Chapter 6: Tie the Knot

Year: 2012, Finland (Present)

"Paano ba itali 'to?" pinipilit ni Adam ayusin ang suot niyang necktie.

"Hay nako, amin ana nga yan," yaya ni Noah.

Pareho silang napaka gwapo sa suot nilang coat and tie na kulay abo. Lumapit si Adam kay Noah upang ayusin ang kurbata nito. Inangat ni Noah ang mata niya at napansin niyang nakangiti lamang sa kaniya ang kasintahan niya. Mabilis nitong kinalabit ang ilong ni Adam.

"Oh?" pagtaka ni Adam sa ginawa nito.

"Tignan mo 'tong ginagawa ko. Ituturo mo din sa 'kin to someday."

"Talaga?"

Napatingin muli si Noah kay Adam at nakangiti pa rin ito sa kanya. Natatawa nalang si Noah habang inaalala ang araw na natuto siyang magtali ng kurbata, "There, all set. Tara na!"

"Wait, 'yong violin mo..." mabilis na kinuha ni Adam ang biyulin sa sulok ng kwarto at sabay silang lumabas ng bahay.

Inaayos pa ni Noah ang pagkaka lagay ng brooch sa kaliwa niyang dibdib nang napukaw ang kanyang atensyon sa boses ni Adam, "So what do you think?"

"Huwaw!" maraghang inangat ni Noah ang kanyang paningin at manghang-mangha ito sa pagkakaayos ng buong venue. Gaganapin ang kasal sa gilid ng nagyeyelong lake. Nasa pampang ang mga upuan ng mga bisita. Nababalutan ang mga ito ng telang puti at mga bulaklak na cornflower, isang bulaklak na kulay asul na may napakagandang mga talulot.

Mula sa pampang ay may maikling tulay. Sa dulo nito ay may arko sa itaas ng tatayuan ng mga ikakasal. Marami ng bisita sa venue, kabilang dito ang ilang sa mga business partners nila Danilo at Claude. Nakaupo sa bandang harapan si Maring. Si Nico naman sy nasa gilid, nakaupo ito sa may piano kasama ng orchestra na tutugtog sa kasal.

"Ay, teka nga," natatawang bulong ni Nico. Nang makita nito na parating na si Adam at Noah sa gitna ng isle ay mabilis niyang pinatugtog ang piyesang pangkasal sa piano.

Tumigil ang oras.

Mabilis na nagtayuan ang mga bisita at napatingin sa paparating na sina Adam at Noah. Natigilan si Noah sa nangyari. Nilingon siya ni Adam at abot tenga ang ngiti nito. May mahinang sinag ng araw ay tumatama sa likod ng ulo ni Adam habang nakatitig sa kanya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Noah. Agad na hinawakan ni Adam ang kanyang kamay at nagsimulang maglakad pag punta sa gitna.

Nang mapansin ng mga bisita na hindi sila ang ikakasal ay nagsimulang matawanan ang mga ito.

"Nico!" sigaw ni Noah sa pinsan nito. Mabilis na nilingon ni Noah ang pinsan niyang bigay na bigay sa pagtugtog ng piano. Agad na tumakbo si Noah sa puwesto ni Nico at dalawa silang naghahabulan sa ibabaw ng snow.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na ang seremonya. Nasa ibaba ng arko sina Danilo at Claude habang nagpapalitan ng mga sumpaan nila sa isa't isa. Sa gilid ay nakapuwesto si Nico at Noah kasama ng iba pang miyembro ng orchestra nila.

"Sorry na, akala ko talaga kayo ang ikakasal," bulaslas ni Nico habang natatawa sa pinsan niyang si Noah.

"Baliw! Wag kang maingay, they're starting na."

Pinanood ng lahat ang pagsusumpaan nina Danilo at Claude. Nagpalitan sila ng mga matatamis na salita at singsing sa ibabaw ng yelo. Kumikinang ang mga butil ng tubig sa buong lawa. Ang kulay kahel na sinag ng araw ay unti-unti nang tumatalbog sa lahat ng puting makikita sa lugar na iyon.

Pinagmamasdan ni Noah ang Daddy niya habang tuluyan na nitong hinalikan si Claude matapos nilang magsumpaan sa isa't isa. Kasabay ng paghahalikan nilang dalawa ay ang pagtugtog ni Noah ng biyulin. Nagpalakpakan ang mga tao hanggang sa matapos tumugtog ang orkestra.

Sinundan ng tingin ni Nico ang mga bagong kasal habang naglalakad sila sa tulay. Kitang-kita ang mga masasayang mukha ng mga ito habang pinapaulanan sila ng mga talulot ng bulaklak.

"Hay, sana ganyan lahat. Oh pumunta ka na doon sa Daddy mo Noah.... Noah?" paglingon ni Nico kay Noah ay sa iba ito nakatingin.

"Huy! Earth to Noah! Tulala ka riyan!" saad ni Nico habang kinakalabit ito.

"There Nico, look!" mabilis na itinuro ni Noah ang mga pine trees na natatabunan ng snow. Nakatitig si Noah sa isa sa mga puno.

"Oh, anong meron?" usisa ni Nico habang sinusundan ng tingin ang daliri ni Noah.

"Ayon, ang mga kwago na kinukwento ko sa 'yo. 'Di ba ang ganda?"

"Ha? Wala naman."

"Meron, isuot mo kasi ang salamin mo. Apat, kulay puti."

"Gagi, naka contacts ako. Wala nga!"

"Hay nako, baka masyado lang malayo kaya 'di mo makita."

"Tsk! Kung saan-saan ka nakatingin. Doon ka sa bagong kasal lumingon!"

Inikot ni Noah ang paningin niya sa puwesto nila Danilo. Sobrang saya ng nga ito habang naglalakad na malapit sa mansion. Ang mga bisita ay nakaharap sa kanila.

Napansin ni Nico na wala si Adam sa kumpulan ng mga tao, "Oh Nasaan ang boyfriend mo?"

Ibinalik ni Noah ang tingin niya malapit sa lawa. Nakita nito si Adam na tumatalon sa tuwa. Naiwan si Adam sa bandang harapan habang nagkakagulo ang mga tao sa malapit sa bagong kasal. Mag-isa si Adam sa puwesto nito. Masaya itong pinagmamasdan ni Noah habang nakatitig sa pinakamasayang araw ng Uncle Claude niya.

Nang biglang...

"Oh shit!" kabadong bulong ni Noah.

Nagulat si Nico sa sinabi ng pinsan niya, "Ha?"

Mabilis na napatakbo si Noah sa puwesto ni Adam. Hindi namamalayan ni Adam na unti-unti na siyang naglalaho. Ang emosyon nito mula sa sobrang tuwa ay nagtrigger ng kanyang magiging pagtalon sa ibang panahon.

Habang abala ang lahat sa bagong kasal ay mabilis na hinatak ni Noah si Adam sa kinatatayuan niya.

"Oh, bakit?" taka ni Adam.

"Tanga, nagiging transparent ka na!" naiinis na sumbat ni Noah. Nagmamadali ito sa paghatak sa kanyang kasintahan sa ibabaw ng snow.

"Ay tangina, bakit di ko man lang naramdaman?"

"Abnuy, sa sobrang tuwa mo!"

Mabilis na hinatak ni Noah si Adam papunta sa tumpok ng mga pinetrees na nasa gilid lang nila. Napabuntong hininga ito, "Muntik na yun."

Paglingon ni Noah sa tabi niya ay wala na si Adam. Nagkalat na ang mga damit nito sa ibabaw ng snow.

꧁༒༺🦉༻༒꧂

Year: 2009, Metro Manila

"Badtrip! I'm gonna be late!" saad ni Noah habang may nakasalpak pang toothbrush sa bibig niya.

Dalawang taon matapos magtapos sa highschool ay abala na si Noah sa pag-aaral ng Architecture sa kolehiyo. Sa isang sulok ng kanyang kwarto ay makikita ang isang lamesa na puno ng mga drawing at iba't ibang gamit sa pagguhit. Maayos ang pagkakaligpit ng mga ito.

"Ano nga ulit 'yun? Tiles, stairs and Bedroom adjacent to the bathroom," bulong ni Noah habang inaalala ang mga inaral niya.

Muli siyang bumalik sa banyo upang magsipilyo. Nagmamadali si Noah sa kanyang pagbihis. Nagkalat ang mga gamit nito sa kama ng condo niya habang sinisimulan na niyang patuyuin ang kanyang buhok. Matapos siyang magsipilyo ay nakatapis pa itong bumalik sa kwarto.

"Huoy! What the F*ck?" mura ni Noah nang makita nito si Adam sa harapan niya.

"Hello!" bati ni Adam mula sa 2012.

Mabilis na napatalon si Noah upang daganan ang nakahubong si Adam.

"Sinabi naman sayong sabihin mo lahat ng magiging time travel mo eh! Wah! May defense pa ako today! Nakakiinis!" magkahalong galak at inis na saad ni Noah habang naka dagan sa boyfriend niya.

"Ayoko nga. Hindi na kita masusuprise gaya nito diba?"

"What year are you from?"

"From 2012, and today is?"

"March of 2009. So how is everything out there?"

"Great! I just came from a beautiful wedding."

"Wow! Whose wedding?"

"Secret. Basta some people important to us."

Natigilan si Noah nang mapansin nitong walang suot ang boyfriend niya. May unti-unting tumitigas sa pagitan ng mga hita nito, "Huoy! Ano yan? Libog mo!"

"Sorry, we  haven't had one in months from where I'm from," paumanhin ni Adam.

"So do you want to uh..." yaya ni Noah

"Wala ka bang lakad?"

"Fudge!" mabilis na napatayo si Noah. Naalala nito ang defense na kailangan nilang gawin sa paaralan.

"Oh dali na! Ano pang hinihintay mo?" sambit ni Adam sa kanya.

"Umalis ka muna dyan. Wah! Gusot na yung mga damit ko!" mabilis na hinawi ni Noah ang nakahuband na si Adam.

"Eh ikaw kasi dinaganan mo ko!"

"Can you put some clothes on? Kumuha ka nalang ng damit ko sa closet."

"Ayoko nga!"

Mabilis na dumapa si Adam sa kama. Kitang-kita ni ni Noah ang matambok na puwet nito.

"Nakakiinis!" natatawang sigaw ni Noah habang nakatingin sa kama. Pinilit ni Noah magbihis ngunit naiilang ito sa nakadapang si Adam. Napapatitig si Noah sa makinis at matipunong katawan nito. Dahan-dahan niyang ikinalat ang kanyang mga mata mula sa puwet ng kanyang kasintahan, papunta sa matikas nitong likod hanggang sa mapatingin ito sa napaka gwapo niyang mukha. Abot tengang nakangiti sa kanya si Adam.

"Ark! Umayos ka nga!" kinikilig na sinabi ni Noah sa nakangiting lalaki sa harap niya. Kumuha si Noah ng unan at hinagis sa boyfriend nito. Mabilis naman itong sinalo ni Adam at inunanan.

Matapos ang ilang segundo ay nakasuot na si Noah ng bughaw na long sleeve at itim na pantalon. Sinusubukan nitong ayusin ang necktie niya.

"Siyan ga pala, you're professor will ask you the alternative materials for the wall ng design nyo," bilin ni Adam nang maalala nito ang ilan sa mga kwento ng present Noah.

Mabilis na kumuha si Noah ng papel at sinumulang ilista ang mga sinasabi ni Adam, "Dali, hindi naisip ng grupo namin yan. Ano pa ang mga tanong mamaya?"

Natatawa na lang si Adam habang binibigay nito ang mga lalabas na tanong sa mangyayaring defense ni Noah. Matapos aralin ang papel na hawak niya ay bumalik si Noah sa pag-aayos ng kurbata nito.

"Do you need help with that?" alok ni Adam.

"Weh? Marunong ka?"

"Oo naman, halika dito, dali."

Napaupo si Adam at itinakip nito ang unan sa alaga niya. Nakayuko si Noah sa kanya habang inaayos nito ang kurbata niya.

"Kakaturo mo lang sakin to kanina before the wedding eh..." saad ni Adam.

Nakatitig lang si Noah sa kanya habang tinatapos nito ang pagtali sa necktie. Pinagmamasdan ni Noah ang napaka among mukha ng boyfriend nito. Lagpas isang taon na din niya itong hindi nakikita matapos grumaduate sa Saturnino High School.

"There, all set!" napatingala si Adam at kitang-kita nito ang mabibilog na mga mata ni Noah. Tapos na sila sa kanilang ginagawa ngunit nakayuko pa rin ito sa kanya.

Bigla siyang hinalikan ni Noah.

"Hala! Yung defense nyo!" gulat ni Adam sa ginawa nito.

Mabilis na inalis ni Noah ang pagkakatali ng necktie niya at sinumulang alisin ang pagkaka butones ng kanyang damit.

"Just a few more minutes, I've been craving for you since 2007," saad ni Noah habang tinutulak pahiga si Adam sa kama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bl#bxb