Chapter 7: Strike One
Year: 2012, Metro Manila (Present)
Ilang buwan ang lumipas. Nakatalikod si Noah sa salamin ng opisina niya. Makikita sa labas ang matatayog na gusali sa Maynila kasabay ng tirik na tirik na araw. Ilang buwan na ang lumipas matapos ang kasal ng ama nito at mas naging abala si Noah sa trabaho dahil na rin nasa honeymoon si Claude at Danilo. Sa loob ng opisina ay umiikot ang malumanay na boses ni Noah habang tuwang-tuwang kausap sa cell phone ang kasintahan nito.
"Like seriously, you almost got caught. Haven't there been any progress with Dr. Cornwell yet?" nag-aalalang tanong ni Noah kay Adam habang kinakamusta niya ito sa Filand. Naalala nito ang nangyaring paglaho ni Adam sa kasal. Hindi siya mapakali. Tatlong buwan na niyang iniisip kung kailangan niya bang lumipat ng opisina malapit kay Adam upang mabantayan niya itong maigi. Abala si Noah sa loob ng opisina niya at sinusubukan tapusin ang month-end report nila. Nagkalat sa lamesa nito ang mga files at folders na nakapaloob ang mga data ng mga proyekto nila sa nakaraang buwan.
"Meron naman. Nadala lang ako sa sobrang saya sa wedding kaya siguro nagkaganoon. And besides, if I didn't jump back, you would have not perfected that defense," sagot ni Adam habang nagbubuhat ng barbel sa loob ng kwarto nito.
"Perfected my ass. I almost got late because of you."
"Apple, ikaw iyong nagsabing you've been craving for me since 2007. Kasalanan ko bang hubarin mo lahat ng damit mo?" Tumatawa si Adam habang inaalala ang pag-atake sa kanya ni Noah habang wala siyang saplot sa kama. Namumula siya sa kilig tuwing sinasariwa ang araw na iyon.
"Oo na, isinuot ko rin naman ulit kasi bumalik ka agad sa kasalukuyan. Sa elevator na 'ko halos nagbihis." Pinagmamasdan ni Noah ang dagat sa malayo habang may mga eroplanong dumadaan sa mga maninipis na ulap. Ngunit tanging mukha ni Adam ang lumalabas sa kanyang isip.
Abala silang dalawa sa pag-uusap nang biglang kumatok si Peter sa pintuan ng opisina ni Noah. Agad itong pinapasok ni Noah ngunit nakalimutan niyang magpaalam sa kausap niya.
"Ah Noah, gusto mong mag lunch? I just passed my English Exam overseas. Tara, libre ko," yaya ni Peter. Nakasuot ito ng pulang polo shirt at bakat na bakat ang matipuno nitong katawan sa manggas ng kanyang suot. Nakatayo ito sa pinto at hinaharang ang katawan niya upang hindi na ito tuluyang magsarado.
"Wow, congrats! Pero nako Peter, marami pa akong tatapusin eh. Next time na lang siguro." Nakangiti si Noah habang binabati ang kausap nito. Masayang-masaya siya para kay Peter. Bagamat alam niyang may pagtingin ito sa kanya, hindi niya magawang ipagtabuyan ito dahil sadyang mabuting tao si Peter.
Nalungkot si Peter sa sagot ni Noah. Sadyang ginalingan niya sa kanyang pagsusulit upang magkaroon ng pagkakataong maksama itong kumain. Maigi na lang ay napaghandaan na rin niya ang isinagot ng kausap niya. "Kapag mabilis ka bang natapos, sasama ka na? Kahit dinner na lang. Samahan mo naman kami mag celebrate. Sige na, Biyernes naman."
Napakamot si Noah sa leeg nito dahil nahihiya na siyang tumangi sa empleyado niya. "Sige na nga. Kung maaga akong matatapos, in which I doubt."
"Sabi mo 'yan ha? Oh, check mo email mo," sabi ni Peter. Nakangiti na ito habang nakadungaw sa pinto. Lalo itong gumuwapo nang maglabasan ang mapuputi niyang ngipin.
Mabilis na binuksan ni Noah ang inbox niya. Isa-isa nitong tiningnan ang mensaheng galing sa mga importanteng tao. Sa bandang itaas nakita niya ang bagong padalang email ni Peter. "Bakit anong meron? Teka, anak ng! Ginawa mo lahat ito?"
Tumalbog sa tuwa ang puso ni Peter. Nakita niyang naglabasan ang dimples sa mukha ng kausap nito. Lalong gumuwapo si Noah nang halos abot tenga na ng ngiti nito. Kinikilig naman si Peter dahil alam niyang napaligaya niya si Noah sa ginawa niya. "Oo naman, basta ikaw. Tinapos ko na ang halos lahat ng report natin for this month. May presentation na rin diyan. Double check mo nalang kung gusto mo. But you know my records, I'm always 100% on the Quality Score. Sige na, see you tonight. Bye!" Nakangiting lumabas si Peter ng opisina.
"Who was that?" tanong ni Adam. Medyo masungit ang tono nito na maririnig mula sa bluetooth headset na suot ni Noah. Kanina pa nanggigitgit si Adam habang pinapakinggan ang boses ng kausap ni Noah na halatang may ibang intensyon sa kasintahan niya.
"Oh, nandiyan ka pa pala? That's Peter Ibarra ang top Architect namin," paliwanag ni Noah habang kinakalikot ang keyboard nito. Sinusubukan niyang aralin ang mga ipinadalabg mensahe at files ni Peter. Hindi nito napapansin na medyo nagmamataray na ang kausap nito. Sinusubukan niyang tapusin agad ang kanyang trabaho upang mas maakababad siya sa telepono kausap ang taong mahal niya.
"Top?" masungit na tanong ni Adam.
Napatigil si Noah sa ginagawa nito. Napansin niyang medyo masungit na ang boses ng kasintahan niya. "Bakit parang medyo iba ata ang tono mo? Anong meron?"
"Nagtataka lang ako kasi ang close niyo. Maka-yaya kumain kala mo boyfriend eh." Dinagdagan ni Adam ng mas mabigat na bakal ang barbel na binubuhat niya. Hindi ito mapakali sa kwarto dahil sa mga narinig niya kanina na usapan ni Noah at Peter.
"Ark, teka. Nagseselos ka ba?" tanong ni Noah habang iniikot ang upuan niya papunta sa salamin ng opisina. Mabilis niyang itinigil lahat ng ginagawa niya. Pinipigilan nitong tumawa. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o sisimulan niyang asarin ang kasintahan noya dahil ilang taon na rin mula ng magselos ito. Naalala ni Noah ang highschool life nila kung saan bantay-sarado si Adam sa kanya mula kay Bien.
"Bakit? Bawal ba? Hintayin mo ako riyan uuwi agad ako bukas. Makilatis nga yang 'top' na 'yan," saad ni Adam habang nanggigigil sa binubuhat nitong barbel. Tumatagaktak na ang pawis nito. Basang-basa na ang kanyang sando at pumuputok na ang mga muscles niya kakabuhat dagdagan pa ng inis niya sa taong kinusap ni Noah.
Natatawa pa rin si Noah sa kabilang linya at humirit ito, "Aysows, Adam Ambrosi. Alam mo naman." Nahihiya pa si Noah bago ituloy ang sasabihin nito. Nalala niyang baka lumaki ang ulo ni Adam kung pupurihin na lang niya ito basta-basta.
"Oh? Ano? Ituloy mo." Asar ni Adam.
"Do I really need to say it?"
"Yes," giit ni Adam. Napatigil ito sa pagbubuhat niya upang mapakinggang mabuti ang mga katagang nais niyang marinig mula kay Noah. Ang inis na nararamdaman niya ay may kasama ng pagtatampo dahil na rin sa pangungulila nito sa kanyang kasintahan.
"Hay nako, Ark. Alam mo namang ikaw lang ang 'Top' ko," sagot ni Noah habang nakatitig sa magandang view ng matataas na building at karagatan mula sa opisina niya. Namumula na ito sa hiya dala sa mga pinagsasasabi nito.
Nawala ang bugnot sa mukha ni Adam. Ang puso nitong kanina pa bubuwist ay unti-unti nang kumakalma matapos marinig ang mga katagang iyon mula kay Noah. Napangiti ito sa kabilang linya habang pinapakinggan ang hininga ni Noah. "I know Apple. Pero uuwi pa rin ako," sagot ni Adam. Yumuko naman ito at nagsimulang mag-push up. May bahid pa rin ng kaunting pagtatampo sa kanyang boses.
Ngunit mas lalong natuwa si Noah sa sagot ng kasintahan niya. Kahit alam niyang seloso ito, mas nangingibabaw ang pagngungulila niya rito kesa ang maiinis sa pag-aasal paslit nito.
"Okay, miss na rin kita eh," sagot ni Noah. May kaunting katahimikan mula sa kabilang linya. Hinihintay nitong sumagot si Adam ngunit tahimik lamang ito at napatigil sa pagpupush up niya. Napansin ni Noah na walang imik si Adam sa kabilang linya. "Oh, hindi ka sumagot na? Akala mo pipigilan kitang umuwi 'no? Uwi ka na rito, miss na kita agad," bola pa ni Noah.
Tuluyan nang nawala ang inis ni Adam. Napadapa ito sa sahig at itinigil na lahat ng ginagawa niya. "Asar. You really know how to make me blush ha?"
"Ark, kilala kita uy! Since 1996, kabisado na kita. Maghahanap pa ba ako ng iba? Duh?" nakangising sagot ni Noah.
Natawa si Adam sa kanyang narinig. Naalala nito ang mga ginawa niyang pag time travel pagpunta sa ilalim ng punong Narra sa nakaraang limang taon. Naalala ni Adam na madalas ang batang Noah ang nagbibigay sa kanya ng kung anu-ano tuwing nakikita sila sa ilalim ng puno. Tuwang-tuwa si Adam sa tuwing sa Batanes siya bumabagsak dahil nakakakulitan at natuturuan nito ang paslit na si Noah. "Fine. Apple, anong pasalubong you want from here?" tanong ni Adam na nakahiga na sa kama niya.
"You, I only want you," sagot ni Noah. Malumanay ang boses nito ang wala nang halong hiya. Ipinikit ni Noah ang mga mata niya upang tanging si Adam lang ang nasa isip nito. Naalala niya kung gaano siya kasaya noong bata pa siya sa tuwing nag-aabang siya sa ilalim ng puno. Napangiti si Noah nang mapansin niyang mahina nang tumatawa sa kabilang linya ang kanyang kasintahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top