Chapter 23

Chapter 23

Kinabukasan, laman ng halos lahat ng balita ang tungkol sa pagbabalik ni Jed. Many were excited and asking for the Lyricbeat's comeback already. Ang iba naman ay kinumusta ang enlistment niya pero karamihan sa mga tanong ay tungkol sa sinabi niya nang nagdaang gabi.

Maraming fans ang nadismaya pero mas marami ang kuryoso.

Sino ang babaeng masuwerteng nabuntis ng isang Asher Jed Suarez? Kung talagang nabuntis, nagpakasal ba? Saan ginanap ang kasal? At kailan? Kasal pa rin ba hanggang ngayon? Ano'ng ibig sabihin nito sa huling sinabi nang nagdaang gabi? Hiwalay na ba?

Some were even asking for his wedding pictures.

Nanatiling tahimik ang Lyricbeat at XYZ Records.

Nasapo ko ang aking sentido habang pinapanood ang balita. The screen showed what happened last night at Mico Moco. I watched how Jed talked so coldly while looking straight at me. Mabuti na lang at hindi ako nakuha sa camera.

Pagpasok ko sa APH, lalo na pagkarating sa floor namin, napansin ko na ang kakaibang tingin sa akin ng mga officemates ko. Ininda ko iyon at nanatiling walang ekspresiyon ang mukha ko habang naglalakad papunta sa aking cubicle.

No one dared ask me about the headlines. Except for Dinn. Wala pa ako sa cubicle ko ay nagtanong na siya agad. Dinig na dinig tuloy ng ibang team na malapit sa amin.

"Rhyne, ano itong nasa balita? Asher is back," parang naguguluhan pang sabi nito.

Umirap ako bago naupo sa aking puwesto.

Sige pa, lakasan mo pa para marinig ng lahat!

Kunot-noong tumayo ito mula sa upuan at lumapit sa akin. "At... nakabuntis siya noon? Kaya ba umalis? Akala ko ba, sa iyo patay na patay iyon?"

Napabuntong hininga ako. "Jed left for his mandatory military enlistment in South Korea," nahihirapang sagot ko. "Nagbasa ka ba nang maayos?"

"Sino'ng nabuntis niya, Rhyne?" Napatingin siya sa akin pagkatapos mag-isip. "Wait. Was that why... you were gone too?"

Napahinga ako nang malalim.

"He cheated on you?!"

Nagpatuloy siya sa pangungulit hanggang lunch time. Habang si Aphrodite naman ay tahimik na nakikinig sa amin.

"Nawala ka rin ng isang taon, 'di ba? Iyon ba ang dahilan, Rhyne? Nagloko si Asher at nakabuntis ng iba?"

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang isipin.

Binalingan niya si Aphrodite na tahimik na umiinom ng strawberry milk. "Ikaw, Aphrodite? Hindi ka man lang ba naku-curious? I mean, baliw na baliw si Asher kay Rhyne! I can't believe this!"

"So... talagang wala na kayo ni Kuya Asher, Ate?" nananantiyang tanong ni Aphrodite.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Is that why... you... and..." Hindi niya alam kung saan ibabaling ang kanyang tingin. "S-Sir... Liam?"

Naalala kong magkasama nga sila kagabi nang sunduin ako ni Liam sa Mico Moco.

Ngumiti ako ulit. This time, my smile was more genuine. "Liam and I are not like that, Aphrodite," I assured her.

Napatingin siya sa akin nang diretso dahil sa aking sagot. Awkward na natawa siya dahil sa ngiti ko. "W-Well, I thought—"

"Hmm... Guess what?"

"Ano'ng pinag-uusapan niyo at parang hindi ako maka-relate?" nagtatakang tanong ni Dinn.

"He likes you," Aphrodite said.

Natawa ako agad pagkarinig niyon habang umiiling. "No, silly."

Ngumuso siya sa reaksiyon ko. "No. I know he likes you."

"Who likes who?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Dinn sa aming dalawa. "Sir Liam?!"

Hmm... Makahulugan akong ngumiti.

"I'm so sorry, Rhyne," sabi ni Czeila sa text. "I didn't know how to tell you. Kaya... isinama na lang kita. Hindi rin alam ni Kuya Asher ang tungkol doon."

Bumuntong hininga ako at nagpasyang mag-ayos na ng mga kalat sa mesa at maghanda na sa pag-uwi.

My phone vibrated again.

"Mama wants to see you, Rhyne." Si Czeila ulit.

Para saan pa? Gusto ko sanang itanong. Makipagkita man ako kay Tita Jessie, hindi pa rin maaalis niyon ang galit sa akin ni Jed. Despite the forehead kiss he gave me last night, alam ko at ramdam ko na galit pa rin siya sa akin.

It was understandable, though. What I had done back then couldn't be forgiven and forgotten easily. I was more than willing to do everything to earn his forgiveness. I would still try even though I didn't deserve it.

But not now.

Kahapon lang kami nagkita ulit. Saglit nga lang iyon pero hindi ko na makontrol ang sarili ko. Nagkandabuhol-buhol agad ang isip at puso ko. Paano kung sa susunod na pagkikita namin ay ganoon na naman ang magawa ko? Parang tangang iiyak lang sa harap niya at walang masabi?

Should I go or not?

My answer was clear as day as I stood in front of the Suarezes' mansion. Kinakabahan man ay mas pinili ko na nga lang na magpunta. Mas mabuti ngang harapin ko na ngayon pa lang kaysa mamatay na naman ako sa kaba sa paghihintay sa tamang panahon. Either way, kakabahan pa rin naman ako pero mas madali lang matatapos ngayon.

I was nervous about meeting Jed again. Pero iba ang kaba ko sa isiping makikita ko rin ulit ang buong pamilya ng Suarez. Nakakahiya sa mga Kuya niya. Nakakahiya sa mga magulang niya lalo na kay Tita Jessie.

Should I just go back home?

Gusto ko nang umatras habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Pupuwede naman kasing magkita na lang sa labas, hindi ba? It was actually just Tita Jessie who wanted to see me, not the entire family. Kung sa labas sana ay mas panatag ako. Kung dito sa mismong mansiyon nila ay hindi ako tatantanan ng kaba dahil malaki ang tsansang makita ko nga silang lahat.

Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko. It was Czeila.

"Where are you, Rhyne?" nag-aalalang tanong niya.

Pakiramdam ko ay malulunok ko na ang sariling puso sa sobrang kaba. "I'm actually here—"

"Lalabas ako," agad niyang sabi sabay patay sa tawag.

Hindi pa umaabot ng limang minuto ay bumukas na ang gate at iniluwa niyon si Czeila. She apologetically smiled. Nasa mukha niya rin ang pag-aalala na baka magbago ang isip ko at umatras bigla.

"Nasa... loob din ba si Jed?"

Mas lalo siyang kinain ng guilt, kitang-kita sa hitsura niya.

Napatango ako. No need to answer that. At least, alam ko na ngayon na nasa loob siya, and I could mentally prepare myself for whatever might happen.

Hindi na yata ako humihinga nang maayos nang sumunod ako kay Czeila papasok sa kanilang mansiyon. Gulung-gulo ang sistema ko hindi lang sa matinding kaba kundi sa pagdagsa ng mga alaala ng mga araw na ginugol ko rito ilang taon na ang nagdaan.

Nothing had changed inside the mansion. I still feel overwhelmed every time I come here. Sa pagpasok pa lang kasi ay mararamdaman nang masaya ang pamilyang nakatira rito. Maliwanag at magaan ang ambiance ng buong bahay at tila ako lamang ang balot na balot sa dilim.

Iminuwestra ni Czeila ang daan patungong kusina.

Dinaig ko pa ang robot na napilitang sumunod sa kanya.

"Ma..."

Napalingon si Tita Jessie sa amin at napasinghap nang makita akong nasa likuran ng bunsong anak. "My goodness! Rhyne!" Napatayo pa siya at tila hindi alam ang unang gagawin.

Natigilan ang lahat ng ingay na likha ng mga kubyertos nang marinig ang sinabi ng ilaw ng tahanan. Tito Dan looked at me first. Magkasabay naman ang pag-angat ng tingin nina Kuya Mico at Kuya Migo at ang paglingon ni Kuya Inigo.

Kinakabahan man ay naglakas-loob akong ituon ang paningin kay Jed na nasa tabi ni Tita Jessie.

Kunot-noong nakatingin siya sa nilalarong hawak na kutsara. Nag-angat siya ng tingin at seryosong pinasadahan ako ng tingin. Nagtagal ang kanyang mga mata sa aking buhok at halatang ngayon niya lang napansin. Maybe he didn't notice it last night because it was very dark. Or maybe he was also shocked because of our sudden meeting after so many years that he didn't even notice my hair.

Nanatiling madilim at malamig ang kanyang mga mata bago niya iyon muling itinuon sa pagkain.

Nilapitan ako ni Tita Jessie, hindi alam ang gagawin kung yayakapin ba ako o hindi. In the end, she settled for my hand. She held it so gently. "I'm so... glad that you came, Rhyne. Come and let's have dinner," masuyong aya niya.

Ang akala ko ay kaming dalawa lang dapat ang magkikita. But then what did I expect? Nandito kami sa mansiyon nila at imposibleng wala akong makita kahit isa man sa mga batang Suarez. Naisip ko rin naman ito kanina pero hindi ko naman inasahan na talagang mangyayari.

Sa kabisera nakaupo si Tito Dan at ang nasa gilid niya ay si Kuya Inigo, na ngayon ay tumayo para doon paupuin si Czeila. Nang maupo ang kapatid ay hinila niya nang bahagya ang upuan sa tabi at tumingin sa akin.

"Upo ka, Rhyne," masuyong aya niya sa akin. Ngumiti siya nang mahalata ang kaba ko.

Naupo ako sa upuang inalok niya saka siya umupo rin sa tabi ko. Nag-uunahan na naman ang puso ko sa pagkabog dahil magkatapat kami ni Jed.

Tita Jessie sat between him and Tito Dan. Nang ngumiti siya nang masuyo ay lumipat ang tingin ko kay Tito. Ganoon din ang ginawa nito.

"G-Good evening po, Tito," mahinang bati ko.

I felt so stupid for greeting him so late.

Napahinga ito nang malalim. Relief washed over his face. Tila ba nag-iingat silang lahat ngayon sa maaari kong maging reaksiyon sa nangyayari.

"How are you, Rhyne?" tila hindi makapaghintay na usisa ni Tita Jessie.

"Let her eat and relax first, Jessie," saway agad ni Tito sa kanya.

Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa narinig. Tito, or maybe all of them, knew that I was so tense and nervous right now. Yumuko ako nang bahagya at nakita ngang medyo nanginginig ang aking mga kamay kaya ibinaba ko iyon upang itago. Nang mag-angat ako ng tingin ay naabutan kong sinundan iyon ng tingin ni Jed.

Napalunok ako.

Kunot-noo pa rin siya nang mag-angat ng tingin at magtama ang mga mata namin. "Why are you here?" He boldly and coldly asked me in front of his family.

"Kuya," ramdam kong iritang saway sa kanya ni Czeila sa aking tabi. Kumuyom ang mga kamay nitong may hawak na kubyertos.

Napabuntong hininga ako.

"I invited her over, Asher," imporma ni Tita Jessie.

Mas lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya. "What for?"

"Shut up, Asher!" naiinis na ring saway ni Kuya Mico.

"I can just go home, Tita... Tito," sabi ko nang hindi na makatiis.

Ayokong mag-away pa ang magkakapatid nang dahil lang sa akin. Czeila was already pissed off and shooting daggers at her brother through her eyes. At si Kuya Mico naman ay halatang kanina pa rin nagpipigil.

"No. You stay, Rhyne." Nagulat ako nang magsalita si Kuya Migo. "Kung mayroong aalis, that should be Asher."

Muli akong napalunok. I knew coming here was a bad idea. It was too soon.

Napatiim-bagang si Jed sa narinig. "Let's talk outside, Rhyn—"

"You left her at her lowest point, Kuya," biglang sabi ni Czeila nang akmang tatayo na ito.

Hindi ito natuloy at natigilan din sa gustong sabihin.

Napatingin kaming lahat kay Czeila. Namumula ang mga matang nakatitig siya sa kanyang pagkain.

"Czeila Aryeza," Tito Dan said as a warning.

Ngunit hindi siya nakinig.

"Umalis ka kung kailan kailangang-kailangan ka niya. I get that you have that mandatory military enlistment, but you were only twenty-six at that time, and you said that your request to delay it for one more year was approved. You wanted so much to be with Rhyne hanggang sa panganganak niya..." garalgal na patuloy niya.

Malumanay lang ang pagkakasabi niya sa mga katagang iyon pero parang punyal na sumaksak sa puso ko. Nag-iwas na ako ng tingin nang makita ko ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha niya.

"Kuya, hindi lang ikaw ang namatayan," mariing sabi niya.

Parang mamamatay na ako sa sakit nang makita kong umiiyak na rin si Tita Jessie. Nag-iwas ng tingin ang mga lalaki. Samantalang si Jed ay... nanatiling malamig ang tingin.

"Kami rin. Si Rhyne din. When she lost the babies, she died as well, Kuya. She... cried so hard it broke my heart more than a million times. Hindi namin siya makausap nang maayos. She wouldn't respond. It was like... she locked herself up inside her head and wouldn't let anyone in."

Napayuko na rin ako dahil sa mga luhang naglandas sa aking mga pisngi.

"I've known her for more than half my life, Kuya. She has always been so strong. Parang walang kahit ano o sino ang makakapagpabagsak sa kanya. When I saw her crumble down, I couldn't take it. I was so afraid that she might end up... like her mother. And if it hadn't been for Liam, she'd be—"

"What the fuck do you mean by babies?!" Jed's voice roared like thunder.

Umiyak nang umiyak si Czeila at hindi na magawang sumagot.

"Czeila Aryeza!" Jed demanded, not minding his sister's tears.

'Tangina.

Napatayo na ako. "I'm so sorry, Tita, Tito. Aalis na lang po ako," lumuluhang paalam ko. Wala na akong pakialam kung nakikita man ni Jed ang pagtulo ng mga iyon.

Pagkatalikod ko ay narinig kong nagsalita nang mahina si Kuya Migo. "You had twins, Asher."

Nagmamadali na akong lumabas ng mansiyon. Ngayon ko pinagsisisihan na hindi ko dinala ang sasakyan ni Liam. Kung kailan pa kailangang-kailangan kong makaalis agad.

Palabas na ako ng gate nang maabutan ako ni Tita Jessie. She immediately hugged me when I turned to her. Bumuhos ang mga luha niya habang paulit-ulit na humingi ng paumanhin tungkol sa nangyari sa loob.

"I want you to know that I wasn't mad at you for what happened with you and my unborn grandkids. I was only upset because you wouldn't let us take care of you. I wasn't mad, Rhyne. Bridgette told me everything. I wasn't mad. I'm so sorry..."

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ni Tita ay nakita ko si Jed na nakatingin nang malamig sa amin. Lumapit siya at mas lalo kong napansin ang mas madilim na mga mata niya. "Ma..."

Kumalas sa akin si Tita nang marinig siya.

"Please, let me talk to my wife."

Nang tuluyan akong pakawalan ni Tita ay agad akong hinawakan ni Jed sa braso at walang salitang iginiya sa kanyang sasakyan. Ramdam ko sa hawak niya ang panginginig, tila nagpipigil lang na tuluyang sumabog.

Wala pa rin siyang imik nang tuluyan kaming makapasok at nang paandarin niya iyon palabas ng gate. Mabilis at halatang galit ang pagmamaneho niya ngayon.

I couldn't help but stare at his dark side profile. Sa mga ilaw na nadadaanan namin, kita ko ang sobrang pagkakakunot ng kanyang noo. Bigla niyang inangat ang isang kamay at tila may pinunasan sa mga mata niya. I looked away when I realized that he was crying.

Hindi na ako nagulat nang ihinto niya sa tapat ng building ng aking condo unit ang sasakyan niya. Wala na akong lakas para magtanong pa kung paano niya nalaman na hindi na ako sa San Juan nakatira.

Sinulyapan ko siya at nakita kong nasa mga manibela pa rin ang kanyang mga kamay at mahigpit ang pagkakahawak doon. I could see his eyes sparkling with tears. Parang napupunit ang puso ko habang pinagmamasdan siyang umiiyak nang tahimik. Hindi muna ako bumaba at hinayaan siyang ganoon.

"We... We had twins, Rhyne?" paos na tanong niya.

Bumuntong hininga ako.

Dahil umalis siya agad pagkatapos ng trahedyang iyon, I didn't get a chance to tell him about our babies. Hindi ko alam na hindi rin pala sinabi ng mga Suarez sa kanya ang tungkol doon. For years, he believed that we lost only one baby. I understand that this could really be shocking for him.

"Yes, Jed," nanghihinang bulong ko.

He shut his eyes tightly. A new set of fresh tears rolled down his face.

Gusto ko siyang lapitan at hawakan sa kamay para aluin. Gusto kong punasan ang kanyang mga luha ngunit alam kong hindi iyon ang kailangan niya ngayon. He needed to be alone to process what he had just discovered tonight. He needed time and space to take it all in.

Hindi na ako nagpaalam at tahimik na lang na bumaba ng kanyang sasakyan. Pagkasara ko ng pinto ay agad na niyang pinaharurot iyon palayo. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top