Chapter 16

Chapter 16

"What?!" Naging bayolente rin ang reaksiyon ko sa biglaang pahayag ni Jed nang malaman na nagsusuka ako. Nawala bigla ang hilo ko dahil sa iritasyon ko sa kanya. "What the fuck are you talking about?!"

Napapikit siya saglit at nang magmulat ay namumula na ang mga mata. Pumungay ang mga iyon at tila nagmamakaawa sa akin. "You might be oblivious to it, but I notice everything about you, Rhyne. I've done research on what I think you are going through. Nausea and vomiting, frequent urination, irritability, your heightened sense of smell, food cravings... Ano itong kumakain ka na ng tsokolate madalas samantalang noon naman ay hindi?" paghahamon niya sa akin, siguradong-sigurado sa kanyang naiisip.

I couldn't help but scoff at his ideas. "This is insane! I'm not pregnant, Jed! Madalas naman talaga akong iritable. Nagsuka lang ako sa loob dahil sa sobrang baho ng perfume na ginamit ng mga tao sa loob kanina. And as for the food cravings, I am not craving anything. I'm just trying to cut down on my caffeine intake, kaya tsokolate ang kinakain at iniinom ko. That's all!"

"Then please explain kung bakit tumataba ka na? Hindi ka naman madaling tumaba kahit gaano pa karami ang kainin mo," giit niya. Ayaw pa rin talaga niyang magpatalo.

"Oh, my God! It's the chocolates, Jed! Of course, I'd get fat!" naiiritang sabi ko sa kanya. Tumataas na ang mga boses naming dalawa at mabuti na lang talaga ay wala nang tao rito sa pasilyo. It's not really good for him if someone hears us. We're talking about a fucking pregnancy here!

"Ito ba ang iniisip mo nitong mga nakaraang araw? That I'm pregnant? Well, I'm sorry to burst your bubble, Jed. But I just had my period three days ago!"

Bigong napatingin siya sa akin, tila dismayado pa na hindi ako buntis. So ano pala? Gusto niya akong buntisin?!

"Are you sure, Rhyne?" bigong tanong niya, but still sounded hopeful. "Are you sure it wasn't spotting and—"

Nilampasan ko na siya dahil mas lalo lang kumulo ang dugo ko. Ipinagpipilitan talaga niyang buntis nga ako!

"Rhyne," nahihirapang pigil niya sa akin. "I'm serious. Let's go to the hospital now. Let's make sure..."

Nakikita kong nanlulumo na siya at malapit nang sumuko. Mas lalong namula ang mga mata niya at bigung-bigo talaga. What the fuck? Umasa talaga siyang buntis ako?

"Let's make sure, Rhyne. Please..."

Tinalikuran ko na siya.

"Heartbeat..." bigong bulong niya.

Umiling-iling ako at bumalik na sa aming puwesto. Tahimik na sumunod siya sa akin. Nang maupo siya sa tabi ko ay hindi ko na siya sinulyapan.

He leaned closer to my right ear and whispered. "Please don't drink for the meantime. Let's wait and make sure. And please... continue cutting down on your caffeine intake. Huwag munang magkakape, heartbeat. Please..."

Napairap ako. Hindi nga sabi ako buntis!

Ayoko mang aminin pero sa sumunod na mga araw ay hindi nga ako mapakali dahil sa sinabi ni Jed. Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga inisa-isa niyang sintomas na napansin niya sa akin. I googled it and memorized everything. Araw-araw na pinakiramdaman ko ang sarili. Talagang nahawa ako sa kapraningan ng lalaking iyon.

Madalas na sumakit ang ulo ko na may kasamang hilo ngunit sigurado akong dahil lang iyon sa mga mata ko. O kung hindi naman ay dahil sa pag-iiwas ko sa kape ngayon. May migraine talaga ako at kape lang ang nakakapagpawala. For some, coffee might be a migraine trigger, but for me, it was the cure. And because I was trying to wean myself from it, dumadalas ang pananakit niyon. Idagdag pang tsokolate ang madalas kong snacks ngayon kaya lalong nati-trigger.

Isang umaga bago pumasok sa APH habang ako'y nagbibihis, kinabahan na ako nang hindi na magkasya sa baywang ko ang isa kong midi skirt. Kinalma ko ang sarili at inisip na noong nakaraang taon ko pa ito huling naisuot.

'Tangina, napa-paranoid na ako sa mga pinagsasabi ni Jed.

Nausea? Okay, it usually comes with my migraine. Frequent urination? Of course, because I also drink water or coffee frequently. Irritability? Matagal na akong ganito.

Heightened sense of smell? Hindi ko napansin iyon. Pero teka, naalala ko ngang pinatapon ko agad ang binili niyang pickled radish dahil sobrang baho niyon. Pero mabaho naman talaga ang radish.

Then what about the perfume I smelled in the comfort room? May mga perfume naman talagang hindi swak sa pang-amoy natin, hindi ba?

Food cravings? I don't think eating lots of chocolate can be considered a craving. Substitute ko lang iyon sa kape.

How about the vomiting? That was only once. Hindi na muling naulit at laking pasasalamat ko. Kapag nagkataon, ano'ng gagawin ko kung totoo ngang buntis ako?

I shivered at the thought. We only did it once. Posible ba talagang makabuo agad sa isang beses? Almost two months have already passed since then. Dinatnan ako isang linggo pagkatapos niyon kaya wala na akong dapat ipag-alala pa, hindi ba? It was almost time for my next period. I just have to wait for it and then I'm safe. Sigurado akong darating iyan.

Pero sa kabila ng pang-aalo sa sarili, hindi pa rin ako nilubayan ng kaba. Lalo na kapag pinupuna nina Aphrodite ang pananaba ko. Even Tita Bridgette already noticed it, way before Jed told me about the signs and symptoms.

Ayokong manatili sa bahay nang matagal kaya naman panay ang overtime ko sa APH. Sa tuwing weekend naman ay lagi akong sumasama kina Czeila sa Mico Moco. Kaya kahit ayaw ko mang makisalamuha kay Jed ay hindi maiiwasan. Mas gugustuhin kong makita siya kaysa magmukmok dahil mas lalo akong mag-iisip kapag mag-isa ako.

Nagpa-panic ako kapag nahuhuli ko siyang nakatingin nang mataman sa akin. I realized he was still observing me. Panay ang text niya at paalala na huwag akong iinom kahit magkalapit lang naman kami. Nagtataka na sina Czeila kung bakit juice ako nang juice dahil alam nilang malakas akong uminom.

On Monday, alas otso na ng gabi nang umalis ako galing APH. The traffic was heavy. Buong oras ko sa daan, wala ako sa sarili. I vomited this afternoon. Hinang-hina ako ngunit hindi ko ininom ang gamot na binigay ni Dinn dahil paano nga kung talagang buntis ako?

Limang araw na ring delayed ang regla ko. Kahit kailan ay hindi ako nahuli sa schedule kaya naaalarma na naman ako.

What if? What if I am really pregnant?

Jed texted me every day. Hindi man kami madalas magkita pero sinisigurado niyang nakakapag-text siya o nakakapag-video call kaming dalawa. At sa tuwing nagkikita man ay lagi niya akong sinusundan pauwi para lang masiguro na ayos lang ako hanggang sa pagdating sa bahay.

Umusad ang traffic ngunit kaunti lang. Inayos ko ang salamin ko at tiningnan ang nasa harap. Mukhang matatagalan talaga akong makauwi. The road was packed with cars, trucks, and buses, and even those who were driving motorcycles like me couldn't pass through. Maiipit ka na ng malalaking sasakyan kapag nagpumilit pa.

Nahagip bigla ng aking paningin ang isang branch ng pharmacy malapit sa puwesto ko. Napalunok ako sa kaba. Kailangan ko na bang bumili para talagang makasigurado? Knowing what was happening to me was better than this fear of the unknown, right?

Nang lumipas ang sampung minuto at hindi pa rin kami nakakausad sa daan ay nagpasya na akong tumigil sa gilid. Muli akong napalunok nang tanggalin ang helmet at napatingala sa signage ng pharmacy. Kabadong pumasok ako at halos hindi ko na marinig ang mga nasa paligid ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi na ako nag-isip nang maayos at basta na lang kumuha ng limang klase ng pregnancy test kit at mabilis na binayaran ang mga iyon.

Mataman akong tiningnan ng cashier kaya mas nadoble ang kaba ko. Gusto ko na lang maglaho. Ni hindi ko na siya tiningnan nang magpasalamat ako.

Ang una kong ginawa kinabukasan ay ang subukan ang isa sa limang pregnancy test kit na binili ko. The result showed two red lines. It was positive.

Namanhid ang buong katawan ko habang tinitingnan iyon. Hindi ko kinayang tingnan nang matagal iyon kaya itinapon ko rin agad sa basurahan. Ayaw talagang tanggapin ng sistema ko kaya inulit ko iyon sa sumunod na araw. Pareho pa rin ang resulta. Dalawang pulang linya.

Hindi pa rin kumbinsido, pinalipas ko ang isang araw bago umulit. It was still the same. Even on my fourth attempt. Positibo talagang buntis ako.

Isa na lang ang natitirang pregnancy test kit. Kahit imposible, umasa pa rin akong mag-iiba ang resulta roon. Baka sira ang nabili ko. Baka hindi tama ang ginawa ko.

But who the heck am I kidding? Niloloko ko lang ang sarili ko at nagsasayang lang ako ng enerhiya.

Jed was right. Buntis nga ako. Should I tell him about this? Of course. There wasn't a reason why I shouldn't. But how? At ano'ng gagawin namin? How should we tell his family? Czeila and Princess? Bunsong lalaki at naunahan pa ang mga Kuya na magkaanak!

And how about Tita Bridgette and Liam? They deserved to know lalo na at silang dalawa lang naman ang maituturing kong pamilya ngayon.

Natatakot ako nang husto.

Maaga akong nagpunta sa APH nang araw na iyon. Wala pang tao sa floor namin kaya nagpasya na akong magbanyo para masubukan ang panghuling pregnancy test kit. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang dalawang linya na kulay pula. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Namamanhid na ako.

Paglabas ko ng cubicle ay nakita ko agad ang repleksiyon ko sa salaming nasa harap. It was only then that I realized that I was crying.

'Tangina, ano na'ng gagawin ko ngayon?

Paglabas ko ng banyo ay nakasalubong ko si Liam. Papunta na sana siya sa kanyang opisina ngunit natigilan nang makita ang ayos ko. Agad niya akong nilapitan at dinaluhan.

"Are you okay, Kazandra? You're pale."

Hindi na ako nakasagot dahil bumagsak na ako't nawalan nang malay. Before I lost consciousness, I heard Liam utter a curse. Mabuti na lang at nasalo niya ako agad. I couldn't help but think about... the baby... inside me.

"Sinira niya tayo, August! She is not my daughter! She is nothing but a monster who ruined us!"

"Tangina, Alicia! Naririnig mo ba 'yang mga sinasabi mo? Huwag mong pag-iisipan nang ganyan si Kazandra!"

"Well, it's true! Mula nang dumating iyan sa buhay natin, lumayo ka na nang tuluyan sa akin!" nanlilisik ang mga matang patuloy niya.

Kitang-kita ko kung paano siya tinalikuran ni Papa. I was crying quietly while watching them. Araw-araw na lang ay ganito ang nangyayari sa bahay.

"Kazandra," malambing ngunit nakakakilabot na tawag sa akin ni Mama na naging dahilan ng biglaan kong paggising.

Nanlaki ang mga mata ko sa hawak niya. She was lighting a cigarette stick. At walang pakundangan na inilapat iyon sa aking balikat nang tatlong beses.

Napasigaw ako sa sakit.

Marahas ang ginawa kong pagbangon kasabay ng singhap nang tuluyang magkamalay. Nagpa-panic na nagpalinga-linga ako habang umiiyak.

Tita Bridgette immediately stood up and ran towards me from her desk, offering words of comfort when she hugged me.

Napapikit ako at umiyak nang umiyak. Hindi na inalintana kahit narito rin sa opisina niya si Liam, tiim-bagang na nakatingin sa amin.

In broad daylight, I had another nightmare. Hindi ko alam kung ilang minuto akong walang malay. Ang tanging naaalala ko ay bumagsak ako paglabas ng comfort room at nasalo ako ni Liam. I was lying now on Tita Bridgette's large black couch in her office. Nakita kong nakababa ang blinds para hindi kami kita mula sa labas.

I've had these nightmares from time to time ever since I was a kid, but never have I cried hard like this. Sobrang takot na takot ako at mas nanuot sa aking kaluluwa ang mga masasakit na salitang binitawan ni Mama noon tungkol sa akin.

Pinagpapawisan ako kahit malamig sa loob ng opisina. Nababasa ko na ang balikat ni Tita Bridgette sa mga luha ko ngunit hindi niya iyon ininda at patuloy lang sa pag-alo sa akin.

Matagal pero unti-unti ay humina ang aking pag-iyak. Tumigil na ang aking mga luha sa pagtulo hanggang sa naging hikbi na lamang ang mga iyon.

I saw how Liam avoided my gaze when I looked up at him. He clenched his jaw, tila galit sa nasaksihan. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa hardwood desk ni Tita Bridgette. "Are you pregnant, Kazandra?"

Tila natigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ang tanong niya. Ngayon ay sigurado na akong galit nga siya. His voice roared like thunder. Halatang-halata ang pagpipigil na tuluyang mapigtas ang pasensiya.

Pagkatapos ay napabuntong hiningang kinalas ako sa yakap. Inayos niya ako sa pagkakaupo at tiningnan nang masuyo.

Sumakit ang dibdib ko dahil sa tingin niya. She was always so gentle like this to me, even when I was always so harsh. She loved me like I was really her daughter. She was more motherly to me than my own mother had been.

"We... We saw the... test kit, Kazandra," malumanay na sabi niya, tila naninimbang at naluluha na rin. "I already had a hunch, but... seeing that..."

Hindi niya naipagpatuloy ang kanyang sasabihin dahil masyado nang nanginginig ang boses niya.

"It's Asher's, right?"

It was Liam again. Malamig pa rin ang boses at nang tingnan ko ay madilim ang tingin sa amin ng Mama niya. I could see the pain in his eyes. Na parang bigong-bigo siya sa nangyari sa akin at sa nakikitang mga luha ni Tita Bridgette.

He might look uptight on the outside, but he was readable. I could easily know what was going on inside his mind. Hindi man niya sinasabi lahat pero nalalaman ko sa kanyang mga mata.

"Alam niya na ba ito, Kazandra?" masuyong tanong ni Tita.

Takot na napatingin ako sa kanya. I was so scared. Hindi ko alam kung ipapaalam ko ba ito kay Jed. Well, obviously, he wanted me pregnant with his child. Pero tama ba itong nangyayari? Wala akong naiisip na plano. It was like my world had suddenly turned upside down, and I had no idea what to do.

Liam harshly sighed. "No need to rush, Kazandra. Let's take it one step at a time. For now, let's have her checked up, Ma. To know her condition and... the baby." Humina ang boses nito sa huling sinabi.

Napapikit ako.

The baby...

I let that slowly sink into my system.

I have a baby. I really have a baby growing inside me. Jed's baby is growing inside me.

"Are you feeling better now, Kazandra? Is this okay with you?" nananantiyang tanong sa akin ni Tita. Ingat na ingat na para bang kapag hindi niya iyon ginawa, baka mabasag ako anumang oras.

Sunud-sunod na tango ang isinagot ko. I also wanted to know how... the baby was doing.

Liam immediately filed for a week's leave for me, effective as of today. Nakita ko pa ang nag-aalalang tingin nina Dinn at Aphrodite sa akin nang palabas na kami ngunit hindi ko na iyon prinoblema at masyadong inisip.

My mind was still in chaos. Tumanggi ako nang subukan nilang magpunta sa SGH dahil iyon daw ang pinakamalapit. Mahirap na at baka makasalubong ko si Tito Dan o si Kuya Migo. Ayokong malaman ni Jed mula sa ibang tao ang tungkol dito.

When we reached the OB-Gyne Clinic, hindi na gumagana nang tama ang utak ko. Ni hindi ko alam kung paano sila nakahanap agad ng doctor.

After having me undergo various tests and an ultrasound at nakumpirma nga talagang buntis ako, the doctor instructed me about the do's and don't's. I did not understand anything because my mind was already somewhere else.

Isa lang ang tumatak sa isipan ko. I was two months pregnant.

Pagkalabas namin ni Tita Bridgette ng clinic ay sinalubong kami agad ni Liam. May bitbit siyang plastic bag. "I bought you fruits. Please don't skip your meal and eat only healthy foods. Fast foods are not allowed. Stop your caffeine intake and... don't eat too much chocolate." Nag-iwas siya ng tingin nang matantong marami na siyang sinasabi.

"Thank you, Liam," ani Tita Bridgette habang iginigiya na ako sa sasakyan.

Liam immediately went to open the backseat door. "How was it, Ma? Is she okay? Is the baby okay?"

Buong biyahe ay nasa labas lamang ang aking tingin. Habang pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa vitamins na inireseta sa akin, napapansin ko ang madalas na pagsulyap ni Tita na nasa aking tabi at si Liam naman mula sa rearview mirror.

Unti-unting kumalma ang aking sistema. Nagpapasalamat ako na sila ang kasama ko ngayon. I was more than thankful that they weren't asking me questions that would further trigger my anxiety. I was already anxious enough.

Tita Bridgette was worried but calmly guided me through all of these as if she had gone through this before. Maybe because she was also a mother, kahit pa sabihing ampon lang niya si Liam.

And Liam? Galit man ang unang naging reaksiyon niya pero hindi siya umatras. He was silently supporting me at ayaw lang niyang ipahalata. He even kept asking about the baby. Parang siya pa ang magulang kaysa sa akin.

Napabuntong hininga ako.

Am I really a parent now? I couldn't believe I didn't notice anything. I ignored the changes in my body and appetite. Kung hindi pa siguro sinabi ni Jed ang mga napapansin niyang kakaiba sa akin ay hindi ko pa iyon paglalaanan ng panahong isipin. I still couldn't believe that there was a baby growing inside me.

I wondered if it was going to be a boy or a girl. What should I name him or her?

Naipilig ko ang aking ulo sa mga naiisip. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin iyon dahil nawala rin iyon lahat nang makaliko kami sa tamang kanto at namataan ko ang sasakyan ni Jed sa labas ng bahay.

I could feel my anxiety slowly building up inside me again.

"Asher is here, Kazandra," mahinang imporma ni Tita, as if the sight of his Elantra wasn't enough.

Tumango ako. Takot man pero alam kong kailangan ko siyang harapin.

Nang bumaba ako ng sasakyan ni Liam ay nakita kong bumaba na rin si Jed mula sa kanya. Nagmamadali siyang lumapit sa akin at nang tuluyan nang nasa harap ko ay napansin ko agad ang pamumula ng mga mata niya.

Sa kabila ng takot at pangamba ay nahaluan ng pag-aalala ang aking puso. Bago ko pa man mapigilan ay umangat na ang aking kanang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi.

Napapikit siya saglit at nang magmulat ay namumungay na ang mga mata. Punung-puno iyon ng pagmamahal at hindi ko maipaliwanag na emosyon.

"Did you cry? What's wrong?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Of course, I cried," hindi nahihiyang amin niya. "I am so happy, Rhyne! Pero hindi ako dapat ang inaalala mo. I saw your trashbin in the bathroom, Rhyne. I saw the kits. There were four of them, and they were all positive. Are we really pregnant, heartbeat? Am I really finally going to be the father of your child?"

Tumigil ang mundo ko sa narinig. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko roon. Hindi ko alam kung hihinga na ba ako nang maluwang dahil nakikita kong masayang-masaya siya sa nalaman.

I had been out of it for the past few days, kaya hindi ko na naalis ang laman ng trashbin sa banyo. Of all the things to forget, iyon pa talaga. Hindi ko inaasahan na malalaman ito agad ni Jed at sa ganitong paraan pa.

Should I be happy as well? Hindi ko na maproseso nang maayos ang lahat ng nalalaman at nangyayari sa akin ngayon.

Dumako ang tingin ko sa kanyang sasakyan nang mamataan kong bumukas ang pintuan niyon. When I saw Tita Jessie and Czeila, my mind went blank. I couldn't think straight anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top