Chapter 9: Strike Three
Year: 2012, Metro Manila (Present)
"I'm Peter Ibarra," pakilala ni Peter. Marahan niyang inabot ang kanyang kamay upang kamayan si Adam. "I'm a friend of the owner. Pasensya na, walang babaeng nagngangalang Apple dito."
Nagpanting ang tainga ni Adam nang marinig ang pamilyar na pangalan ng kausap nito. Tinignan ni Adam nang masama si Peter at mabilis siyang pumasok sa condo. Agad na inilapag ni Adam ang mga gamit nito sa gilid ng sala at akmang pupunta sa kwarto ni Noah.
Inaalis na ni Adam ang jacket niya bago pumasok ng kwarto nang pigilan siya ni Peter. Nagulat si Peter sa binatang biglang umentrada sa unit ni Noah. "Woah! Teka lang! Sino ka ba? Bakit ka bigla-biglang pumapasok dito?" tanong nito.
"Tsk! I'm Adam," pakilala ng kanyang kausap. Halata ang pagkabanas sa mukha nito. Tuluyan nang nahubad ni Adam ang jacket niya at nais na nitong magpahiga dahil pagod na ito sa layo at tagal ng kanyang biyahe. Nais sana nitong sorpresahin si Noah dahil mas maaga itong umuwi kaysa sa sinabi niyang araw ng kanyang pagdating. Muli niyang tinitigan nang masama si Peter na nakatayo sa gilid ng pinto.
"Ah, ikaw pala ang Kuya niya," saad ni Peter. Masaya ito sa pag-aakalang kapatid ni Noah ang kaharap niya ngayon. Naalala nito na ilang beses binanggit ni Noah ang mga katagang 'Kuya Adam' sa pagpasok nila sa condo. Agad na binuksan ni Peter ang pintuan ng kwarto upang papasukin si Adam. "Sige, Kuya. Pasensya ka na, medyo naparami lang siya ng nainom."
"Anong Kuya ang pinagsasabi mo?" naiiritang tanong ni Adam. Akala nito ay inaasar siya ni Peter. Naalala nito ang taong sumingit sa usapan nila ni Noah sa telepono kaninang umaga. Ang lalaking malambing kung makipag-usap kay Noah. Kahit nasa kabilang linya ng telepono habang kausap ang kanyang nobyo, ramdam ni Adam ang pagkagusto ni Peter kay Noah habang inaalok itong lumabas. At ngayon ay kaharap na niya ito, kanina pa niya gustong upakan mula nang magpakilala ito sa kanya.
"Kanina pa niya kasi sinasabi ang pangalan mo. Akala niya ikaw ako. Inaabutan niya ako ng mga damit kanina habang lasing pa," paliwanag ni Peter.
Walang pag-iimbot ay agad na pumasok si Adam sa loob ng kwarto. Tumambad sa kanya ang ang mga nagkalat na damit ni Noah sa ibaba ng kama. Marahang inangat ni Adam ang kanyang mga mata at nakita nito ang walang pang-itaas na si Noah na mahimbing na natutulog. Nakita nito ang nakataob na picture frame nilang dalawa ni Noah sa gilid ng kama.
"Tarantado ka!" sigaw ni Adam. Hinatak nito si Peter palabas ng kwarto. Hinawakan niya ito sa kwelyo sabay isinandal sa pader sa sala. "Anong ginawa ninyong dalawa?"
"Teka lang!" bulyaw ni Peter. Dahan-dahan siyang inangat ni Adam sa pader. Pinilit kumawala ni Peter ngunit sadyang nanggigigil na sa kanya si Adam. Galit na galit ito at nanlilisik ang kanyang mga mata. "Pare, hindi ako makahinga! Huminahon ka muna."
Ipinikit ni Peter ang kanyang mga mata. Ang kanyang leeg ay naiipit sa pagitan ng mga kamao ni Adam na nakahawak sa kanyang kwelyo. Hindi mapigilan ni Adam ang kanyang galit. Kung anu-anong bagay ang naglalaro sa isip nito na maaring ginawa ni Peter at ni Noah habang siya'y wala. "Anong ginawa mo sa boyfriend ko?" sigaw ni Adam.
"Anong boyfriend? Si Ark ang boyfriend niya!" saad ni Peter. Nauubo na ito dahil sa ginagawa sa kanya ni Adam.
"Gago! Ako si Ark! Anong ginawa mo kay Apple? " bulyaw ni Adam. Nakalimutan na nitong halos silang dalawa lamang ni Noah ang nakakaalam ng tawagan nila sa isa't isa. Mas lalo nitong hinigpitan ang pangigigil kay Peter. Umaapaw na ito sa selos. "Bakit siya walang damit?"
"Uho! Wala akong kilalang Apple!" sigaw ni Peter. Nakapikit pa rin ito at mas lalo itong hindi makahinga. Gulong-gulo na ito sa mga sinasabi ni Adam.
Sa mga sandaling iyon ay nakalimutan ni Adam ang kakaiba nitong kakayahan. Ang galit na umaapaw sa kanyang puso ay tuluyan na niyang hindi nakontrol. Dala na rin ng pagod mula sa layo ng nilakbay nito at pangungulila para kay Noah na ilang buwan na niyang indi nakita, hindi na nakontrol ni Adam ang sarli niya nang mahaluan ng matinding selos ang kanyang nararamdaman. "Shit!" sigaw ni Adam.
Biglang nahulog si Peter mula sa pader. Tumagos ito sa mga kamao ni Adam na unti-unti nang nagiging transparent. Hinawakan ni Peter ang kanyang leeg. Pinipilit niyang huminga nang maayos habang nakasara ang kanyang mga mata.
Napatingin si Adam sa kanyang likuran at nakita nito ang nakabukas na kwarto ni Noah. Mabilis itong tumakbo sa loob ng kwarto at isinarado ang pinto. Naiwan si Peter sa sala at inaayos ang sarili nito. Panay hawak si Peter sa kanyang leeg hanggang sa makahinga na siya ng maayos. Umuubo itong tumayo. "Adik ka ba? Muntikan mo na akong mapatay!" sigaw ni Peter. Pagmulat nito ng kayang mata ay wala na si Adam sa sala. Ikinalat nito ang kanyang mga mata ngunit hindi nito matagpuan ang lalaking halos gumulpi na sa kanya. Pumunta siya sa banyo at sala ngunit hindi niya natagpuan si Adam kahit saan. "Nasaan na 'yon?"
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 2006, Batanes (Please refer to Book 1, Chapter 27: Mga Kababata ni Noah Part 2)
Nahulog si Adam sa loob ng kumpisalan ng isang simbahan. Sa loob ng silid ng kung saan umuupo ang Pari siya bumagsak. Wala siyang suot na kahit ano. Iginala ni Adam ang kanyang tingin upang alalahanin kung saang lugar siya napadpad. Wala siyang makita kundi apat na sulok na pader na gawa sa kahoy. Amoy mula sa kanyang pwesto ang usok ng insenso galing sa labas at ang mga lumang papel ng Biblia na makikita sa loob ng kwarto. May naririnig siyang nagsesermong Pari sa labas. Napansin ni Adam ang isang pinto sa kanyang harapan. Akmang bubuksan ni Adam ang pinto ng kumpisalan ngunit narinig niya ang boses ng maraming tao na nagsisimba sa labas. Napaupo si Adam at ni-lock ang pinto.
Ilang minuto pa ay nagsimulang kumanta ang choir. Mula sa munting tinig ng mga Alto sa harap ay nagsimulang gumala sa kisame at mga salamin ng simbahan ang mga himig ng koro. Natigilan si Adam. Nagsitayuan ang mga balahibo nito. Bagamat iba't ibang boses ang umaawit sa koro ay nabosesan ni Adam ang boses ng batang Noah mula sa 2006.
"This voice. This place," bulong ni Adam. "This was the day I attended the church with his Dad and Lola Maring when I visited him in Batanes."
Napasandal si Adam sa loob ng kumpisalan. Ang init ng kumukulo niyang dugo mula sa panggigigil nito kay Peter kanina ay kusa nang naglaho nang marinig niya ang magandang boses ng mas batang si Noah. Pinilit niyang huminga nang malalim upang mas lalo siyang kumalma. Napatingin si Adam sa kisame nang maalala nito ang mga pinaggagawa niya kay Peter. Napatingin siya sa kanyang kamay at nanginig sa takot.
"Shit! What have I done?" saad ni Adam. Nakunsensya ito sa ginawa niya kay Peter.
Hindi namalayan ni Adam na tapos na kumanta ang koro at nagpapalakpakan na ang mga tao sa labas. Sa mga oras na ito ay tumatakbo na ang mas batang version niya papuntang kumpisalan upang magtago dahil mag ti-time travel na rin ito pa punta sa ibang panahon. Bigla itong pumasok sa kabilang kwarto. Sinilip ito ni Adam habang unti-unti itong naglaho sa kabilang bahagi ng kumpisalan. Ilang sandali pa lamang ay may narinig si Adam na nagtatangkang buksan ang kwartong kinalalagyan niya. Buti na lang ay na-lock niya ang pinto. Maririnig ang hakbang ng tao sa labas papunta sa kabilang panig ng kumpisalan.
"Ark?" tanong ng mas batang Noah habang marahan nitong hinahawi ang kurtina kung saan nagkukumpisal ang mga tao. Sinilip ni Adam ito mula sa kabilang kwarto, kitang-kita niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang batang nobyo.
"Noah," bulong ni Adam sa kanyang sarili. Gusto sana niyang yakapin ito ngunit nag-alangan siya dahil baka makita siya ng mga tao sa labas. Muling nagtago si Adam at matiyagang naghintay. Naghintay sa oras na babalik ito sa kasalukuyan, sa 2012 kung saan mahimbing na natutulog sa kwarto ang kanyang kasintahan. Napaupo sa loob ng kumpisalan ang nakahubad na si Adam. Sinubukan nitong buksan nang kaunti ang pinto upang silipin ang mas batang Noah. Nakatalikod si Noah. Halatang binabantayan nitong maigi ang kabilang kwarto. Nakakunot ang mga kilay nito at halatang natatakot at nag-aalala para sa kanyang kasintahan. Ang kulay kape nitong mga mata na halos maluha-luha na dahil hindi nito alam ang gagawin kung sakaling may biglang magpumilit pumasok sa loob. "God, I wish I could hug you right now. You poor thing," saad ni Adam.
Matagal nitong tinitigan si Noah. Ang galit at puot sa puso ni Adam ay tuluyan nang nawala nang bumalik sa kanya ang ala-ala noong araw na iyon. Nakatingin si Adam kay Noah habang abot tainga ang ngiti nito mula sa loob ng kwarto. Ilang minuto pa lang ay may narinig nang kumakaluskos si Adam sa kabilang silid. Muli niyang sinarado ang pinto at sinilip ang kabilang kwarto. Nakita niyang nagbibihis na ang batang version niya. Nang matapos ito ay mabilis na hinatak ng batang Adam si Noah papasok sa loob.
"Hey, are you okay?" sabi ng batang Noah sa batang Adam habang yakap-yakap siya nito. Wala na ang pag-aalala sa mukha ni Noah. Masaya itong makitang ligtas na nakauwi ang nobyo niya.
"Shh! Be still. Just let me hug you," pakiusap ng batang Adam. Nakatayo lang si Noah habang nababalot ito sa matipunong katawan ng kanyang nobyo. Nakayakap pa rin sa kanya si Adam at muli itong nagsalita. "I just wanna say I love you. I'm sorry for being so grumpy lately. And, I wanna thank you."
Ang Adam na nagmula sa 2012 ay masaya silang pinapanood mula sa kabilang kwarto. Umaapaw sa tuwa ang puso nito habang unti-untng naglalaho pabalik sa hinaharap.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 2012, Metro Manila (Present)
Marahang pumunta si Peter sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Noah. Nagdadalawang isip ito kung papasok ba siya. Natatakot ito at maaring nasa loob si Adam at salubungin ito ng sapak. Napalunok si Peter, pinihit niya ang door knob at marahang tumingon sa loob ng kwarto. Mula sa kanyang kanan ay mahibing pa ring natutulog si Noah. Iginala niya ang kanyang mata papunta sa kaliwa. Natagpuan ni Peter na nagkalat ang mga suot ni Adam sa tapat ng cabinet. Pinuntahan nito ang natutulog na si Noah.
"Noah, gising!" sabi ni Peter. Pinipilit nitong gisingin si Noah dahil hindi nito mahanap si Adam sa buong unit. Nag-aalala ito at baka mapano si Adam dahil bigla itong nawala habang nag-aamok. "Noah, gising! Nawawala ang Kuya mo. Baka mapaano iyon."
"Sinong Kuya?" tanong ni Noah. Pawala na ang kalasingan nito. Nakita niya si Peter na nakaluhod sa kanya at gulo-gulo ang damit nito. "Oh, anong nangyari sa iyo?"
"Ang Kuya Adam mo, dumating kanina. Nagalit nang makita kang lasing at walang damit," saad ni Peter.
Marahang umupo si Noah. Medyo nahihilo pa ito. Napatingin ito sa sahig ng kanyang kwarto hanggang sa makita niya ang mga nagkalat na damit ni Adam at ang puting trunks nito sa tapat ng cabinet. "Ark?"
Napatingin si Noah kay Peter, kita nito ang pag-aalala sa mukha ng kasama niya. "Bigla siyang nawala sa sala kanina habang ibinibitin ako. Pagmulat ko ng mata ko, wala na siya sa sala. Iyang mga damit na lang niya ang naiwan sa loob ng kwarto," paliwanag ni Peter.
Tatayo na sana si Noah upang hatakin palabas si Peter bago pa bumalik si Adam.
Ngunit huli na ang lahat.
"One of perks of this is I get to go down the memory lane, literally," sabi ni Adam habang unti-unti na itong sumusulpot sa kasalukuyan. Maririnig ang tawa nito sa buong kwarto na parang multo. Tuwang-tuwa ito dahil sa lugar at panahon na kanyang napuntahan. Marahan itong lumilitaw sa tapat ng cabinet.
"How did he..." saad ni Peter habang nakaharap pa rin kay Noah. Lilingon na sana ito sa kanyang likuran nang pigilan ito ni Noah. Mabilis na hinawakan ni Noah ang magkabilang pisngi ni Peter upang hindi ito tuluyang makalingon at makita si Adam na marahang lumilitaw sa ere. "Teka lang Noah, paano siya nakapasok dito sa..." giit ni Peter habang pinipilit nitong lumingon.
Biglang hinalikan ni Noah si Peter upang hindi na ito tuluyang makatalikod at makita si Adam na unti-unting lumilitaw sa kasalukuyan. Natahimik si Peter at hindi na naituloy nito ang kanyang mga tanong. Nagulat ito at hindi makagalaw dahil sa ginawa ni Noah.
Samantala, sa tapat ng cabinet ay nakatayo na si Adam. Nakatitig ito sa kanilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top