Chapter 20

Chapter 20

"Saan ka na naman pupunta, August?!" pasigaw na tanong ni Mama, garalgal ang boses sa pag-iyak. "Sa kanya na naman?! Kay Bridgette na naman?! Iiwan mo na naman ako?! Hindi ka na naman uuwi?!"

Mula sa likod ng pintuan ay napaigtad ako sa gulat nang may narinig akong nabasag. Magkasunod.

And then my mom shouted again.

"Damn it, Alicia! Stop throwing things! Puwede ba, tama na? Baka marinig ka ng anak natin!" galit na sagot ni Papa.

"Anak?" tila hindi makapaniwalang ulit niya sa salitang iyon. "Anak natin?! Simula nang ipanganak ko ang batang iyan, lumayo ka na sa akin! Siya ang sumira sa atin!"

Naikuyom ko ang aking mga kamay. Mula sa maliit na siwang ng pinto ay nakita ko silang dalawa sa malawak na sala. Parehong namumula, si Mama dahil sa pagsigaw at pag-iyak, at si Papa naman dahil sa pinipigilang galit at pagtitimpi. Pero base sa paghilamos niya ng kamay sa mukha niya ay alam kong malapit nang mapatid ang pasensiya niya.

"Nababaliw ka na ba?! Anak natin siya, Alicia! Huwag na huwag kang magsasalita nang ganyan tungkol sa anak natin!"

"Wala akong pakialam, August! Anak man o hindi, hindi pa rin mababago niyon na siya ang sumira sa atin! Siya ang salot sa buhay ko! Inaagaw ka niya sa akin! Inilalayo ka niya sa akin! Kaya ka bumabalik sa Bridgette na iyon!"

Mama was hysterical. She was already hyperventilating when I saw her pull a gun out of her pocket.

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang takot sa maaari niyang gawin kay Papa at sa sarili niya. Hindi na ako nakatiis at tuluyang lumabas mula sa pinagtataguan ko. Ganoon na lang ang paninigas ko nang awtomatikong lumipat sa akin ang tutok niya ng baril.

"Kazandra!" natatarantang sigaw ni Papa nang makita niyang naestatwa ako sa puwesto ko. Nagmadali na siya sa paglapit sa akin.

Mama was about to pull the trigger.

I closed my eyes tightly. Kasunod niyon ay narinig ko na lamang ang malakas na putok ng baril. Napaawang ang mga labi ko para suminghap sa gulat.

I opened my eyes and realized it was Papa who had taken the blow for me.

Relief was all over his face as he saw that I was fine. Bumagsak siya sa paanan ko at nakita ko ang unti-unting pagdaloy ng dugo sa sahig.

"K-Kazandra..."

Mama looked horrified, gulat na gulat sa sariling ginawa. Patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha ngunit wala nang tunog ang iyak niya. Nanginginig ang mga kamay niya kaya nabitawan niya ang baril sabay atras.

Bumuhos ang luha ko dahil sa nangyari. Papa was closing his eyes already, but I couldn't move an inch to help him. Lumakas ang iyak ko at parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit. Yumuko ako at ginamit ang suot na puting bestida para punasan ang aking mga luha. Dahil sa ginawa ko ay nagkalat ang mga talsik ng dugo ni Papa.

Iyak ako nang iyak nang biglang dumilim ang paligid ko. Wala akong makita kahit saan ako tumingin. Muntik pa akong mapasigaw nang bigla kong naramdaman ang pagdampi ng kung ano sa aking kamay.

I looked down and saw a tiny hand holding on to my pinky finger.

The little boy looked up at me and beamed so brightly. "It's not your fault, Mama."

Nagmulat ako ng mga mata ngunit agad ding napapikit sa sobrang liwanag. Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang sarili.

My head was killing me and I felt... empty. And my heart was hurting for some reason.

Muli kong sinubukan na imulat ang mga mata at nagtagumpay naman. I blinked so many times until I realized that the blinding light came from the ceiling.

"Kazandra... I think she's awake, Ma," I heard someone say.

Iginala ko ang aking paningin sa malaking kuwarto at nakita silang lahat.

Tito Dan was still in his white coat. Katabi niya sina Tite Jessie at ang panganay na anak. Narito rin si Kuya Migo na katulad ng ama ay suot pa rin ang uniporme. Sa tabi naman niya ay sina Kuya Mico at Czeila.

Princess was here too. Ganoon din sina Tita Bridgette at Liam.

Everyone was surprisingly here, and it suddenly made me feel that I had been wrong all this time.

All my life, I thought I was living in the dark, always alone inside my head. But I realized that it was me who decided to isolate myself just because I couldn't forgive myself for what happened in the past. I blamed myself for everything, and so I never allowed any light to shine through my black heart because I believed I deserved it.

I was mistaken. I was not alone. I had always been surrounded by light, by the people around me, by the people who loved me.

Agad akong dinaluhan ni Tita Bridgette nang sinubukan kong bumangon. Lumapit agad ang mga babae at nginitian ko sila para ipakita na ayos lang ako. In fact, I had never felt so light before. Nakakagaan nga naman pala talaga ng dibdib sa oras na inamin mo sa sarili mo ang totoong nararamdaman.

Napansin ko ang pamumula ng kanilang mga ilong. Si Czeila at Princess ay pareho pang namumugto ang mga mata.

Hinaplos ni Tita Bridgette ang aking braso pagkatapos lagyan ng unan ang likod ko bilang sandalan. "How are you feeling, Kazandra?"

Sa kabila ng kahungkagang nararamdaman ay nginitian ko sila para mabawasan ang pag-aalala nila. "I'm good, Tita. What happened?" I asked as soon as I realized that I was wearing a hospital gown in a hospital room. "Why are we... here?"

Nawala rin agad ang ngiti ko nang unti-unting maalala ang nangyari.

The screeching tires of the cars on the main road, the sound my motorbike made when I hit the brake, the way I landed on the cement, the yell of the people...

Pakiramdam ko, muling umikot ang mundo ko at napakapit ako agad sa braso ni Tite Bridgette. "T-Tita, papunta ako kay Mama at... at..." Napahugot ako ng malalim na hininga upang kalmahin ang sarili ko.

"I'll call the attending physician," seryosong sabi ni Kuya Migo. Sumunod sa kanya ang mga lalaki palabas.

Nag-angat ako bigla ng tingin nang may maalala. "How's my baby, Tita?" kinakabahang tanong ko.

Napansin kong napaiwas ng tingin si Tita Jessie at may pinunasan sa gilid ng kanyang mga mata. Bumuka naman ang nanginginig na mga labi ni Tita Bridgette para magsalita ngunit agad ding isinara nang muling maluha.

"Tita..." untag ko sa kanya. "How's my baby, Tita?"

"We... We lost the baby, Kazandra," paos na sagot niya.

Tila bombang sumabog iyon sa pandinig ko. Awtomatiko ang ginawang pagtulo ng aking mga luha.

Images of the chinky-eyed little boy surrounded by light clouded my mind; of how he held my cold hand and gave me warmth; of how he smiled at me and assured me that nothing was my fault; of how he called me Mama...

At ngayon, sasabihin nilang... wala na siya? Wala na ang baby ko?

Napahikbi ako nang malakas at halos mag-histerikal na sa sobrang sakit.

Bakit ganito? Kung kailan tanggap ko na siya, saka siya mawawala. Kung kailan handa na akong ipaglaban siya, saka siya bibitaw. Kung kailan sabik na akong mahawakan ang kamay niya, hindi na pala mangyayari.

This was all my fault. Walang dapat sisihin dito kung hindi ako lang.

"It's not your fault, Mama."

Paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa isipan ko.

Niyakap ako ni Tita Jessie at humagulgol din. Czeila couldn't stop her tears anymore and hugged Princess, whose eyes were red as well from crying.

I woke up feeling empty because my baby had already left me.

This was all my fault, baby. Kung hindi lang sana ako gumamit ng motorsiklo papunta kay Mama. Kung hindi lang sana ako nagmadali. Kung sana ay sinunod ko ang mga bilin ni Jed.

Oh my God! Where is Jed?!

Marahas na bumukas ang pintuan at sabay kaming napatingin lahat doon. Kahit patuloy sa pag-iyak ay nabuhayan ako ng loob nang makita ko siya.

"J-Jed..." I helplessly called his name.

"What the fuck happened, Rhyne?!" sigaw niya na ikinagulat ko. Pasugod na pumasok siya ng kuwarto ngunit agad pinigilan ng mga kapatid.

"Is this... Is this what you badly wanted?" bigong tanong niya sa marahan at nanginginig na boses. Pulang-pula ang kanyang mga mata sa pag-iyak at halatang nagpupuyos ang kalooban. Napapikit siya para kontrolin ang emosyon. "Putangina, Rhyne! Talaga bang gagawin mo ang lahat... maialis mo lang ang bata sa buhay natin?!"

Napasinghap ako sa kanyang iniisip. Umiling-iling ako at lalong lumakas ang iyak. "No. No, Jed..."

"You fucking begged that night to get rid of our baby! And now that it happened, masaya ka na ba, ha?! 'Tangina, Rhyne! Anak ko rin iyon! Anak natin iyon!"

Naramdaman kong lumuwang ang yakap sa akin ni Tita Jessie at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Napahagulgol naman si Czeila.

Umiling ako nang paulit-ulit nang yakapin ako ni Tita Bridgette. "No. No, Tita."

'Tangina, hindi ko rin gusto ang nangyari!

Nanghihinang napakapit si Jed sa footboard ng hospital bed. "I love you so much, Rhyne," bigong-bigo na pahayag niya, hilam na ang buong mukha sa mga luhang hindi na niya napigilan sa pagbuhos. "But what you did is way too much. Sobrang sakit..."

That night, I saw how his world crumbled down along with mine. I saw how my darkness took over the light in his eyes, how my coldness replaced the warmth in his heart... I watched all of it fade right in front of me.

I saw all the new emotions creeping into his eyes — hatred, resentment, disappointment, agony — all the negative things in the world that he never deserved.

That night, I saw how he walked away... and finally gave up on me. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top