Chapter 18

Chapter 18

Huminga ako nang malalim bago nagpasyang kumatok sa music room sa mansiyon ng mga Suarez. Ang sabi ni Czeila, dito nagkukulong si Jed kapag may malalim na iniisip.

There was no answer after I knocked three times.

Sinubukan kong ipihit ang seradura ng pintuan at nakahinga nang maluwang nang matantong hindi naman iyon naka-lock. Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan pero narinig ko na agad ang malakas na tugtog mula sa loob. Mas lalong lumakas iyon nang itulak ko pabukas ang pinto.

And there, at the far end of the music room, kung saan bahagyang nakaangat ang sahig sa bandang iyon na nagmistulang stage at naka-set up ang drums, Jed was playing and beating his drums along with Linkin Park's New Divide. It was so loud that I had to close the door immediately para hindi kumalat ang ingay sa labas.

Hindi niya ako napansin agad dahil nakapikit siya habang tumutugtog. Bukod doon ay napansin ko ring may suot siyang in-ear monitor kaya alam kong hindi rin niya narinig ang mga katok ko kanina.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang iginagala ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto. Kulay abo ang mga dingding. Sa aking kaliwa ay nakasabit at nakahilera ang iba't ibang uri ng mga gitara. Sa kanan naman ay pintado sa likod ng keyboard piano ang wall-sized logo ng Lyricbeat. At ang nasa likuran ni Jed ay ang wall-sized din na portrait ng banda.

Mas lalo pa akong lumapit at pinagmasdan siyang pinupukpok ang kanyang paboritong drumsticks sa mga drums. I didn't mind if it was too loud. His eyes were still closed, so I considered this an opportunity to stare at him without being teased by him. Sa sobrang paninitig ko sa kanya ay hindi ko na namalayang patapos na ang kanta.

Hinihingal siya nang huminto siya sa pagda-drums. Tinanggal niya ang suot na in-ear monitor at nang magmulat ng mga mata ay saglit na natigilan.

Bago ko pa man mapigilan ang aking sarili ay humakbang na ako palapit sa kanya.

Unti-unting pumungay ang mga mata niya nang nasa gilid na niya ako. Bahagya niyang inatras ang kanyang upuan at iniharap sa akin ang buong katawan. He raised and extended his arms and let them snake around my waist and lock me in. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya hanggang sa makulong din ako ng mga binti niya.

Nang tingalain niya ako ay mas lalong lumambot ang mga mata niya, the total opposite of how hard he had beaten his drums a while ago.

"I love you," masuyong bulong niya. "Are you okay? No more vomiting?"

Linkin Park's song went on again on their large speakers. I realized he played it on repeat.

Umiling ako.

"My kisses were effective, huh?" pagbibiro niya sabay pinatulis ang nguso sa akin.

Kinunutan ko lang siya ng noo. "Are you okay, though?" pag-iiba ko ng topic. "I heard about... your military enlistment in Korea."

Humina ang boses ko sa huling sinabi. Ang ibig sabihin ba niyon ay kailangan niyang umalis?

He sighed. "Don't worry about it, Rhyne."

"Are you going to leave? Are you really required to enlist?" Ayoko mang itanong iyon ngunit gusto kong malaman kung ano ang mga plano niya.

"Yes. It is required, Rhyne. It's too late to revoke my Korean citizenship now," tila pagod na sabi niya.

"Are you going to leave, then?" ulit ko.

Kumunot ang noo niya. "No. No, I won't, Rhyne. Don't worry about it. I won't leave you here pregnant, alone and unmarried. We'll get married first. I already sent them an email requesting a delay in my enlistment. Hinihintay ko na lang ang approval nila. I'm only twenty-six. Before thirty sila usually nagpapadala ng draft notice kaya nagulat ako dahil masyadong maaga pa."

Gusto niyang huwag akong mag-alala ngunit nahihimigan ko naman iyon sa boses niya. Halatang mas nag-aalala pa siya kaysa sa akin.

Idinikit niya ang kanyang ulo sa aking tiyan. "Any food cravings, heartbeat?"

Bumuntong hininga ako. "Chocolate. Naubos ko na ang stock ni Czeila sa kanyang kuwarto."

Mahina ang aming mga boses at hindi ko maintindihan kung bakit nagkakarinigan pa rin kaming dalawa sa kabila ng lakas ng sound system nila.

Tiningnan niya ako at kinunutan ng noo. "I know pregnant women have really unusual food cravings and, in your case, you never really liked chocolates, but now you suddenly do. Too much consumption of chocolates is not good, heartbeat. Hindi lang kape. I did some reseach... and I learned about gestational diabetes..."

I rolled my eyes. Ako itong buntis pero siya itong mas maraming nalalaman at nag-e-effort mag-research tungkol sa mga kailangan at bawal kong gawin habang buntis.

"You researched too much. That's why you think too much," I teased him.

"Of course. Unang anak natin ito, Rhyne. Kailangan talagang mag-ingat," nandidilat ang mga matang sabi niya kahit hindi naman niya magawa nang maayos dahil singkit talaga siya.

I playfully scoffed. "Sige nga. Ano pa'ng mga na-research mo?"

Kumislap ang mga mata niya at tinanggap agad ang hamon ko. "I read about..." Ngumisi siya, sabay haplos ng kanyang mga kamay mula sa baywang ko pataas sa gilid ng aking mga dibdib.

Magkahalong kilabot at kiliti ang naramdaman ko agad dahil sa ginawa niya. Isa rin ito sa mga napansin ko simula nang malaman kong buntis ako. Simpleng hawak niya lang — sinadya man o hindi — ay nagre-react agad ang katawan ko.

"Breast tenderness." Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "They start to become very tender, swollen, and increase in size. And extremely sensitive."

Napasinghap ako nang kapain niya nang buo ang mga iyon gamit ang dalawang mainit na palad.

He chuckled. "It's true. They're getting bigger, heartbeat. I mean, malaki na talaga sila noon pa pero mas lalo ngayon."

Napahinga ako nang malalim. Hindi pa rin niya tinatanggal ang kanyang mga palad at kahit may suot na bra ay ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa mga kamay niya. Gusto ko na lang mapamura. Nagbibiruan lang kami rito pero heto ako't apektado agad at nag-iinit na.

Nanghihinang napasandal ako sa kanya. Muntik pa akong magreklamo nang binitawan niya ang mga iyon. Napansin kong may pinindot siyang kung ano at saktong pagtigil ng kanta ay narinig namin pareho ang pag-lock ng pinto.

"Nabasa ko rin na dapat ay palaging kasama ang asawa dahil masyado kayong..." He parted my legs with his knee and let me sit on his lap.

Napasinghap ako ulit nang maramdaman ang naupuan ko. Gusto ko nang ipikit ang aking mga mata at malapit na yata akong mabaliw sa mga ipinaparamdam sa akin ni Jed ngayon.

"... sensitive at..."

A loud moan escaped from my lips when his fingers brushed my center. Nakakahiya na basang-basa ako agad para sa kanya. Napayakap ako sa kanya. May suot pa akong pajama at wala pang totoong nangyayari pero nanginginig na ako sa sobrang excitement.

'Tangina. Czeila was wrong. Parang ako yata ang mas patay na patay sa aming dalawa ni Jed.

He muttered soft curses as I continued moaning. Sobrang lapit namin sa sound speaker pero naririnig ko pa rin ang mga halinghing ko. That meant if there was no music in the background, people from outside might really hear me. Napasigaw pa yata ako nang binilisan ni Jed ang ginagawa.

"I am so glad this room is heavily soundproofed," bulong niya.

Nahiya ako sa ginawa namin kaya pagkatapos niyon ay nagkulong ako sa kuwarto ni Czeila para lang hindi muna siya makasalamuha. Napilitan lang akong lumabas para sa hapunan. Mabuti na lang at wala siya dahil may schedule daw ang Lyricbeat ayon kay Czeila.

It was past ten in the evening when I received a text message from Jed. I was already getting ready to sleep. Si Czeila ay katawagan pa ang manliligaw at panaka-naka ay natatawa pa habang may tinitingnan sa computer.

"Heartbeat ko, I miss you," text ni Jed.

Napanguso ako sa kanyang endearment. Nai-imagine ko kung paano niya iyon bigkasin sa personal.

"Ganoon? Hindi kita na-miss," was my answer. I laughed when I received his reply, almost right away. It was an emoji with rolling eyes.

"Pauwi na ako, baby," sunod na text niya.

Kumunot ang noo ko. "Don't text while you are driving."

Ilang minuto ang lumipas bago siya muling nag-text. "I love you."

Napabuntong hininga ako roon. Hindi nagtagal ay may kumatok na sa kuwarto. Pareho kaming napalingon ni Czeila roon. May pakiramdam na ako kung sino ang nasa labas kaya tumayo na rin ako.

Czeila opened the door, and Jed's large grin greeted us. Tinaasan siya ng kilay ng kapatid.

"Maggu-good night lang ako sa asawa ko," kumikislap ang mga matang sambit niya.

"Alam mo, Kuya. Ayaw ni Rhyne na masyadong patay na patay ka sa kanya. Sige ka at baka iwanan ka niyan," ani Czeila saka bumalik sa kanyang puwesto kanina.

Napairap ako sa sinabi niya. Nang tingnan ko ulit si Jed ay kunot na ang noo niya.

"You won't leave me, right?" nananantiyang tanong niya.

Umirap ako ulit bilang sagot.

Hinila niya ako nang marahan palapit sa kanya at hinalikan ang aking noo. "Good night, heartbeat."

Unlike the other nights, magaan ang loob kong natulog nang gabing iyon. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at masaya ang puso ko nang ako'y pumikit ngunit sa una lamang pala iyon. Panandalian lamang pala ang sayang naramdaman ko dahil sa kalagitnaan ng aking pagtulog, muli akong binisita ng nakaraan.

"Sinira niya tayo, August! Sinira niya tayo!" paulit-ulit na sigaw ni Mama habang nakatago na naman ako sa likod ng pintuan.

I closed my eyes to stop myself from crying. I didn't want her to know that I was here behind the door hiding from her. Ayoko nang maulit ang ginawa niya sa aking balikat noong isang araw.

When I opened my eyes again, I saw a little boy looking at my parents. He turned to me, and I realized that it was the same boy who had once appeared in my dreams.

He cried so hard when we both heard the sound of a gunshot. "Mama..." umiiyak na sambit niya.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan — wala nang pakialam kung makita man ako ni Mama — para sana aluin ang bata. Ngunit sabay kaming napaatras. Siya dahil nakita niya ako at ako naman nang makita ko ang nakahandusay na lalaki sa sahig sa paanan ng bata. Duguan at wala nang malay.

I was horrified because it wasn't my father. It was Jed.

Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga nang lingunin ko ang may hawak ng baril. She was crying so hard while still holding the gun and aiming it at Jed. Mas lalo akong napaatras kasabay ng lalong paglakas ng iyak ng batang lalaki.

Naiyak na rin ako at umiling-iling nang paulit-ulit.

Marahas na paghinga ang pinakawalan ko nang sa wakas ay magising. Naninikip ang dibdib ko at patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha. Basang-basa ang mukha at leeg ko hindi lang dahil sa luha kundi sa pawis din.

Dahan-dahan akong bumangon at pinunasan ang mga iyon. Si Czeila ay mahimbing pa rin ang tulog sa tabi ko.

It was only two in the morning. Nagising na naman ako bigla ngunit hindi kagaya nang nagdaang mga araw na dahil sa pagsusuka kundi dahil sa isa na namang bangungot. Matagal na akong hindi binagabag niyon at ang akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko. Nagkamali ako dahil hindi pa rin pala.

Bakit sa tuwing sumasaya na ako ay saka naman ako muling hahabulin ng nakaraan? And it wasn't even like my usual nightmares. It was me who killed Jed in front of our... child.

Isa lamang ba 'yong panaginip na produkto ng aking madilim na nakaraan o iyon ang mangyayari sa aming hinaharap?

"You are a monster, Mom. Does that mean I am a monster, too?" Naalala kong iyon ang isinulat ko sa tabi ng litrato ni Mama sa isang lumang magazine.

The nightmare I just had answered my question years ago. Of course, I was a monster, too. My mother was right. She gave birth to another monster. And I was bound to do the same to my unborn child later on.

This was the reason why I broke up with Jed.

Nakalimutan ko iyon pansamantala dahil sa hindi inaasahang pangyayari. When I got pregnant, everybody was happy and cheered for us. The entire family of Suarez wholeheartedly welcomed me and immediately started with the wedding preparations. It was too hectic that there was no more room for me to think thoroughly about everything.

I couldn't organize my thoughts and voice them out because it felt like I was going to spoil the mood and their happiness. I kept everything inside and pushed through the preparations until I forgot my anxieties... and became genuinely happy.

But as soon as I let the happiness in my heart, the nightmares began again, pulling me back to where I should be, alone in the dark inside my head.

It was like a fucking wake-up call. The nightmares were like that one annoying voice at the back of my head, reminding me that I didn't deserve to be happy like this. And I never will.

Doubts and anxieties clouded my mind. At nagsisimula na naman akong kainin ng panic. Dumating na sa puntong natatakot na akong maging masaya dahil sa tuwina ay laging ganito, laging may nangyayaring hindi maganda.

I couldn't think straight anymore. Gulong-gulo ang buong sistema ko at isa lang ang gusto kong gawin ngayon—lumayo. It felt suffocating to stay here. I needed to leave in order to breathe. I needed to rethink everything.

At two thirty in the morning, I left the mansion of the Suarezes.

Hindi na ako nakatulog ulit sa daan at kahit nang makarating ako sa bahay. My little house, though empty, felt so much better. Back in the Suarezes' place, it was full of happy people, but I felt empty. This was better. Being alone was better.

Wala pa akong tatlumpong minuto sa bahay ay umatake na naman ang morning sickness ko. Hindi na ako nakaabot sa banyo at sa lababo na lamang napadiretso.

Another long day ahead, huh?

Nakatulog lang ako pagkatapos mailabas ang lahat ng gustong isuka ng tiyan ko. I fell asleep on my brown couch while staring up at the painting that was hanging on the wall.

Nagising ako nang maramdaman ang gutom pagkatapos ng anim na oras. Kumain ako saglit ngunit agad ding nawalan ng gana dahil parang masusuka na naman. Habang kinakalma ang aking sarili ay tiningnan ko ang cellphone ko.

Maraming tawag galing sa mga Suarez. Pinakamarami ay galing kay Jed. Mayroon ding tawag mula kay Tita Bridgette and Liam. They were probably already notified by the Suarezes about my sudden disappearance. Sila ang una kong pinaalam na nandito lang ako sa bahay para hindi sila mag-alala.

After that, I replied to Czeila's texts. Hindi pa nag-iisang minuto ay hayan na agad ang tawag niya.

"Bakit hindi ka nagpaalam, Rhyne?" seryosong tanong niya.

"Nandito ako sa baha—"

"I know. You went home early in the morning?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Umm... Actually, it was in the middle of the night.

"Sobrang nag-alala ako. Ang akala ko ay lumipat ka lang sa kuwarto ni Kuya kaya hindi ko na lang pinansin. But when Kuya went down for breakfast, alone, I panicked. You're pregnant, kaya doble ang kaba ko. Kuya Asher didn't even eat his breakfast and went straight to your house. Nakalma lang kami nang sabihin niyang natutulog ka lang daw..."

Nagpunta si Jed dito?

Napatingin ako sa aking paligid. Walang bakas na may ibang taong nagpunta rito. But then I remembered I slept on the couch. I woke up already in my bed and covered with a blanket.

Nakatulog ako ulit pagkatapos ng tawag. At nagising nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko.

Jed's soulful eyes met mine. It was clear as day, so I figured I fell asleep with my eyeglasses still on.

"Hi, heartbeat. How was your sleep?" malumanay na tanong niya habang masuyong nakatunghay sa akin.

Napakurap lang ako at hindi magawang sumagot. I was calm at first. Pero habang tinititigan ko nang matagal ang mga mata niyang halatang maraming gustong itanong sa akin ngunit mas piniling hintayin akong magkuwento ay nanikip ang dibdib ko.

I remained calm on the outside, but my insides were in chaos already. I could see everything in his eyes, even without words. His undying love, his incredible patience... Pakiramdam ko ay sasabog na ako nang tuluyan.

Bakit kailangang ako pa ang mahalin niya nang ganito katindi?

Nakahinga ako nang maluwang nang tumayo siya at nagpunta sa kitchen counter para ilapag doon ang iilang paper bags. Mukhang kararating lang niya.

Marahan akong naupo at pinagmasdan siya. Napansin kong medyo balisa siya. Huminga siya nang malalim bago muling bumalik sa akin. May kinuha siya sa kanyang bulsa nang mapatapat na siya sa akin sabay luhod sa paanan ko.

Halos mabuhol ang sistema ko nang makita ko ang hawak niya. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking tuhod at binuksan iyon.

"Hindi na ako makapaghintay. Mama wants me to propose to you in front of our families. But I feel like this moment right now, tayong dalawa lang, feels more solemn and sincere..." sabi niya sa namamaos na boses.

Hindi ko matanggal ang titig ko sa hawak niya. It was packed in a Swarovski brand box, a shining rhodium and rosegold plated ring that features a sunshine-inspired pave crystal center stone.

"I... chose a sunshine ring because this is what you are to me. You shine so brightly, no matter how dark you think you are. You are more than enough, Rhyne. I love you so much and I promise to be the best version of myself in order to deserve you. I promise I will be a good husband to you and a good father to our baby..."

Nanginginig na ang mga kalamnan ko at halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.

All of a sudden, the scene in front of me wasn't Jed proposing. It was the nightmare I had last night. Jed wasn't on his bended knees. Instead, he was lying on the floor, covered with blood and lifeless.

And it was all because of me.

"Will you marry me, Rhyne?"

His question was almost like a distant echo. At lalong mas masakit.

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. Nanginginig ang aking mga labi sa pagpipigil na tuluyang mapahagulgol. Mula sa singsing na hawak niya ay umangat ang aking tingin sa mga mata niya. Namumula na rin ang mga iyon sa tinatagong mga luha.

My mind went blank as soon as I saw one tear fell from his eyes. In my head, it mixed with the blood around him. I felt like I was going to lose my mind any time soon.

"J-Jed..." humihikbing sambit ko.

He brushed my tears away, not minding his own. "Yes, heartbeat?" he huskily asked.

Napapikit ako para hindi makita ang dugong kumakalat sa paligid namin. "Let's get rid of this baby, please."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top