Chapter 23: Bato

Year: 2010, Metro Manila (Past)

"Sakay na dali!" bulalas ni Noah.

Nakasakay ito ng motor habang basa ng ulan. Ang kanyang itim na tuxedo ay sumisikip dahil sa daluyong. Ang kanyang magandang buhok ay tuluyan nang bumagsak habang ang mga ilang dalaga sa tapat ng paaralan ay nagtitilian sa kanyang itsura.

"Noah, si Dad-" Patuloy lang sa paghagulgol ang babaeng kausap ni Noah. Nakayuko ito sa tapat ng paaralan habang patuloy ang pagbagsak ng ulan.

"Ako ang bahala sa iyo. Dalian mo, sayang ang oras."

Agad na umangkas sa likod ng motor ang babae. Naiwang nagkalat ang mga gamit nito sa tapat ng paaralan. Wala itong ibang dala maliban sa cell phone na kanina pa may tumatawag.

"Ampon-" Natigilan ang babae sa kanyang sinasabi. Ang masungit nitong pag-uugali ay napalitan ng hiya habang humaharurot sila ni Noah sa masikip na trapiko. "Noah, bakit mo ako tinutulungan?"

"Ang dami mong tanong. Kumapit ka nang maigi," pagsaway ni Noah. Hindi nito inintindi ang unang salitang binanggit ng kasama niya.

Ilang minuto na silang nakahinto sa traffic. Malakas ang buhos ng ulan maging ang puting paldang suot ng babae ay basa na rin ng putik.

"Noah, baka hindi na tayo umabot," naiiyak na sinabi ng angkas ni Noah. Bagamat umuulan ay ramdam ni Noah ang mga hikbi nito sa kanyang likuran.

"Aabot tayo. Ako ang bahala sa 'yo," nakangiting saad ni Noah. Iniliko nito ang motor at pinaharurot sa masikip na eskinita.

Ilang minuto pa ay nakarating rin sila sa ospital. Naiwang tulala sa labas si Noah habang humaharurot papasok ang babaeng isinakay nito. Tinignan niya ang kanyang journal at tumingin sa orasan. Nakarating ito sa ospital sa eksaktong oras na itinakda ng tadhana.

***

Year: 2013, Metro Manila (Present)

Hindi lahat ng tao ay inuunawa ang pinagdadaanan ni Noah. Sa anim na kausap ni Danilo sa meeting room, may isang investor na ilang linggo nang nagrereklamo.

"Where the hell is the Country Head?" bulalas nito.

"I am so sorry. He is still in grief right now. Rest assured we'll do the project in time," paliwanag ni Danilo. Hindi na nito alam kung paano pa niya pakikiusapan ang ibang investors dahil sa mga nabinbin nilang proyekto.

Anim na buwan nang pinipilit pagkasyahin ni Danilo ang oras nito sa pagpapatakbo ng kumpanya at pagbisita sa mga proyekto nila sa ibang lugar. Ngunit hindi nito kayang pagsabayin ang mga site visit nito at ang halos- araw-araw na pakikipag pulong sa mga kliyente.

"He better be. Or else get someone who could assist you, Danilo," giit muli ng investor. "Malulugi ang kumpanya mo."

"If you have a problem with my cousin who is mourning, you may leave," saad ng mataray na boses na biglang pumasok sa opisina. Kulang na lang ay lumipad ang salaming gawa sa pinto dahi sa inis nito. "I can return your money with interest. In cash!"

Binagsak nito ang mga dala niyang file cases sa lamesa at hinarap sa nagrereklamong investor. Nang hindi na umiimik ang kanina panaghihinaing na kausap ni Danilo ay inalis ng babae ang suot nitong itim na salamin.

"Regina?" pagtataka ni Danilo.

"Tito Dan!" bulalas ni Regina. Mahigpit nitong niyakap si Danilo habang abot tainga ang kanyang mga ngiti.

Matapos ang pagpupulong ay nagtungo si Regina sa opisina ni Danilo upang mas makausap ito. Nadatnan niya ang kanyang tiyuhin na nakakunot ang noo habang tambad ang mga papeles sa kanyang harapan.

"You should get some rest. Nandito na po ako," bungad ni Regina. Ang damdamin nito ay naawa para sa tiyuhing ilang araw nang abala.

"Sorry, I had to call you for help-"

"It's fine," mabilis na tugon ni Regina. Ang masayang mukha nito ay biglang lumimlim nang maalala ang trahedya. "If I was Noah, I would be doing the same."

"I wish Noah could really see you right now," biro ni Danilo. Naninibago pa rin ito sa inikilos ng kanyang pamangkin.

"Was I that bad to him?" natatawang tanong ni Regina.

"Yes, you were," giit ni Danilo. "Hindi nagsusumbong sa akin ang anak ko pero alam ko ang kamalditahan mo."

Marahang naglakad si Regina patungo sa salamin ng opisina. Nakatitig ito sa buong Maynila. Pinagmamasdan niya ang mga gusali na tila malilit na bahay na lamang dahil sa taas ng kanilang opisina. Tinignan nito ang mga makakapal na ulap sa malayo. May mga pagkulog at kidlat mula sa mga ito. Halatang malakas ang buhos ng ulan sa dulo ng kanyang tanawin.

"When I was in college, the day that Dad had his heart attack, I almost never got to say my goodbyes," paliwanag ni Regina. Nalulungkot ito habang nakatitig sa papawirin. "Nico was already in the hospital with him."

Tahimik na nakikinig si Danilo. Maging sa kanya ay masakit ang araw na pagkamatay ni Leon ilang taon na ang nakakaraan. Nawala ito sa mundo na hindi sila tuluyang nagkaayos. Ang mga eksena nila sa ospital noong araw na iyon. Ang pagluluksa ng asawa nitong si Norma maging ang walang humpay na pagluha ni Nico.

"I was just done with my finals when I got the news that day. I was panicking to grab a taxi outside campus. Maldita nga siguro talaga ako. Binawian ako ng langit dahil wala na nga akong masakyan, bumabagyo pa," natatawang pagpapatuloy ni Regina.

Nakatitig pa rin ito sa malayo habang ginugunita ang araw na iyon. Iginala niya ang kanyang mga mata hanggang sa mapatingin sa mga mabilis na tumatakbong sasakyan sa ibaba ng opisina.

"Of all the people who helped me that day, he came," nakangiting saad ni Regina. Hindi nito mapigilang matuwa habag inaalala ang kabutihan ng kanyang pinsan. "Sa malakas na ulan ay biglang sumulpot sa harap ko si Noah. Nakasuot siya tuxedo na halatang kagagaling sa isa sa mga Violin recital niya."

Sa dulo ng highway ay napako ang tingin ni Regina sa malaking ospital. Nagsimulang lumuha ito.

"Pinasakay niya ako agad at humarurot kami sa gitna ng makapal na traffic," pagpapatuloy ni Regina. "Iniwan ko na halos lahat ng gamit ko noon sa tapat ng campus dahil sa pagmamadali namin. He has been counseling me along the way. Iyon na ata ang pinaka matagal at pinaka mabait na pakikipag-usap ko sa kanya."

Napalingon si Regina kay Danilo. Basang-basa ng luha ang mga mata nito ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti.

"I don't know how he did it. Nakaiwas kami sa traffic, kung paano niya nalaman kung saan ako makikita, tila may hinahabol siyang oras. Ah basta!" natatawang bulyaw ni Regina. "Because of Noah, I got to say my goodbyes to Dad."

Napangiti si Danilo sa pagtatapat ng pamangkin nito. Ang pamangkin niyang madalas tinatarayan ang kanyang anak.

"Noah is always full of surprises. Sana kung sa simula pa lang ay naging okay na kayo, malamang mas naging ka-close mo pa siya kaysa kay Nico," sabi ni Danilo.

"That's on me. I really wished I was nice to him sooner," giit ni Regina. Ilang minuto itong tahimik at inayos ang kanyang sarili. Lumapit ito sa lamesa ni Danilo upang usisain ang mga dokumento.

"About these, I'm really sorry I have to ask you to take over," paumanhin ni Danilo.

"Sus! Temporary lang naman. I'm sure Noah will be okay soon."

"Nah, I don't think so. Magkadugtong ang bituka nilang dalawa. Medyo matatagalan bago makaahon sa unos na ito ang anak ko."

Isinarado ni Regina ang hawak nitong dokumento. Inabot nito ang isang mansanas sa gilid na lamesa at umupo sa tapat ni Danilo. Kumuha ito ng laptop at sinumulang aralin ang iba pang kasalakuyang kaganapan sa kumpanya.

"Don't worry about Noah too much. I found someone from the States who could help," nakangiting sinabi ni Regina. Kumagat ito sa mansanas. Umaalingawngaw sa kuwarto ang malutong nitong tunog at matamis nitong amoy.

"Who?" pagtataka ni Danilo.

***

Palawan

Matiyaga pa ring nakaupo si Noah sa itaas ng batong kanyang tinamaan. Nakayuko ito habang nakadantay ang mukha sa kanyang mga tuhod. Anim na buwan na itong halos hindi umalis sa kanyang kinauupuan. Ang kanyang mga mata ay tila wala nang kislap habang nakatulala sa lumulubog na araw sa dulo ng dagat.

Ang buong paligid ay napapalibutan ng magagandang bulaklak at matataas na damo. Tila walang nangyaring aksidente sa malupit na bangin. Ang kalsada sa maayos nang nadadaanan ng mga sasakyan. Patuloy lamang sa pagtitig si Noah sa talampas. Naghahanap siya ng isang binatang maaring sumulpot na walang saplot.

Sa kanyang likuran ay may madilim na langit. Ilang minuto pa ay dumating na sa kanyang puwesto ang malakas na ulan na may kasamang mahinang kulog. Gaya ng batong kanyang inuupuan, walang kibot si Noah na nakatitig sa malayo. Ang ulan ang tanging bumabasa sa labi niyag tuyo at mata niyang naubusan na ng luha.

Ang kanyang mga blankong tingin sa kawalan ay tila ayaw suklian ng langit. Ang kanyang bigote at balbas ay tuluyan nang lumago kahihintay. Halos wala na siyang sapat na tulog. Sa nagdaang buwan ay hindi na ito halos umuwi sa Maynila. Upang makatulong, nagtratrabaho siya sa umaga at gabi. Ngunit, inilalaan niyang ang tanghali hanggang paglubog ng araw sa pagbantay sa bangin. Pagbantay sa milagrong kanyang hinihintay. Pagbantay sa pagbabalik ng nawawalang pag-ibig.

"Ang pag-ibig hindi napapagod pero ang katawan ng tao, oo," sabi ng pamilyar na boses na sumulpot sa gilid ng bato. May kasamang galak ang tono nito na tila ba matagal nang kakilala ang binata sa taas ng bato.

"Kuya Adam?" bulalas ni Noah bago pa lumingon. Sa matagal na panahon, ngayon na lamang ngumiti ito. Ilang buwan na siyang nagdarasal ng tulong mula sa isa sa mga bersyon ng kanyang nobyo sa hinaharap.

"Sorry, it's me," saad ni Peter. May dala itong payong at nakasuot ng puting sando. Ang kanyang malalaking braso ay pumuputok sa kanyang suot.

Mabilis na napukaw ang ngiti ni Noah at muling napatingin sa dulo ng bangin. Tila wala itong nakita at hindi man lang kinamusta ang taong dumating. Wala man lang itong reaksyon sa biglang pagsulpot ng katrabaho sa malayong probinsya. Sa malayo ay matatanaw ang kotse ni Peter. May hinanda rin itong tent sa kapatagan.

"If you're going to bring me back home. You're just wasting your time. Go back to the States, Mr. Ibarra," giit ni Noah.

Mabilis na umakyat si Peter sa malaking bato at tinabihan si Noah. Binuksan nito ang payong at sinilungan ang katabi.

"Who said I'm here to drag you back," sagot ni Peter. Ang puso nito ay nalulungkot sa itsura ng binatang kanyang iniibig. "Sasamahan kita rito."

Walang reaksyon si Noah. Nakatitig pa rin ito sa malayo habang ang buong paligid ay nagsasawa na sa amoy ng alimuong. Ang kanyang isip ay naubusan na ng ideya kung ano ba ang dapat niyang gawin. Ang kanyang puso ay pagod na sa matinding kalungkutan.

Ilang segundo lang ay unti nang lumulubog ang araw sa dagat. Hudyat na upang gawin ni Noah ang araw-araw niyang ginagawa sa bangin.

"AAADDDAAAMMM!" bulyaw ni Noah. "Adam, nandito ako. Umuwi ka na!"

Nagulat si Peter sa katabi nito. Hindi na niya kailangan ng paliwanag upang maunawaang araw-araw nang ginagawa ito ni Noah.

"Adam! Please!" sigaw ni Noah.

Umiikot sa madilim na paligid ang paos na boses nito. Boses ng binatang umaasa ng kasagutan sa kanyang pagpapagal.

"Umuwi na tayo sa Punong Narra!" bulalas ni Noah. Ang puso nito ay nalulunod sa dagat ng kalungkutan.

Gaya ng pagbagsak ng ulan sa paligid, nasaksihan ni Peter ang pag-apaw ng luha sa mata ng kanyang katabi. Ang maamo nitong mukha na ilang buwan nang walang maayos na tulog. Ang pisngi nitong malusog na ngayon ay puno na ng balbas. Ang dating matapang na mata nito na ngayon ay tila handa nang sumuko. Sumuko sa malupit na katotohanang wala na ang kanyang kasintahan.

Muling napayuko si Noah. Inipit sa kanyang dalawang tuhod ang kanyang ulo at humagugol. Gaya ng ilang buwang paghihintay, walang tumugon sa kanyang pasarin. Tanging kulog at kidlat lamang ang sagot ng langit sa kanyang mga hiyaw.

Humahagulgol pa rin si Noah nang biglang sumigaw ang katabi nito.

"Adam!" bulyaw ni Peter. Nakaunat ang kamay nito upang si Noah na lamang ang napapayungan. Nagsimulang bumuhos ang ulan sa kay Peter. "Umuwi ka na Adam! Pinapaiyak mo na si Noah!"

Napatingin sa kanya si Noah. Sa unang pagkakataon, matapos ang ilang buwan, nagsimulang bumalik ang kislap sa mata nito. Nakatitig ito sa kanyang katabi habang humihikbi at pinipigilan ang kanyang mga hagulgol.

"They all think he's dead," pagtatapat ni Noah. Kinakagat niya ang kanyang mga labi upang hindi tuluyang humagulgol.

"If you think he is alive, then I believe you," nakangiting tugon ni Peter. Sa likod ng kanyang ngiti ay matinding kalungkutan. Ang puso nito ay sumisikip habang pinagmamasdan ang binatang napabayaan na ang sarili. "Sasamahan kita rito hanggang kailan mo gusto."

Tuluyan nang lumabas ang mga malalakas na hagulgol ni Noah. Kusang bumuhos ang mga hinagpis na kinikimkim nito. Mga malalakas na hagulgol na wala siyang mapag-iyakan. Sa mga bisig ni Peter ay tuluyan siyang yumuko habang binabasa ng kanyang mga luha ang dibdib nito.

"Iiyak mo lang lahat, Noah," pagdamay ni Peter habang hinahaplos ang kulay tansong buhok ng binata.

***

"Sinong Adam ang sinisigaw ng mga 'yon?" tanong ni Tristan na naglalakad sa malayo. May dala itong basket na may laman na garapon ng kaong at makapuno. Patungo ito sa tindahan nila ng halo-halo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bl#bxb