Chapter 17

Chapter 17

Mabilis ang mga sumunod na nangyari.

One minute, we were all outside my house. Sumunod sa akin sina Liam at Tita Bridgette, nag-aalala dahil wala akong reaksiyon. Lumapit din sina Tita Jessie na masayang-masaya para sa amin ng anak niya at si Czeila na pumalahaw pa ng iyak dahil sa sobrang saya at excitement.

The next thing I knew, nasa loob na kami ng bahay. Suddenly, my space seemed smaller with all of us here. Hindi pa kumpleto ang mga Suarez sa lagay na ito at wala rin dito si Princess.

Czeila never left my side. Ngayon niya lang ako nasolo dahil kanina ay ayaw akong tantanan ni Jed. Napilitan lang na ipaubaya ako sa kapatid dahil tinawag siya ni Tita Jessie para magluto ng hapunan.

Alam kong bad trip pa rin si Liam kay Jed pero nakita kong tumayo siya at walang imik na tumulong dito sa paghahanda.

Tita Jessie and Tita Bridgette were talking. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil may narinig akong "Two months?" Hindi maitago ni Tita Jessie ang kanyang ngiti at napapansin ko ring napapasulyap siya sa malaking painting sa dingding.

"So... Ano'ng plano niyo, anak?" tanong niya sa hapag habang kumakain.

Jed was busy putting food on my plate.

Tiningnan ko iyon at unti-unting sumubo. Nahihiya ako sa mama niya dahil parang reyna ako kung pagsilbihan niya.

"Of course, we'll get married, Ma," nasisiyahang tugon niya habang ngumunguya. "As soon as possible."

Napalunok ako sa kanyang sinabi. This was all too soon. Parang hindi pa ako nakakahinga nang maayos. Ngayong araw ko lang nalaman na buntis nga ako. Ngayong araw lang tuluyang tumatak sa isip ko ang kalagayan ko. Pagkatapos ay heto at pinag-uusapan na nila ang kasal?

"I think there's no need to rush, Asher. Hindi ba, Bridge?" baling pa ni Tita Jessie kay Tita Bridgette. "We can start preparing for the wedding as soon as tomorrow, pero huwag tayong masyadong magmadali para maayos lahat."

No need to rush, but we can start preparing as soon as tomorrow?

Kinalma ko ang aking sarili.

Napansin yata iyon ni Tita Bridgette dahil ako naman ang binalingan niya. "What do you think, Kazandra?" masuyong tanong niya. "I agree that there's no need to rush. I don't want to pressure my Kazandra. This is her first time and she needs all the time she can have."

"Oh, of course," nakangiti pa ring sabi ni Tita Jessie. "Pasensiya na, Rhyne. I'm just really, really excited. I can't believe I'm going to have a grandson or granddaughter this year."

"Me too, Rhyne. Magkakaroon na rin ako ng pamangkin!" masayang dagdag ni Czeila sa aking kanan.

"Eat, Rhyne," agaw ni Liam sa atensiyon ko.

I looked at him, but Jed suddenly blocked my view with his left arm to give me a glass of milk. Napabuntong hininga ako. Inaantok na ako at gusto ko nang matulog. Masyadong nakakapagod itong araw na ito.

"And Rhyne, puwede rin bang doon ka muna sa amin kahit ilang araw lang? Until your morning sickness subsides? I just don't want you to go through this alone. Kung okay lang din sa inyo, Bridge? Or sa inyo ba siya tutuloy?" Tita Jessie looked hopeful.

"Well..." Nag-aalangang tiningnan ako ni Tita Bridgette.

For years, she had been convincing me to live with them again. College pa lang kasi ay bumukod na ako agad sa kanila. Sa tuwina ay tumatanggi akong bumalik dahil hangga't maaari ay iniiwasan kong makasalamuha sila nang madalas. Because back then, she reminded me so much of my parents and my horrible past.

But not now.

I wanted to be with my family. I wanted to stay with them.

"Tingin ko nga ay mas okay kung sa inyo dahil nandoon si Asher para alalayan siya. The first trimester is the most crucial stage of pregnancy and Asher should be with her," sagot niya kinalaunan.

"Don't worry, Tita," tugon naman ni Jed sa tabi ko.

Bigo akong napayuko sa aking pagkain.

"She's going to stay in my room, Kuya," Czeila informed him.

Kunot-noo naman siya agad. "No, my room is bigger. I'll have Kuya Inigo's things transferred to Kuya Mico's room. Tutal ay hindi naman din siya madalas sa bahay. My wife is going to stay with me."

Czeila scoffed. "Wife? Wait until the wedding, Kuya!"

Sumabad na si Tita Jessie bago pa man tuluyang magbangayan ang dalawa. "Asher, let Rhyne stay with your sister. Let's wait until the wedding."

"Then we'll get married tomorrow."

Napasinghap si Czeila sa sinabi ng nakatatandang kapatid bago niya ito pinagtawanan. "Oh my gosh, Kuya! Patay na patay ka talaga sa kaibigan ko!"

After dinner, nagpasya akong mag-ayos na ng mga kailangan kong dalhin ngunit agad akong pinigilan ni Jed. Ngumuso lang si Czeila nang makitang nilalagay na ng Kuya niya ang aking mga panloob sa isang duffel bag.

Walang imik na nilapitan ko ang aking laptop para sana iligpit iyon ngunit si Liam naman ngayon ang pumigil. "You're on leave for a week, Kazandra. Forget your work first and just concentrate on your... pregnancy. Kahit isang linggo lang. Please relax."

"Ako'ng bahala sa kanya, Liam," singit ni Jed sabay hawak sa kamay ko.

I rolled my eyes at them.

Kay Liam ako sumabay kasama si Tita Bridgette papunta sa mansiyon ng mga Suarez. My duffel bag and other things, though, were with Jed.

Katulad kanina ay buong biyahe na naman akong tahimik, pagod nang mag-isip at gusto na lamang magpahinga. Ang akala ko nga ay magagawa ko na iyon pagkarating namin ngunit hindi pa pala.

Dahil maaga pa ay muling nagkaroon ng salu-salo. Parehong nagpa-off ang mag-amang Tito Dan at Kuya Migo nang malaman ang balita. Kuya Mico closed his bistro bar early. At si Kuya Inigo naman ay umuwi rin para lang dito.

They were all happy for us. Lalo na si Kuya Mico na hindi na tinantanan sa pang-aasar ang kapatid.

I couldn't believe Jed had told everyone already. Hindi na ako magtataka kung pati mga kabanda niya sa Lyricbeat ay malalaman na rin ang tungkol dito. Troy was here, but he was a silent type who wouldn't care about other people's lives kaya alam kong hindi iyon manggagaling sa kanya kundi kay Jed mismo.

I should talk to him about this. Baka mamaya, sa sobrang saya niya ay mai-broadcast niya ang tungkol sa pagbubuntis ko sa buong Mico Moco. Ayokong maging laman kami ng balita. It wouldn't be good for his career.

The happiness could be felt in the entire mansion. Even Czeila's black cat was energetic and kept on running around us, as if it also knew what was happening, as if it was excited as well for the new member of the family.

Natigilan lang iyon sa paglilikot nang hulihin ni Kuya Migo. "Sa akin muna matutulog si Jeojang, Czei. No cats allowed in your room or anywhere near Rhyne from now on."

"Two months, huh? Kaya pala juice ka lang nang juice sa Mico Moco," bulong ni Princess.

Czeila called her over, and they immediately planned a sleepover. Kaya mas lalong nawalan ng pag-asa si Jed na doon ako patulugin sa kuwarto niya. Hindi na lang ako kumibo pero mas gusto ko ngang mga kaibigan ko muna ang kasama ko ngayong gabi.

It was ten in the evening when Tita Bridgette decided to go home, after making sure I was settling down just fine. Pagkatapos magpaalam sa mag-asawang Suarez ay nauna na si Liam patungo sa sasakyan nito. My friends gave me space and time to talk to her.

Nakangiti ngunit malungkot ang mga matang tiningnan niya ako. "Are you feeling better, Kazandra?"

Tumango ako pero bahagya rin akong nalungkot na iiwan niya ako rito. Sure, the Suarez family welcomed me happily, and they treated me like I was already a family member. But still, the Guevarras were my family first. Sila sana ang kasama ko ngayon.

Hinaplos ni Tita Bridgette ang aking braso. "I know you're upset dahil pinangunahan kita sa pagdedesisyon kung saan ka tutuloy. Ilang araw lang naman. It's your first time being pregnant, and I don't want you to be alone in your studio house. You will need a lot of support, as much as possible. We're always here for you. Liam and I... Hindi ka namin pababayaan."

Nangilid ang kanyang mga luha kaya pakiramdam ko tuloy, pati ako ay maiiyak na. "I'm happy for you, Kazandra. Do you mind if I tell April Alicia about this? I'm sure she will be happy for you as well."

Binalot ng kaba ang aking dibdib mang marinig ang pangalang iyon. Sunud-sunod na iling ang itinugon ko.

Nakakaunawang ngumiti siya. "She's a lot better now, Kazandra. I hope you'll find it in your heart... to forgive her. Every day, she waits for you."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang hindi ako sumagot. "Why do I have this feeling, Kazandra, that you don't want this? You look... lonely and miserable." Mabilis na tumulo ang kanyang mga luha ngunit mabilis din niyang pinunasan iyon.

I had no idea, Tita. Hindi ko rin alam. Everybody around me was super excited about the news, while here I was, stuck inside my head, isolating myself even when surrounded by so many people. Ang dami kong gustong sabihin. Pero sa sobrang tuwa nilang lahat, pakiramdam ko ay isang kasalanan ang umalma at ipilit ang kagustuhan kong mapag-isa o ang makasama ang mga taong kinalakhan ko.

"Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala! Excited na talaga ako sa magiging pamangkin ko! My gosh, I hope it's a girl, Rhyne." Czeila squealed in excitement as they arranged her bed.

They changed the bed sheets and the pillow cases to make sure there were no traces of Jeojang's fur. Ipinagbilin talaga ni Kuya Migo na bawal lumapit sa akin ang pusa nila. Bawal daw kapag buntis. Something about Toxoplasmosis which I didn't understand.

Nahuli ko ang matamang titig sa akin ni Princess.

"Are you okay, though?"

Natigil si Czeila sa paglilikot nang marinig ang tanong na iyon. "Why, Rhyne? May dinaramdam ka ba? Wait, I'm going to tell Kuy—"

Pinigilan ko siya agad sa pagbaba sa kama. "Huwag na. Ayos lang ako." Humiga ako sa gitna nilang dalawa ni Princess at tumingala sa kisame. "It's just that... this is all too good to be true."

I heard them both sigh.

"I still can't believe... Talaga ba? Kayo pala talaga ang itinadhana? Magkakatotoo pala ang mga pang-aasar ko sa inyo noon?" Princess smiled.

"Ako, ang hindi ko mapaniwalaan ay naunahan pa ni Kuya Asher sina Kuya Inigo. And that... there's a baby growing inside you, Rhyne." Czeila giggled.

"You're going to be a mother soon..."

A mother?

Did I even deserve that title? I had a dark childhood. I despised my own mother. I hated kids... And now I'm expecting a child? I didn't even know how to raise pets, let alone a baby.

Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Nakakahiya na ngayon pa talaga ako tinanghali nang ganito kung kailan ako nasa bahay ng mga Suarez. Mabuti na lang at may banyo na rito sa loob ng kuwarto ni Czeila kaya nagmadali na ako sa pagligo.

Pero kung kailan naman palabas na sana ako ay saka naman ako naduwal. Napatakbo ako ulit sa sink para sumuka. Hilong-hilo ako nang mag-angat ng tingin sa salamin.

'Tangina. So, these are morning sicknesses, huh? Sinisi ko pa sa tsokolate kapag napaparami ako.

Natapik ko nang dalawang beses ang aking tiyan.

Calm down, baby.

Alas dose na ng tanghali nang tuluyan akong makalabas ng kuwarto. Naririnig ko ang ingay ng mga tao mula sa dining room. I guessed they were having lunch already at nakakahiya kung magpapakita na lang ako bigla. Hindi ko naman alam kung saan ako tutungo kung hindi rin lang doon.

Sisilip pa lang sana ako roon ngunit namataan agad ako ni Tita Jessie.

"Rhyne! How was your sleep, hija? No morning sickness today?" Tumayo pa siya para sana salubungin ako pero naunahan na siya ni Jed.

"Good morning, heartbeat," masuyong bati niya sa akin sabay halik sa aking noo, like it was the most natural thing to do in front of his family.

Nahuli ko ang tuwang-tuwang ngiti ni Tita Jessie. I couldn't help but sigh. Seryoso. Hindi ko talaga alam kung bakit gustung-gusto niya ako para sa anak niya.

Napatingin ako sa mahabang mesa.

Tito Dan and Kuya Migo weren't here anymore. Siguro ay parehong nasa ospital na. Kahit si Princess ay wala na rin. Nakapuwesto sa kabisera si Tita Jessie at ang nasa kanang gilid niya ay si Czeila. Ang puwesto ko naman ay nasa gitna nila ni Jed. On Jed's right side was Troy.

Sa tapat namin ay dalawang hindi pamilyar na mukha ang nakapuwesto. Pagkatapos ay si Kuya Inigo na bihis na bihis na at mukhang aalis na pagkatapos nito at si Kuya Mico na halatang kakagising lang din kagaya ko.

"Hindi ka na namin ginising. Ang sarap ng tulog mo. Kaninang umaga pa umalis si Princess. Mabuti at hindi ka nagsuka ngayon?" tanong sa akin ni Czeila habang ngumunguya.

I mentally rolled my eyes.

Kung alam mo lang...

"We were just talking about your wedding gown, Rhyne. Rhian and Chlea are here," ani Tita Jessie sabay lahad ng kamay sa dalawang babaeng katapat namin. "They are designers from Avanzado Creations. At susukatan ka na sana nila ngayong araw."

Mabuti na lang at hindi ako umiinom o kumakain dahil baka nabilaukan na ako sa narinig.

We just found out and confirmed that I was pregnant yesterday. Pagkatapos ngayon ay magsusukatan na agad ng gown?

Napainom ako ng tubig nang wala sa oras.

An amused smile was plastered on Jed's lips when I turned to him. Tuwang-tuwa pa siya sa reaksiyon ko. Tuwang-tuwa rin siguro siya dahil hindi ko siya maaaway sa harap ng pamilya niya.

Ngumiti ako nang pilit na naging ngiwi rin agad nang marinig kong magsalita si Kuya Inigo. "That fast, Ma? Rhyne should rest first. Bakit? Kailan ba ang kasal?" seryosong tanong niya.

Kinabahan ako roon.

Sa apat na lalaking magkakapatid ay si Kuya Mico lang naman kasi ang nakakasalamuha ko nang madalas dahil sa Mico Moco. Approachable siya kahit minsan ay may sariling mundo sila ng cellphone niya. Kuya Inigo looked too serious and Kuya Migo was cold as a statue. Jed, on the other hand, was very friendly, always smiling and ready to greet anyone. Kuya Mico's personality was a mixture of all of them.

"Next month," maligayang sagot ni Tita Jessie.

What?

"That's better. Akala ko ay next week. Huwag nating madaliin ang dalawa. I hope it's a girl, Rhyne."

Nagulat ako nang kausapin niya ako. Napatingin ako sa kanya at hindi alam ang gagawin kung ngingiti ba ako o tatango.

Laking pasasalamat ko nang tumikhim si Jed sa tabi ko. "Actually, gusto ko sana ay ngayong araw."

'Tangina... This is marriage we are talking about! Bakit sila nagmamadali? Puwede bang huminga muna?

Czeila playfully scoffed. "Patay na patay talaga," bulong-bulong nito.

I saw how Kuya Inigo smirked while looking at Jed.

"Kuya Inigo is under pressure already, Asher. Inunahan mo kasi," natatawang sabi ni Kuya Mico. "I really also hope that it's a girl, Rhyne. Damn right, we need a new Suarez princess. Czeila is old already. Kapag nag-asawa iyan, bibitawan din niyan ang gamit niyang apelyido ngayon."

"Look who's talking," ganti ni Czeila. "Still couldn't confess his feelings for someone at twenty-seven."

Sumimangot ito. "Shut up."

"Actually, Miss Rhyne. We are also very excited. May naiisip na kaming design na babagay talaga sa iyo," masayang balita noong si Rhian.

Sinukatan nga nila ako dalawang oras pagkatapos naming mananghalian. Nasa garden kami para raw mapreskuhan ako. Buong araw yata ay tungkol sa nalalapit na kasal lamang ang pinag-usapan ng mga tao rito sa bahay.

Tita Bridgette even paid a visit with Liam, and I noticed that she also couldn't hide her excitement when she saw the sketch design of my wedding gown. Alam kong masaya rin siya sa mga nangyayaring preparasyon. Pinipigilan niya lang kapag napapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"By the way, Rhyne. May naiisip ka ba kung saang venue ang gusto mo para sa kasal? It will be a very private wedding and we will only invite a few close relatives and friends," biglang sabi ni Tita Jessie habang sinusukatan ang baywang ko ng mga designers.

"Weh? Sure ka na riyan, Ma? Final answer? Hindi mo iimbitahan ang buong sandaigdigan?" natatawang tanong ni Kuya Mico.

"I will be marrying the love of my life, Mama. Mas gusto ko sanang malaman iyon ng buong mundo," walang pakundangan na sabi ni Jed na ikinatawa nina Tita.

Meanwhile, I saw Liam near the small papaya tree scowling at Jed's remarks.

"Oh, please, Kuya! Buntis ang kaibigan ko. Medyo wild pa naman ang iba niyong fans. Ano sa tingin mo ang gagawin nila kay Rhyne sa oras na malaman nila ang tungkol dito?"

Hmm...

Gusto ko sanang sa rooftop ng APH but the place was too exposed. Hindi ganoon kataas ang building ng APH so there was a good chance that fans could be in the area or in the taller buildings nearby.

Sayang.

But Czeila had a point. If fans knew what Jed was up to these days, hindi nga namin talaga alam kung ano'ng magagawa ng mga fans sa selos. Sigurado akong may iilang susuporta pero mas marami ang aayaw.

Napatingin ako sa aming paligid. Dito na lang kaya? There was no need to spend so much on the venue, and the ambiance was perfect for the upcoming event. We could also ensure our privacy because it was located at the back of the Suarezes' house.

"Umm... Here?"

Namilog ang mga mata ni Tita Jessie nang maintindihan ako. "A garden wedding? That's perfect, Rhyne!"

Everybody was happy and excited. Sa mga sumunod na araw ay iyon ang pinagkaabalahan ng lahat.

Natatarantang napabangon si Czeila nang bigla siyang magising isang madaling-araw dahil sa pagsusuka ko.

'Tangina, it was three in the morning and my stomach wasn't cooperating. Biglaan din akong nagising kanina dahil sa pagbaliktad ng sikmura ko. Mabuti na lamang at may malapit na trashbin kaya nahila agad iyon ni Czeila palapit sa akin.

"Shit! Are you okay, Rhyne?" nag-aalalang tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

I couldn't look at her, but I could already imagine the horror on her face. Ilang araw na ako rito sa kanila pero ngayon niya lang ako nakitang nagsuka nang ganito.

"I'm going to call Kuya," imporma niya at mabilis na akong iniwan.

Pipigilan ko sana siya ngunit nanghihina na ako sa dami ng naisuka ko. Umayos ako ng upo ngunit nang makita kong papasok na si Jed sa kuwarto ng kapatid ay muli akong naduwal at tuluyang nasuka.

'Tangina. Pakiramdam ko ay wala nang laman ang tiyan ko. Saan pa ba nanggagaling itong mga isinusuka ko?

Mabilis pa sa kidlat na dinaluhan ako ni Jed at agad na hinagod ang likod ko habang patuloy ako sa pagsuka.

Nabubuwisit na ako sa nararamdaman ko at nagising ko pa siya. Nang sulyapan ko siya ay tanging itim na boxers lang ang suot niya, sabog ang buhok at mas lalong naningkit ang mga mata dahil kakagaling lang mula sa mahimbing na pagtulog.

Czeila was pacing back and forth in front of us. "Should I wake Mom?"

Napaayos ako ng upo, sabay sandal sa headboard ng kama at pikit ng aking mga mata. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat na ako sa kanilang lahat. "Please don't. I'm okay. It's done," nanghihinang sabi ko sa paos na boses.

"You're not looking good, Rhyne," namamaos din na puna ni Jed bago ako binuhat kaya nagmulat ako ng mga mata. Binalingan niya ang kapatid na kunot na kunot ang noo. "She will stay in my room for now. Don't worry and go back to sleep, Czei."

Sumang-ayon kaagad ang aking kaibigan, tila alam na mas makakabuti ngang si Jed muna ang kasama ko ngayon.

Umaayos na ang pakiramdam ko nang makarating kami sa kuwarto niya. It smelled so much like him. Dati naman ay hindi ko ito naaamoy. Jed was right about my heightened sense of smell. Ngayon ko lang iyon napansin at napatunayan.

Marahang ibinaba niya ako sa kama, pahihigain na sana ngunit pinilit kong maupo.

"Sleep now, heartbeat," masuyong bulong niya.

"Magbabanyo muna ako."

"Let me help."

Bubuhatin niya sana ako ulit ngunit mabilis na akong umiwas. Dumiretso na ako sa banyo para maghilamos.

Nakahalukipkip na pinagmasdan niya ako habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng banyo. "Are you... always like this?"

Tumango ako sabay kuha ng spare toothbrush at nilagyan iyon ng toothpaste. "Every day. Ngayon lang medyo napaaga."

Napabuntong hininga siya sabay lapit sa akin nang magsimula na akong mag-toothbrush. Hinawi niya ang aking buhok para hindi iyon mabasa. He skillfully braided it. Pagkatapos ay niyakap ako mula sa likuran. Inilapat niya ang kanyang labi sa aking batok.

"I love you..." malambing na bulong niya. "So much. You and our baby. Sana ay kamukha mo siya."

Napatingin ako sa kanya mula sa salaming nasa harap namin, biglang naalala ang minsan kong naging panaginip noon.

Pagkahiga ko sa kama ni Jed ay agad akong sinakop ng antok. Hindi na ako nakaangal nang yakapin niya ako nang mahigpit. He planted a soft kiss on my lips before I finally succumbed to sleep.

Nagising ako ulit sa mararahan niyang halik. Mula sa batok at leeg ko, gumalaw siya nang kaunti para maabot ang mga labi ko.

I opened my eyes, but I couldn't see him clearly.

Muli siyang gumalaw at tila may inabot sa side table. I realized it was my eyeglasses when he put them on me. Naningkit ang mga mata niya nang ngumiti siya. Nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at nakatunghay sa akin.

"I love you..." bulong niya.

Muli akong napapikit habang napapangiti na rin. "What time is it?"

"Eight in the morning."

Hindi naalis ang ngiti ko nang magmulat ulit ako ng mga mata. Nakanguso si Jed habang masama ang tingin sa maliit na orasan na nasa side table. Umangat ako nang kaunti at pinatakan ng halik ang nakanguso niyang labi. Agad na namungay ang mga mata niya sa ginawa ko.

"Good morning," masuyong bati ko.

Bumaba siya ng kaunti at hinalikan ang aking tiyan. "Good morning, baby girl. Your Mom is finally awake."

Umagang-umaga pero kumpleto na agad ang araw ko.

Muli niyang inangat ang sarili at hinalikan na naman ako. "I'm hoping that my kisses will make the morning sickness go away. If it wouldn't, I prepared dry crackers... Nakakapagpawala raw ng hilo at pagsusuka."

Napahawak ako sa braso niya at naramdaman ang mga ugat doon. Nangingiti pa rin ako nang halikan siya ulit.

Mas lalong namungay ang mga mata niya. Yumuko siya at isinubsob ang mukha sa aking leeg. "Should we cuddle some more? Paminsan-minsan ka lang naglalambing nang ganito. Or... are you hungry?"

"I'm hungry," I immediately answered.

Nag-angat siya ng tingin at kinunutan ako ng noo, nakanguso na naman. Muli niyang binalingan ang aking tiyan nang bahagya siyang bumangon. "Baby girl, your mom is such a tease," frustrated na sumbong niya.

Tumaas ang kilay ko roon. Gusto talaga ng buong pamilya niya na maging babae ang anak namin.

Anak namin...

But I wanted a boy. Hmm...

Ang sabi niya ay sabay na raw kaming lalabas at bababa dahil may titingnan pa siya sa kanyang email. Hinayaan ko siya at nauna nang lumabas dahil kumakalam na ang tiyan ko sa gutom. Nasa hagdanan pa lamang ako pero naririnig ko na si Czeila na malakas na kumakanta mula sa kusina.

Binati ko sina Tito Dan at Tita Jessie nang madaanan ko sila sa malawak na living room. Nasa bukana na ako ng kusina nang marinig ko ang sigaw ni Jed.

Nasa tapat na siya ng hagdanan nang mapalingon kaming lahat sa kanya.

"Ma, bakit mo ako pinanganak sa Korea? Bakit ako lang doon? Bakit sina Kuya at Czei, hindi?"

Huh? Ang aga-aga, ano'ng pinagsasabi ng gunggong na 'to?

Mukhang iyon din sana ang itatanong ni Tita Jessie ngunit nagpatuloy siya. "I just got a draft notice from the military manpower administration in South Korea," kunot ang noong sabi niya. "It's about my military enlistment. Next month."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top