhay at punung-puno ng tinatagong sakit. At kasalanan ko kung bakit siya nagkaganito.

Bago pa man ako makaiwas ng tingin ay bumaba ang kamay niya mula sa pagpupunas ng mga luha ko. He held my jaw so gently and closed his eyes. He then crouched and planted a soft kiss on my lips.

Napaawang ang mga labi ko sa gulat. Hindi lang dahil sa ginawa niya, kundi sa agarang reaksiyon ng sistema ko sa kanya. One subtle touch of his lips on mine and I was already on fire.

It wasn't looking good. We still needed to talk.

Pero kagaya ko ay tila nawalan na rin siya ng kontrol. Sinamantala niya ang pag-awang ng aking mga labi upang palalimin ang halik. I felt his tongue tease mine, and then he let it slide across my lower lip. Halos mabaliw ako dahil lang doon, 'tangina!

Naramdaman niya siguro ang panghihina ko dahil namalayan ko na lang na nasa batok ko na ang kanyang kamay upang suportahan ako. At para na rin pagbutihin ang halik niya. Ang isang kamay naman niya ay naramdaman kong gumagapang na sa aking tiyan patungo sa tagiliran at maya-maya'y pataas.

He stopped just before he could touch my right boob. Pinakawalan niya rin ang aking mga labi.

Nanghihinang napasandal ako sa kanya.

"What did you say, Rhyne?" He asked in a sensual tone.

Hindi ko na alam kung sinadya niya iyon o hindi. My eyes felt so heavy due to his kisses. Nanatili akong nakapikit habang hinihintay na kumalma ang aking puso. "Huh?"

"What are you sorry about?" napapaos na tanong niya.

Tumigil man siya sa paghalik sa akin pero hindi rin naman tuluyang lumayo. Nararamdaman ko ang pagtama ng bawat hininga niya sa aking pisngi. Mas lalo akong tila hinehele sa antok.

"Huh?"

Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya. 'Tangina. It was just a kiss, and everything I was planning to say to him went out the window!

"Are you dating Liam?"

"What?" He was drawing little circles on my nape with his fingers. Mababaliw na yata ako sa nararamdaman. "N-No, no..."

Tila iyon lamang ang kailangan niyang marinig para muli akong siilin ng halik. Muntik pa akong magreklamo nang humiwalay rin siya agad. I tried so hard to open my eyes, and when I successfully did, I saw his eyes moist with unshed tears.

"Then please fall in love with me again, Rhyne. Please..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top