Chapter 11

Chapter 11

Naghiyawan ang buong APH nang marinig ang boses ni Dinn. Of course! Who wouldn't be surprised and overjoyed? Dinn talking amidst the crowd? Really? Marami-rami na yata ang nainom niya. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako roon o maiinis.

Naramdaman kong binundol ako ni Aphrodite at nang tingnan ko siya ay itinaas-baba niya ang kanyang mga kilay habang naniningkit ang mga mata sa akin.

Tumawa si Jed sa tabi ko nang mapansin ang ginagawa niyang pang-iinis.

Napairap ako. Ngunit agad ding nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong itulak sa gitna. Putangina! Muntik na akong mapatid dahil sa suot kong pumps at mabuti na lang ay mabilis ang kamay ni Jed. Nahila niya ako sa braso at tumama ako sa dibdib niya.

"Wow! Ang bagong mag-ex!" Dinn cheered.

Seriously, I did not expect that kind of betrayal from Dinn. Hindi talaga siya dapat pinapainom nang marami.

Inirapan ko si Aphrodite na ngingisi-ngisi lang at nag-peace sign pa.

Sa kalagitnaan ng pangangantiyaw ng mga tao ay inakbayan ako ni Jed at nakangising iniharap sa kanila. "Oy, heartbeat ko 'to, ha? Ex lang kami pero mahal ko 'to. Walang aagaw rito at susuyuin ko pa ulit."

Buwisit!

Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay kitang-kita ko kung paano niya sinulyapan si Liam. The smug look on his face was more than annoying. Liam noticed it and arched his brow a bit.

I can't believe this, Asher Jed Suarez!

Kukumprontahin ko na sana siya ngunit tinaasan niya ako ng kilay nang mahulaan ang balak kong gawin. Lumapit siya sa aking tainga para bumulong. "Bayad sa pakikipagsayaw mo kay Liam kanina."

'Tangina. Pinagseselosan ba niya si Liam?

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" kantiyaw sa amin ng isang accountant dahil sa nakitang bulungan namin.

"We have another pair here!"

Napalingon kaming lahat nang marinig ang boses ni Ardo. He looked drunk already while pointing at Maddison and Zeldon. Uh-oh. Nag-isang linya naman agad ang mga labi ni Troy. Nilapitan nito si Ardo at tinapik para awatin. Dahil doon, gulat man ang lahat ay ni wala rin isang nakapag-react agad.

I heard Jed curse under his breath, bago nilapitan din ang kabanda. After that, he went to the microphone. "I'm sorry. Leonardo has an unbelievably low tolerance to alcohol. Never mind what he said."

May ibang nagtawanan sa mga sinabi niya, as he said those word with the intention of making it sound like a joke. He couldn't smile, though. I knew he was worried. They were all worried. Hindi na maipinta ang mukha ni Troy sa ginawa ni Ardo.

I understand because even when APH's anniversary party is a small and simple kind of company party, it still has a large crowd. Narito halos lahat ng mga empleyado – President Bridgette Guevarra, the editorial team, the art department and the creative experts, production team, proofreaders, literary agents, the marketing team, and the financers.

Kilala ang Lyricbeat sa buong bansa at isang malaking issue ang malaman ng lahat ng nasa party na ito na dating magkasintahan pala ang dalawang bokalista ng banda. Who knows if one of us might slip and mention it outside of APH? May mga nagkalat pa namang media sa ibaba.

But then, Jed and I had been working here for years, even before Lyricbeat became famous, and not a single issue was released about us. Hindi ako kailanman nadawit sa pangalan niya at kung nasasali man ay dahil kaibigan ako ng kapatid niya.

APH has unbelievably loyal employees. But then, who knows, right?

Inalalayan na nina Jed at Troy si Ardo palabas ng hall. Mabuti na lamang at mukhang hindi naman apektado sina Maddison at Zeldon sa nangyari kaya binalewala na rin iyon ng mga nakasaksi.

Or so I thought.

Dahil pagkatapos ng awarding ceremony, pagkatapos maianunsiyo ang mga nanalo ng Picasso Award, Rookie of the Year, Book of the Year, Writer of the Year, Editor of the Year at ang appreciation plaque para sa Lyricbeat, I heard some employees talking about what happened earlier. I just hope this won't get out of hand.

Papunta ako sa comfort room nang mahagip ng tingin ko ang iilang miyembro ng Art Department. Ngunit hindi iyon ang naging dahilan ng pagtigil ko. It was what I heard from them.

"May chika ako tungkol kay AA Perez."

And then I realized that they were the same group I saw back then in the elevator.

"What is it? Wanna see my illustration of her?" Ipinakita nito ang cellphone sa mga kasama.

Medyo malayo ako mula sa puwesto nila at hindi agad mapapansin but I was close enough to hear every word they were saying.

"She's very beautiful. No wonder the president wants her face on the book cover. Bagay nga naman sa mukha niya ang konsepto ng Greek mythology."

Nakita kong umismid ang isa. "Maganda nga. Pero alam niyo bang nang-agaw lang daw iyan ng boyfriend ng best friend niya?"

"Who told you that?"

"Classmate nila noong college ang Tita ko. Hayun nga't nang-agaw lang daw iyan ng boyfriend at nang mabuntis, siya ang pinakasalan. Hindi nagtagal at tuluyang nabaliw."

"Karma is a bitch!" Naghagikhikan ang dalawa.

"Hindi siguro nakayanan ng konsensiya niya. I mean, how could you even live after stealing your best friend's boyfriend?"

Naikuyom ko ang aking mga kamay sa narinig upang pigilan ang panginginig ng mga iyon. Paulit-ulit akong nagmura sa aking isipan. Nang bahagyang makabawi ay tuluyan na akong naglakad papuntang comfort room. Medyo nakalayo na ako sa mga nag-uusap nang pigilan ako ng kung sino sa kamay.

I thought it was Jed at first. But when I saw the tanned hand on my wrist, I knew it was Liam. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwang. Ayokong makita ako ni Jed sa ganitong kalagayan.

Masama ang loob na nilingon ko siya. I saw how his gaze softened, tila alam kung ano ang pinagdaraanan ko.

"Tell your mother to remove that woman's face from the fucking book cover," mariing sabi ko sa nanginginig na boses.

"Kazandra..."

Napailing-iling ako nang maramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha. Tinalikuran ko na siya at sa halip na pumasok ng comfort room ay dumiretso ako sa elevator na magdadala sa akin sa rooftop.

It was almost midnight and the breeze that hit my face as soon as the elevator door opened calmed my nerves. Hindi tumuloy ang mga luha ko ngunit mas lalo namang sumakit ang dibdib ko. Mabigat ang mga hakbang ko patungo sa dulo ng rooftop, malapit sa puwesto kung saan kami ipininta ni Aphrodite noon.

The magnificent view of the Makati city lights from where I stood made me feel like I was floating. The sound of the honking cars and the ambulance's sirens somewhere down below, I took them all in to distract myself. I wanted the noise of the city to fill my mind and replace my disturbing thoughts.

But still, it wasn't enough.

Coffee.

I need caffeine.

"Coffee?"

Marahas na napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Jed. Madilim sa rooftop ngunit dahil sa mga ilaw mula sa katabi naming mga building ay nakikita ko ang ekspresiyon niya.

He was holding a cup of coffee. Sumimsim siya roon hanggang tuluyang makalapit sa akin.

I saw how his eyes roamed around my face, as if trying to guess what was bugging me again this time.

"Are you drunk?" marahang tanong niya.

No, Jed. I'm more than drunk. I'm a fucking mess...

"Drink some coffee." Inangat niya ang aking palad at inilagay roon ang paper cup na may lamang kape. He wasn't really a coffee person pero siguro ay naparami na rin siya ng inom kaya gustong mahimasmasan nang kaunti.

Tahimik na uminom din ako roon, umaasang maibsan ng kape ang bigat na nararamdaman ko. But still, it didn't go away. Even with Jed beside me.

"What's wrong?"

Nilingon ko siya at nakita kong nakatanaw siya sa maingay at maliwanag na siyudad sa ibaba namin. Kumikinang ang mga mata niya dahil doon.

Lahat, Jed.

Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "Do you remember number thirteen on my to-do list?" A faint smile was on his lips.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. The aroma of coffee was helping me clear my mind. "What?"

Naramdaman kong pumuwesto siya sa likod ko at marahang hinawakan ang aking kaliwang kamay. His other hand got the paper cup from my right hand and placed it on the flowerpot near us. Pumalit ang kamay niya sa kape.

Nasa balikat ko na ang kanyang mga labi nang bahagya niya 'yong inangat at bumulong. "Our own version of the Titanic scene."

Dahan-dahan niyang inangat ang aming mga kamay at braso. I let him spread our arms open, as if hugging the midnight breeze, as if hugging the world.

Awtomatiko ang ginawang pangingilid ng aking mga luha. I realized that Jed was here supporting me, so I could spread my arms open like this for the world to see. And I felt so raw. I felt so exposed. Every wound I hid – old and new – reopened and bled.

"Ang ganda, 'di ba?" masuyong bulong ni Jed.

I could smell coffee from his breath, and it was tickling my emotions and imagination. Napapikit ako at tumango.

"I love you, Rhyne, with every beat of my heart."

True to his words, ramdam ko nga mula sa likuran ko ang malakas na pintig ng kanyang puso. Dumiin ang pagkakapikit ko ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin nagpaawat ang aking mga luha. I could feel my defenses crumbling down. Sasabog na yata ang puso ko sa dami ng gusto kong sabihin.

"You were right, Jed," lumuluhang bulong ko. "My mother's name is April... April Alicia. AA Perez."

Naramdaman ko ang pag-iiba ng tensiyon sa katawan niya. Ibinaba niya ang aming mga braso at mahigpit na niyakap ako mula sa likuran. Huminga siya nang malalim at naghintay ng susunod kong sasabihin.

"Both of my parents have month names, so they also gave me one. Kazandra May Rhyne P. Sandoval." Nagpatuloy ang mga luha ko sa pagpatak. Garalgal na ang boses ko sa pagpupumilit na magsalita nang maayos. "And I had it removed officially because I hate them so much..."

Napasinghap na ako sa sobrang pag-iyak. "I hate my mother so much that I had to get my hair straightened out every now and then because I look like her with my natural curls. I hate her so much, Jed!"

Sa kabila ng outburst ko, nanatiling tahimik si Jed sa likod ko. And it somehow helped and made me think that it was okay to tell the darkest secrets of my heart.

"She gave me wounds that are more painful than this scar," humihikbing sabi ko, referring to the three little messy circles below my shoulder blade. It was done by my mother with freshly lighted cigarettes. "She gave me wounds that are beyond repair and healing. I don't think I will ever heal, Jed."

Huminga siya nang malalim sabay haplos sa braso ko. Kahit may suot na coat ay ramdam ko pa rin ang init na nagmumula sa mga palad niya. Iniharap niya ako sa kanya at buong pag-iingat na pinunasan ang aking mga luha.

I was slowly panicking because I thought he didn't believe me. "She's a monster, Jed! And I'm her daughter. I'm going to be like her later on, whether I like it or not!"

"Shh... No, baby. No," bulong niya habang patuloy sa pagpupunas ng aking mga luha. He cupped my face after that. "She's not you, okay? Listen to me. You won't be like her."

I desperately looked directly into his eyes, as if I'd die if I ever looked away.

"Please listen to me, Rhyne, okay? You are only Rhyne to me. You are in every beat of my heart. You—

As if looking at him wasn't enough, I removed my eye glasses, tiptoed and kissed him hard.

Like it was my lifeline. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top