Chapter 13

Chapter 13

Kunot-noong sinunod ko ang sinabi ni Czeila. I only typed Asher, at kung anu-ano na ang lumabas na mga articles. I checked the video and saw that it was indeed Jed's Elantra entering the building premises of APH on the night of the anniversary party.

May mga media nga nang gabing iyon kaya hindi kataka-takang nakuhanan ng video ang sasakyan niyang papasok na sa basement parking. Kahit heavily tinted ang bintana at harap ng sasakyan niya ay iginiit pa rin ng media na may kasama siyang girlfriend nang gabing iyon.

Hindi na ako nasurpresa kung paano nila natunugan ang tungkol sa party. Ang nakapagtataka, wala akong nakitang kahit isa na nagbanggit tungkol sa nangyari sa kalagitnaan ng palaro. Tungkol sa pagiging mag-ex nina Zeldon at Maddison. Sa halip, si Jed ang gusto nilang gisahin ngayon. At kahit may nagsabi nang dahil sa party iyon kaya nandoon siya sa APH ay iginigiit pa rin ng iba na may girlfriend siya.

Why? Because, according to one of the comments, it was unusual for Jed to just pass by and not open the window to greet the reporters. Masyado kasing palakaibigan itong si Jed sa lahat ng tao kaya ngayong nakaligtaan nito iyon ay iniintriga na agad.

I rolled my eyes. What if it wasn't Jed, though? Hindi lang naman siya ang may Elantra sa Metro Manila. Ang media talaga. Simpleng bagay, gagawan ng issue.

I scrolled some more and came across an article with the title "Agori: the faceless songwriter and the girlfriend of Lyricbeat's Asher."

Kumunot ang noo ko.

Agori, the faceless songwriter? Agori, the one who wrote the manuscript that Jed gave me a few weeks ago? Close ba ang dalawa? I mean, hindi lang bilang magkatrabaho kundi bilang magkaibigan din?

Well, come to think of it, bakit si Jed ang nagbigay sa akin ng manuscript kung puwede naman niyang ipasa nang diretso sa APH? Or she could've emailed me.

Hindi pa nakatulong sa mga iniisip ko ang sinabi ni Czeila. "You know, I asked Kuya Asher before kung ano ba ang hitsura ng Agori na iyan dahil curious talaga ako. And he said, she's insanely beautiful with bangs and eyeglasses."

Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa narinig. I didn't have bangs anymore, but I still wore my eyeglasses. Magba-bangs na ba ako ulit?

Insanely beautiful? Napairap ako at pinanood ulit ang video. Ako ang kasama ni Jed dito at hindi ang sinasabi nilang si Agori.

Isa lang ang nagkomento ng spekulasyon niya tungkol sa ugnayan nina Jed at Agori at lahat ay sumang-ayon agad. Fans said it was possible since Lyricbeat was working on another album featuring Agori's songs. May nabasa rin akong article na may iri-release din daw itong Agori na libro under APH.

Mas lalo akong nawalan ng gana at napairap na lang sa manuscript na nakalatag sa aking desk. Hindi ko pa nga nasisimulang i-edit, pagkatapos ay nababalita na agad na may ilalabas siyang libro?

"Kung sabagay, hindi natin masisisi dahil nasa banda si Kuya at normal na iyan sa kanila. Plus, ayoko mang aminin, but we can't deny the fact that Kuya Asher is insanely handsome as well as manly, kahit pa mestizo," dagdag ni Czeila.

Normal? Four years in the industry at ngayon lang siya nasangkot sa ganitong klaseng balita! Ano'ng normal?!

Masungit na nagpaalam ako sa kanya ngunit tinawanan niya ako.

"Relax! Ikaw naman ang girlfriend!" tila tuwang-tuwa pang sabi niya. "Nasa iyo na ang korona!"

I guess Jed didn't tell her about the breakup.

Busangot ang mukhang pinatay ko ang tawag.

"Oh, Ate! Ang aga-aga, kunot na naman 'yang noo mo," nakangising puna sa akin ni Aphrodite nang mapadaan sa aking cubicle. Lumapit siya sa cubicle ni Dinn na katapat ko para ibigay ang kung anumang dala niya.

Na-bad trip ako lalo nang makita kong tumaas ang kilay ni Dinn. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kanya at unti-unti na siyang nakikihalubilo sa amin ngayon. Madalas na rin siyang magpunta rito sa APH.

"Ilang araw na 'yang ganyan. Sinusubsob ang sarili sa trabaho, tapos kain nang kain at inom ng kung anu-anong matatamis, banyo rin tuloy nang banyo."

Dahil sa sinabi niya ay naramdaman ko na naman ang nagbabadyang pangangailangan para magbanyo. Ininda ko iyon at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Sanay naman akong laging naiihi dahil sa pagkakape ko pero ngayon ay hindi na ako natutuwa. Ni hindi pa nga ako nakakapagkape para sa araw na ito.

"Sweets? That's new. Akala ko ay hindi ka mahilig sa matamis dahil lagi kang umiinom ng kape." Si Aphrodite. "Kaya pala parang tumataba ka ngayon, Ate."

"I crave sweets when I'm stressed," nakasimangot na sagot ko.

"Stressed?" Nakataas ang kilay na ulit ni Dinn.

Ngumiti nang nakakaasar si Aphrodite. "Dahil ba kay Kuya Asher at sa madalas na balita ngayon? Bakit ka kasi nakipag-break kung ayaw mo namang magka-girlfriend siya ng iba?"

Who said I don't like the idea of him having a girlfriend? Naiinis lang ako sa media at kung anu-anong naiisip.

"Bagay pa naman sila ni Agori, parehong songwriter," nakangiting parinig ni Aphrodite, pasimpleng tinitingnan ang reaksiyon ko. "Ask him if it's true, Ate."

Over my dead body.

"You want to know more about Agori?" mahiwagang tanong ni Dinn.

Awtomatiko ang mga mata kong tumingin sa kanya. Nagmukha tuloy akong sabik at uhaw sa impormasyon.

Nagpigil siya ng ngiti dahil sa reaksiyon ko. "Basahin mo na kaya 'yang manuscript niya at huwag mo nang hayaang matambak diyan. Remember, every writer's soul is written largely in his or her works. Have you listened to her songs? Masakit lahat. So I don't think the news about them is true. She's not the real girlfriend. You are the girlfriend."

"Ex," pagtatama ni Aphrodite kaya inirapan ko siya.

"Sige na at basahin mo na iyan. Huwag kang magalit pati sa manuscript," natatawang dagdag ni Dinn.

Iyon nga ang ginawa ko nang matapos ko ang lahat ng manuscript na ngayon ang deadline ng pagpasa sa EIC. No choice dahil mag-aala una pa lamang ng hapon at wala na akong ibang gagawin.

Napabuntong hininga ako nang kunin ko iyon. Matatagalan yata siguro ako dahil hard copy ang ibinigay niya. I've been editing manuscripts ever since college, and this is the first time that I'm going to edit a hard copy. Naghanda ako ng mga highlighter, pencil at sticky notes.

Nagkamali ako dahil tatlong oras lang yata ang dumaan at tapos ko nang basahin ang buong manuscript.

Kagaya sa mga isinusulat ni Dinn, kaunti lang din ang mga na-edit ko sa ginawa niya. Tahimik na lumuluha ako habang sinusulat ang feedback ko sa kanyang manuscript.

How could she write like this? The plot was insanely heart-wrenching. Nawala ang inis ko sa kanya dahil sa nabasa. Sa halip ay gusto ko pa iyon ulit-uliting basahin. Bawat letra, bawat linya...

Jed said when he handed me this manuscript that this one was too personal. Masyado ngang personal at tingin ko ay ito ang kuwento ng kanyang buhay, even when she changed her pen name in the story. Sa sobrang ganda niyon, hindi ko alam kung dapat ba siyang itago o ipagmalaki sa lahat. The story deserved to be heard, just like her songs, pero parang ang sarap ding solohin at iyakan nang mag-isa.

I wonder if Adam survived.

Namumula na ang ilong ko sa kakaiyak nang iligpit ko iyon sa isang folder at nilagyan ng pangalan ni Agori.

"Why are you crying?" gulat na tanong ni Dinn nang mapansin ako pagtayo niya.

"This is going to be a best-seller, Dinn. She writes better than you," naluluha pa ring sabi ko.

She chuckled. "Kanina lang ay naiinis ka riyan sa selos, tapos ngayon ay iniiyakan mo na 'yang sinulat niya?"

Napairap ako. "I wasn't jealous."

Binasa ko ulit iyon pagdating sa bahay at sa sumunod na araw pagkagising ko. At sa tuwina ay napapaiyak pa rin ako. Masakit din naman magsulat si Dinn at ang iba pang writers sa APH pero kahit kailan ay hindi ako umiyak nang ganito.

Maybe because I believed it was based on a true story. She changed some little details, but she did not change the name of the place.

Orazon.

We had the same hometown. The way she described everything made it seem like she had grown up there. It was like she was seeing everything in her mind like a scene from a movie as she wrote this.

Pagsapit ng hapon ay nabulabog ang pagbabasa ko nang biglang dumating sina Czeila at Princess. Pinipilit akong maligo at magbihis para pumunta sa Mico Moco.

I wasn't really in the mood to go out and have fun. Ngunit nagpatianod na lamang ako sa gusto ng mga kaibigan dahil wala na akong maidahilan sa kanila. At sigurado rin akong hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako sumasama. Ilang ulit ko na silang tinanggihan kaya pagbibigyan ko na lamang ngayon.

"If you're not going to come, then I'll tell Kuya that you are jealous of the insanely beautiful Agori," pamba-blackmail pa ng kapatid ni Jed.

Napairap ako bago pumasok sa banyo para makaligo. Pagkatapos kong magbihis ay agad na kaming tumulak. Mabuti na lamang at dala ni Princess ang kanyang sasakyan dahil medyo nahihilo pa ako. Tinanghali kasi ako ng gising kanina at nang magising ay nagbasa lang nang nagbasa. Wala ring gaanong laman ang tiyan ko kundi tinapay at kape lamang.

Sumasakit na ang ulo ko nang makarating kami sa Mico Moco. Maraming tao dahil ayon kay Czeila ay cover special day raw ngayon. Maddison was currently singing "Bring Me To Life" by Evanescence when we went inside.

Medyo nakahinga ako nang maluwang nang marating namin ang aming puwesto sa second floor. Kuya Mico and Ashley were already here. Naupo na ako agad at pumikit. Sana pala ay uminom muna ako ng gamot bago nagpunta rito.

"Are you okay?" tanong ni Ashley nang mapansin sigurong hindi pa ako gumagalaw.

Nagmulat ako ng mga mata at tumango. "Nahihilo lang. I overslept."

Tumikhim si Princess at nagdududang tiningnan ako. "If I know..."

"Nagseselos iyan doon sa Agori kaya wala sa mood," walang pakundangang sabi ni Czeila habang kumakain ng sandwich.

Nagtatakang tiningnan siya ni Ashley kaya tumawa siya nang bahagya. "Siya ang totoong girlfriend ni Kuya Asher, Ate. Not that insanely beautiful Agori." She emphasized every word to trigger me.

"Oh!" react ni Ashley nang maintindihan ang sinabi niya. "I didn't know. I'm sorry for what happened, Rhyne. Si Agori agad ang naisip ng mga tao nang mapangalanan si Jed dahil sila ang laging magkasama sa tuwing may ginagawa silang collab project."

My eyebrow twitched. Sa haba ng sinabi niya, dalawang kataga lamang ang nanatili sa utak ko. Laging magkasama?

"Hinihintay naming humupa muna ang usapan bago balak ng management na mag-release ng statement tungkol sa issue."

"I don't think it would die down that easily. Agori may be a faceless songwriter, but she's at the top. She's already a household name. And my brother is the drummer of Lyricbeat. So, kapag nagka-issue, totoo man o hindi, talagang big deal. They're like the power couple in the world of songwriting."

Napabuntong hininga si Ashley. "I'm so sorry, Rhyne."

Kumunot ang noo ko nang tila pumintig sa sakit ang aking ulo. "No need. I'm not jealous."

Napaubong kunwari ang dalawa kong kaibigan. Inirapan ko sila at muling pumikit. Hindi ko na rin pinansin ang lalong paglakas ng cheer at suporta ng crowd sa ibaba. Naririnig ko na ang mga boses nina Ardo at Zeldon na palapit ngunit nanatili pa rin akong nakapikit.

Napamulat lang ako at napakurap-kurap nang maramdaman ang mainit na kamay na dumantay sa aking noo. Nagtama ang mga mata namin ni Jed.

"What's wrong? Are you okay?" nag-aalalang tanong niya bago naupo sa tabi ko. "What's wrong with your eyes, heartbeat? Did you cry?"

"Umiyak ka, Rhyne?" gulat na tanong ni Czeila na ngayon lang yata napansin ang bahagyang pamumugto ng mga mata ko.

I cursed inwardly. Mukhang mapagkakamalan pa yata nila akong umiyak dahil sa issue.

"We really should do something about the issue," ani Zeldon.

"Ayusin mo na nga iyan, Kuya! Pinapaiyak mo ang kaibigan ko. Si Rhyne na hindi umiiyak! My God! Ang sakit mo sa tiyan!"

"Hindi. May binabasa lang akong—"

"What? Inisa-isa mo ang articles?!"

"Ashley, notify the media that I'm going to have a press conference," seryosong sabi ni Jed habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "I'm telling the press that you are my girlfriend. Not Agori."

Sumang-ayon agad ang mga kabanda niya. Lalung-lalo na sina Czeila at Princess.

Diyos ko! Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila. Walang kinalaman si Jed sa mamumugto ng mga mata ko ngayon. Si Agori lang ang puwedeng sisihin pero hindi rin naman iyon tungkol sa issue. Tungkol ito sa binasa kong love story nina Adam at Gabbie na sinulat niya.

I sighed in exasperation. "Can we talk, Jed?"

"Yes, Rhyne. Go ahead. What do you want me to do?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Just us?"

Tumango siya agad at binalingan ang nakatatandang kapatid. Agad namang binigay nito ang susi sa kanya na tila naintindihan agad ang gustong mangyari ni Jed kahit wala pa siyang sinasabi.

"Let's go," aya niya sa akin.

Kunot-noong sumunod ako sa kanya kahit pa bahagyang umikot ang paningin ko dahil sa biglaang pagtayo. Palinga-linga pa ako para masigurong walang nakapansin sa amin na mga fans. Baka kung ano pa ang maisip at dagdag na naman sa issue tungkol sa kanya.

Dinala niya ako sa opisina ni Kuya Mico. Nang tuluyan kaming makapasok at maisara ko ang pintuan ay inunahan ko na siya agad sa pagsasalita.

"First of all, I did not cry because of the issue, okay? I was reading and editing Agori's manuscript," pagtatama ko sa iniisip niya kanina. "And second, I..." Mariin akong napapikit saglit at nang magmulat ay hindi ko na makita nang maayos si Jed.

Maybe it was my eyeglasses? Tumataas na naman ba ang grado ng mga mata ko?

"I'm not your girlfriend," I said with conviction when Jed's face became clear to me again.

Kumunot din ang noo niya, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Napatiim-bagang siya pagkaraan ng ilang sandali. "What do you mean, you're not my girlfriend? Are you fed up with the iss—"

"Jed, I broke up with you a few weeks ago," paalala ko sa kanya.

Mas lalong dumilim ang mukha niya. "May nangyari na't lahat, hindi pa rin kita girlfriend? Are you serious, Rhyne?"

Napapikit ako ulit at muntik nang maduwal kaya natigilan siya.

"Hey, are you okay?"

Kinalma ko ang aking sarili at napahinga nang malalim. "Let's go back outside."

"Rhyne, sigurado ka bang—"

Problemadong napabuntong hininga ako ulit. "Jed, nahihilo na talaga ako sa sobrang sakit ng ulo ko! Huwag na muna tayong magtalo, please!" Lumabas na ako agad at iniwan siya roon. Mabilis ang mga hakbang na bumalik ako sa aming lamesa. Nang makitang may naka-serve nang mga inumin ay agad akong kumuha ng isa.

Pero bago ko pa iyon malagok ay napigilan na ako ng kamay ni Jed na hindi ko namalayang nakasunod pala agad sa akin.

Naiiritang tiningnan ko siya.

Iba na ang tingin niya sa akin ngayon. Mas seryoso at mas madilim. At galit siya sa hindi ko malamang dahilan.

"You shouldn't drink when you're nauseous," kunot ang noong sabi niya habang binabantayan ang bawat kilos at reaksiyon ko. It sounded like he was scolding me.

Ano ba'ng ginawa ko sa kanya? Totoo namang hindi na niya ako girlfriend.

"May dalawa pang kanta mamaya. Can you sub for me, Czei?" tanong niya sa kapatid habang nasa akin pa rin ang titig.

"Huh? Bakit?" Magrereklamo pa sana si Czeila ngunit nang makitang seryoso si Jed ay nanahimik na lamang.

"Please? Ihahatid ko na si Rhyne."

Inirapan ko siya at muling sumubok na inumin ang hawak kong tequila ngunit mas lalo niyang diniinan ang hawak niya sa aking braso.

"No, Rhyne," saway niya sa boses na tila nauubusan na ng pasensiya. "We're going home."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top