Chapter 3: When the Wing Falls

Year: 2012, Metro Manila (Present)

"Sorry. Are you okay?" Agad na kumuha si Sky ng panyo sa kanyang bulsa at iniabot kay Nico. Tinatapik na ni Sky ang likod ni Nico sa pagtatangkang tulungan ito.

"Manliligaw?"natatawang tanong ni Nico. Hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig. "Potek, sorry may sago pa sa ilong ko. Shet, nalunok ko pa ata."

Napakamot na lang si Sky habang pinapanood ang katabi na isinisinga ang naiwang gulaman sa likod ng lalamunan nito. Ilang segundo pa ay napaayos na ng upo si Nico. Natatawa na lang ito sa itsura nilang dalawa.

"Cause of death ko, died from sago't gulaman," halakhak ni Nico. Napalingon ito kay Sky na hindi maintindihan ang itsura dahil halatang naiwan sa ere ang kanyang katanungan.

"So.... Puwede ba?" nahihiyang sambit ni Sky. Panay lamang ang kanyang yuko sa pagtatangkang itago ang pamumula ng kanyang mukha.

"Actually–" Nakangiti pa si Nico habang nakatitig sa nakayukong katabi nito. Agad siyang natigilan nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. "Hello? Oh, Jowa!"

Nanlaki ang mga mata ni Sky dahil sa kanyang narinig. Kitang-kita ang mga ngiti ni Nico habang kausap ang boses ng isang babae sa telepono.

"Dito nga sa Park malapit sa fountain... Ha? Malapit ka na? Nasaan?" dagdag pa ni Nico.Inikot ni Nico ang mata niya palayo kay Sky. Dahil sa hiya, marahang tumayo at na naglakad si Sky palayo.

"Badtrip, nakakahiya," bulong ni Sky sa sarili nito.

Hindi na napansin ni Nico na umaalis na ang kanyang katabi. Abala siya sa pagtanaw sa kabilang dulo ng parke. Nakita na niya sa likod ng fountain ang babaeng kausap niya sa telepono.

"Sige pupunta ako dyan," saad ni Nico. Nagagalak pa itong lumingon upang yayain si Sky patayo. "Wait lang, magpapaalam lang ako sa kasama ko. Sky tungkol sa–"

Nasa malayo na si Sky. Agad na inayos ni Nico ang mga gamit niya upang habulin ito. Patakbo na sana si Nico nang biglang sumigaw ang babaeng kausap niya habang papalapit na sa kanyang likod.

"Nicholas Leo Arroyo! Saan ka pupunta? Malalate na tayo!" bulalas ni Jowa.

Napatigil si Nico sa kinatatayuan nito. Nawala na sa paningin niya si Sky. Mabilis naman siyang nilapitan ni Jowa.

"Hay nako." Mabilis na ibinababa ni Nico ang telepono. Napabuntonghininga ito. Nakaramdam ng panghihinayang para sa dating kaibigan. "Oh well..."

"Sinong tinitignan mo dyan?" usisa ni Jowa. Nakatitig ito sa maraming tao na tinitignan ni Nico.

"Wala. Panira ka talaga ng love life, Joana." Dahil sa inis, mabilis niyang inakbayan ang babaeng kaibigan at inalis ang ponytail nito.

"Ano ba iyan? Angbuhok ko! Baklang 'to."

"Dapat lang sayo yan! Kailangan ipagsigawan buong pangalan ko sa park?"

"Tss! Sino ba iyong naka-formal na katabi mo kanina?"

"Isang taong madaling sumuko," tugon ni Nico. Natatawa nalang si Nico sa tanong nito. "Oh, nasaan na boyfriend mo?"

"Nasa school. Dala na niya ang chocolates and flowers para sa booth," masayang tugon ni Jowa. Pinagmasdan nito si Nico mula ulo hanggang paa. "Oh, isuot mo na 'to."

Inilabas ni Jowa ang dala nitong pink na sache na may nakasulat na "Mr. VALENTINE" at ipinasuot kay Nico.

"Hay, bakit ba kasi ako kailangan gumawa nito?" reklamo ni Nico. Dumadabog pa ang kanyang paa. Panay ang kanyang kamot sa ulo habang hinuhulaan ang mga ipapagawa sa kanya.

"Dahil ikaw ang pinakaguwapong lalaki na kilala ko." Nakangiti lang si Jowa habang ikinakabit nang mabuti ang sache ng kanyang kasama. Panay ang kanyang tingkayad maabot lamang ang kaliwang balikat ni Nico. "Hindi ba pamatay mo iyong Nico Pogi na tagline mo?"

"Marinig ka ng boyfriend mo," humahalakhak na tugon ni Nico. Panay naman ang hawi niya sa kanyang buhok at pagpagaypay ng kanyang pilik mata. Tuwang-tuwa ito nang tawaging pogi ng kanyang kasama.

"Okay lang, tanggap na din ni Osh," dagdag pa ni Jowa. Natatawa ito kay Nico na halatang inaangkin ang palayaw niya. "Hands down naman iyon. Besides, you're gay so you know... hindi mo papatulan ang mga girls mamaya sa school."

Mabilis na natunaw ang mga ngiti sa mukha ni Nico. Halos maluha ito sa kanyang narinig. Kinikilabutan si Nico habang pinapakingan ang sinasabi ng katabi. Naalala niya ang school project nila kung saan kailangan nilang makabenta ng maraming tsokolate sa Araw ng mga Puso

"Hay nako. Oh, nasaan ang kotse mo?" tanong ni Nico. Ilang minuto pa ay umalis na rin silang dalawa sa park.

***

Nasa pantry si Noah nang mapansin nito ang bagong dating na si Sky. Napaupo ito sa isang lamesa habang nagmumukmok. Tila isa itong bata na naagawan ng candy habang nakayuko sa lamesa. Panay ang kuyakoy nito at halatang nasa malayo ang iniisip.

Matapos magtimpla ni Noah ng kape ay tinabihan niya ito. "Hey man, you okay?"

"Yeah, I'm good. It's just that–" nauutal na tugon ni Sky. Nag-aalangan ba ito kung magkukuwento kay Noah.

"Tungkol sa pinsan ko ba ito?" Mabilis na humigop ng kape si Noah. Naghihintay sa magiging reaksyon ng kanyang kasama.

"Oh, hindi naman," mahinang tugon ni Sky. Lalong namula ang mukha nito.

"Oh, come on, Mr. Fajardo. I saw you both leave the building," tugon ni Noah. Nakatitig ito sa labas ng salamin. Inihipan niya muna ang kanyang iniinom bago muling higupin. "You've been asking about Nico since the first day you came to our business. You like him, don't you?"

Natahimik si Sky. Wala nang paglagyan ang kulay sa kanyang mukha. Kinalikot niya ang hawak niyang tsokolate na bigay ni Nico.

"Was I really that obvious?" nahihiya niyang tanong.

"Yup. Iba mga tinginan ninyo sa office kanina, eh."

"What do you mean 'NYO'? Ni ayaw niya nga ako tignan nang maayos habang nasa office siya kanina."

Napasandal si Noah sa kinauupuan nito. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang hindi mapakaling si Sky.

"That's exactly my point. Si Nico na ata ang pinakamaangas na taong kilala ko. Tinalo pa niya si Adam. Nahihiya lang iyon sa iyo."

"Eh ba't naman siya mahihiya sakin?" tugon ni Sky. Unti-unti na niyang naiaangat ang kanyang mukha.

"Ewan ko sa kanya," sagot ni Noah. Pinipigilan niya ang kanyang mga tawa. "By the way, did you try asking him out?"

"To be honest, I already asked him na."

"Asked him what exactly? On a date?"

"Kung pwede ba akong manligaw."

"And?" Sinimulang kunin ni Noah ang journal niya. Marahan niyang pinaglaruan ang mga papel nito sa kanyang mga daliri.

"He's already seeing someone," sagot ni Sky. Muling napayuko ito.

"Ha? Nico is single," bulalas ni Noah. Napahinto si Noah sa kanyang ginagawa. "He promised me that I'll be the first one to know when he starts dating."

"But he was talking with someone over the phone a while ago. Jowa nga ang tawag niya."

Nagsimulang ngumiti si Noah. Natatawa na lang ito sa itsura ni Sky.

"I think you got it all wrong," kanyang tugon bago muling humigop ng kape.

"What do you mean?" pagtataka ni Sky.

"I know Nico's friends. One of which he calls Jowa. That's short for Joana."

"Seryoso?" Nanlaki ang mga mata ni Sky at napatayo ito.

"Oo, Jowa has a boyfriend named Osh. They're probably busy right now for an event for Valentine's Day."

"Oh shoot! I screwed up!" bulyaw ni Sky.

"What do you mean?"

"I left him at the park! Dang it! He's prolly not there anymore!" Muling napaupo si Sky sa upuan nito.

"I think I know where he is," tugon ni Noah. Palihim itong kinikilig. Muling pinaglaruan ni Noah ang journal niya.

"Saan?" seryosong tanong ni Sky. Kumikinang pa ang mga mata nito habang nakaliyad kay Noah.

"He's in this certain school right now. Puntahan mo na, I'll text you the address," saad ni Noah. Mabilis na napatayo si Sky akmang tatakbo na sana ito palabas ng pantry. "Wait Sky!"

"Oh?"

"Here's a tip from me. Don't easily give up on Nico. Please?"

"I won't. Thanks, Noah."

Tuluyan na ngang lumabas ng patry si Sky. Matapos itext ni Noah ang address ng school kung nasaan si Nico ay may tinawagan ito.

"Hello Joana, I have a favor.... Oo..."

Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap sa telepono tungkol sa pabor na hiningi kanyang hiningi ay binuklat muli ni Noah ang kanyang journal. Abot tainga ang ngiti niya habang binabasa ang mga nakatakda.

***

Year: 1997, Batanes

"Aray ko, Dad!" sigaw ng batang si Nico. Tinatakpan niya ang kanyang puwet na namumula na sa kapapalo. "Wahhhh! Mommy!"

"How many times do I have to tell you? Hindi ka pwedeng maging bakla!" bulyaw ni Leon. Namumula ito sa galit. Hindi nito matanggap na mahilig maglaro mag-isa ang kanyang anak gamit ang mga manika at laruan ni Regina.

Hawak ni Leon ang isang sinturon. Suot naman ng batang si Nico ang mga pulang heels ng ina niya at may marka ng lipstick ang kanyang labi. Naglalaro mag-isa si Nico sa tapat ng bahay nila nang maabutan ito ng kanyang ama nagbibihis pambabae. Nagkataong walang ibang tao sa kanila at nasa Maynila naman ang kanyang asawa.

"Oh ano? Hindi ka parin magtatanda?" sugaw ni Leon. "Gusto mo pa bang ibitin kita patiwarik, ha?"

"Waaa... tama na po Dad, please!"

Sa malayo ay naglalakad si Noah at Danilo papunta sa bahay nila Leon. Nang makita nila ang pinapalong si Nico ay pareho silang napatakbo.

"Tito, tama na po," bulalas ni Noah. Agad niyang itinakip ang kanyang katawan sa pinsang mukhang kawawa.

"Leon! Ano ba iyan?" dagdag ni Danilo. Mabilis nitong inagaw ang pamalo at hinawakan ang kamay ng kapatid.

"Ito kasi, nagbabakabaklaan nanaman. Mabuti nang maituwid yan hangga't maaga pa," giit ni Leon.

"Ano bang problema mo sa mga bakla?" bulyaw ni Danilo. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Leon.

"Isa ka pa! 'Wag mo kong pakialaman sa pagdisiplina ko sa anak ko."

Nagpatuloy sa pagnatatalo si Leon at Danilo. Samantalang si Nico ay biglang napatakbo papunta sa malayo dahil sa sobrang takot nito. Sa kanyang pagmamadali ay hindi na siya nakapagsuot ng sapatos. Bamat iikaika ay hindi niya inalintana ang hapdi ng puwet makalayo lamang sa kanyang ama.

Agad itong hinabol ni Noah. Naabutan niya si Nico na umiiyak sa likod ng isang kubo. "Nico, tara, dali. Wala na ang Daddy mo."

"Ayoko. Papaluin ulit ako ni Daddy pag bumalik ako roon." Patuloy pa rin sa paghikbi si Nico. Nanginginig pa ito habang nakayuko sa isang sulok. Tinabihan ito ni Noah at sinimulang hawiin ang kanyang buhok.

"Taha na. Gusto mo sumama sa kin?" malambing na yaya ni Noah.

Basang-basa pa ng sipon ang mukha ni Nico habang unti-unti siyang lumilingon sa kanyang pinsan. "Saan tayo pupunta?"

"Puntahan natin iyong may magic. Doon sa punong Narra."

"Talaga? Si Kuya Magic ulit?" Napatigil na sa pagluha si Nico ngunit humihikbi pa rin ito.

"Oo, masaya roon. Malayo pa sa Daddy mo."

"Pero wala akong tsinelas. Naiwan sa bahay."

Mabilis na tumalikod sa kanya si Noah. "Eh 'di sumakay ka sa likod ko. Bubuhatin na lang kita."

"Hala, malayo iyon." Tumigil na sa paghikbi si Nico. Ngunit nanginginig pa rin siya sa takot.

"Okay lang, tara na. Wala na tayong oras," giit ni Noah. Binigyan niya ng malaking ngiti ang munting pinsan na panay ang hawak sa kanyang puwet.

Tinahak nila ang tagong ruta. Buhat-buhat ni Noah sa likod nito si Nico. Awang-awa si Noah sa kanyang pinsan. Ramdam nito ang takot ni Nico dahil nanginginig pa rin ito habang nakasakay sa kanyang likuran.

"Oh, ano, okay ka lang?" usisa ni Noah. Tahimik lang si Nico na nakasakay sa kanyang likod.

"Sana si Tito Dan nalang ang Daddy ko," mahinang bulong ni Nico. Pinipigilan nito ang mga luha habang naalala ang mga nangyari sa kanya.

"Hey, mahal ka naman ng Daddy mo" tugon ni Noah. "Tignan mo nga, he's been trying to get you into a good school abroad, hindi ba?"

"Eh, bakit niya ako pinapalo?"

Natahimik si Noah. Hindi rin niya alam ang sagot sa katanungang ito. Dahil ni minsan ay hindi siya pinagbuhatan ng kamay ni Danilo.

May biglang siyang naalala. "Nico, anong oras na?"

Napatingin si Nico sa kanyang relo. Bagamat hindi pa rin marunong magbasa ay sumagot pa rin ito. "Ang maliit na kamay ay nasa pagitan ng three at four. Ang mahabang kamay nasa three."

"Hala, 3:15 na! Fifteen minutes na lang darating na si Kuya Adam," bulalas ni Noah. Biglang nag-umapaw sa galak ang puso nito. "Kumapit kang mabuti at tatakbo tayo, ha?"

Humarurot ng takbo si Noah. Nagsimulang humampas ang hangin sa mukha ni Nico. Marahan nang ngumiti ito at natutuwa na sa pagbuhat sa kanya. Panay ang kanyang sigaw na tila nakasakay sa kabayo.

Ilang minuto pa ay nakarating na silang dalawa sa puno ng Narra. Bumaba si Nico at sinimulang punasan ang mga natuyong sipon sa mukha nito.

"Ha! Ha! There, Nico. Look!" Nakayuko naman si Noah dahil sa sobrang pagod.

Mula sa tapat nila ay unti-unting sumulpot sa ere ang nakahubad na si Adam.

"Yehey! Magic!" Nagsimulang pumalakpak si Nico. Nagtatatalon ito sa tuwa. Tula nababalot ang paligid ng puno ng liwanag na dala ni Adam.

"Noah," pagtawag ni Adam sa munting kasintahan nito.

Agad na pumunta si Noah sa gilid ng punong Narra upang kunin ang damit na tinabi niya. "Here oh, Kuya."

"Thanks, Baby Apple," saad ni Adam. Umaapaw ito sa tuwa dahil nakita niyang muli ang munting bersyon ng kanyang kasintahan.

"Sabi nang Noah eh!" naiinis na tugon ni Noah. Puro halakhak lamang ang isunukli sa kanya ng binata.

Habang nagbibihis si Adam, may kinuhang kahon ng first aid kit si Noah mula sa gilid ng puno. Isang bagay na itinabi niya bilang pagsunod sa mga nakasaad sa kanyang journal. Maingat niyang ibinigay ito kay Adam.

"Oh, para saan iyan?" usisa ni Adam. Abala ito sa pag butones ng kanyang polo.

"Ewan ko. Sabi mo sakin ihanda ko lang iyan sa araw na 'to para kay Nico."

Iginala ni Adam ang mga mata niya. Napansin nito si Nico na nakatayo sa isang gilid at pinapanood sila ni Noah. May mga pasa ito sa kamay. Mga kamay na iniharang nito sa paghambalos ni Leon sa kanyang puwet.

"Oh, sh*t!" sigaw ni Adam. Mabilis na kinuha ni Adam ang first aid kit at tumakbo papunta kay Nico.

"Hello po, Kuyang Magic," nakangiting bati ni Nico. May bahid pa ng sipon at natuyong luha ang pisngi nito. Pinilit niyang ngumiti at naglabasana ng ngipin niyang bungi.

"Hi Nico, gagamutin lang kita, ha. Ano bang nangyari sayo?" Pilit ang ngiti ni Adam kahit awang-awa ito sa paslit.

Hindi sumasagot si Nico. Lumapit sa kanila si Noah at ikinuwento nito ang nangyari.

"Walang hiya talaga yang... hay nako!" bulalas ni Adam nang malaman nito ang nangyari sa dalawa.

"Okay lang iyon kuya," pagsisinungaling ni Nico habang abala si Adam sa paggamot sa kanya.

"No, it's not okay," tugon ni Adam. Kinikimkim nito ang galit habang maingat ang bawat pahid ng gamot sa likod ni Nico. "Ayan na agad ginawa niya sayo ngayon pano pa kapag nagmahal ka na ng lalaki in the future."

"Baka hindi na po ako mag jojowa in the future." Mabilis na umiling si Nico. Para sa isang paslit, tila alam na nito ang kanyang tinutukoy. "Single na lang ako forever, baka paluin ulit ako ni Papa."

Napatabi si Noah sa kanya. Marahan nitong inayos ang magulong buhok ng kanyang pinsan. "Don't say that. Malungkot mag-isa."

"Okay lang yun, nandyan naman kayong dalawa lagi," malugkot na tugon ni Nico. "Sa inyo na lang ako lagi sasama."

"What do you mean?" usisa ni Adam.

"𝗜'𝗹𝗹 𝗵𝗲𝗹𝗽 𝗡𝗼𝗮𝗵 𝗳𝗶𝗻𝗱 𝘆𝗼𝘂 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝘂𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗞𝘂𝘆𝗮. 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘄𝗶 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗡𝗼𝗮𝗵 𝘀𝗮 '𝗸𝗶𝗻 𝘁𝗼𝗱𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗼𝘁 𝗺𝗼 𝘀𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗞𝘂𝘆𝗮 𝗔𝗱𝗮𝗺. 𝗔𝗻𝗱 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝘄𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗹𝗮𝗴𝗶, 𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗶."

Parang may mainit na hangin ang dumampi sa balat ni Adam. Unti-unti nitong naunawaan kung bakit na lang ganoon ka ingat sa kanila ni Noah si Nico.

Napaupo sa lupa si Adam. Pinahiga niya si Nico sa damuhan at pinasandal ang ulo nito sa kanyang hita. Ilang minuto pa ay nakatulog na rin si Nico dahil sa pagod at sakit ng mga pasa nito.

"Hay nako, kawawang bata ito," napabuntong hininga si Adam. Panay ang ihip ng hangi mula sa hilaga. Ang mga dilaw na talulot ng punong Narra ay nagsimulang umulan sa kanila.

"Kuya, magkakatotoo ba ang mga sinabi niya?" usisa ni Noah. Hindi nito maalis ang tingin sa pinsan na nakangiti habang humihimbing.

"Ang alin?" pagtataka ni Adam.

"That he will be forever alone?"

Nagsimulang ngumiti si Adam. Naalala nito ang ilan sa mga kuwento ni Noah sa hinaharap tungkol kay Nico. Ang mga binilin ni Noah kay Adam na iparating sa batang bersyon niya.

"Hindi magkakatotoo iyon," tugon ni Adam. Nakangiti ito habang hinahaplos ang buhok ni Nico. "Wait, nasaan ang journal mo?"

Inilabas ni Noah ang journal niya at kumuha ng ballpen.

"Okay, here's what you gotta do in the future," panimula ni Adam. Panay ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang mga isinusulat ni Noah. "First, write there the date February 14, 2012–"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bl#bxb