Chapter 19
Chapter 19
Kitang-kita ko kung paano tila naestatwa si Jed nang marinig ang sinabi ko. Tuluyan na akong napahagulgol at inangat ang mga kamay para takpan ang aking mukha at patigilin ang mga luha.
"Please, Jed. Please... Let's get rid of this baby," pagmamakaawa ko sa kanya.
Nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang pag-iyak. Images of the nightmare that I had last night fully consumed my head. Napailing-iling ako para alisin iyon, tahimik na nagmamakaawang tigilan na ako. Hindi na ako makahinga nang maayos. I was already hyperventilating. My panic attacks were taking over me once again.
Bahagya lang akong natauhan nang hinawakan ni Jed ang magkabilang balikat ko. Naibaba ko ang aking mga kamay at nagmamakaawang tiningnan siya.
His eyes stopped shedding tears, but they got redder than before. Ang matinding sakit na nararamdaman ko ngayon ay nakikita ko sa mga mata niya.
Napalunok siya at napatiim-bagang. "What the fuck are you saying, Rhyne? This... This baby? You want to what?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Sisirain niya tayo, Jed," bigong sabi ko, unti-unti nang nagiging histerikal. "Maniwala ka! Sisirain niya tayo like what I did to my parents! Please, please, Jed. Let's get rid of this baby!"
Napasinghap siya kasabay ng pag-atras nang isang beses. Kita ko kung paano nagtaas-baba ang dibdib niya sa pinipigil na galit. Muling tumulo ang kanyang mga luha at sa pagkakataong iyon, wala nang bahid ng pagpipigil.
Patuloy ako sa pag-iling. "I don't want another monster born and raised in this world!"
"This is our baby, Rhyne!" hindi makapaniwalang sambit niya, bahagya nang tumaas ang boses. "It's not a monster, it's our baby! What the fuck?! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?!"
He... sounded like my late father.
At dahil doon, mas lalo akong naging determinado sa gusto kong mangyari. Halos lumuhod na ako para lang maintindihan niyang seryoso ako. Halos isigaw ko na ang pagmamakaawa. "I am begging, Jed! Please! Hindi ako nagbibiro! Sisirain tayo ng batang ito!"
"Oh, my God! Kazandra!" someone exclaimed. Kasabay niyon ang pagbagsak ng kung ano.
Nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Tita Bridgette sa tapat ng pinto, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin. Agad akong bumitaw kay Jed at itinuon ang buong atensiyon sa bagong dating, animo'y nakahanap ng kakampi. "Tita, please help me! Please, Tita! Help me get rid of this baby, please... "
Humahangos na nilapitan ako ni Tita at niyakap. "Oh my God, Kazandra! Calm down. Please get a hold of yourself," nag-aalalang sabi niya habang hinahagod ang likod ko.
Napapikit ako sa sobrang sakit at humagulgol sa balikat niya.
"I'm so sorry, Asher. Pero puwede bang iwanan mo na muna kami?"
Hindi ko na alam kung sinagot iyon ni Jed. Natanto ko na lang na umalis na siya dahil narinig ko ang pagsara ng pintuan.
Nagpatuloy si Tita sa pag-alo sa akin. "I don't know what makes you think that way, Kazandra. But if this is about your parents, please don't let your past haunt you in this way. Please, Kazandra..."
Hindi na ako makasagot. Ibinuhos ko ang lahat ng hinanakit na itinago nang ilang taon sa pag-iyak. Dahil sa magkahalong pagod, sakit at sama ng pakiramdam ay nakatulog agad ako pagkatapos niyon.
Dalawang araw na hindi nagpakita si Jed sa akin. Iyon ang unang pagkakataon na tumagal nang ganoon ang hindi niya pagpaparamdam sa akin. At aminado akong isa iyon sa mga dahilan kung bakit matiwasay kong natapos ang natitirang mga araw ng isang linggong leave na ibinigay sa akin ni Liam.
I did everything to get my mind off of disturbing things. The last panic attack I had was extreme enough that I didn't want to experience it ever again. Nilinisan ko ang buong bahay para lang may mapagkaabalahan. I also rearranged my bookshelves and did everything I could to exhaust myself so that once I lay down at night, I would be able to sleep immediately.
Sa loob ng dalawang araw na nagdaan, maliban sa mga tawag at text messages, binisita rin ako nina Czeila at Tita Jessie. Dinalhan nila ako ng mga prutas at gatas at kung anu-ano pang pagkain na makakabuti sa pagbubuntis.
Sa unang araw ay kasama nila si Kuya Inigo. Sa pangalawa naman ay si Kuya Mico.
Walang Jed na nagpakita.
Czeila bombarded me with text messages every now and then, always checking if I needed anything. Kahit kung tutuusin ay hindi naman na kailangan dahil pagkatapos ng panic attack ko noong isang araw, hindi na ako nilubayan ni Tita Bridgette. She stayed with me for two nights. Sinusundo na lamang siya ni Liam sa umaga bago pumasok sa APH.
Ngayong araw ang balik ko sa trabaho. Tulog pa siya nang umalis ako sa bahay. Inunahan ko na dahil alam kong pipigilan na naman niya ako at igigiit na kailangan ko pa ng pahinga. I've had enough of sleep and rest. Kapag hindi pa ako bumalik sa opisina ay baka tuluyan na akong masiraan ng bait.
Alas singko pa lamang nang umaga ay tumulak na ako. Inikot ko ang buong San Juan bago nagtungo sa Makati para ikutin din iyon. Alas siyete na nang umaga nang magpasya akong pumunta na sa APH. Masyado pang maaga kaya iilan pa lamang ang mga empleyado at ang ibang mga nag-overnight ay pauwi pa lamang.
Tahimik na nagtungo ako sa cafeteria para mag-agahan. I ordered hot chocolate and a pancake topped with chocolate syrup. Tahimik at dahan-dahan kong kinain iyon hanggang sa namalayan ko na lang na dumarami na ang mga tao. Humahaba na ang pila sa counter para sa mga bumibili ng kape.
I wanted so much to drink coffee, but they said it wasn't really good for the... baby.
My heart hurt at the thought. Alam kong nagdesisyon na akong palalayain ko na siya ngunit may kaunting kirot pa rin. Hindi ko alam kung kailan ko iyon gagawin. I was just waiting for Jed to come around.
Naalis ang atensiyon ko sa tinutusok na pancake nang marinig ko ang aking pangalan.
Aphrodite immediately waved her hand when I looked at them. Kasama niya si Dinn. Imbes na um-order ng kakainin nila ay sa mesa ko agad sila lumapit.
"Isang linggo kang wala. Ano'ng nangyari?" tanong agad ni Dinn pagkaupong-pagkaupo pa lang.
"Na-missed ka namin, Ate!" masiglang sabi naman ni Aphrodite, sabay hagikhik. "Lalo na ang pagsusungit mo."
"I sent two manuscripts, pero wala kang reaksiyon. It's so unlike you, Rhyne," puna ni Dinn. "Like you were out of the country for the entire week."
I couldn't agree more. Isang linggo lang akong nawala ngunit tila iyon isang taon dahil sa dami ng mga nangyari.
Bago pa man ako makasagot ay may sumulpot nang isang strawberry milk sa harap ni Aphrodite at isa rin sa akin. Mula roon ay sabay kaming tatlo na nag-angat ng tingin.
Liam was only looking at me. "I extended your leave for another week, Kazandra. Why are you here? You didn't receive my text?" kunot-noong tanong niya.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nagkatinginan sina Dinn at Aphrodite. Agad ding yumuko si Aphrodite sa strawberry milk na nasa harap nito.
"You should go home. You still need to rest, Kazandra," dagdag ni Liam nang hindi ako sumagot.
Hindi niya yata alam ang tungkol sa nangyari noong isang araw. Mukhang hindi siya sinabihan ni Tita Bridgette. He'd probably throw a fit if he knew. He loved the baby already. He kept sending text messages about the dos and don'ts during pregnancy. Halos pareho sila ni Jed sa pagpapaalala.
"Umm... Kailangan ko na palang bumaba. Nakalimutan kong tapusin ang isang illustration na kailangan kong ipasa ngayon," biglang paalam ni Aphrodite, sabay tayo at talikod bago pa kami makapag-react.
I heard Liam sigh. "Aphrodite..."
Natigilan ito at tila napipilitan pang lumingon. "S-Sir..."
"Mag-usap tayo mamaya," seryosong sabi ni Liam habang nasa akin pa rin ang tingin.
Napahinga nang malalim si Aphrodite, tila nabunutan ng tinik. "Okay po, Sir."
Tumaas ang kilay ko sabay baba ng tingin sa strawberry milk na iniwan nito.
What was up with these two? Nakakahalata na ako, ah. At mukhang ganoon din yata ang iniisip ni Dinn.
Ang akala ko ay tinigilan na ako ng aking morning sickness pero hindi pa pala. Hapon nang dumating iyon at mabuti na lang ay walang tao sa comfort room. Medyo natagalan pa naman ako dahil inilabas ko na naman ang lahat ng kinain ko simula umaga.
Nanghihina man ay sinikap kong huwag ipahalata iyon nang bumalik ako sa aking cubicle. I applied liptint, para hindi kita masyado ang pamumutla ko.
Mabuti na lang din at may mga natitira pa akong chocolates sa aking drawer kaya inunti-unti ko ang mga iyon habang nagtatrabaho.
Liam glared at me when he passed by and saw me still working. Wala namang magawa si Tita Bridgette dahil alam niyang hindi ako magpapapigil. Tama na ang isang linggong nawala ako. Hindi naman ako magpapagabi at uuwi ako sa tamang oras.
Pagsapit nga ng alas kuwatro ng hapon ay nasa basement parking na ako. Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga nang makilala ko ang sasakyang nasa tabi ng aking motorsiklo.
Jed was half standing and half sitting on my motorbike. May suot na itim na sumbrero at nakaitim ding salamin, nakahalukipkip ngunit agad na umayos ng tayo nang makita ako. Hinayaan niya akong makalapit pero hindi rin napigilang tumikhim nang kunin ko na ang helmet.
"You shouldn't really drive..." mahinang puna niya. Nang sulyapan ko siya, natigilan siya agad at mukhang hindi iyon inasahan. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. "How are you feeling, Rhyne? Are you... ready to talk?"
"Are you?" malamig na balik ko sa kanyang tanong.
Huminga siya nang malalim at napapikit saglit na tila kinakalma ang sarili. His bloodshot eyes then opened and he helplessly looked at me. "I don't want to do that, heartbeat."
Tila may punyal na bumaon sa puso ko nang mahimigan ko ang pait sa kanyang boses. Ako naman ang napahugot ng malalim na hininga. "This... baby will eventually destroy us, Jed. I know you don't understa—"
"Yes, I don't understand. At wala akong planong intindihin iyon. Rhyne, this is our baby. How can you even... think of that?" nanghihinang tanong niya.
Itinikom ko ang aking bibig para hindi makapagmura. Alam kong galit na naman siya base sa sunud-sunod na pagtaas-baba ng dibdib niya at wala akong planong mas galitin siya.
Nang mag-angat ako ng tingin ay agad siyang umiwas sabay tiim-bagang.
"Let's go grab something to eat," bulong niya kinalaunan at naninimbang na hinawakan ang aking kamay. Nang hindi ako pumalag ay nakahinga siya nang maluwang.
Binalik ko ang helmet sa motorbike at nagpasyang sumama na lang sa kanya. I had my morning sickness for today very late, so I was already famished.
Binuksan niya ang pinto para sa akin at hinintay akong makapasok at makaupo bago inayos ang aking seatbelt. Habang ginagawa iyon ay napatitig na lang ako sa mukha niya dahil sa sobrang lapit namin.
I couldn't see his eyes because he was wearing sunglasses, but I could already tell that he was extremely upset. Kahit nakasumbrero ay kita ko pa rin ang pagkakakunot ng noo niya. His lips were tightly closed, as if he knew he would upset me more if he opened them again. Kaya mas piniling manahimik na lamang para hayaan ko siyang manatili sa tabi ko.
Sa isang malapit na branch ng Jessie's Pub kami nagpunta. Nang makita ng mga staff si Jed ay agad na kaming iginiya sa isang enclosed table para walang makakilala sa kanya. Hinayaan ko na lang siyang mag-order para sa aming dalawa.
Napatango ako nang makita ko si Kuya Inigo sa counter na bahagyang nakataas ang kilay habang pinagmamasdan kaming dalawa ng kapatid niya.
May iilang staff na nag-set up ng built-in grills sa harap namin at naglagay ng iba't ibang side dishes. Inilapag sa harap ko ang isang plato ng rib eye slices at kahit hindi pa luto ay agad na akong natakam.
Pareho kaming walang imik ni Jed nang magsimula siyang mag-grill. Dahil gutom na ay pinagtiyagaan ko na lang muna ang maliliit na slices ng radish. Minsan ay binabalot ko pa iyon ng lettuce.
Natanggal lang ang tingin ko sa niluluto niya nang may tumikhim sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang mapanuring mga mata ni Kuya Inigo. Inilapag niya ang isang baso ng gatas sa harap ko.
"Thank you, Kuya," seryosong sabi ni Jed.
Ang mapanuring mga mata ni Kuya Inigo ay nagpalipat-lipat sa aming dalawa. "Nag-away ba kayo?"
Hindi ako nakaimik.
"You guys being silent like this is scarier than when you're arguing," sabi nito habang may tipid na ngiti sa labi. Binalingan nito ang kapatid. "Umayos ka, Asher. Buntis ang asawa mo at hindi dapat ginagalit iyan. At ayoko ng nag-aaway sa hapag. Hindi niyo mae-enjoy ang mga pagkain at siyempre, mararamdaman din ng pamangkin ko."
Mas lalo akong natahimik.
Asawa? At... pamangkin?
Mag-aalas sais na kami nakaalis ni Jed doon. Hindi pa rin kami nagkikibuan pero taliwas sa sinabi ni Kuya Inigo, mas gusto ko naman na ganito kami katahimik kaysa mag-away. Pagod na ako at nagsisimula na ring makaramdam ng antok dahil sa dami ng nakain.
Ang akala ko ay didiretso na kami sa bahay. Ngunit nang matanto kong pamilyar ang daang tinatahak namin ay hindi ko na napigilang magsalita.
"Jed, I want to go home."
Hindi niya ako pinansin at nang sulyapan ko siya ay nakanguso at kunot-noong diretso ang tingin niya sa daan.
Napabuntong hininga na lamang ako bilang pagsuko at wala nang nagawa lalo na nang ihinto niya na sa parking lot ng Mico Moco ang kanyang sasakyan. Hindi ko na siya hinintay pa sa inis ko at binuksan ko na agad ang pinto at lumabas. Pero sa kabila niyon, mas mabilis pa rin siya at nasa harap ko na agad para umalalay.
Hinawi ko ang kanyang kamay. Buntis ako pero hindi ako pilay.
Napapalatak ako.
I knew what he was doing. He was trying to distract me with food, music, and the noisy crowd for me to get my plans off my mind. Puwes, nagkakamali siya. Kilala niya ako at alam niyang hindi basta-bastang nag-iiba ang desisyon ko.
Nakasimangot na pumasok ako sa bistro habang siya naman ay tahimik na nakasunod.
Czeila was so excited when she saw us. Agad na kumaway at pinapabilis kami.
Sa gilid ako dumaan dahil marami nang nagsasayawan at nagkakatuwaan sa dance floor. Awtomatiko ang pagtabi sa akin ni Jed para walang bumangga sa akin. Busangot ang kanyang mukha nang tingnan ko.
Well, this was your idea, Mr. Suarez. Kung ma-issue man tayo ngayon dahil sa masyadong pagkakadikit mo sa akin, bahala ka na sa buhay mo.
"Long time, no see, Rhyne. How are you?" tanong sa akin ni Maddison pagkarating namin sa mesa. She had that knowing look.
Lyricbeat had probably already heard about my pregnancy. Jed couldn't really keep his mouth shut. He must be so proud, huh? Isang beses lang ginawa at nakabuo agad. At unang beses pa naming dalawa.
Napairap ako sa kanya kahit wala sa akin ang tingin niya.
Pagkaupo ko sa tabi ni Czeila ay nagpaalam naman ang Lyricbeat na bababa na. Ang akala ko ay nandito sila para mag-hangout lang. Iyon pala ay may gig sila kahit hindi pa naman weekend.
Hindi ko pinansin si Jed kahit alam kong tiningnan niya ako bago sila bumaba.
"Nag-away ba kayo?" nagdududang tanong nina Czeila at Princess.
"Sa opisina lang ako," paalam ni Kuya Mico bago pa man ako makasagot.
Ngumuso na lamang ako saka inabot ang orange juice sa harap para uminom doon.
Lyricbeat played three noisy songs. Kaya naman nang bigla silang magpatugtog ng slow rock ay natahimik ang crowd, tila nahihipnotismo sa lamyos ng pagtugtog ng piano ni Leonardo. Na sinundan ng mga gitara nina Zeldon, Troy at Maddison.
Napatingin na rin ako sa kanila at napakunot-noo nang makita ang mikropono sa tapat ni Jed.
Was he going to sing? In front of this crowd?
Sa unang pagkakataon, kumanta nga siya sa harap ng publiko. Of course, this was considered as his first because, unlike back at the anniversary party of APH, nasa harap na siya ngayon ng mga fans nila.
Marami ang kinilig at namangha sa lamig at medyo paos na boses niya. Sigurado akong mas dadami na naman ang mababaliw sa kanya.
"Wow! Kuya?" Maging ang kapatid ay manghang-mangha rin.
"What's beneath my skin, what's behind my grin are the loneliness and pain I keep erasing. What's beneath my smile, what's behind my eyes are the promises you have broken a thousand times..."
"Hmm... Nag-away nga," parinig ni Princess.
"I heard Kuya's been writing for their next album already. He's collaborating again with the insanely beautiful Agori..." Tiningnan niya ako para sa reaksiyon ko.
Napaismid ako. I'm not jealous!
"The title track is Sunshine..."
I stared really hard without blinking at the Swarovski sunshine ring Jed left here a few days ago. Nakalapag lang iyon sa side table at ngayon ko lang ginalaw at hinawakan.
My heart hurt at the details of the ring and how he said it was connected to me. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganoon ang tingin niya sa akin. I believed it was the other way around, though. For me, he was the brightest of all the lights. It was just so unfortunate that his light wasn't enough to cast my darkness away. My darkness was just too much that it wanted to swallow his light as well.
I still wanted to marry him, of course, but only on one condition.
"It's not your fault, Mama."
Umiiyak ako sa dilim nang marinig ko iyon. Nagpalinga-linga ako at hindi kalayuan mula sa akin ay isang batang lalaki na napapaligiran ng kakaibang liwanag ang natanaw ko.
Nag-isang linya ang mga mata niya sa pagngiti nang matanto niyang nakita ko siya.
"Mama!" Tumakbo siya palapit sa akin, kasunod ang liwanag.
Naikuyom ko ang aking palad dahilan para matanto kong may hawak akong baril. Nabitawan ko iyon habang patuloy sa pagluha, tinitingnan ang nanginginig kong mga kamay.
Suddenly, the little boy was already in front of me. He beamed so wide and extended his right hand to me. I never realized I was cold until his warm hand touched me.
"It's not your fault, Mama."
I was crying when I woke up. Sobrang sakit ng dibdib ko kaya bumangon ako para makahinga nang maayos. Napadpad ang aking kamay sa tiyan kong nagsisimula nang umumbok.
The image of that little boy surrounded by light didn't leave my mind. He was like an angel who found me in the dark and guided me through it.
Was that you, baby? Are you telling me that it's not wrong to hold on to you?
Mugto ang mga mata ko nang pumasok ako sa APH. Mabuti na lamang at walang nakapansin dahil abala kaming lahat. Katapusan na naman kasi ng buwan at maraming deadlines na kailangang habulin, mga monthly reports na kailangang tapusin at ang pagdating din ng mga librong iri-release na sa huling araw ng buwan.
Alas siyete ng gabi nang magpasya nang umuwi ang karamihan. Narinig kong ang iba ay magba-bar hopping pa. May mga nagyaya pa sa akin ngunit tumanggi na ako dahil gusto kong tapusin ngayon ang lahat ng pending manuscripts para hindi ako matambakan ulit.
Wala nang tao sa floor namin nang patayin ko ang aking computer. Nag-inat ako at nagpasyang umakyat muna sa rooftop bago umuwi.
Agad na sinayaw ng matinding hangin ang aking buhok kaya itinali ko iyon pataas. Pumunta ako sa dulo ng rooftop at pumikit at hinayaan ang aking mga iniisip na tangayin ng hangin.
"It's not your fault, Mama," tila bulong na dumaan sa aking tainga.
Awtomatikong nangilid ang aking mga luha.
What's not my fault, baby? Everything is my fault. I'm so scared I'd end up like my mother: blinded by love, lost any logical reasoning, ended up killing her husband, and hated by her only daughter.
Because monsters give birth to monsters, right? If I also give birth, that means I'm allowing history to repeat itself.
"Rhyne!"
Umatras ang mga luha ko nang marinig ang sigaw na iyon. Nang mapalingon ako ay agad na binalot ako ni Jed ng mahigpit na yakap.
Hinihingal siya at mukhang tumakbo yata paakyat dito. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso niya, as if he was afraid of something. Nakumpirma ko iyon nang marinig ang sumunod na sinabi niya.
"Damn it, Rhyne! Why are you here alone?!" Halata ko ang panginginig sa boses niya. "Whatever you're thinking, let's rethink this together, Rhyne!"
What was he saying?
"Please... Please, not like this, Rhyne. Please..." Umiiling siya habang yakap pa rin ako.
Pinilit kong makawala sa kanya, naiirita dahil sa biglang umilaw sa utak ko. "What the fuck, Jed?! Are you thinking that I'm going to jump off this building? To commit suicide?!"
Hinihingal pa rin siya at namumula ang nagsusumamong mga mata niya, like hearing from me what he just thought hurt more.
Nainsulto ako roon kaya mas lalong umiral ang inis ko sa kanya. Umirap ako sabay halukipkip. "Iwan mo na ako rito. Ayoko munang makita ka, Jed."
Napayuko siya at nang mag-angat ng tingin ay umiiyak na. Hindi ko pa iyon malalaman kung hindi pa siya nagsalita. "I'm so sorry, Rhyne. I'm so sorry..."
Nilingon ko siya ulit at napaawang na lamang ang mga labi ko nang makita ang ayos niya.
His bloodshot eyes were shedding too many tears, hindi nahihiyang ipakita sa akin na sobrang nasasaktan siya.
Napalunok ako para alisin ang bikig sa lalamunan ko. Ang kaninang umatras na mga luha ay muling nagbabadyang tumulo. "Ang sabi ko, ayoko munang makit—"
Natigilan ako nang bigla niyang tinakpan ang mga mata ko. Now I literally can't see him anymore.
"Ano b—"
Muling natigil ang pagrereklamo ko nang salubungin niya ako ng halik. Punung-puno iyon ng hinanakit at hinagpis. All the words he couldn't say to me just because he was afraid of hurting me, I felt it all in his kisses. His unconditional love, his pain, his forgiveness... He kissed me like he was begging for my love, my heart, my soul... for all of me.
Napapikit ako at tuluyang pinakawalan ang sarili. And as soon as I kissed him back, that was when I realized... how I loved this man so much. Bumuhos lalo ang mga luha ko.
Hindi ko siya kayang mawala... kagaya ng mga nangyari sa panaginip ko. Katulad niya ay hindi ko rin kayang magpatuloy sa buhay na ito nang wala siya sa tabi ko. Pakakasalan ko siya at sa pagkakataong ito, wala na akong ibang iisipin kung hindi iyon lang. Magpapakasal kami at magkasama kaming kakapit sa anak namin.
This time, I'm going to fight my demons and walk through the darkness until I reach the light for them. I will not let my past haunt me and stop me from living my life with him and the baby inside me.
I'm going to give birth to him and raise him as an angel, not as a monster. I'm going to love them so much with everything in me, with every beat of my heart, with every fiber of my being.
Basa na ang mukha ko hindi lang sa mga luha niya kundi sa sarili ko ring mga luha nang pakawalan niya ako. He removed his hand from my eyes when he realized that I was crying as well. Pinunasan niya ang mga iyon kahit wala pa ring tigil at ayaw magpaawat.
"I love you so much, Rhyne," punung-puno ng emosyon na pahayag niya.
With all the recent realizations that I had, I decided to visit my mom again. It was now time to face my demons head on after avoiding them all these years. I was going to promise my mother that I would never be like her, that I would love my family wholeheartedly, and that I would never let myself succumb to darkness.
Malapit na ako sa Pasig nang biglang may malaking truck na dumaan sa harap ko. Marahas kong naitigil ang aking motorbike. May nakita akong eskinita na puwede kong daanan para walang traffic at mas mabilis. Lumiko ako agad papunta roon.
Huli na nang napansin ko ang paparating na puting van. Mabilis ang patakbo at mukhang hindi na yata kayang i-brake.
I hit the brake and hoped that I would make it in time.
Biglang liko ulit ang ginawa ko ngunit hindi nakayanan. Natamaan ng van ang likod ng aking motorbike. Sunod na namalayan ko ay ang pagbagsak ko sa sementadong kalsada.
I heard screams from people who witnessed what happened. Umikot ang paningin ko nang sinubukan kong magmulat. Suot ko pa rin ang aking salamin ngunit basag na iyon.
Malalim ang hininga ko at nang medyo luminaw ang paningin ay namataan ko sa kabilang kalsada ang aking motorbike, wasak ang likuran.
Nagkumpulan ang mga tao sa aking paligid.
I whimpered from the pain and realized it was in the lower part of my abdomen. Binundol ako ng kaba lalo na nang maramdaman kong tila nababasa ang suot kong pantalon. Sinubukan kong bumangon para alamin kung ano iyon pero muling nagdilim ang aking paningin at naramdaman ang kirot sa likod ng aking ulo.
Bumagsak ako ulit at napapikit.
Dear God, please take care of my baby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top